Chapter 3 - First Encounter

2464 Words
Pababa si Eden galing sa second floor bitbit ang brown folder. Galing siya sa puwesto nila Jury. Tinanong niya kung bakit hindi na kolekta yung isang counter samantalang last week pa dapat ito na kolekta. Habang bumababa ng hagdanan , napansin niya ang isang lalakeng naka talikod habang may kausap sa cellphone. Naka pameywang pa ito at inglesero . Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa .Sa tema ng boses ng lalake ay sapantaha ni Eden na siguradong hindi pa ito katandaan. Naka suot ng brown fitted short sleeves polo at naka black skinny jeans. Kahit naka talikod ay hunk ang dating nito. “Hmmmm, puwede,” pabulong na sambit ng dalaga sa sarili, naka taas pa ang isang kilay . Habang nag lalakad papasok sa kanilang department. Busy sa dami ng trabaho .Nawala na sa kanyang isip ang lalakeng nakita nyang naka talikod . Labas pasok siya sa room ni Mr. Vashu. May pinapagawa kasi sa kanya ang boss, mga tseke na for rediscounting. Tatlong clients ang nag papa rediscount nang araw na iyon. Ang isang client , limang tseke ang ipapa rediscount. Yung pangalawa naman , pitong tseke . Mas matindi yung pangatlo, 12 checks. Bale three sets. Oras na naman ang gugugulin niya sa pagko compute . “Ang dami naman nito…huhuhu. Di pa nga ako tapos mag update sa mga collections ko eh,” halos paiyak na sabi ni Eden. Na halos hindi na maipinta ang mukha . Bago umpisahan ang mga for rediscounting ay kumuha muna ng isang basong tubig si Eden . Inilapag sa gilid ng desk, hindi niya muna ito ininum. Habang ini encode ang first batch ng mga tseke ay may biglang nag salita sa kanyang harapan. “Excuse me miss, are doing na ba my checks?” boses na galing sa isang lalake. Modolate at malaki ang tono ng boses nito. “Anu pong name ng company sir,”maagap na tugon ni Eden. Hindi tumitingin ang dalaga sa kausap. Dahil abala siya sa pag e encode ng mga tseke. “Miss beautiful, puwede bang unahin mo na yung sa akin, “ utos ng lalake kay Eden. Napapikit at napa nguso ang dalaga sa narinig. Iniangat ang ulo at akmang sasagut nang makita niya kung sino ang kausap. Napatigil ito at kumurap ng dalawang beses. Ang lalakeng nakita niyang nakatalikod ang kanyang kaharap. Kinalma ang sarali. “Sir anu po bang name ng company para makita ko kung alin sa tatlong ito yung sinabi nyong unahin ko?”sabay hawak ng dalaga sa mga tseke. “I gave Mr. Vashu twelve checks.” Sagut ng lalake. I'm in a hurry kasi ,”dagdag pa nya. “Sir upo nalang po kayo sa waiting area , ginagawa ko na po ang mga tseke at may policy po kami dito na first come ,first serve.Kaya hindi po puwede yung sinasabi nyo na unahin ko kyo.” Sarcastic na tugon ni Eden . Napakunot naman ang lalake sa narinig. Kahit halatang nag tataka ay tumalikod nalang ito at nag lakad papunta sa office ni Vijay. Nang maka alis ang lalake , itinuloy na niya ang pag e encode , ngunit nasa isip pa rin nya ang hambog na lalakeng kausap nya knina. Aside sa matangkad ito, bakat sa fitted polo nitong suot ang pecs or muscle chest, matangos na ilong , brown eyes, mapipilantik na pilik mata, waivy hair at ang prominente nitong jaw line. Higit sa lahat ang amoy niya na napaka bango. Parang pinabatang Antonio Banderas dating. Maya-maya pa, lumabas si Vijay at lumapit kay Karen na nag susulat nang mga sandaling yun. “Karen , please make two coffee. One for me and one for my uncle Devo.”, utos nya kay Karen na agad namang tumayo. Habang papatayo ay nagka tiitigan pa ang dalawang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Karen na tila nag sasabing lagut ka Eden. Kapatid pala ni sir Vashu yung sinupladahan mo!. Napa kagat labi naman si Eden, tinapik ng dalawang beses ang noo. “OMG, anu itong nagawa ko !” bulong ni Eden sa sarili. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay naka silip pala si Devo mula sa office ni Vijay at naka ngiti ito. Hawak ang ballpen habang pinapa ikot-ikot sa kanyang mga daliri. Sinadya nyang doon pumuwesto para makita niya ang reaksyon ni Eden. Naka de kuwatro pa ito habang pinag mamasdan ang dalaga. Asymmetrical neck foldover front top ang suot na blouse ni Eden labas ang ang makinis niyang balikat. Tinernohan niya ito ng black waist plain pants kaya naman kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Naka double circle dangling earrings pa ito. Sophisticated ang peg ni Eden ng araw na yun. Kaya naman hindi niya ma imagine na papalpak siya nang ganun . Pagkaupong-pagkaupo ni Karen ay tinapik niya sa balikan si Eden “Gaga ka, kapatid pala ni sir yung sinupladahan mo. Hehehe,” pang aasar ni Karen sabay tawa nang mahina. “Oo nga eh, pero malay ko ba na kapatid pala. Di nag pa kilala agad ,” katuwiran ni Eden Pero bakas pa rin sa mukha niys ang hiya at pag aalala. Para maka bawi , inuna niyang tapusin ang mga twelve checks ni Devo. Habang tinatapos niya ang mga ito, napalingon siya sa gawing pinto ng office ni Vijay. Nakita niya si Devo na naka tingin sa kanya at naka ngiti .Saglit silang nagka titigan. Binawi agad ni Eden tingin at nag focus sa ginagawa. Pakiramdam niya uminit ang kanyang pisngi , para siyang napaso sa mga titig ni Devo sa kanya. “Anu yun, nag blush ako sa sandaling tingin lang?No way…,” ayaw nyang aminin sa sarili na nag blush nga siya. Nang matapos ang lahat ng tseke ay dali -dali siyang pumasok sa office ni Mr.Vashu upang papirmahan ang tseke na para kay Devo. Nang mapirmahan ito ni Mr. Vashu ay dinala niya agad ang tseke sa office ni Vijay. Nag uusap nag mag uncle na sina Devo at Vjay . Napahinto sila nang makita nilang papalapit si Eden. Inilapag ni Eden ang log book at itinuro kung saan dapat pipirma si Devo after matanggap ang tseke na inabot sa kanya. “Okey, I'm done. I'll go ahead . Call you later.” Tinapik ni Devo ng dalawang beses ang balikat ng pamangkin. “Yup, we have to catch up tonight,”mabilis na sagut naman ni Vijay. Habang papalabas si Devo ay hinabol ito ni Eden “Sir…..,” tawag ng dalaga “Yes my dear, May nakalimutan ka bang sabihin?,” malambing na tugon ni Devo. “Tungkol sa sinabi ko kanina .Sorry po, di ko po sinasadya.,” naka yukong sambit ng dalaga sa kaharap. Hindi niya ito matingnan sa mata. Hindi nya mawari kung dahil ba ito sa hiya or dahil may ibang init siyang nararamdaman sa tuwing sila'y nag kaka titigan. “No worries, it's okey my dear.It's not your fault. Hindi mo naman alam na kuya ko ang boss mo , besides you’re right, bawal sumingit.” Malambing nitong tugon sa dalaga. Tumango lang si Eden .Sabay nang pag talikod ni Devo hanggang sa tuluyan na itong naka labas ng pinto. Sabado night, soft opening ng restobar na pag aari ni Vijay. Lahat ng mga employees ng Stardust ay invited. Located two blocks from their office. Isang sosyal na restobar. Malawak ang area, cozy ang ambiance. Isang sikat na disk jocky ang in charge sa sounds. Naka black long sleeves and black jeans ang mga waiter . Sa main entrance ay sasalubong ang dalawang usherette, naka suot din ng black long sleeves at black demin mini skirt with high heeled boots. Itinuturo nila kung saan dapat mag tungo ang mga guests . Sa labas, kitang-kita na talagang pinag handaan ang event. Paikot-ikot ang apat na spot light na naka lagay malapit sa main entrance. May mga grand opening flower stand na naka puwesto sa magkabilang gilid ng pintuan. Ang mga retro matte green, beige, nude at pearl colored balloons na naka arko sa sa gawing itaas main entrance. Sa loob ay umaalingawngaw ang retro musics . Ang strobe lights na kulay green, violet, yellow at white, animoy nag sasayaw. Past 9pm na, madami -dami na rin ang mga bisita. May mga artista, politicians, mga prominenteng pangalan sa loob at labas ng business world. May mangilan-ngilan na naka suot ng sari, ito ang traditional wear for ladies sa India. Isang long dress na kalimitan ay labas ang tiyan. Tiniternohan nila ito dupatta scarp na nag sisilbing balabal at pantakip sa tiyan . Para silang mga manika sa tingkad ng kulay at sa ganda ng mga damit. Suot ang gray satin midi pencil dress in spaghetti strap. Kita ang cleavage at ang makikinis ng legs. Hapit na hapit ito kaya naman labas na labas ang perfectly proportioned body shape ni Eden. High ponytail ang style ng kanyang buhok . Teardrop earrings ang napiling isuot para sa naturang okasyon na bumagay sa kanyan suot na cocktail dress. A pair of open toe thin high heels sandal in glitter naman ang kumumpleto sa OOTD ng dalaga . “Ang daming tao, halika dun tayo sa bandang dulo .”turan ni Eden kay Karen habang nag hahanap sila ng maganda spot .Yung hindi sila masyodong expose . “Doon oh..,” sabay turo ni Karen sa mesa na nasa bandang dulo na katabi ng wine bar. Ang ganda rin ni Karen sa suot niyang cocktail dress. Long Island iced tea ang napili nilang inumin. An alcoholic mixed drink typically made with vodka, tequila, light rum, triple sec, gin, and a splash of cola, which gives the drink the same amber hue as iced. Kumuha sila ng tig -isang platter at kumuha sila ng mga manganta sa pika-pika wooden board .May hungarian sausage, bacon, ricotta, cheddar cheese, french fries, hotdog, sliced apples, grapes, pineapple at marami pang iba. Hindi lang nila malaman kung anung tawag sa mga iyon. Dumating ang oras na pinaka aantay ng lahat, ang pag uumpisa ng event. Saglit na itinigil ang sounds, pinatay ang stobe lights at binuksan ang mga ilaw. Nag liwanag ang buong paligid. Gumitna si Vijay na napaka elegante sa suot nitong amerikana. May dalang wine glass na nag lalaman ng champagne. After ng speech, itinaas ang wine glass at nag sabing , “a big toss everyone!Thank you for coming.” “Cheers!” sabay- sabay nilang sigaw. Maingay ang paligid . May mangilan ngilang nag sasayaw sa musika ng Beegees na How deep is your love. Naka tig tatlong shot na ng long island ang dalawang dalaga. Medyo may tama na sila , in moderation naman ang kanilang pag inum. Katayo sila gilid ng bar, hawak ang kani kanilang mga baso. “Parang hindi ko ata nakikita si Mr.Aru,” iginala ang paningin na tila may hinahanap. Napa tingin sa kanya si Karen , saglit nag isip . “ Sinong Mr. Aru?” nag tatakang sagut nya sa kaibigan. “Sino pa eh di si Mr.Devo!” kailangang lakasan niya ang boses dahil maingay. Halos hindi na sila magkarinigan. “Ay grabe siya oh, hahaha !” iiling -iling niyang sagut .Nanlalaki pa ang mga mata nito habang humalaklak. “Kahit na gaano pa siya ka puwapo kung maaskad naman ang ugali niya ,useless din. Kaya siguro until now bachelor pa rin siya kasi walang babaeng tatagal sa ugali niya.” Mahabang letanya ni Eden. Bigla namang natigilan si Karen sa narinig. Inilapit ang bibig sa tenga ni Eden at sinabing ,” Mapang husga lang ang peg mo ateng. Baka yang pa Mr. Aru mo eh Mr. Love pala .Tulak ng bibig kabig ng dibdib.” Panunukso namang saad ni Karen. Napanguso si Eden sa tinuran ni Karen , paismid na sinabing . “Eeeeewww….no way! Parang nandidiring saad ni Eden. “Alam mo, kung hindi yun babaero for sure bading siya.Hahaha .” Pahalakhak na turan niya. Napapa iling nalang si Karen sa kausap. Bakit kaya ganun nalang ang pagka inis ni Eden kay Devo.Nilaguk ni Eden ang huling patak ng cocktail drink na nasa kanyang baso, kinuha rin niya ang baso ni Karen. Balak niyang kumuha pa ng panibagong shot. Tumayo sa kina uupuan ngunit, pagka baling na pagkabaling niya sa bar ay natabig niya ang isang upuan na malapit sa kanila. Halos isang dipa lang ang layo. Agad siyang humingi ng dispensa sa naka upo dito. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata .Para siyang na buhusan ng malamig na tubig nang makita niya kung sino ang naka upo sa silyang kanyang natabig. Si Devo Roshan! Naka V neck long sleeves knitted shirt in black and white at naka black slim jeans at black leather shoes. Kahit medyo madilim ang paligid ay kitang-kita niya ang mga titig nitong wari'y nag tatanong. “My gush, narinig kaya niya yung usapan namin ni Karen?” Ani ni Eden sa sarili. Kagat labing inilapag ng dalaga ang mga baso Sumenyas sa bar tender at sinabing pa refill pa sila ng cocktail drink. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Dugdug …dugdug, kabug ng kanyang dibdin. Halos ayaw na niyang bumalik sa kina uupuan. “Stupid…your so stupid Eden!”Sisi ng dalaga sa sarili. Kung maaari lang na lamunin na siya ng lupa ng mga oras na yun. Hawak ang dalawang baso ng cocktail drink, payukong nag lakad ang dalaga .Ayaw niyang makita si Devo. Pero bago siya makarating sa kanilang upuan ay may biglang humarang sa kanyang daraanan. Itinaas ang kanyang ulo at sinino niya ito. Si Devo, blanko ang mukhang naka titig lang sa kanya. Mga mata nitong parang nag sasabing…. Narinig ko lahat ng mga salitang sinabi mo against me. Mas lumapit pa ito , malapit na malapit sa mukha ng dalaga. Konte nalang halos mag hahalikan na sila . Napa pikit na lang ang dalaga , nang biglang…. “Hindi ako babaero at mas lalong hindi ako bakla.” Pabulong na turan ni Devo , sobrang lapit ng labi nito sa tenga ng dalaga. Dama ni Eden ang init ng hininga nito. “Open your eyes, hindi kita hahalikan ,”napahiyang idinilat ni Eden ang mga mata . Saka tumalima si Devo papunta ng bar . Humingi ng san mig light at bottoms up na nilaguk ito. “That silly girl,” pailing na sambit ni Devo. Narinig pala niya lahat ng tinuran ni Eden. Actually hindi naman siya nagalit sa pang huhusga ng dalaga tungkol sa kanyang pagkatao. Twice palang sila nagkita pero may impact na ang dalaga sa kanya. Hindi man siya kasing sosyal ng mga nakakasalamuha niyang kababaihan , may kung anung spark naman ang kumikiliti sa kanyang puso tuwing sila'y nagkakalapit.Ilan pa kayang awkward moments ang mangyayari sa kanila sa mga susunod nilang pag kikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD