Parang gusto ko na naman umiyak, naiinis ako sa sarili ko, ang tanga-tanga ko, dahil mas minahal ko pa si Dark, dapat sana nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa ginagawa sa akin, gusto ko lang naman umuwi sa pamilya ko, masama ba 'yun, sinuklay kong muli ang buhok ko at pagkatapos ay upang matuyo. Kahit nga noong naliligo ako kanina ay tumutulo pa rin ang luha ko. Pipilitin kong magalit kay Dark, tumingin ako sa suot kong manipis na dress. Wala akong damit na masusuot dahil pinasunog talaga ni Dark, ang tanging itinira lamang nito ay 'yung magmaninipis na pantulog ko upang hindi ako makalabas ng silid nito. Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang kumirot pa rang biglang sumakit ang katawan ko, siguro'y itutulog ko na lamang ito. Kahit ano'ng pilit kong matulog ay hindi pa rin a

