Gabriel MM Management Agency Headquarters South Korea "It's impossible that my mobile phone wasn't there in the van." Nasabi ni Gab sa Korean na lingwahe habang kausap ang isa sa mga staff ng MM Management Agency. "I agree. I saw Gab holding it, while he was taking a nap on the way to the airport." Dagdag naman ni Vinci. Napailing siya habang nagpupunas ng pawis at hinihingal dahil katatapos lang ng practice ng Infin8. "How can that be? The driver should have seen it." Pinilit niyang kumalma habang inaalala niya kung ano-ano pa ang mga impormasyon na maaring makuha sa kaniyang mobile phone. Ngunit hindi rin siya gaanong nangangamba dahil may paraan na sa kasalukuyan upang malaman niya kung nasaan na ang kaniyang mobile phone. May paraan na din na maari niyang ma-block na malaman ng

