Passionate Love
Disclaimer:
This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincident.
I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste.
All Rights Reserved ⓒ
Pleasure of Love
Love Island Series #2
Katniss Romero
Huminga nang malalim si Katniss habang nakatingin sa isang bintana ng chopper.
Litaw na litaw kasi ang kagandahan ng isla, ang Love Island na matatagpuan sa Pamactan Island sa Babuyan Island.
Exclusive ang lugar na ito dahil ang mga may invitation lang na galing sa mga share holders o may ari ng isla ang makakapasok sa lugar na ito.
Ganoon kahigpit ang lugar na ito. Magagawa mo rin nang malaya ang mga bagay na gusto mong gawin dahil walang manghuhusga sa iyo.
Malayo ito sa reyalidad. Malayo sa mga mapanghusgang mga mata at mga inggitera.
Kaya nga ito binabalik-balikan dahil sa kagandahan ng islang ito at kung paano nila pangalagahan ang lugar na ito.
Pagkababa ni Katniss, kaagad na sumalubong ang isang guard na kaagad siyang binati.
Ngunit nagulat siya nang biglang may lumapit sa kaniyang lalaki at kaagad kinuha ang kaniyang gamit.
"I'll guide her," bulong nito sa guard. Kaya naman umalis kaagad ang guard na iyon.
Naglakbay naman ang mga mata ni Katniss sa katawan ng lalaki dahil wala itong kahit anong suot bukod sa swimming trunks nito.
"Who are you?" tanong ni Katniss sa kaniya.
Lumingon naman ang lalaki sa kaniya at ngumisi. Isinuot niya ang malaking backpack ni Katniss habang ang tatlong hand carry bag naman ay isahan niyang binuhat sa kaniyang kaliwang kamay.
Nagulat naman si Katniss nang biglang binuhat ng lalaki ang dalawang naglalakihang maleta niya nang walang kahirap-hirap.
"Ako na ang bahala sa mga maleta," pigil ni Katniss sa kaniya.
Inilayo naman ng lalaki ang kaniyang mga gamit at nagsimulang maglakad.
"Hey! Wait!" sigaw ni Katniss ngunit wala siyang narinig.
"Mister—"
"It's Steven Ryker Monteverde not mister," biglang saad ni Steven bago lingunin si Katniss na gulat na gulat.
"Huh?" nalilitong wika nito.
"Steven Ryker Monteverde, Miss," seryosong saad nito. "Follow me."
Mabilis na naglakad si Steven na kaagad namang sinundan ni Katniss kahit naguguluhan siya sa biglaang paglapit nito.
Nasapo na lang niya ang kaniyang dibdib dahil sa pagtataka. Alam niyang may mali pero hindi niya matukoy kung ano iyon.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong lumitaw kung gayon ay hindi naman niya kakilala ang lalaking ito.
"Miss," tawag ulit ni Steven. "Do you want to go to your suite? Just tell me if you don't so I can leave your belongings here."
Napaawang na lang ang labi ni Katniss dahil hindi niya inaakala na ganito pala ka ikli ang pasensya ng lalaking tumutulong sa kaniya.
"Bakit mo ba kasi binuhat? Hindi ko naman kailangan ng tulong mo!" sigaw ni Katniss at mabilis inunahan sa paglalakad si Steven na ngayon ay napangisi na lang at napailing.