Ilang beses ako napapalunok habang tinitingnan ngayon si Roberto. Pakiramdam ko talaga nanlamig yung buong katawan ko nang mahuli na ako ni Roberto. Alam ko na wala na akong palag ngayon lalo na't nanghihina ako kasi inapakan niya lang naman yung tahi ko sa binti. Mariin ako napapikit dahil sa sobrang sakit ng tahi ko ngayon. Narinig ko nalang ang pagputok ng baril. Naramdaman ko yung malapot na dugo sa harapan ko.
Am I dead?
"Stand up, Cypher!"
May humatak sa akin patayo. Pagtingin ko ay nakahandusay nalang si Roberto sa harapan ko. Sa kaniya pala nanggaling yung dugo. Akala ko sa akin na. I thought I'm going to die.
"Shadow and Haiper is on the way. Sarge will clean this mess. For now, let's keep his weapon shop close for the meantime," Lourd explained. Hawak-hawak niya pa rin yung palapulsuhan ko.
"O-Okay..."
Nang masarado niya na yung weapon shop, sinakop niya yung buong mukha ko at hinayaan niya ako tingnan siya. Napalunok ako. Hindi ko talaga ineexpect na mabubuhay ako hanggang ngayon. Ang dami pumapasok sa isipan ko.
"What's the problem? May masakit ba sa'yo?"
Umiling ako. "N-Nothing."
Napatingin siya sa binti ko. Alam ko na nagdudugo nanaman 'yon ngunit iniinda ko nalang yung sakit. Umigting yung panga niya nang ibalik niya yung tingin niya sa akin.
"Shit... you're bleeding," he said, almost in a whisper. Pinindot niya yung earpiece at nagsalita siya ro'n. "I want all of you now in the underground. I have to take care her."
"What happened? May masama bang nangyari kay Cypher?" si Shadow. Alam ko na nag-aalala nanaman 'yun sa akin.
"I'll explain later. Bilisan niyo na pumunta rito."
"We're coming," si Haiper. "Unahin mo muna si Cypher. Ako na ang bahala diyan sa store."
"Sure. Thank you!"
Inayos ko muna yung sarili ko. Hindi ko alam paano ko itatago yung dugo. Tinanggal niya yung blazer niya tapos binalot niya 'yun sa binti ko. Pumikit nalang ako at binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya. Mariin ko kinagat yung ibabang labi ko dahil nanakit nanaman yung sugat ko sa binti. Isang linggo palang ito naghihilom, syempre masakit pa rin ito.
Mayamaya'y binitbit ako ni Lourd papunta sa kaniyang opisina. Dahan-dahan niya ako hiniga sa kaniyang kama. Huminga ako ng malalim nang tanggalin niya yung blazer sa binti ko. Nakakainis talaga yung nangyari kanina. I was caught of guard and I didn't expect to see Roberto caught me. And I even thought it is already my last day.
"I'll treat your wounds again, okay? Stay still," he said, softly.
"K-Kunin mo muna yung micro-chip," I replied. Kahit nanginginig yung kamay ko ay nakuha ko pa rin kunin yung micro-chip at ibigay 'yun sa akin. Sana may makuha kami na impormasyon. "Tingnan mo muna yung impormasyon na nasa loob niyan."
He shook his head. "Ikaw ang importante kaysa kung ano ang nasa loob nito. Let me deal with you first."
True to his words, he took care of me again. There's part of me that couldn't even believe that Lourd can be this kind to me. He is known to his family as aloof and uptight man. Seeing him concern to me is another level. I'm not really sure if he was sincere to his feelings for me.
Hanggang sa dumating sila Shadow, Haiper, at Sarge. Nagpapahinga nalang kasi ako sa kama ni Lourd. Nilinis din ni Lourd yung sugat ko dahil nagdugo nanaman 'yun. Mabilis umupo sa tabi ko si Shadow at mataman niya ako tiningnan.
"I'm fine. Please check the micro-chip for me," I said. Kailangan muna namin makuha yung impormasyon. Kailangan namin matulungan ang mga babae na nasa kamay ni Joseph del Vera. Hindi ako makatulog kung mga babae na 'yun ay nahihirapan sa kamay niya.
"Sawyer is already working on it," ani Shadow.
Nakita ko na nasa computer na si Lourd at seryoso siya nagtitipa sa kaniyang computer. Napapalibutan kasi siya ng mga screen ng computers. Pinapanood ko lang siya kinukuha yung impormasyon mula sa kaniyang micro-chip. Hanggang sa narinig ko siyang pumalakpak ng isang beses.
"We've already located his location. He is at Pampanga," Lourd announced. Pinakita niya sa akin yung isa pang screen at napansin ko na seryosong nakatingin doon sila Shadow, Haiper at Sarge. "At may nakita ako na message na may pupuntahan na event si Joseph sa Makati. Kailangan na natin siya puntahan do'n next week."
"Thank God..." Sarge muttered. Nilingon ako ni Sarge at binigyan niya ako ng malaking ngiti sa kaniyang labi. "You did a great job again, Cypher."
I smiled. "Thank you. And I'm very glad that Lourd save my life a while ago. I must have been lying in morgue now."
"Don't say that," si Lourd habang seryoso yung mukha niya. Base sa kaniyang tono ay 'di niya nagustuhan ang sinabi ko. Sinusuklay niya yung buhok niya gamit ng mga daliri niya. "Hindi ka mamamatay kapag ako kasama mo. Always remember that."
"Okay, may hindi ba kami alam na nangyayari sa inyong dalawa?" si Shadow habang papalit-palit ang tingin niya sa amin dalawa. "What? May relasyon na ba kayo?"
"You're being noisy again, dickhead," si Haiper.
Napahalakhak nanaman ako habang pinapakinggan sila na mag-asaran. Kahit kailan talaga wala na naging kakampi sa kanila si Johann. Kawawa naman siya. Napapailing nalang ako nang makita ko nagsasagutan nanaman sila. Maski si Lourd ay napapasali para awayin din si Johann.
Several days had passed, I stayed at my pad for how many days to let my wounds heal itself. Nasabi ko nalang kay Lynch na nadulas ako kaya ako may malaking sugat sa binti. Nakakapaglakad naman ako pero hindi muna ako pumapasok sa clinic.
Tapos nandito si Lynch sa pad ko para bisitahin niya ako. Bumubungisngis ako habang pinapanood siya na nagluluto sa kusina ko. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Grabe... siya ba talaga yung lalaki na papakasalan ko?
"Busog nanaman 'yang mata mo," he said. Paano ba naman kasi ay wala siyang suot na pang-itaas pero nakasuot na apron na kulay pink. Ang cute niya lang kasi tingnan sa mata ko. "And you're giggling again."
"I'm sorry. I never thought that pink will suit you," I replied, still giggling. Uminom ako ng tubig dahil mukhang malapit na matapos si Lynch sa pagluluto ng hapunan namin. "Umabsent ka nanaman kanina?"
"Yeah... para mabantayan kita rito."
"Why? Hindi naman na kailangan."
"Hindi lang ako makakapag-trabaho ng maayos sa tuwing iniisip ko ang kalagayan mo," aniya nang patayin niya na ang kalan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisnge. "I love you, sweetheart."
I smiled. It feel surreal that he's in love with me. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalaga sa akin at pati na rin may nagmamahal. Dati kasi ay mag-isa lang ako kahit ba nandiyan sila Johann. I always feel alone.
"Thank you for loving me," I muttered. Tumingala ako para bigyan siya ng halik sa labi. Kanina pa ako nanggigil sa kaniyang labi dahil namumula 'yun. Damn. "Kailan ba tayo ikakasal?"
"Next month? Kaya bukas kailangan mo puntahan si Tita para tingnan mo yung kompanya nila."
Napalunok ako nang maalala ko yung magulang ko. Here I am sacrificing myself to the man I killed his beloved to save their company in bankruptcy. Pero hindi ko man lang nakita yung anino nila dinadalaw ako rito. Nakakainis.
"Hey... bakit nakasimangot ang mapapangasawa ko?"
Umiling ako. "Wala. Alam ba ni Mama ang kalagayan ko?"
"Yup, I already told them about your condition. Sabi nila magpahinga ka nalang daw."
Gusto ko umirap sa sinabi niya. Never naman nagkaroon ng pakielam sa akin ang pamilya ko. Kahit mabaril pa ako sa harapan nila ay baka isipin lang nila kung kamusta na ba ang kompanya nila. Gusto ko magwala sa tuwing iniisip ko na lumalapit lang talaga sila sa akin kapag may kailangan.
Come on, gusto ko rin maramdaman kung paano alagaan ng isang magulang. Ano ba feeling kapag nag-aalala sa'yo ang isang magulang? f**k. Naninikip lang ang dibdib ko dahil wala naman talaga sila pakielam sa akin. Kaya gusto ko na mapakasalan si Lynch para kunin sa kanila yung kompanya. Siguro naman makukuha ko nanaman ang atensyon nila, diba? I'm always craving for their attention ever since I was a child.
Tahimik lang kami kumakain ng hapunan ni Lynch. Alam ko napansin niya ang biglang pagkatahimik ko. Naiinis lang talaga ako at nasasaktan. Ngayon ay nandito kami sa kwarto ko. Hinahanda niya na yung comforter sa sahig kasi doon daw siya matutulog. Matagal ako napatitig sa kaniya.
"Can you sleep beside me?" I offered. Napatingala siya at mukhang nagulat sa sinabi ko. Malamig pa naman yung sahig baka magkasakit pa siya diyan. "Matutulog lang naman tayo, e. Tsaka magkatabi tayo natulog nung una natin pagkikita diba?"
He nodded. "Right. Pero seryoso ka na gusto mo ako katabi matulog?"
"Kapag naging mag-asawa naman tayo ay tabi naman tayo matulog. Wala naman masama kung gawin na natin ngayon."
"Okay. Ayusin ko muna kama mo."
Mabilis siya tumayo at namilog mata ko nang panoorin siya nilalagyan ng unan yung gitna. Tapos humiga na siya sa kama. Mahina ako natawa dahil sa ginagawa niya. Takot ba talaga siya hawakan ako?
"Are you serious?" I asked. Naglakad na ako palapit sa kaniya at humiga na sa kaniyang tabi kahit may unan. "Ginagawa mo ba ito baka pagsamantalahan kita?"
"Nope. Nirerespeto kasi kita," he responded. "I grew up with my Mom and sister. I have a respect for any women especially for you, sweetheart."
"The reason I ask you to sleep beside so I can hug you."
He licked his lips and slowly he gave me a blissful smile. Tinanggal ko na yung unan na nasa pagitan namin at dumamba ako para mayakap siya. Kailangan ko talaga ng yakap ngayon. Lalo na't gusto ko siya kasama ngayon dahil masaya ako tuwing kasama siya. Sa kaniya ko lang ito nararamdaman ulit.
"I love you, Gwen," he whispered.
And I felt some butterflies crumpled inside my stomach. It really feels so good. Wala ako iniisip na ibang problema. Kundi siya at ako lang ay magkasama. Embracing each other while feeling our skin grazing each other.
"I love you too..."
Bumigat na ang talukap ko at umunan na ako sa dibdib niya. Pero kahit natutulog ako ay nararamdaman ko na sinusuklay ang buhok ko.
Kinabukasan ay nagising ako na wala siya sa tabi ko. Tapos nakita ko na may nakahanda na breakfast sa nighstand. Tapos may papel pa nakatabi ito sa pagkain ko. Bumangon na ako at binasa muna yung papel.
Gwen,
Eat your breakfast and take a shower. I have an urgent meeting with my client today at Cebu. I'll be gone for two days? I'm glad we cuddle last night. And please visit your parents at their company for me. I love you.
A ghost smile suddenly appeared across my face. Kinuha ko na yung ginawa niyang pagkain sa akin. I mean ang simple ngunit 'di ko aakalain na lulutuin niya 'yon. Tuyo with tomato egg and garlic rice. Para na akong baliw na nakangiti habang kumakain ng umagahan.
Ginawa ko nga yung bilin sa akin ni Lynch. Nakasuot ako ng formal ngayon. I'm wearing a dashing tight red dress and I put blazer on my body. I don't know if he's trying to rekindle my relationship with my parents, pero mukhang 'yun na nga ang ginagawa niya para sa amin.
Upon arriving at my parent's company, naging okay na nga ang kompanya nila parang hindi nalugi nung nakaraan na buwan. Pumasok na ako sa loob at binabati ako ng guwardiya.
I was 16 years old when I last visited their company. Nang marealize ko dati na mas importante ito sa kanila ay hindi na ako bumisita pa. Nakatingin lahat sa akin ang mga tao like I'm a some sort of a villain in my parent's company.
"Is she the daughter of the president of this company?"
"Yeah, I think so..."
Akala ata nila hindi ko sila naririnig pero hindi ko nalang pinansin. Pumasok na ako sa loob ng elevator at may isang lalaki na kasama ro'n. He is wearing a corporate attire with his slicked back hairstyle.
Nilingon niya ako kaya iniwas ko na yung paningin ko. Narinig ko siya na tumikhim para bang kinukuha niya yung atensyon ko. Nang hindi ko siya pansinin ay ginawa niya ulit iyon.
"Ano floor mo?" he asked, in a baritone voice. Narealize ko na hindi pa ako pumipindot kung anong floor ba ako.
"The CEO's office," I responded. And I saw how he smiled at me in the corner of my eyes.
"I guess we're in the same floor, Miss."
We heard the elevator dinged. Iminuwestra niya na sa akin ang paglabas sa elevator. Tinaasan ko siya ng noo bago ako lumabas. Napatingin sa akin ang mga empleyado. Siguro kaya ko naagaw yung atensyon nila dahil naka kulay pula ako rito sa kompanya. May color coding ba rito?
"Miss Dawson?" the woman asked.
"Yes?"
She smiled at me. "I hope you still remember me. I'm Elena, your father's secretary."
"Elena..." I acknowledged. She's the one who's always assisting me around in this company when I'm still a child. Hindi ko aakalain na magtatagal siya rito. At mukhang tumanda na rin siya. "It's been a several years..."
"I miss you, Gwen. You grew up beautiful like what I've expected," she muttered as she pulled me into a tight hug. My eyes wander around and I saw how their employees watching us. Napalunok ako. I'm not very affectionate to everyone.
Mapakla ako tumawa at humiwalay na sa kaniya ng yakap. Masyado ko na naagaw atensyon ng iba. Tumikhim ako at inayos ko yung mahaba kong buhok.
"Where's Papa?" I have to change the subject. Our conversation will lead me to nowhere. It's already all in the past and I've already put it behind me.
"He's inside. But your mother has an important investor will come today."
Tumango ako. Napatingin ako sa pintuan ng opisina ni Papa. I used to play inside his office everytime they're busy. Ngunit wala naman pumapansin sa akin kundi si Elena lang na nag-aalaga sa akin. Palagi lang inuutusan ni Papa si Elena na alagaan ako imbes na sila 'yun.
I took a deep breath before I knock. Siguro kakamustahin ko lang si Papa. Mukhanh successful naman na ulit yung kompanya. Sayang naman ang pagsakripisyo ko sa sarili ko kung hindi magiging maganda diba?
Until I heard my father speak for how many years.
"Come in..."
Tinulak ko na yung pintuan at nakita ko nandoon sa kaniyang swivel chair. Nakasuot siya ng reading glass habang may hawak na papel. Umangat ang tingin niya at nakita ko na bahagya umuwang ang labi niya. Pumasok na ako ng tuluyan sa opisina niya at umupo sa sofa.
"G-Gwen?"
Tumango ako. Hinubad ko yung blazer ko at pinatong iyon sa armrest. I crossed my legs and I gaze at him.
"How are you?" I started. He looks stunned upon asking him. This is too awkward. Matagal na ako hindi nakikipag-usap sa Papa ko. Kinagat ko yung ibabang labi ko dahil nakita ko na bumubuka at sumasarado ang bibig niya tila hindi alam ang sasabihin. "It looks like your business is back on the track again."
"It is because of you, Flare," he said. My jaw tightened. I fought so hard not to cry in front of me. I'm not the old Gwen anymore who used to cry in front of my parents. "You give us a second chance even though we don't deserve it."
"Where were you?"
"W-What?"
"Where were you when I got stabbed?"
His eyes widened. My chest was so heaving heavily. Hanggang ngayon ay malaking pagtatampo pa rin ako sa magulang ko. I hate how they neglected their only child.
"Y-You got stabbed? I though you were sick, Flare."
My eyebrow furrowed. "Even so? Why didn't you visit me?"
"I'm sorry. I was busy."
Beat.
"Always, Papa," I said while chuckling sarcastically. Dapat masanay na ako na ganito sila sa akin. Kahit pa tulungan ko ang kompanya nila ay hindi magbabago na wala pa rin sila pakielam sa akin. "If it not because of me you'll be sleeping in the streets now. Am I right?"
He huffed and bow his head. "I-I'm sorry, anak. Babawi nalang ako sa'yo."
"Always the same s**t line. You're very disappointing father for me."