Kiara Mayumi Na-realize niya na mahirap pala ang klase ng trabaho ni Gab bilang miyembro ng Infin8. Bukod sa maraming dinadaluhan na mga events ay kailangan parati silang nagpapakita ng pagiging magiliw at ma-respeto sa mga tao. Kung hindi ay katakot katakot na pangba-bash ang tatamasahin nila. Kahit pa nga mali na ang ginagawa ng mga ito lalo na nga mga reporters, kailangan ay maingat pa din sila sa kanilang ga reaksyon. Katulad na lamang ngayon na kinailangan nilang lumabas ng sasakyan upang makapasok ng hotel. Dinudumog ng mga reporters ang entrance ng hotel na kanilang tutuluyan. Pilit na gustong makakuha ng mga reporters ng picture nila lalo na ng kanilang anak. Upang maprotektahan ang kanilang anak na si Gabby sa mga pagdumog ng mga reporters, sa ingay ng mga ito at kislap ng mga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


