Twenty Two (Part 1)

2728 Words
Kiara Pink Rose Castle Kitkat felt rested. Sa ilang buwan na nakalipas ay , that she did not want to wake up yet. Antok na antok pa din siya at nararamdaman pa nga niyang napapahilik siya kaya nagigising siya, ngunit matutulog din ulit. Ngunit tumunog ang kaniyang mobile phone. Kinuha niya ang kaniyang mobile phone sa sidetable at nakita ang pangalan ni Gab. Agad niya iyong sinagot. "Good morning, Momma!" Marahang bati sa kaniya ni Gab. Napangiti siya sa tawag ni Gab sa kaniya. "Good morning, Dada..." nahihiya niyang tugon, at napahawak sa kaniyang pisngi. Kinikilig kasi siya sa tawagan nila ni Gab. "Momma, I'll pick you up around 8:00 am. Is that okay?" malambing na tanong nito sa kaniya. "Yes, Dada. I'll prepare na." Aniya at dahan dahan nang tumayo ng kama. Napansin niyang tila masakit ang kaniyang likod. Inisip niyang baka namali siya ng higa kagabi. "Ouch!" Nasambit niya. "Why? What's wrong?" Alalang tanong ni Gab sa kaniya. "It's just my back. Baka isang position lang kasi yung paghiga ko kagabi kaya siguro sumakit yung likod ko." Paliwanag niya. "We need to have it checked." Batid niya ang pag-aalala sa boses ni Gab. "I'm worried that I might've caused that back pain because of last night." "Relax, Dada." Pinamulahan siya ng mukha ng maalala kung gaano siya ka-horny kagabi at ang puwesto nila kagabi nang may nangyaring intimacy sa kanilang dalawa. " Hindi naman siguro, Dada. Bearable pa naman yung pain." Aniya at tumayo na sa kama. Napansin niyang tila parang bumigat ang kaniyang pakiramdam at nahihirapan siyang umapak. "Can you tell your parents what you're feeling right now? I'm worried, Momma." She heard him say. "I'll tell Mom later. I'll take a bath muna." Aniya. "No!" Pigil ni Gab. Siya naman ay napatigil sa pagpasok sa bathroom. "Why? Hindi naman ako puwedeng hindi maligo." Paliwanag niya. "I won't feel comfortable, Dada." Pakiusap niya. "No. Don't move a muscle, Love. Just wait okay?" Anito at tinapos ang kanilang call. Siya naman ay naupo sa stool katapat ng kaniyang dresser. Napansin niyang parang mas lalong lumaki ang kaniyang tiyan. Inangat niya ang kaniyang oversized t-shirt at napansin na tila mas bumilog at lumaki ito. Napakagat labi siya nang mapaisip siya siya sa nangyari sa kanila ni Gab kagabi. Muli niyang sinipat ang tiyan. "Hindi naman siguro kambal na ang baby ko..." napatingin siya sa langit. "At mas lalong hindi naman siguro alien ang magiging baby namin ni Love. " Mahina niyang sambit. "Pero anak, kahit ano ka pa, mahal na mahal kita. Magpaka-healthy ka sa tummy ni Momma, ha?" She looked up. "Hindi naman po ako nagrereklamo, Lord, pero shocks... lahi nga pala ng kambal sina Gab, Lord... dalawang beses ako manganganak, Lord?" Kinabahan siya at kinuha ang kaniyang mobile phone upang tingnan ang kalendaryo. "Due na din pala ako bumalik for my 5th monthly check up." Nasambit niya, nang may kumatok sa kaniyang kuwarto. "Kitkat?" ani ng kaniyang ina. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ito. "Good morning, Mom." Aniya at humalik sa pisngi ng kaniyang ina. "Sabi ni Gab, i-check daw kita dahil masama daw ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kaniya. That's why he ended the call. He called Mom for help. Ganuon na sila ka-close? Iba talaga ang charm ni GP of Infin8. And he asked help for me! Kinikilig niyang naisip. "How are you feeling, anak?" naga-alalang tanong ng kaniyang ina. "I'm fine, Mom. It's just that my back hurts. It feels like my stomach became heavier." Paliwanag niya. Napangiti ang kaniyang ina. "That's because your baby is growing inside." "Mom, hindi kaya kambal ang pinagbubuntis ko? Kasi yung family ni Gab, puro kambal." Kinakabahan niyang sabi sa ina. "Ayaw mo ba yun, anak?" "Natatakot akong manganak, Mom." Pag-amin niya. "Anak, it's normal to feel that way. We can always resort to caesarian if you think it would be hard for you to give birth normally." "I have to talk about it with, Gab." Naisip niya. "Mom, did you talk about it with Dad too when you got pregnant?" Napangiti ang kaniyang ina. "No, we did not talk about it then. I gave birth to all of my kids through normal delivery." "Oh," pinamulahan siya ng mukha dahil kinaya ng kaniyang ina na manganak ng normal sa dalawa niyang kapatid na lalaki at sa kaniya. "You're a super woman, Mom!" Aniya. "Your future mother-in-law is also one superwoman for bearing twins 2 times, before Gab." "Mom! Nakakahiya kung maga-assume ako na magiging future mother-in-law ko ang Mom ni GP of Infin8." "Maraming naga-assume na magiging mother-in-law ang Mom ni GP of Infin8. Are you saying my daughter does not deserve to want it, too? Excuse me, nagdeposit na nga si GP of Infin8 sa anak ko, no!" Napataas ng kilay ang kaniyang Mommy sa kaniya. "Mom! What you're telling me is starting to be a little cringy." She honestly said and held her heavy stomach. Napatawa ang kaniyang ina sa kaniya at niyapos siya. "My darling, calm down. I just want to emphasize to you that you have to assert yourself if you love something so deeply. Dapat ipaglaban mo. Naiintindihan mo ba ako?" malumanay na tanong nito sa kaniya. "Hindi ka puwedeng lalamya lamya,anak." "Pero, Mom, I don't think I will need to fight with anyone to gain Gab's attention. I just know that he is focused on me and our baby." She confidently said. Napangiti si Katniss sa sinabi niya. Pati siya ay napangiti na din. It was something she was afraid to claim before. But now, things have changed for her when she started to trust Gab. *** Habang naliligo si Kitkat ay nakipakuwentuhan siya kay Dominique through speakerphone. Nalaman niya kay Dominique na hindi pala makakapasok si Vinci dahil may virtual meeting ang Infin8 patungkol sa mga schedules ng tour ng mga ito para sa natitirang buwan ng taon. Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi man lang ito nabanggit ni Gab sa kaniya. Nalulungkot din siya sa ideya na mawawala si Gab ng matagal na panahon para sa mga sold out concerts nito sa iba't ibang bansa. Napaisip din siya kung bakit hindi binanggit ni Gab na mayroon itong meeting ng 8:00 ng umaga at mas pinili nitong ihatid siya sa eskwelahan. It doesn't take a genius to read between the lines, Kitkat. She scolded herself. He wanted to be with you. At that thought, she felt her heart smile. Matapos niyang maligo ay naka-abang na ang dalawang babaeng helpers upang alalayan siya magbihis. Kahit naiilang siya na may nakaabang na babaeng helpers sa loob ng kaniyang kuwarto ay pumayag na din siya dahil sa pakiusap ni Gab sa kaniyang ina. Gusto na din niyang mapabilis ang kaniyang paghahanda dahil ayaw niyang paghintayin si Gab lalo pa ngayon na may meeting pala ito, ngunit inuuna siya nito. Matapos niyang makapagbihis ay pinuntahan niya kaagad si Gab na naghihintay sa dining room. Naroon ang kaniyang ama at ina na tila masinsinan ang kanilang paguusap. Alalang alala siya na baka ini-interrogate na naman si Gab ng kaniyang ama, ngunit napansin niyang nakangiti ang kaniyang mga magulang habang nakaharap kay Gab at nag-uumagahan. Lumingon si Gab sa direksyon niya at nakangiti din ito. She wondered why her father suddenly changed the way he treated Gab. Agad na tumayo si Gab sa upuan nito at sinalubong siya. Inalalayan siya nito na ma-upo sa dining chair. "Have some breakfast first, anak." Sabi ni Utt sa kaniya. Tiningnan niya ang kaniyang relo at nakita na 7:15 na ng umaga. "We need to eat fast, because you still have a confidential meeting at 8:00 am, right?" Bahagyang nagulat si Gab ngunit napangiti na rin ito. "Did Dominique inform you about it?" "Yes," aniya. "So, hurry up and finish your breakfast, and bring me to school, so that you can join your confidential meeting." She emphasized the word 'confidential' because she wanted him to know that she was upset that he did not bother to tell her about his schedule and plan for the last quarter of the year. Naisip din niya na marahil ay posible na manganak siya na wala sa piling ni Gab dahil nasa abroad ito para sa mga concerts nito. Napatingin si Gab sa kaniya. Batid niya na ang pagtitig ni Gab sa kaniya ay tila sinusubukan nitong maintindihan ang kaniyang ibig sabihin. "Eat please and let's go." Sinabi niya kay Gab. Sumunod naman ito sa kaniya. "Yes, Ma'am...Momma." He said that only she could hear. "Eat too. You're feeding two persons so you need strength." Aniya. Nang matapos na sila mag-umagahan kasama ng kaniyang mga magulang, ay hinatid pa sila ng mga ito pasakay sa sasakyan ni Gab. Inalalayan siyang pumasok ni Gab sa loob ng passenger's seat at kinabit ang kaniyang seat belt. Naisip niyang itatanong niya ang dahilan kay Gab pagpasok nila sa sasakyan. Pinagmasdan niya ang pagpapaalam ni Gab sa kaniyang mga magulang. Nag-mano ito sa kaniyang mga magulang, bago tinungo ang driver's seat. "Mag-ingat kayo sa pagmamaneho." Paalala ni Utt. "Yes po. " Tugon ni Gab at kumaway sa kaniyang mga magulang bago nito pinaandar ang sasakyan. Pati na din siya ay kumaway sa kaniyang mga magulang. Nang makarating na sila sa highway ay napansin niya na mabagal ang pag-andar ng sasakyan. "Love, may 8:00 am meeting ka, diba?" bungad niya. "Yes, Love." tugon ni Gab na nakatutok sa pagmamaneho. "But I will bring you to school first." "When are you leaving?" malungkot siyang tumingin sa labas ng bintana niya. Gab reached for her hand and placed it on his lips. He kissed her hand. "I don't know yet, but I hope to go home immediately. And be with you." Aniya. Napangiti siya sa sinabi ni Gab. It comforted her and she kept holding his hand. She brought his hand to her lips and kissed it, too. Napangiti din si Gab sa kaniya at hinawakan pa nito ang kaniyang tiyan. "Momma Love, I need to focus on driving." He said. She smiled at him and relaxed in her seat. She felt safe and fell asleep. *** "Love," Gab gently woke her up. She woke up and saw that they were already in the parking lot of the school. He went out of his side of the car and opened the door for her. He unbuckled her seat belt for her and assisted her to go up. She felt her backache as she stood up from the car. "Momma, it makes me worried." He said as touched her back. "Is it because of what happened last night?" "Dada, no. It's just that my stomach became heavier." Aniya. "Lumalaki na baby natin." She smiled at him. Napangiti na rin si Gab at tumingin sa suot niyang trench coat. "Baby, wag ka mashado malikot ha?" "Gab!" Narinig nila pareho ang isang pamilary na boses. Napalignon sila sa direksyon nito. Si Liz Anderson pala ito at kasama itong alalay nito na pinagsuot pa nito ng suit na pang nanny uniform. Napailing siya at umiwas na lang ng tingin sa kasama nito. Napapatitig na lang siya kay Liz na parang mod kung maglakad. Her brown hair was long and straight and she looked like a model. She looked stunning. Nakaramdam siya ng kaba at panliliit sa kaniyang hitsura at sarili, kaya tumingin na lang siya sa sahig. Bakit ka mahihiya? Maganda ka din naman. Hello! Magkahalong genes kaya ni Utt Romualdez at Katniss Delano ang nasa sa iyo? Stop feeling small. Hindi ka pinalaki ng magulang mo na walang kumpyansa sa sarili. They gave you all the tools to be a confident, intelligent, and proper young woman. Stop being judgey on yourself. She reminded. Huminga siya ng malalim at tumayo ng ayos ngunit nakaramdam siya ng pananakit ng likod. Pinanood na lamang niyang excited na lumapit si Liz kay Gab. "We have the same class today. Sabay na tayo?" Malambing na pag-aya nito kay Gab. "I can't go to class today." Malamig na tugon ni Gab kay Liz na naka-angkla na sa braso nito. Gab discreetly moved Liz's arm away from her grip and he held her arm instead. Kinabahan siya dahil baka mabuko ang relasyon nilang dalawa ni Gab. "Let's go," aya nito sa kaniya. "Who is she?" humarang si Liz sa kanilang daanan, demanding for an answer like she was Gab's girl friend. "We're friends. " She shyly answered on Gab's behalf. Nagkatinginan sila ni Gab. Halata sa mukha nito ang disappointment sa sinabi niya na 'magkaibigan lang' silang dalawa. She bit her lip feeling guilty about what she did. Showbiz response telege, Kitkat? Wow! She sarcastically scolded herself and felt her cheeks turn red in embarrassment. Bahagyang umirap sa kaniya si Gab na halatang pinagpapasensyahan siya. Pasensya na, Dada. Natakot lang ako at napapraning dahil gusto ka ni Liz. Pag nalaman ni Liz kung ano tayo sa isa't isa, baka may gawin siya na makakasira sa career mo, o baka isa na naman siya sa mga bashers na gusto kami mapahamak ng baby natin... She saw that Gab clenched his jaw and just looked down. Laking pasalamat niya na hindi na ito kumibo. "Let's go," muli nitong aya sa kaniya at nagpa-alalay naman siya sa paglalakad. "Gab," tawag ni Liz. " I was hoping you could lead me where our first class is." Anito. "Just follow us," hindi man lang lumingon si Gab kay Liz. Patuloy lang itong naglakad kasama siya. Sumakay sila sa elevator at tinungo ang ikatlong palapag kung nasaan ang first class nila. Sumunod naman sa kanilang dalawa si Liz. Pagdating sa classroom ay inihatid pa siya ni Gab sa kaniyang upuan. "I'll be back after 2 hours. I'll call you." Anito sa kaniya na. "Okay," she nodded her head with a smile on her face. She noticed that Gab was still standing in front of her, but with worry written on his face. "I'm fine, Lo---" she halted before she could say their term of endearment. she squinted her eyes. "LOL..." she just said instead. Gab smiled at her, exposing his dimples. Bahagya siyang napatulala na tila kaakit akit ang mga dimples nito. Na-imagine niya ang mga cute chubi animations na patungkol sa mga miyembro ng Infin8 members at ang mga stuff toy merchandise ni GP of Infin8. She suddenly desired to have a big one so that she could pinch it, instead of the real GP of Infin8. Sinundan niya ng tingin si Gab na naglalakad na palabas ng classroom. Abala ito pag-scan ng mobile phone nito, habang ang ibang mga estudyante sa classroom ay nagkukuhaan naman ng kaniyang picture. Halata sa kilos nito na mahiyain pa din ito kahit na ilang taon ng sikat si Gab bilang GP of Infin8. But then, he was secluded at that time and had been homeschooling just like the other members due to their hectic schedule. This regular schooling must be challenging for Gab, but he was willing to go through this just to be here with her. She felt all the more guilty for the adjustments that he had to make for her, and she has not yet shown her gratitude about it. Instead, she asked him to keep their relationship a secret. She also remembered he asked her to marry him, but she skipped that part because her mind was too focused on how she could protect him, his career, and their baby, that she forgot to properly say yes. Hay, Kitkat! Sana lang magtanong si Gab sa iyo ulet para masagot mo naman siya ng maayos. She felt uneasy just worrying about it, that she had to remind herself to start breathing. "Are you close to Gab?" naputol ang pagiisip niya sa tanong ni Liz. Bahagya siyang nagulat na nasa tabi pala niya ito naupo. "Yes," tipid niyang tugon. "I want to be close to Gab, too." Anito sa kaniya. Hindi niya sigurado kung ano ang gusto nitong palabasin. "Bakit mo sinasabi sa akin yan? " nahihiya niyang iniwas ang kaniyang paningin sa magandang mukha ni Liz. Naasiwa siya sa lapit nilang dalawa. Pasimple siyang dumistansya sa katani niya sa upuan at kaagad na pinrotektahan ang kaniyang tiyan. "Para tulungan mo ako. Sabay ba kayo kumakain ng lunch ni Gab? Gusto ko mamayang lunch na ma-solo si Gab. " Hindi kita tutulungan. Naisip niya. "...you have to assert yourself if you love something so deeply. Dapat ipaglaban mo." Naalala niyang sabi ng kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD