Umigting ang panga ni Steven nang magsimulang lumangoy muli ang dalaga. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi huminga nang malalim habang nakatingin sa dalaga na ngayon ay busy sa kaniyang paglangoy. Hindi siya umahon at nanatili lamang sa gilid ng pool habang hinahayaan si Katniss na lumangoy. Alam niyang may mali siya kaya siya humingi ng tawad. Kaya naiinis siya sa kaniyang sarili kung bakit ganoon pa ang lumabas sa kaniyang bibig. "The héck!" malutong na mura niya. Paglipas nang ilang minuto, napagpasyahan ni Katniss na tumigil saka umahon. Hindi lumingon ang dalaga sa kaniya kaya napagpasyahan niyang lumangoy papunta sa kung saan magpupunta ang dalaga. Lumabas sila parehas ng swimming pool area. Ni hindi na nga hinintay ni Katniss ang binata dahil nagmamadali siya. Ayaw niya kas

