Warning SPG❗️ Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko sina Uncle Alvise at Catherine ilang metro ang layo. Si Alvise, malawak ang ngiti sa labi habang matiyagang inaalalayan ang nobya nitong si Catherine na hawakan ang renda ng sarili nitong kabayo. Napangiti ako nang bahagya. Ganito rin kaya ang gagawin sa akin ni Uncle Brix? tanong ko sa isip ko, habang unti-unting pumipintig ang kaba sa dibdib ko dahil sa halo-halong excitement at hiya. First time ko kasing sumakay sa malawak na rancho na ito, at umaasa akong kahit papaano ay magiging mabait at maalalahanin din sa akin si Uncle. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. "Let's go, Sofia," malamig ngunit maawtorisadong sambit ni Uncle. Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakaling may makita pa akong ibang

