Kiara Teresa Italian Hospital Naririnig niya ang sigawan sa may bintana ng ospital kahit pa ito ay nakasara. May mga nakatiktik kasi na reporter na ang Infin8 boyband ay nasa Italia at bibistahin sila ni Gab sa ospital. Lalo nitong napaigting ang balita na tunay ngang narito si Gab sa ospital na ito at ang balitang nakapanganak na ang 'baby mama' nito. Mas naging curious ang mga tao tungkol sa relasyon nila ni Gab at nagkakaroon na mga social media reactions at feedback ang lahat patungkol sa kanila. Ang pinaka na-bother siya ay ang mga pinagtagpi tagping larawan nila at negatibong espekulasyon ng iba kung paano sila nagkita ni Gab. Nailagay din sa mga intenet news na siya ang nagtrabaho bilang waitress sa Amerika. "Kiara Teresa Delano Romualdez may have been from an affluent family, b

