“MAY PROBLEMA ka ba, Ate?” Inilingan ni Penelope si Belen. Hindi lang si Belen ang nakapansin na wala siya sa sarili. Dalawang beses na siyang nagkakamali sa kuwenta. May isang customer na nagreklamo dahil hindi tama ang feeds na naikilo niya para dito. Hindi niya masagot nang tama ang ilang tanong ng customer. Nang mapagtanto niya na wala na siyang nagagawang tama sa trabaho ay ipinaubaya na lang niya kay Belen ang lahat. Nakatulala lang siya roon at pilit na pinipigilan ang sarili na mapabulalas ng iyak. “Ate, kung anuman `yang pinagdadaanan mo, alam kong malalampasan mo rin `yan. Ang galing-galing mo, eh. Gusto mo bang umuwi na?” Muling umiling si Penelope. Hindi pa siya handang makaharap uli si Joaquin. Mas masasaktan siya kapag nakikita niya ito sa malapit ngunit hindi naman niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


