bc

Ye Tum Ho ( it's you)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Eden ; an office girl na ang hangad ay ang mapasaya ang pamilya. Devo; a confident business man who can move mountains nakamit lang ang hinahangad. Namita; a spoiled brat maiden, Devo's fiancé.

The much awaited wedding of the year! Paano ipaglalaban ni Devo ang pag -ibig kay Eden, habang si Namita ay handang gawin ang lahat matuloy lang ang kanilang pag-iisang dibdib.

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Stardust and I
Halos liparin ni Eden ang daan papasok sa kanilang opisina, hinahabol ang oras para hindi siya mahuli ng pasok. Sakbit sa kanang balikat ang kanyang Foxer woman leather handbag at ang mineral water na binili nya kanina bago siya sumakay ng fx papasok ng opisina. “Yes, naka habol ako sa grace period!”, naka ngiting sambit nito, sakto 8:28 nang makapag punch ang dalaga sa kanilang bundy clock. Kinindatan pa niya si mang Dante ang guwardiya sa kanilang opisina, bago niya ibinalik sa time card rack ang kanyang time card. “Yeah, you did it again”, naka ngiting tugon niya sa dalaga at sabay silang nag tawanan. Sa comfort room dumiretso si Eden. Doon lagi ang destinasyon ng dalaga para mag retouch at para mag ayos ng sarili bago siya sumabak sa mag hapon trabaho. Inilapag ang bag sa maliit na mesa na nasa tabi ng salamin. Inilabas ang kikay kit at hinanap ang kanyang Maybelline fit me matte poreless powde foundation, “Pak , fresh na ulit ang lola “, saad niya sa sarili habang sinisipat ang mukha sa salamin. Inilabas din ang kanyang roller hair brush, sinuklay ang kanyang medium length bob cut ash blonde hair. Nag spray ng kanyang paboritong Victoria's secret Bombshell; pinaghalong vanilla with spicy floral fragrance, shangri-la peony na may tender scent at passion fruit. Bangong talaga namang lilingunin ng kanyang madadaanan. Outfit of the the day, Chiffon short sleeve blouse V neck in blue, stretch classic capri pants in black naman ang kanyang pinares dito and lastly hollow crossed straps high heeled sandals in beige ang kanyang napiling isuot para makompleto ang kanyang Monday OOTD. Dahan- dahan niyang pinihit ang door knob, huminga nang malalim bago tuluyang pumasok sa kanilang departmento. Accounting department, dito umiikot ang mundo ni Eden sa loob ng tatlong taong pag tatrabaho rito. Lumakad sa bandang kaliwa, tinungo ang kanyang brown black office desk na may glass partition. Sa tabi niya ay ang desk naman ni Karen na halos ka uupo lang din. Hindi sila nagkita sa hallway dahil nasa comfort room si Eden nang dumating si Karen. “Bruks , lakasan mo ‘yung aircon para mabilis lumamig itong room .”Palambing na utos ni Eden sa kanyang best friend na abalang nagpupunas ng kanyang desk. Itinapon ni Karen ang tissue na pinagpunasan at kinuha ang remote ng aircon saka itinutok sa standing floor mounted inverter aircon, iniadjust ang temperature nito. “Okey na po ba madam?” Pabirong saad ni Karen kay Eden. Nag thumbs up si Eden. “Yup, tnx bff…mwuah,”naka ngiting sabi niya . Naglabas ng tissue, pinunasan ang desk, inayos ang single side cosmetic mirror na nakapatong sa bandang kanan ng desk, katabi ng four layer desk file organizer. Mayroon din siyang resin flower base na may three pieces artificial pink tulip. Sa bandang likuran ng kanyang black LenovoThinkPad E580 laptop ay ang kanilang family picture na inspirasyon niya kung bakit siya gumigising araw- araw. Four desk na may kanya-kanyang partition ang bubungad kapag papasok sa department nila Eden. Pale oak ang office paint. Nasa gawing kanan naman ng pintuan ang water dispenser katabi ng wood tiered side table, doon nakalagay ang alcohol dispenser,tissue dispenser at wooden flower vase na may artificial silk flower arrangements. Sa gitnang layer nakalagay ang mga plastic cups , coffee, sugar at creamer canister. Cozy and regal with a touch of modern design ang ambiance ng opisina nina Eden. Mula sa pintuan ,sa loob ng office nila Eden may isang door , doon naman ang opisina ng panganay na anak ni Mr. Vashu na si Vijay. Sa likuran nina Eden at Karen ay nandoon naman ang office ng kanilang big boss na si Mr. Vashu. Malapit sa pintuan ng office ni Vijay ay ang desk naman nina Riza at Lorena, mga kasamahan din nila sa nasabing departamento. “Lyn ,come here,” mahinahong tawag ng boss mula sa kanyang opisina. Malinaw ang modulated boses nito dahil bukas ang pinto. Lagi itong naka bukas, isasara lang ito kapag meron silang imortanteng meeting . “Yes sir,coming na po,” mabilis na tugon ng dalaga .Bago tumayo ay kinuha niya ang petty cash notebook . Inayos ang sarili bago pumasok sa room ni Mr .Vashu. Pagpasok ng dalaga saktong nagsusulat ang boss, nakatungo ang ulo kitang- kita ang mga puting buhok , ang mga pilik matang nakapilantik . Kasama na ang matagos nitong ilong. Naka blue polo long sleeves ito with matching Patek philippe platinum watch, more or less nasa limang milyon piso ang halaga. “ Sir, magrereplenish na rin po ako ng petty cash kasi paubos na po.” Ani Eden sa kaharap. Itinigil ang pag susulat at tumingin kay Eden. “Please tell Karen make me coffee,” utos niya. Na dali- daling nagtungo sa pintuan at pasilip na nagsabi kay Karen. ‘Lola, make coffee raw sabi ni sir.”malambing na sabi ni Eden kay Karen. “Coffee, coming na.”mabilis na tugon niya at tinungo ang kinalalagyan ng kape. Umupo ang dalaga sa upuan na nasa left side ng desk ng kanyang boss. Inaabot ang notebook ng petty cash para makita ang mga naging transactions . Ten thousand pesos ang funds na binibigay ni Mr. Vashu kay Eden tuwing magrereplenished ito. Usually good for two weeks na ito depende nalang kung may mga bumale or nag cash advanced. Pumasok si Karen dala ang isang tasang kape. “Here’s your coffee sir.” Nakangiting saad niya Amoy na amoy ang aroma nito ng kape sa buong kuwarto. Habang iniinum ang kape.“ Yung for deposit na mga checks you gave na to Jury?” “Yes sir, nakaalis na po siya kanina pa. Sinabay ko na rin po yung mga collections natin sa Rusty Lopez para ‘di na siya bumalik.” Magalang na tugon ng dalaga . “Okey okey….. how about the checks of Mr. Babu did he give it to you?”maagap na saad ng boss nito. “Opo sir, nasa akin na po iniwan niya sa guard kaninang umaga.”naka ngiting tugon naman ni Eden Lunch time na nang makalabas si Eden sa office ni mr. Vashu. Chicken curry at one cup of rice ang inorder ni Eden. Samantalang daing na bangus with toyomansi at siling labuyo naman ang kay Karen. Sinamahan nila ng malamig na coke at ensaymada for dessert. Galit- galit muna sila habang kumakain, meaning wala munang mag-uusap. One hour break kaya may oras silang makapag browse sa kanilang mga social media platforms. Pag bukas ni Eden sa kanyang f*******: account ay bumungad na naman sa kanya ang sampung friend requests. Sumimangot ang dalaga at sinabing “hay naku, hindi na maubos- ubos itong mga friend requests na to! Lalo na tong mga bombay at mga negrong na ‘to!” may halong pandidiring sambit ni Eden habang hawak ang Reno 6 pro niyang cellphone. Meron din namang mga Filipino na nag friend requests sa kanya kaso hindi lang talaga ugali ni Eden na mag accept kung hindi naman niya ito kakilala at wala silang koneksyon sa isa't -isa. Piling-pili lang ang mga inaaccept niya sa kanyang social media accounts. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa ganda ng profile picture ni Eden. Bukod sa naka focus ito,kitang-kita na hindi filtered ang litrato . Kitang- kita rin ang kinis ng mukha, ang kanyang natural long thick lashes , maliit pero hindi naman masasabing pango ang ilong. Sinamahan pa ng mala Angelina Jolie na lips at ang kanyang chubby cheeks na paboritong panggigilan ng kanyang ama. 5’5 in height, hindi masasabing payat at hindi rin masasabing mataba. Buti na lang perfectly- proportioned ang kanyang pangangatawan. Halos lahat sila nag sasabi na Eden has the perfect smile dahil sa kanyang pearly white teeth. Low maintenance lang si Eden, hindi masyadong maarte sa katawan. Hindi siya fan ng mga hightech na pampaganda . Likas naman na makinis ang kutis , halos hindi nga kita ang pores. Simpleng beauty routine na ; cleanse, tone, moisturize at sun block na may atleast spf50 on day time at same routine lang din sa gabi hindi lang ang sun block. Salamat sa genes ng kanyang mga magulang. Tiningnan ang oras sa cellphone , fifteen minutes na lang resume na ulit sila sa kanya- kanya nilang trabaho. Sumaglit sina Eden at Karen sa restroom, dala- dala ang kanilang kikay kit, nagtoothbrush at nagretouch. Sa waiting area, habang naglalakad ang dalawang dalaga ay naka salubong nila si Vijay, ang panganay na anak ni Mr. Vashu. A twenty six years old bachelor,5’8 ang height, brown hair ,masculine ang pangangatawan, balbon , matangos ang ilong at maganda ang pilik mata. In short Vijay Roshan is a handsome young millionaire na hahabulin ng kahit sinong kakababaihan. “Hi sir Vijay ,” nakangiting bati ni Karen na may kasamang kaway. Ngumiti at tumango si Vijay sa dalawa. “Hello girls, dad ko nag lunch na ba?” nakangiti ring tanong niya sa dalawa. “Hindi pa lumalabas ng office , baka may tinatapos pa.”maagap na tugon ni Eden kay Vijay. Naunang pumasok ng opisina si Vijay, naiwan ang amoy ng pabango nito na nalanghap nina Eden at Karen. “Hmmm.. ang bango talaga ng perfume ni sir Vijay. Anu nga ulit name nun?” Pa pikit pang nilalanghap ni Karen ang mabangong amoy nito. “Christian Dior Sauvage Eau De Toilette, wala ata siyang balak magpalit ng perfume. Sabagay ang bango talaga. Ma papa get get awww! nalang ang mga girls sa bango nya! Hehehe.” kinikilig na saad ni Eden kay Karen habang pabalik sila sa kanya -kanaya nilang desk. Sa opisina ng kanyang ama dumiretso si Vijay. Ilang mimuto pa , sabay silang lumabas at umakyat sa kanilang private pantry. Sabay nag lunch ang mag ama. Chicken biryani , chapati at chana masala ang mga Indian foods na niluto ng asawa ni mr. Vashu para sa araw na iyon. Spicy with distinct flavor ang mga Indian dishes. Kung hindi ka sanay ,sasabihin mong amoy kili-kili ang mga pagkain nila. Ngunit kapag natikman mo, siguradong hahanap-hanapin mo ang amoy at lasa nito. Ang mga natirang pagkain ay nilalantakan nina Jury at Maritess, kung minsan ay kasama rin sina Karen at Riza. Ibinilin kasi ni Mr.Vashu na kapag may mga natirang pagkain ay kainin na nila para walang masayang . Si jury ang naka toka sa pag liligpit at paghuhugas kaya siya ang tagasabi kung may tira. Never kumain or kahit tikim ay hindi nagawa ni Eden sa tuwing tatawagin siya ni Jury. Hindi naman sa ayaw niya ng mga ganitong pagkain, basta may iba siyang pakiramdan kapag sasabihing kahit tikman lang niya. Ang totoo kapag namamasyal sa mall ,once in a while ay kumakain din naman siya ng mga Indian foods . Dumaan ang mga oras, busy ang lahat. Typical office scenario,may nagpafax,may tumitipa ng keyboard, may sumasagut ng telepono, lakad dito lakad doon. Ganito ang weekday routine ni Eden sa loob ng tatlong taon . Tatlong taon na hindi namalayan ng dalaga, dahil masaya siya sa kanyang ginagawa at mahal niya ang kanyang trabaho . Masaya siyang kasama ang best friend at ang mga officemates samahan pa ng mga mababait na boss. Minsan toxic dahil sa mga customers na mahirap singilin. Kadalasan halos mapunit na ang counter receipt dahil sa katagalan. Usually 30-90 days lang dapat ang terms per client , kaso ‘di maiiwasang may mga pahirapan talagang singilin. Exactly 5:00, nagreready na sila para umuwi. May nagsusuklay ng buhok, nag-aaply ng lipstick at nag papahid ng press power. “Bruks, daan tyo sa Watsons mamaya , may bibilhin lang aq .”sabi ni Eden habang nag spray ng alcohol sa kamay. “Okey sige, tamang-tama may titingnan akong bagong lipstick , “tugon naman ni Karen habang isinasara ang drawer ng kanyang desk. Saktong tapos na mag touch up ang mga dalaga nang pumasok si mr. Babu, fifty four years old ,Indian din , almost six footer na halos hawig ni .Mr. Bean . Kaya kadalasan uncle Bean ang tawag nila sa kanya. Sumasabay kay mr.Babu sina Eden at Karen tuwing uwian. Bumababa sila sa Kalentong , dun sila sasakay ng jeep pa puntang Stop & Shop at sasakay ulit pa puntang Center point. Pag dating ng Center point, pipila para makasakay ng jeep pa Araneta naman. Hays , ang daming sakay. Pumasok sila sa Center Point at nag punta sila ng Watsons. Lumapit siya sa sales lady at itinanong kung saan banda nakalagay ang mga facial soaps. May bago kasi siyang nakita sa social media. Organic soap na ang main ingredients ay olive leaves at lemon. Mahilig kasi ang dalaga sa mga natural at organic lalo na sa mga pampaganda at wellness ng buong katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook