Wala akong dinalang gamit para hindi mahalata na aalis ako, tanging pera lamang ang aking dala ko, wala din naman akong cellphone sapagkat kinuha iyon sa akin ni Dark. "Nanay Nora! Dito lang po ako sa labas maglalakad-lakad, nakakainip po kasi sa loob," paalam ko sa Mayordoma. "Sige hija, huwag kang lalayo, baka biglang dumating si Dark," paalala nito. "Opo," tugon ko. Naglalakad ako papunta sa gate, nakasalubong ko pa nga ang mga tauhan dito sa hacienda, mabuti na lamang talaga wala ang mga tauhan ni Dark, lalo sina Apple at Art. Ngumiti ako sa Guard, kuya lalabas ako, pinapupunta kasi ako ni Dark sa hospital," wika ko. Patawarin sana ako dahil sa aking pagsisingungaling. Tumingin muna ito sa akin nang matagal bago buksan ang gate. "Salamat kuya," wika ko. Ngayon ko lamang nakita

