Chapter 23

1973 Words
Nagtipon-tipon ulit kaming lahat sa hideout na mapag-usapan kung ano ang maganda na plano para kay Jonas. Alam ko na may s-suggest si Lourd kay Damon para mapabilis ang paghuli kay Joseph del Vera at matulungan na ang mga batang babae na nasa kamay nila. Pinaglalaruan ko lang yung swiss knife sa kamay ko habang nakikinig sa kanilang lahat. "Masaya ako sa nalalaman ko ngayon. Mabuti naman at nakilala natin yung anak ni Joseph," si Damon. "Ano ba nasa isip mong plano, Sawyer?" Nilingon ako ni Lourd. Alam ko na nag-aalanganin siya sa kaniyang binabalak. Pero sanay naman ako na i-seduce ang target namin para sa mission. Basta ako mananahimik muna at papakinggan ang pinag-uusapan nila. "Kailangan niya maging close si Jonas to get some information about their family. I know that we're already close to save those pity women," Lourd explained. He heaved a deep breath and laid his back on the backrest. "And it's very hard for me to think about this mission to let Cypher get near of that freak." Tinapik siya ni Damien sa balikat. "Don't worry. We're always on her back once she feels in danger." "But I want to know how did your parents know Jonas del Vera? Didn't they know that they have a dangerous syndicate?" si Johann. Ngayon ay seryoso na siya sa harapan namin habang nakakunot ang noo. "I don't call this circumstances as a coincidence or fate. I think it is already plan. We don't know what's running in his head. We have to move carefully behind his back." "Johann is somehow right. He is a criminal and a heartless man," si Haiper. "We have to take a risk. We have to save those women as soon as possible. I can flirt with him or seduce him in order for me to get some information," I said. Kinuha ko yung henessy sa lamesa at nilagok ko iyon agad. "And it's not my first time to seduce our target. Huwag niyo na ako alalahanin." "But you have issues," Johann interjected. "Your fiance hired a skillful assassin to put you down. Our mission is not that easy if someone wants to harm you while you're in a mission. That will get our plan compromise." "Let me deal my own problem. Mas malakas pa ako sa hinire ni Lynch." Lourd snorted. "But you got stabbed. Hanggang ngayon ay hindi pa iyan naghihilom." I bit my lips as he mentioned my wound on my legs. Kahit nakatahi na iyon masakit pa rin. Kaya nga hindi ako masyado magalaw. Pero gagaling din naman iyan. Tsaka kaya ko naman gawin yung misyon kahit may dalawang saksak pa ako. Nagkibit balikat nalang ako kay Lourd. Hays... naiitindihan ko kung nag-aalala sila para sa akin. But I'm not 8 years old anymore, kaya ko talaga ang sarili ko. Kailangan ko rin malaman ang tungkol sa Black Aura. Wala pa ako masyadong impormasyon tungkol sa Black Aura. Siguro kapag may nalaman nalang ako tungkol sa Black Aura ay doon ko sasabihin sa kanila. Kailangan ko muna mag-ingat ngayon dahil hindi basta-basta na tao yung tinatrabaho namin. He's f*****g dangerous man. Bumalik na kami sa trabaho namin at binisita ko yung clinic ko sa Montepalma Hills Hospital. Syempre may mga naka-set na appointment sa akin ang mga pasyente ko. Nagtrabaho muna ako sa ospital at alam ko na mapapagod ako. 5 hours had passed, may pinanganak ako na dalawang babae. At may tatlo ako na chineck-up para sa every month check up. Sumandal ako sa swivel chair at nagulat ako na makita na tadtad pala ako ng calls ni Lynch. He's probably missing me already. I hate to admit this but I miss him also. Gustong-gusto ko na siya makita at namiss ko na titigan yung mata niya na nakakaakit. Napangiti ako nang malaman na nakasampung missed calls na pala sa akin si Lynch. Para akong dalaga na kinikilig sa clinic ko. Mabuti nalang out na ako. Tinawagan ko na siya ngayon sa Skype at 'di ko inaasahan na sinagot niya iyon agad. "Hi, sweetheart! Mabuti naman tinawagan mo ako," he began. Binuksan niya na yung camera at nakita ko siya na nasa veranda. Mukhang nasa hotel siya at nagpapahagin sa veranda. Nakangiti ako habang tinitingnan siya. Miss ko talaga siya, hindi ko na maitatanggi iyon. "I see you're at your clinic. How's your day?" "It went good. May dalawa ako pinanganak. Two boys," I replied. Sumandal ako sa swivel chair ko. Matagal siya napatitig sa akin. Bigla naman ako na conscious sa itsura kasi alam ko na mukhang haggard ako. "So... kailan ang uwi mo?" He grinned. "Miss mo ako 'no?" "Oo miss nga kita. So, kailan uwi mo?" "Tommorow afternoon. Tsaka may inaasikaso na rin ako rito." "Like what?" "Our wedding. Gusto na talaga kita pakasalan. Gusto na kita maging asawa ko," malambing na usal nito. I felt my heart raced when he stared at me with those luminous sky blue eyes. It is so immaculate to look at. "Kaya pag-uwi ko diyan sa Manila ay aasikasuhin na natin yung invitations at catering. And you have to pick your wedding dress." "You know... I have a dream wedding gown. I want to look like a princess at my own wedding day." His lips curved up a smile. "Do whatever you want. You can be a princess or whatsoever. As long as I'm going to marry the love of my life." "You're so cheesy, Lynch." nararamdaman ko na nag-iinit nanaman ang pisnge ko. Yumuko ako at pinipigilan ko sarili ko na ngumiti. Kakaiba talaga ugali ko kapag nakakaharap ko na si Lynch. "Oh, before I forgot. I have an important to say to you." "Ano iyon?" "The man I hired already found the killer of my sister. I'm so excited to go home." Tila parang naging kandila yung labi ko dahil unting-unti nawala yung ngiti sa mukha ko. Nakaramdam ako ng kakaiba na kaba sa dibdib ko. Impossible na malaman ng assassin na iyon ang mga pruweba. Nasa bahay lang ng magulang ko ang lahat na pruweba. Paano niya masasabi na ako iyon agad? Alam ko na yung nakasaksak sa akin ang tauhan niya. Malakas at matalino yung hinire niya. But in the other hand, I have agility and speed. Ayon lang naman lugi sa akin ang lalaki na iyon. At kailangan ko na rin kumilos para alamin ang tauhan niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Sino ba yung tauhan mo? I'm just curious," I probed. I was licking my lips because I'm little tensed. "Pakilala ko nalang siya sa'yo sa mismong kasal natin," aniya habang sinusuklay niya yung buhok niya. I'm dead. I huffed. "I think I have to go. It's getting late. Pagod na rin ako kaya gusto ko na matulog. Nakakapagod itong araw na ito." "Okay. Magpahinga ka na, ah. Goodnight." "Goodnight." I already ended our call. Mabilis ko kinuha yung bag ko at lumabas na. Siguro maling tao ang mahahanap ng tauhan niya diba? Tangina kasi kinakabahan ako. Alam ko na siya iyon yung sumaksak sa akin. Pero iniisip ko kasi yung mga pruweba ay nasa akin. Paano niya masasabi na ako iyon? Para akong wala sa sarili habang naglalakad sa labas. Kailangan ko mag-uber kasi hindi ko dala yung sasakyan ko. Si Lourd naman kasi naghatid sa akin papunta rito sa MHH. Habang naghihintay ako may napansin ako na anino sa hindi kalayuan. Alam ko may tao sa likod ng poste. Nakakaramdam na ako kaagad. Akmang lalapitan ko siya na may humawak sa balikat ko. Mabilis ako kumilos at kaagad ko pinihit paharap yung tao na nasa likod ko. Inikot ko yung palapulsuhan niya. I heard him groaned at pinned him on the wall. Namilog mata ko na matauhan na si Jonas del Vera ang nasa harapan ko. Tinaas niya yung kamay niya parang sinasabi na suko siya. Wala man lang takot sa kaniyang ekspresyon, mukhang natuwa pa siya sa ginawa ko. "Damn, baby, you got me," he said and he heartily laughed at me. Umurong na ako pero nanlilisik pa rin yung mga mata ko sa kaniya. Nilingon ko ulit yung anino na malapit sa poste pero wala na siya. Shit. "What the hell are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako? Are you a f*****g stalker?" I inquired. Ningisihan niya ako at inayos niya yung damit niya. Bahagyang natatakpan ang kaliwang mata niya dahil mahaba ang buhok niya. Masyadong madilim at delikado ang mata niya. Ang mapupula niyang labi ay palaging nakangisi. "One question at a time, baby." I rolled my eyes. "Do I look like I'm joking to you?" "No," he beamed. "I was quite shock that you have a move. You really don't need someone to protect you." "I don't need someone to protect me," I replied. My eyes is still giving him a deadly glare. Bibigyan ata ako ni Jonas ng sakit sa puso, e. Bigla-bigla kasi siya susulpot. "And answer my goddamn question, Mr. del Vera." "You're very interesting. To answer your question... I asked your parents about you. Maybe because I find you attractive?" I scoffed. "Just cut the bullshit. Pagod ako sa trabaho at sa susunod mo nalang sabihin iyan." Tinalikuran ko na siya. Mabuti nalang dumating na yung uber driver ko. Sumakay na kaagad ako pero hindi ko inaalis yung tingin sa kaniya. Kumaway pa siya sa akin parang nang-aasar. Fuck you. Morning came and I was too sleepy to even stand up from my bed. Kasi naman ay dalawa ang problema ko ngayon. Imbes na yung assassin na hinire ni Lynch problema ko, pati si Jonas del Vera ay sumabay na rin. Huminga na ako nang malalim at naghanda na rin ako. A piece of bread and a coffee was my breakfast for this day. Nakarinig ako ng katok sa pintuan at nakita ko ro'n si Johann. Nakangiti pa siya sa akin. Ano ba ginagawa ng tao na ito sa pad ko? "What do you want?" I sneered. Masyado pang maaga para mang-inis si Johann. "Hindi talaga uso sa'yo good morning 'no?" "Well, you always bring bad vibes to us. And I'm not in a mood to entertaint a fool." Then he acted like he's hurt in front of me. Mas lalo ako napairap sa ginawa niya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya pinapaalis ng pinsan niya. He's just pain in the ass. Parang bibigyan ka niya ng maraming problema dahil stress ka sa kaniya. "You wounded me, Gwen," he said. Tapos hinawi niya ako sa gilid at pumasok na siya sa pad ko. Nagkibit balikat nalang ako at sinarado na yung pintuan. "Do you know Lynch Scott contacted me?" My eyes widened. "What? For real? Para saan?" "Alam kong ayaw mo ako masira araw mo pero invited ako sa kasal niya. The hell! Hindi ka man lang kumikilos?" "Bakit ka naman niya ininvite?" "Because I'm your friend?" I snorted. "Kailan pa tayo naging kaibigan? Bakit hindi ko alam na imbitado ka?" "You're hurting my feelings. Anyway, nakita niya kasi na magkasama tayo sa iisang picture sa bahay ng magulang mo. We're classmates in highschool." "Whatever..." I hissed. Kaya isa rin sa rason bakit palagi ko kasama si Johann ay naging kaklase ko siya ng highschool. Palagi niya ako kinukulit no'n. "Ano pa sinabi sa'yo ng fiance ko?" "Sabi niya sa akin na samahan ka sa paggawa ng wedding gown mo. But you know that it's not my style. So I asked Rain Sinclair to come with you," he explained. Magkasalubong ang kilay ko habang pinapakinggan siya. "Wala ka naman kasi kaibigan na babae nung nag-aaral tayo. Alam ko na friend kayo ni Rain. Ang talino ko, diba?" I rolled my eyes. "You're still a fool to me, Johann." "Pangatlong beses na iyan, ha!" Napailing nalang ako. Mukhang masisira nanaman ang araw ko ngayon lalo na't kasama ko si Johann. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD