Chapter 1

1574 Words
"Please... Uncle..." halos pabulong niyang ulit, paos na ang boses sa kaiiyak. "Natatakot po ako..." Parang may kung anong dahan-dahang bumiyak sa makapal na pader na itinayo ko sa paligid ng puso ko.Hindi iyon awa. At lalong hindi kapatawaran. Isa lamang iyong simpleng katotohanan... Ang dalagitang nasa harapan ko ay alam kong walang kinalaman sa mga kasalanang ginawa ng kanyang ama at lolo.Ngunit agad kong itinaboy ang isip na iyon.Parte pa rin ito ng pamilya Suarez dugo’t laman na nanalaytay sa kanyang kaugatan. Mariin kong inalis ang pagkakahawak niya sa aking amerikana. Napaatras ito ng isang hakbang. Unti-unting bumalot ang matinding takot sa kanyang mga mata. "Huwag mo akong tawaging Uncle." Malamig ang boses ko. "Wala akong relasyon sa'yo." bawat salitang binitiwan ko ay naging matalim na punyal na tumarak sa kanyang murang puso. Napayuko siya. Humigpit ang yakap niya sa teddy bear na tila iyon na lamang ang natitira niyang kakampi sa buong mundo. Tahimik itong napahikbi.Hindi nagsalita.Hindi siya nagreklamo. Tahimik lamang siyang umiiyak. Maging ang mga pulis at social worker na naroon ay hindi nakapagsalita. Lahat sila'y nakatingin lamang sa aming dalawa. Maging ang matandang lalaking kumausap sa akin kanina ay napapikit na lamang. "Mr. Siaco..." mahina niyang tawag. "Huwag ninyo pong idamay sa bata ang kasalanan ng angkan nila." Hindi ako lumingon. "Galit?" mapait akong napatawa. "Hindi mo alam ang sinasabi mo." Dahan-dahan akong humarap sa kanila. "Alam ba ninyo kung anong trauma ang sinapit ng ina ko sa kalapastanganan ng pamilya nya ha?" Walang sumagot.Tanging katahimikan ang namayani sa buong bahay. Maging ang mga pulis ay nagkatinginan na lamang. "Kung hindi dumating ang ama ko noong gabing iyon..." mariin kong saad habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamao, "baka ibang buhay ang kinahinatnan ng mommy ko."Napabuntong-hininga ang matanda. "Alam ko pong hindi sapat ang kahit anong paliwanag para mabawasan ang sakit na dinanas ng pamilya ninyo.Pero ang batang ito..." saglit siyang tumingin sa babae. "...siya man ay naging biktima rin." Napalingon ako sa dalagita. Tahimik lamang siyang nakatayo. Namumugto ang kanyang mga mata. Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. May mga bakas pa ng tuyong dugo sa laylayan ng kanyang damit. May pasa rin ang kanyang manipis na braso.Napakapayat sa tindig nito. Tila ilang araw na siyang hindi nakakakain nang maayos. Sa bawat segundo na lumilipas ay lalo lamang siyang lumiliit sa aking paningin. Isang babae walang kalaban-laban,nawalan ng ama. Nawalan ng ina.At ngayon...Pati ng tahanan.Hindi ko namalayang napakuyom ako ng kamao. "Ano'ng pangalan mo?" malamig kong tanong.Unti-unti siyang nag-angat ng tingin.Namumula ang kanyang ilong habang pinupunasan ang mga luha gamit ang likod ng kanyang maliit na kamay. "S- Sofia..." mahina niyang sagot. "Sofia Suarez po."Muling nanigas ang aking mukha nang marinig ang apelyidong iyon. Suarez...Apelyidong ilang dekada nang gustong mabura sa alaala ng pamilya Siaco.Apelyidong naging simbolo ng pagkakanulo, kasakiman, at karahasang sumira sa katahimikan ng pamilya namin . Ngunit habang nakatingin ako sa dalagitang iyon...Hindi ko nakita si Henry.Hindi ko rin nakita si Gregory. Ang nakikita ko lamang ay isang babae na walang ibang kasalanan kundi ang maisilang sa maling pamilya.Biglang lumapit ang isang babaeng social worker. "Mr. Siaco," magalang niyang sambit,. "kung hindi po siya kukunin ng sinumang kamag-anak ngayong araw, mapipilitan po kaming dalhin siya sa isang child care institution." Napatingin ang babae sa akin. Wala siyang sinabi.Hindi siya nagsumamo.Hindi na rin siya umiyak. Tahimik lamang siyang nakatitig sa akin.Ngunit ang katahimikang iyon ang mas lalong mabigat. Para bang tinanggap na niya ang posibilidad na wala na talagang pipili sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga. Nilingon ko ang matanda at seryosong nagtanong. "nasaan ang ibang kadugo niya?" matiim namang sumagot ang matanda. "Isa-isa na namin silang tinawagan Mr.Siaco,subalit ni isa ay walang may gustong kupkupin si Sofia,dahil na rin sa masamang record ng ama niya,natakot pong madamay ang ibang kadugo nila" Ibinalik ko ang aking paningin sa dalagita tulad kanina sa aking pagdating nanginginig pa rin ito sa harapan ko. Napapikit ako saglit.Dalawang alaala ang tila naglalaban sa loob ng aking isipan. Isa ang nagtutulak sa akin upang talikuran siya.Isa naman ang pilit na nagpapaalala...Na pwedeng hindi namamana ang kasalanan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.Diretso akong tumingin sa kanya.Hindi pa rin siya gumagalaw. Mahigpit pa rin niyang yakap ang lumang teddy bear. Para bang iyon na lamang ang natitirang mundo niya. At sa sandaling iyon... Hindi ko na alam kung ang taong dapat kong parusahan ay ang dugo niyang Suarez... O ang sarili kong damdamin para sa isang babaeng walang kasalanan. Lumipas ang ilang segundo. Walang nagsasalita.Maging ang mga pulis at social worker ay tila naghihintay sa magiging desisyon ko. Humugot ako ng malalim na hininga Nakatitig pa rin siya sa akin.Hindi na siya umiiyak.Marahil ay napagod na siyang umasa.Marahil ay nasanay na siyang tinatalikuran. Napabuntong-hininga ako. "Anong edad mo?" Mahina siyang napalunok. "Fifteen po." "Sino ang nag-aalaga sa'yo bago nangyari ito?" "Si Mama lang po..." "At ang papa mo?" Napayuko siya. "Lagi pong galit.Kapag umuuwi po siya... nagtatago lang kami ni Mama sa kwarto." Unti-unti akong napakunot-noo.Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon.Biglang nagsalita ang social worker. "Mr. Siaco... base sa imbestigasyon, ilang taon nang nakararanas ng domestic violence ang mag-ina. Maraming kapitbahay ang nagsabing madalas umanong lasing at marahas si Gregory." Napahigpit ang pagkakakuyom ko ng aking kamao. Parang hindi na ako nagulat. Tulad ng ama...Tulad din ng anak. Ngunit ang batang nasa harapan ko... Siya ang nagdusa sa mga kasalanang hindi naman niya pinili. Napansin kong nanginginig ang kanyang maliit na katawan. Hindi dahil sa lamig.Kundi dahil sa takot.Takot na baka muli na naman siyang iwan. Lumapit siya nang isang hakbang. "Un... Sir..." Mabilis niyang itinama ang sarili nang maalala ang sinabi ko kanina. "H-hindi na po kita tatawaging Uncle po."Napakurap ako. "Pasensya na po." ibinaling niya ang tingin sa sahig. "Hindi ko po alam na bawal." Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.Hindi ko inaasahang ang simpleng salitang iyon ang higit na magpapabigat sa pakiramdam ko. Humihingi ito ng tawad dahil lamang sa pagtawag ng 'Uncle.' Napailing ako.Napabuntong-hininga. Muli kong tiningnan ang paligid. Basag na mga larawan. Mga bakas ng dugo sa sahig. Mga sirang kasangkapan. At sa gitna ng lahat ng iyon... Isang dalagitang wala nang natitirang masasandalan. Ipinasok ko ang isang kamay sa bulsa ng aking amerikana. Tahimik akong tumalikod. Napaawang ang bibig ng social worker.Napapikit ang matanda. Akala nilang aalis na ako. Akala nilang iiwan ko rin ang dalagita tulad ng ginawa ng lahat. Pagkatapos ng ilang hakbang... Bigla akong huminto.Hindi ako lumingon.Malamig pa rin ang boses ko nang magsalita. "Isakay ninyo siya." Nanlaki ang mga mata ng lahat. "P-pero, Mr. Siaco..." "I said..." Bahagya akong lumingon. "Isakay ninyo siya sa sasakyan ko." Napaluha ang social worker.Napahawak sa bibig ang matanda.Maging ang dalawang pulis ay nagkatinginan.Hindi sila makapaniwala sa narinig. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang babae. "P-po?" Ngayon ko siya hinarap. Hindi pa rin nawawala ang lamig sa aking mukha. "Huwag mong isipin na tinatanggap na kita." Napayuko siya. "Ito ay pansamantala lamang.Hangga't wala pang malinaw na desisyon." Mabilis siyang tumango kahit hindi mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Opo...H-hindi po ako magiging pabigat.Maglilinis po ako,maghuhugas po ako ng plato.Matutulog lang po ako sa sahig.Kahit sa bodega lang po.Promise po..." Hindi na niya natapos ang sinasabi. Humagulgol na siya.Hindi ko alam kung bakit,marahil ay hindi nito inaasahan ang desisyon kong pagtanggap sa kanya. Tahimik akong naglakad palabas ng lumang bahay, walang lingon-likod at walang anumang salitang binitiwan. Ang mabibigat kong hakbang ang tanging ingay na umaalingawngaw sa tahimik na paligid. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang mahihinang yabag ng dalagitang sumusunod sa aking likuran. Maingat ang bawat hakbang niya. "Sofia! Ang mga gamit mo!" Malakas na sigaw ng matandang lalaki ang pumigil sa aming paglalakad. Mabilis itong tumakbo papasok ng bahay at ilang sandali lamang ay bumalik na may dalang kupas na backpack at isang maliit na maleta. Halatang iyon na ang kabuuan ng mga pag-aari ng dalagita. Huminto si Sofia at lumingon. Bahagya siyang ngumiti habang inaabot ang kanyang mga gamit. "Salamat po, Manong," mahina niyang sabi, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko po kayo makakalimutan. Maraming salamat po sa lahat ng kabutihang ipinakita ninyo sa akin." Napabuntong-hininga ang matanda bago marahang tinapik ang balikat ng dalagita. "Mag-iingat ka roon, Sofia," aniya, pilit na ngumingiti kahit halatang mabigat ang loob. "Sana maging mabuti ang tadhana sa'yo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Saglit na nagtagpo ang kanilang mga tingin, ngunit hindi ko na hinayaang humaba pa ang emosyonal nilang pamamaalam. "Faster." Malamig kong putol sa kanilang pag-uusap.Pareho silang napalingon sa akin. "I have something urgent to do." Walang emosyon ang tono ng aking boses. Isa lamang iyong simpleng utos, ngunit sapat upang mabalot ng katahimikan ang paligid. Mabilis na pinunasan ni Sofia ang mga luhang nagbabantang pumatak. Isinukbit niya ang lumang backpack sa kanyang balikat, hinila ang maliit na maleta, at halos patakbong lumapit sa akin. "Patawad po," mahina niyang bulong, tila natatakot na baka nakadagdag pa siya sa pagkainip ko.Hindi ko siya sinagot. Muli akong humakbang, at wala siyang nagawa kundi ang tahimik na sumunod. Paminsan-minsan ay kinakailangan niyang magmadali upang makasabay sa mahahaba kong hakbang. Pagdating namin sa aking sasakyan ay bigla akong napahinto nang may marahan na humawak sa laylayan ng aking amerikana. Dahan-dahan akong lumingon.Naroon si Sofia. Nakatitig siya sa akin gamit ang kanyang inosenteng mga mata, tila may gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan. "Why?" malamig kong tanong. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi bago siya nagsalita. "Pwede ba kitang tawaging Uncle...ulit?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD