Kiara Gab's Mansion Nagpahatid si Kitkat ng breakfast sa kuwarto ni Dominique at sabay silang kumain. She ate 3-pcs Blueberry pancakes and still felt hungry. Napatingin siya tuloy sa pagkain ni Dominique at natakam sa pancakes na hindi ginagawal ni Dominique. Naalala niya tuloy si Gab at ang panahon na magkasama sila sa condominium nito sa Pilipinas. Kapag kumakain silang dalawa at nauubos niya ang plated na pagkain niya ay ibinabahagi pa ni Gab ang pagkain nito sa kaniya. He was so understanding of the hunger she felt. And he found him sincere. Hindi siya hinusgahan ni Gab na matakaw kahit matakaw talaga siya. Noon pa man ay accomodating na si Gab sa kaniya. Napangiti siya sa naalala. Ngunit nalungkot din siya dahil lalo niyang na-miss si Gab. Binalingan na lang niya ang kani

