Kinaumagahan, nagising ako sa ingay ng mga boses na nagmumula sa sala ng farmhouse. Bahagya akong napakunot-noo habang nakahiga pa sa kama. Hindi pa naman ganoon kataas ang sikat ng araw, pero mukhang may mga bisita na si Uncle. Mabilis akong bumangon, inayos ang suot kong pantulog, at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Matapos magsuklay ng buhok at itali iyon nang maayos, lumabas na ako ng kuwarto. Nang makarating ako sa sala, agad na napako ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa sofa habang nakikipag-usap kay Uncle Brix. Pamilyar sa akin ang mukha nito dahil isang beses ko na rin siyang nakita sa suite ni Uncle. Si Alvise, ang pinsan ni Uncle Brix. Ngunit hindi lamang siya ang naroon. May kasama rin siyang isang babae na napakaganda at eleganteng tingnan. Nakaupo ito sa tabi ni Alvi

