"Huwag namang buong isla," saad ni Katniss nang makabawi siya. Hindi naman kasi pupuwede na gawin nila ito nang paulit-ulit tapos kung saan-saan pang isla. Hindi naman kasi maganda iyon. Baka kung sino pa ang makakita sa kanila kung hindi niya pipigilan ang lalaki. Ni hindi niya nga alam kung kink lang ba ng lalaki ang public s-x, eh. Kasi may mga ganoon. Gusto nilang masubukan ang public s-x. Kung tutuusin ay ayos lang naman kung wala sila sa Pilipinas. Kasi lahat dito ay puro issue. Kapag kasi nasa ibang bansa sila na kung saan ay liberated ang mga tao, malabong pakialaman sila. "Why not? Puwede naman iyon. Wala namang makakaalam kasi wala silang pakialam," seryosong bulong ni Steven. "Puwede nating gawin sa swimming pool, sa mga public comfort room o kaya sa gym." Yumuko si Steven

