Pinaglalaruan ko yung labi ko habang tulala sa sarili kong opisina sa ospital. Mabuti nalang ay wala na ako pasyente ngayon. May biglang kumatok hudyat na naagaw ng aking atensyon. Hindi ako nagsalita at nakita ko si Jenna na pumasok sa loob. May pinatong siya na goblet sa office desk ko at nilagyan niya 'yun ng red wine. Alam na alam niya kung ano nagpaparelax sa akin.
"Thank you," I said, almost in a whisper.
Tumango siya. "You seems stress."
"I'm always stress. I can handle myself."
"Alright. I'll leave for two weeks because I have other agenda."
Kahit hindi niya man sabihin kung ano 'yun ay alam ko na may misyon siya. Isa kasi siyang CIA detective at kaibigan ko rin siya. Pero kahit kaibigan niya ako ay wala naman siya masyado alam sa akin dahil masyado nang delikado magtiwala sa ibang tao. Uminom nalang ako ng red wine at sumandal sa backrest. Kalaunan ay lumabas na rin siya.
Huminga ako nang malalim. Napapapaisip ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Tama lang ba na pumayag ako ikasal kay Lynch Scott? Nang dahil sa sinabi ni Lourd ay nagulo ang aking isipan. Kahit kailan talaga ang isang 'yun ay mabilis niya nagulo ang aking isipan. Napailing nalang ako at kinuha ko na mga gamit ko. Akmang lalabas na sana ako ng opisina ko na makita ko kaagad siya. Kumunot noo ko habang pinagmamasdan siya. Naka coporate attire siya hudyat na kakagaling lang sa trabaho.
"I miss you, sweetheart. You've been busy for three days," he said. Lumapit siya sa akin at hinila ang baba ko para bigyan ng isang halik sa labi. "Pwede ba kita ilabas ngayon? Tinapos ko na kasi yung mga trabaho ko sa kompanya, e."
"Pwede naman," I replied. Napatingin ako sa orasan ko dahil mamayang madaling araw ay pupunta kami ni Lourd sa underground para manmanan na si Joseph del Vera.
"Okay. Dadalhin kita sa bahay ng magulang ko. Gusto ka nila makasama kumain naman. Palagi nalang kasi magulang mo humaharap sa kanila."
"About my parents..." I trailed off. "Kamusta naman na ang kompanya nila?"
"We did everything to save your parent's company like what we promised to you. In return you have to marry me."
I huffed. "Okay..."
Desidido talaga ako gawin ang plano ko. Kaya pumayag talaga ako magpakasal kasi alam ko na makukuha ko ang kompanya ng magulang ko. Kinuha niya yung bag ko at hinapit niya yung bewang ko. Hanggang ngayon ay hindi ako sanay na ganito kami kadikit ni Lynch. Matagal na rin kasi ako hindi nakikipagdate. Si Joshua palang naging nobyo ko at wala ng iba. Nasira na kasi yung tiwala ko at mas nagpokus nalang ako sa career ko.
Pagbukas ng elevator ay napatingin ako sa babae na nakasandal sa gilid. Pasimple siya ngumisi sa akin. Mas lalo nagsalubong ang kilay ko at tahimik na kami pumasok sa loob. Bakit ba palagi ko siya nakikita sa elevator? Paano siya napadpad dito? Ngayon ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Hindi naman sa takot ako pero naniniwala ako na may alam talaga siya sa akin.
"Mom is excited to see you. She often ask me to bring you in our house," Lynch started.
"Hmm... me too."
In the corner of my eyes that she is looking at me through the reflection. She is still smirking at me. My jaw tightened when I averted my gaze from her. Mabuti nalang ay nakarating na kami sa basement at lumabas na kami. Bago magsara ang elevator ay lumingon pa ako. Kumaway pa siya sa akin. Napairap ako sa hangin.
"You seems tense, sweetheart," he commented. Ngayon ay nilingon ko naman siya.
"I was just nervous meeting your parents."
Mabuti nalang ay kinagat niya yung kasinungalingan ko. Nasa sasakyan na kami ngayon at pinikit ko mata ko. Medyo inaantok na rin kasi ako dahil grabe yung duty ko kanina sa ospital. Karamihan na ngayon sa mga pasyente ko ay mga bata na. Nagugulat nalang talaga ako sa nangyayari.
"How is your job being a doctor?" he asked.
Minulat ko na yung mata ko at nilingon siya na nakangiti nagd-drive. Pinagmasdan ko muna ang kabuaan niya. Maganda na lalaki talaga si Lynch at hindi ko 'yun maitatanggi. Lalo na yung bughaw niyang mata na kasing kulay ng langit.
"Hard but it's worth it," I responded. Tinuon ko na yung tingin ko sa kamay ko. Baka mahalata na kanina ko pa siya tinitingnan. Baka kung ano nanaman ang tumakbo sa isipan niya. "What it's like to be a CEO in your company? Have your parents force you to take your job?"
He smiled. "No. They let us choose what we want. And I already know that they'll give the company to me since I'm the elder brother."
"That's nice. They're good."
"Yeah... I'm really lucky to be part of their family. Chloe wants to be a doctor too."
I swallowed the lump in my throat. Damn it. My heart is beating so heavily. Hindi ako sanay na pinag-uusapan si Chloe ngayon dahil matagal naman na 'yun pero parang nabibilaukan ako kapag naririnig ko pangalan niya. Gusto mapasimangot dahil parehas pala namin gusto magdoctor. Kaya pala natipuhan din ni Joshua. Kahit kailan talaga ang lalaki na 'yun. Maghahanap na nga lang ng iba yung katulad pa sa pangarap ko.
"Pwede ka ba magkwento sa akin tungkol sa kapatid mo?"
Pasimple niya ako nilingon. Hindi ko na siya nilingon pa at diretsyo nalang sa harapan. Ayaw ko tingnan siya habang kinukwento niya sa akin kung gaano kabait yung pinatay ko dahil sa selos at galit. Napakaliit ng mundo dahil ikakasal ako sa kapatid ng kinamumuhian ko dati.
"Ever since she got murdered... I never talk about her. No one in my family even brought about Chloe because it is still sting in our heart," he began. I can feel that he is having a hard time telling me about his sister. "But I am willing to tell you about her. You're going to be my wife, sweetheart. You have to know me."
"It's fine with me if you can't tell me."
He shook his head. "No. It's fine with me, really."
"Okay..."
"She is the kindest person I've known. She love kids. And a very beautiful woman. Lapitin nga 'yun ng lalaki, e."
I pursed my lips. I didn't even bother to comment at his remark. Pakiramdam ko parang may nakadagan sa dibdib ko dahil mabigat. Siguro ay nag-guilty ako dahil ako lang naman ang pumatay sa kapatid niya. Gusto ko magalit sa kaniya dahil hindi gano'n ang pagkakakilala ko.
She's a w***e and a boyfriend stealer.
"Then? Tell me more about her."
He laughed. "She's very obedient person. Ayaw niya rin na nakakakita may nasasaktan na tao. Kaya nga gusto niya maging doctor balang araw."
"Nag-aral na ba siya ng medicine nung nabubuhay siya?"
"Oo... She was in first year college at that time. She took BS Nursing because she wants to experience to work in the hospital," he said. "Hanggang sa may pinakilala siya sa akin na lalaki. Ayun pala ang boyfriend niya na si Joshua Bautista. Nanligaw kasi 'yon sa magulang namin."
I gritted my teeth. Gano'n din kasi na paraan ang panliligaw sa akin dati ni Joshua. Kung liligawan niya man ako, gusto niya rin ligawan ang magulang ko. Kaya nga hulog na hulog na ako sa kaniya.
Kasi nasa kaniya na yung gusto ko sa isang lalaki. Gentleman siya at marunong din naman rumespeto. Mahal na mahal niya ako pero nakuha niya pa rin magloko para lang sa s*x. Nakuha niya pa maghanap ng ibang babae kung nandiyan naman ako palagi sa kaniya. Nakukuha ko pa nga tumakas sa bahay para lang puntahan siya. Nagagawa ko lahat ng mga bawal sa akin para lang sa kaniya. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal.
Naawa ako sa sarili ko dati. Yung tipo na nakukuha niya pa ako lambingin kahit may kinakama siyang babae. Nung una ay hindi ako naniniwala sa mga kaibigan ko na gano'n si Joshua. Siguro dahil na rin sa pagmamahal ko sa kaniya. Ang mali ko lang ay minahal
Halos hindi ako kumain, matulog at gumalaw sa bahay na malaman ko na niloloko niya pala ako. Sino ba naman hindi masasaktan diba? Tinapon niya lang naman yung 2 years relationship namin para sa s*x. Nag-aalangan ako ibigay sa kaniya p********e ko kasi gusto ko lang 'yun ibigay kapag kinasal na kami.
Naalala ko pa na sobrang saya ko na nagkukwento siya sa akin kung gaano siya kasaya sa piling ko. Kung gaano siya ka-excite para pakasalan ako. Ang dami namin pangarap dati pero napili niyang sirain 'yun sa isang iglap. Napili niya ako saktan at iwan.
Nangako siya sa akin at sa magulang ko na hindi niya ako sasaktan. Na mamahalin niya lang ako ng sobra-sobra. Na ako lang ang babae sa buhay niya.
"f**k! Why are you crying?"
Nang makabalik ako sa reyalidad ay mabilis ako napatingin sa rearview mirror. Naninikip na ang dibdib ko. Naalala ko nanaman ang ginawa sa akin ni Joshua. Hanggang ngayon ay masakit pa rin pala. Bumabalik nanaman yung kahinaan ko. Natatakot na ako bumalik sa dati.
Mabilis ko pinunasan yung mga luha ko. Gusto ko suntukin ang sarili ko. Gusto ko sampalin ang sarili ko. Pero nandiyan kasi si Lynch. Nakakainis dahil nakita niya nanaman ako umiyak.
"W-Wala lang... nadala lang ata siguro ako sa kwento mo," I reasoned.
"s**t! Nag-aalala na ako sa'yo, Gwen. Ang sakit tingnan na makita ka umiiyak."
Umiling ako. "Don't worry. Ayos lang talaga ako."
"May tissue diyan sa harap mo. Punasan mo yung luha mo."
I forced myself to smile at him. "Thank you. Gosh! Nasira yung make-up ko."
"Sweetheart..." he drawled. "You don't need make-up. You're already pretty to me."
I rolled my eyes. Pinunasan ko na ng luha ko. Bakit kasi hindi ko namalayan na umiyak na pala ako? Masyado ba talaga ako nadala sa pagkuwento niya sa akin tungkol kay Chloe kaya ganito?
Bakit kasi napapalapit nanaman ako sa nakaraan? Yung nakaraan kong matagal ko nang tinapon at kinalimutan.
"Malapit na tayo. Makikita mo ulit magulang ko."
"I look so horrible."
He frowned. "Who told you that? You're the most beautiful woman in my eyes."
"Bolero mo."
Humalakhak siya at nakapasok na kami sa isang mansyon. Maganda ang front yard ng bahay nila. Maraming mga halaman sa bawat gilid. Pinarada niya na 'yun sa harapan. May mga poste rin sa bawat gilid kaya nakikita pa rin yung kagandahan nito.
Tinanggal ko yung seatbelt ko at nagmamadali naman bumaba si Lynch. Napangisi ako habang pinapanood siyang naglakad sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pintuan. Kagat-kagat ang labi ko habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan.
"Kilala kita. Ayaw mo na pinagbubuksan ka," he commented.
I smirked. "Calm down. I'll give this day for you. You can do whatever you want."
"Good..."
Nang makababa na kami ay naglakad na kami papasok. Bumungad sa akin ang mga katulong niya. Binati siya lahat ng mga katulong at si Lynch naman ay ngumiti sa kanila at bumati rin pabalik.
"Hijo! Nandiyan ka na pala!"
Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid namin. Naglakad na palakad sa amin ang nanay ni Lynch. Nakuha ni Lynch yung mata niya sa kaniya. Kaya lang kamukhang-kamukha niya si Chloe.
"Hi, Mom! Where is Dad?" ani Lynch. Lumapit si Lynch para bigyan ng halik sa pisnge ang kaniyang nanay.
"He's at the dining room," sagot nito. Napadpad ang mata niya sa akin. "Hi, Gwen! Ang ganda mo talaga."
I chuckled inwardly. "Thanks."
"I'm Lych Florenda Scott. Nice to see you again, hija."
"Likewise, Tita Lych."
"O siya! Pumunta na tayo sa dining room para kumain na tayo. Naghanda talaga ako sa pagdating mo."
Nauna na naglakad si Tita Lych. Nagkatinginan pa kami ni Lynch at humalakhak. Dumausdos ang kamay ni Lynch sa likod ko at sinundan namin ang nanay niya.
"Magiging close mo agad si Mom. Matagal niya na ako gusto magbibit ng babae rito sa bahay," he said.
"Seriously? Magbitbit ng babae?" I replied, chuckling.
"Hindi mo pa kilala si Mom. Kung kanino niya ako pinapares dati pero hindi ko naman tipo. Ikaw lang talaga nagustuhan ko."
Napairap ako sa hangin. "Gabi na pero binobola mo nanaman ako. Hindi mo ako madadaan sa ganiyang salita mo, ah."
"I'm telling the truth, sweetheart. I know I look like a playboy to you but I'm not. Mataas ang respeto ko sa babae dahil may nanay at kapatid ako na babae. Hindi ko magagawa paglaruan sila," aniya habang naglalakad kaming dalawa. Seryoso na ngayon ang mga titig niya.
"Ilan na ba naging girlfriend mo?"
"Dalawa pa lang naman. Why?"
"Natanong ko lang. Sabi mo kasi hindi ka babaero, e."
Ngumisi siya. "Hindi naman talaga, e. Seryoso ako pagdating sa isang relasyon."
"Kung gano'n... ano ba mga tipo mo sa babae?"
He licked his lips then c****d his head. "Ikaw yung tipo ko, Gwen."