bc

Dear Joaquin

book_age16+
891
FOLLOW
3.0K
READ
love-triangle
second chance
independent
drama
bxg
campus
city
first love
photographer
like
intro-logo
Blurb

Nagkagusto agad si Penelope kay Jace Angelo noong unang beses niyang makita ang lalaki. Si Jace Angelo kasi ang lalaking tipo niya. Kaya naman nadismaya siya nang malamang ito rin ang lalaking minamahal ng matalik niyang kaibigan na si Phylbert.

Nagdesisyon si Penelope na ibaling na lang ang pagtingin kay Joaquin, ang nakatatandang kapatid ni Phylbert. Hindi naman mahirap mahalin si Joaquin. Mabait ito at malambing. Napapasaya siya ng binata.

Unti-unting nahulog ang loob niya kay Joaquin. Unti-unti itong minahal ng kanyang puso.

Akala ni Penelope ay perpekto na ang lahat. Akala niya ay patuloy silang magiging masaya. Hanggang sa isang araw ay nalaman ni Joaquin ang tungkol sa naging damdamin ni Penelope kay Jace Angelo. Nagalit si Joaquin.

Paano niya mapapaniwala si Joaquin na ito na ang nagmamay-ari ng kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Prologue
ABALANG-ABALA si Penelope nang araw na iyon. Umpisa na ng harvest season. Marami na ang nagpupunta sa kanya upang magbenta ng palay. Kaagad na napuno ang malaking bodega nila. Kinabukasan ay umpisa na ng pagkakarga sa malalaking truck upang ibiyahe para dalhin sa mga buyer. “Maganda ang ani ng mga tao ngayong taon, Pen,” ani Mang Kanor, ang “head” ng mga kargador niya. “Head” ang biro kay Mang Kanor ng mga kasama nito sa bodega. Ang totoo, ang matandang lalaki ang itinuturing niyang katiwala. Kay Mang Kanor siya sumasangguni sa napakaraming bagay. Ang matanda kasi ang unang tauhan nila ng kanyang ama. “Walang malakas na bagyo na nanalanta. Hindi nabaha ang mga pananim.” Napatango si Penelope habang abala ang mga daliri at mga mata sa calculator at logbook. Nagpapasalamat talaga siya na walang nanalantang malakas na bagyo sa lalawigan nila sa taong iyon. Walang mga nasalantang palayan kaya maganda ang produksiyon ng palay. “Oo nga po. Masaya ako para sa mga magsasaka.” “Patungo ngayon ng Urbiztondo ang mga climber mo,” ani Mang Kanor. “Ang sabi nila, magaganda rin ang mga bunga ng mangga. Mag-i-spray sila ng pampakinis para mas maganda ang mga bungang maha-harvest natin. Magaganda rin ang mga bunga ng mangga sa Bayambang.” Noong nakaraang taon ay sinubukan ni Penelope na mamuhunan sa mangga. Mas malaki ang risk sa mangga kaysa sa palay ngunit kapag sinuwerte naman sila sa mga bunga ay malaki rin ang kikitain. Dahil karamihan sa mga may puno ng mangga ay hindi kaya ang malaking gastos sa pag-i-spray at pagpapabunga, siya ang namumuhunan. Siya ang bahala sa lahat—kagamitan at makina sa pag-i-spray, gamot na pampabulaklak at pampabunga, pesticides, at climbers. Siya na rin ang bahala sa maintenance at harvesting. Seventy percent ng ani ay mapupunta sa kanya, thirty percent sa may-ari ng puno. “Pupunta po ako sa bangko mamaya. Naihanda ko na po ang sahod ng mga climber. Kayo na po ang bahalang mamahagi. Kayo na rin po ang mag-check ng mga makina at gamot.” Minsan ay si Mang Kanor lang ang nakakakontrol sa ilang trabahador nila na matigas ang ulo. “Ako na ang bahala sa kanila, Pen. Hindi mo na rin kailangang bumalik dito pagkagaling mo sa bangko. Umuwi ka na at magpahinga. Wala na sigurong gaanong magbebenta ngayong araw. Ilang araw ka nang napupuyat sa bodega. Kaya na namin ni Belen ang trabaho. Sem break naman ng batang `yon kaya makakapagpuyat siya.” Si Belen ang nagsisilbing assistant niya. Dati niyang tindera ang teenager na unti-unti ay nakuha ang tiwala niya kaya hinayaan niyang humawak ng malaking halaga ng pera. Pagka-graduate ng high school ay nagtrabaho na si Belen sa kanya. Matalino ito ngunit hindi kayang pag-aralin ng mga magulang kaya nagtrabaho na lang sa kanya. Masipag at tapat si Belen. Hindi ito nangungupit sa kanya kahit na piso. Mahusay at mabilis din sa pagkukuwenta. May mga customer at mga seller kasi na inaakalang madaling magogoyo si Belen por que bata at high school graduate lang. Nakitaan niya ng potensiyal ang teenager kaya pinag-aral niya. Pumapasok ito sa unibersidad mula Lunes hanggang Miyerkules at tumatao sa puwesto sa mga natitirang araw ng linggo. “Kaya ko pa po,” ani Belen. Hindi sa hindi niya lubos na maipagkatiwala sa teenager ang puwesto, mas gusto lang niyang magkapakaabala. Nais niyang i-distract ang sarili. Ilang araw na kasi siyang natetensiyon. Kahit na pagod na siya pagsapit ng gabi, nahihirapan pa rin siyang matulog. Napakarami niyang iniisip. Napabuntong-hininga si Penelope. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya mapigilan na balik-balikan ang nakaraan. Noong nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Phylbert, ang pinakamatalik niyang kaibigan. Masayang ibinalita ng kaibigan ang pagbabalikan nito at ni Jace. Ibinalita rin ni Phylbert ang pagbabalik ng kuya nito sa bansa. Sa wakas. Muling napabuntong-hininga si Penelope, mas malalim kaysa sa nauna. Napakalaki ng ipinagbago nilang lahat—siya at sina Phylbert, Jace at Joaquin. Hindi pa niya nakikita ang huli ngunit nasisiguro siya na hindi na ito ang dating Joaquin na nakilala at naging nobyo niya. Alam niya na hindi na ito ang lalaking nagmahal nang labis sa kanya. Namasa ang mga mata ni Penelope. “Sandali lang po, Mang Kanor,” pagpapaalam niya bago nagmamadaling tumungo sa maliit na banyo sa puwesto. Pagdating doon ay naupo siya sa toilet at pilit na kinalma ang sarili. Hindi siya tipikal na ganoon kapag naaalala si Joaquin. Madalas niyang iniisip na masaya na ang dating nobyo sa kabilang panig ng mundo. Alam niya na nagtatagumpay ito sa photography. Sa loob ng mahigit limang taon, umasa siya na maging masaya si Joaquin sa buhay nito. Umasa siya na matatabunan ng kaligayahan ang galit nito sa kanya at mapatawad na siya. Ayaw niyang isipin na sa loob ng maraming taon ay dinala nito ang pagkamuhi sa kanya. Alam ni Penelope na isa sa mga araw na ito ay muli silang magkikita ni Joaquin. Ngayong nagkaayos na sina Phylbert at Jace, magkukrus na rin uli ang mga landas nila ni Joaquin. Alam niyang nasa Pilipinas na ang dating nobyo. Pagkatapos ng anihan ay luluwas siya sa Maynila para makita si Joaquin. May malaking bahagi ng kanyang puso ang nananabik, ngunit may bahagi rin na natatakot sa muli nilang pagtatagpo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano pakikitunguhan ang galit ni Joaquin. Sana ay napatawad na siya nito. Sana ay maniwala naman ang dating nobyo kahit na ngayon lang na minahal niya ito noon, na mas minahal niya ito kaysa kay Jace. Paglabas ni Penelope ng banyo ay nasa puwesto na si Belen. Nginitian siya nito. “Ate, may naghahanap sa `yo. Kapatid daw siya ni Ate Phylbie.” “Ha?” “Hi, Penny.” Nanigas si Penelope nang marinig ang pamilyar na tinig ni Joaquin. Hindi niya magawang lingunin ang pinanggalingan ng tinig. Dumadagundong ang kanyang dibdib. Ano ang maaari niyang sabihin sa lalaking matagal na pinanabikan ng kanyang puso na makita?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook