"Pwede ba kitang tawaging Uncle... ulit?" Natahimik ako. Ilang segundo ang lumipas habang nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tila may kung anong humigpit sa aking dibdib sa simpleng salitang iyon.
Nanatili akong walang emosyon ang mukha bago ko marahang inalis ang kanyang kamay sa aking amerikana.
"You can call me whatever you want," malamig kong tugon.
"Just don't expect me to become the uncle you're hoping for." Kitang-kita ko ang bahagyang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. Sandali siyang napayuko bago muling tumingin sa akin. Ngunit sa halip na umatras ay ngumiti pa rin siya isang ngiting pilit na tila ayaw ipakitang nasaktan.
"Thank you... Uncle." Hindi ko siya itinama.Tahimik kong binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Get in." Agad siyang sumunod. Wala siyang ibang sinabi habang maingat na isinara ang pinto.
Huminga ako nang malalim bago umupo sa driver's seat.
I don't even know if my decision is right.Hindi ko alam kung tama bang kupkupin pansamantala ang dugo't laman ng mga taong minsang nagtangkang sirain ang pamilya namin. Ang apelyidong Suarez ang dahilan kung bakit maraming gabi ang ginugol ng mga Siaco sa galit.
At ngayon...Ako mismo ang nagdadala sa isa nilang apo at anak papunta sa sarili kong tahanan.
Tahimik ang buong biyahe.
Paminsan-minsan ay nahuhuli kong sumisilip si Sofia sa bintana. Halatang ngayon lang niya nasilayan ang ganitong bahagi ng siyudad. Lahat ng madaanan namin ay pinagmamasdan niya ang matataas na gusali, mga ilaw sa labas, at mga mamahaling sasakyan. Parang batang unang beses nakakita ng mas malaking mundo.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay pumasok ang sasakyan sa basement parking ng pribadong condominium kung saan naroon ang aking suite pad.
Huminto ang makina.Nauna akong bumaba.Ikinot ko ang susi sa aking daliri bago sinulyapan ang dalagita.
"Baba." Nagmadali siyang bumaba at tahimik na tumayo sa aking likuran.
Habang papasok kami sa lobby ay kapansin-pansin ang maruruming sapatos at kupas niyang damit na halos hindi bumagay sa marangyang paligid. Maraming mata ang napalingon sa kanya, ngunit wala akong pakialam.Sanay na akong pagmasdan ng mga tao.
Pagbukas ng elevator ay tahimik kaming pumasok.Kami lang ang sakay.Naririnig lamang ang mahinang ugong ng makina habang unti-unti kaming inaakyat sa pinakataas na palapag.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Sofia sa maliit niyang bag.
Nanginginig ang kanyang mga daliri.
Takot.Iyon ang malinaw kong nababasa sa kanya.
Maya-maya pa'y bumukas ang elevator.Diretso akong naglakad patungo sa pinto ng aking suite at inilapat ang fingerprint ko sa scanner.
Dahan-dahang bumukas ang pinto.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay agad kaming sinalubong ng tagalinis ng aking pad.
"Magandang gabi po, Señorito."
Ngunit natigilan si Aling Saning nang mapansin ang dalagitang nasa likuran ko.Lumipat-lipat ang kanyang tingin sa amin.Halatang naguguluhan.Hindi lingid sa kanya na bukod kina Mommy, Daddy, sa aking mga kapatid, mga pinsan, at girlfriend kong si Ingrid ay wala nang ibang taong nakakapasok sa lugar na ito.
Kilala niya akong metikuloso.
Ayaw kong may taong basta-basta pumapasok sa pribado kong espasyo.
Kaya ang makita akong may kasamang payat at mukhang bagong galing sa hirap na dalagita ay sapat nang dahilan upang mabigla siya.
Tahimik kong hinubad ang amerikana at iniabot iyon sa kanya.
"Ituro mo sa kanya ang kwarto niya."
Nag-aalinlangan niyang tinanggap ang amerikana bago muling tumingin kay Sofia.
"Señorito..." mahina niyang tawag.
"Kaano-ano n'yo ho ang batang ito?"
Hindi ko man lang siya nilingon.
"Don't ask questions." Bahagya akong huminto bago malamig na idinugtong,
"Just do what I've said." Agad na yumuko si Aling Saning.
"P-Pasensya na po, Señorito."
Lumapit siya kay Sofia at pinilit ngumiti.
"Iha, halika na. Ipapakita ko sa'yo ang magiging kuwarto mo." Nagulat ang dalagita.Ako muna ang tiningnan niya, tila ba humihingi ng pahintulot.
Hindi ko siya nilingon.
"Go." Mahina siyang tumango.
"Opo... Uncle." Muli kong narinig ang tawag na iyon.Sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya pinigilan.
Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang papalayong likuran hanggang sa mawala sila ni Aling Saning sa pasilyo.
Nang tuluyan silang mawala sa aking paningin ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
"What you're doing is extremely dangerous, Brix..." mahina kong bulong sa sarili.
Napaupo ako sa gilid ng kama at marahang napahilamos ng mukha. Ilang segundo akong nanatiling nakayuko habang pilit inaayos ang magulong isip.
Sa oras na malaman ng buong pamilya Siaco lalo na ni Daddy na ang apo ni Henry Suarez at anak ni Gregory ay kasalukuyang naninirahan sa ilalim ng aking bubong...
Hindi lamang si Sofia ang malalagay sa panganib...Pati ako.
Kilalang-kilala ko si Daddy tulad ko kapag tungkol sa pamilya, karangalan ng apelyidong Siaco, at sa mga Suarez...
Walang puwang ang awa sa kanyang puso.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang muling bumalik ang isang alaalang ilang taon na ang lumipas
Binatilyo pa lamang ako noon.
Tahimik akong nakatayo sa ikalawang palapag ng mansion nang huminto ang isang lumang sasakyan sa harap ng aming bahay.
Mula sa bintana ay nakita kong bumaba si Gregory Suarez.
Mukha siyang ilang araw nang hindi natutulog. Gusot ang kanyang damit, namumula ang mga mata, at sa likuran niya ay may isang batang babae,payat halos buto't balat.
Napakaluwag ng lumang bestidang suot nito, habang mahigpit na yakap ang isang kupas na backpack. Tahimik lamang siyang nakayuko at hindi man lang makatingin sa paligid.
Kung hindi ako nagkakamali...
Si Sofia ang batang iyon.
Ilang sandali pa ay pinapasok sila ng mga guwardiya matapos sabihin ni Gregory na may mahalaga siyang pakay kay Daddy.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit sinundan ko sila.
Huminto ako sa labas ng opisina ni Daddy.Bahagyang nakabukas ang pinto kaya malinaw kong naririnig ang bawat salitang binibitawan nila.
"Rex..." halos nagmamakaawang wika ni Gregory.
"Alam kong galit ka pa rin sa pamilya namin."
"Wag mong sayangin ang oras ko." matapang na sagot ni Daddy
"wala na akong mapupuntahan pa,kapalit ng gusto ko ihahabilin ko sa'yo ang bata," nanginginig na sabi ni Gregory.
"Gawin mo siyang katulong sa mansion. Kahit anong trabaho.lahat ay kaya nya,ibigay mo lang ang hinihiling ko,kapag hindi ako nakatikim ng droga ay mababaliw ako" Maging ako ay napalunok.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang iwan ng isang ama ang batang kasama niya dahil lang sa hindi nito makayanang bisyo kitang-kita ko ang desperasyon sa kanyang mukha.
"Please, Rex." pagmamakaawa niya
Napabaling ang tingin ko sa batang babae.Tahimik lamang siyang nakatayo sa sulok.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag habang nakayuko ang ulo.Hindi siya umiiyak.
Hindi rin nagsasalita.
Para bang sanay na siyang marinig ang usapang tila ipinagbibili ang kanyang kapalaran.
Ang sumunod na sandali ay mas nagpapasiklab pa sa pagitan nilang dalawa.Nagbago ang ekspresyon ni Gregory.
"Rex..."
"Ayokong magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa pamilya ninyo."
"Tandaan mong walang kasalanan ang bata! sa alitan natin! patay na ang ama ko! pera lang ang hinihingi ko! at ang kapalit ay ang anak ko! kung gusto mo ibenta mo!" sigaw ni Gregory.Doon tila sumiklab ang galit ni Daddy sa narinig niya mula kay Gregory.
"anong klase kang ama! sarili mong anak ipagbibili mo dahil lang sa bisyo mo!" sigaw ni Daddy
Napakuyom ng kamao si Gregory.
"Kung hindi mo siya kukunin at hindi mo ako bibigyan ng pera pwes wala ng dahilan para magtagal kami dito!",
Tumayo si Daddy.
Dahan-dahan niyang binuksan ang drawer ng kanyang mesa.
At inilabas ang kanyang baril.
Kasabay noon ay mabilis ding bumunot ng baril si Gregory.
Sa loob lamang ng isang iglap...
Nakatutok na ang kanilang mga armas sa isa't isa.
Napatakip ako ng bibig.
Hindi ako makagalaw.
Samantalang ang batang babae ay napasigaw sa takot at mahigpit na yumakap sa braso ni Gregory.
"Papa natatakot ako!" sigaw nito habang umiiyak.Ngunit tila walang narinig ang dalawang lalaki.
Matagal silang nagtitigan.
Hanggang sa malamig na nagsalita si Daddy.May kinuha siya sa drawer,limpak-limpak na salapi at itinapon sa pagmumukha ni Gregory.
"Hinding-hindi ako tatanggap ng kahit sino sa angkan ninyo Gregory! kunin mo lahat ng pera na yan at hwag na hwag na kayong magtangkang tumuntong sa pamamahay ko kundi papatayin ko kayo!"
sa boses at babala niya kay Gregory hindi ko kailanman nalimutan, binitiwan niya ang mga salitang hanggang ngayon ay malinaw pa ring umaalingawngaw sa isip ko.
"Walang isa sa angkan ninyo, Gregory, ang muling makakatuntong sa pamamahay ko.!"
Mabilis na pinulot ni Gregory ang mga perang nagkalat sa sahig at hinila nito ang batang babae palabas ng opisina ni Daddy.
Mula sa kinatatayuan ko ay nagtagpo sandali ang aming mga mata.
Takot.Pagkalito.At lungkot.
Iyon lamang ang nakita ko sa batang si Sofia bago sila tuluyang maglaho sa likod ng malaking pinto ng mansion.
Muli akong napabalik sa kasalukuyan.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko akalaing matapos ang ilang taon.Ang batang minsang itinaboy sa pamamahay ng mga Siaco...Ay siya ring batang ako ngayon ang kumukopkop...