Twenty Two (Part 2)

2131 Words
Kiara Italian Business School Classroom The class started and Liz was introduced by the professor. All the students in the classroom were amazed that Liz introduced herself as an actress in the Philippines and had one telenovela series with GP of Infin8 this year. Liz even encouraged everyone to watch the English- sub in Viuflix. Kitkat felt uncomfortable watching Liz flex her achievements to their classmates and the constant association that Liz was making with Gab. Napaisip siya. Siya itong hiyang hiya na i-associate ang sarili kay Gab upang protektahan ang career nito, ngunit ito namang si Liz ay lantaran at sinasadya talagang i-associate ang sarili sa kasikatan ni Gab. Nakaramdam siya ng inis kay Liz, ngunit hindi niya hinayaan mawala ang pokus niya sa lecture ng professor, lalo pa dahil nagpadala ng message sina Dominique at Gab sa kaniya na turuan niya ang mga ito mamaya sa tinurong lesson ng professor. Pinilit niyang makinig sa professor ngunit panay din ang tingin niya sa kaniyang mobile phone at relo upang malaman kung anong oras na. Gusto na niyang matapos ang klase dahil naaalibadbaran na siya kay Liz, bukod sa nagseselos siya at gusto na niya tanungin si Gab patungkol sa relasyon nito kay Liz. Narinig niya ang bell sa labas ng classroom. Sumilip siya sa pintuan kung naroon si Gab ngunit wala pa ito doon. Matamlay siyang tumayo at inayos ang kaniyang suot na trench coat. Kinuha na rin niya ang kaniyang bag at isinukbit sa kaniyang balikat nang maramdaman niya na may tumapik din sa kaniyang balikat. "You know, you look familiar. " Sinipat sipat siya ni Liz Anderson. Sa puntong ito, parang kontrabida na sa mga teleserye kung umasta si Liz sa kaniya, sa isip-isip niya. "A-ako?" tanong niya. "I don't think so." She tried to pretend. However, deep inside her, she already felt tensed and wished Gab did not leave her with Liz. Nakaramdam siya ng kaba at hindi nakakibo. "Are you Gab's cousin? Liz assessed her. "From what I know, Gab's cousin on the father's side look Asian. On the mother's side, they all look Europeans. But, most of the Pontes cousins of Gab are male, except for his Aunt Pinkie and Uncle Marcus' daughter. " "Wow!" Nasambit niya dahil hindi siya makapaniwala na alam lahat iyon ni Liz. Sadya pala itong usisera at may pagka-stalker kay Gab, sa isip isip niya. Nakaramdam tuloy siya ng selos dahil dinaig pa siya nito sa pagre-research tungkol kay Gab. Ngunit kung tutuusin ay hindi naman din niya kailangan pa mag-stalk dahil nakakakuha naman siya ng first hand information mula kay Dominique noon patungkol kay Gab, kaya alam niyang may nakalimutan si Liz o hindi alam tungkol kay Gab. Si Gab ay may isa pang pinsan na babae at ito ay si Maxine Pontes. Panganay na anak ito ng Uncle Max at Auntie Rainbow ni Gab. Sa Tolosa din ito lumaki at naging kababata din niya ito dahil madalas noon dumalo ang pamilya ni Maxine at ang kaniyang pamilya sa iba't ibang okasyon ng magkabilang pamilya. "I've learned about Gab's relatives because Gab and I already have a mutual understanding. Career muna, pagaaral, and then we'll see from there. "Anito. "This is why I'm making a point to know all his relatives para hindi naman nakakahiya in the future." Nalilibang na kuwento nito, habang inaabala ang sarili sa pagsilip ng sarili sa camera ng mobile phone nito. "Hindi ka masyadong interesado kay Gab, ano?" she sarcastically muttered. "What did you say?" pataray na tanong sa kaniya ni Liz. "Ang sabi ko mashado kang interesado kay Gab." inulit niya. "Of course! I want to know my future husband's family." Inisnab siya nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Liz at napaawang ang labi. Napaka-feelingera nitong babaeng ito! Napakunot noo siya. "By the way, why were you in Gab's car earlier? I saw you get down and was assisted by Gab from his car at the parking lot. Ano ka ba niya? " muli siyang tinanong ni Liz sa kaniya. "And, I like your trench coat. You remind me of Paddington bear. " Natatawang dagdag ni Liz sa kaniya. Kahit paborito at cute para sa kaniya si Paddington Bear, alam niyang nilalait siya ni Liz. Nakuuu! Kapag nanganak na ako, I swear, ipapakita ko sa'yo kung sino ang nilalait mong Paddington Bear! Intayin mo ang pagbabalik ng api! Naisip niya. Ngunit naisip niya na hindi na lang niya papatulan ang hiriti ni Liz. Batid niya sa kaniyang sarili na hindi siya dapat ma-insecure sa komento ni Liz na kesyo para siyang Paddington Bear na ang ibig sabihin ay mataba siya o wala siyang korte o hugis. "Grazie," she tried to gracefully smile. "I like your trench coat too. I think I saw that on sale in an online shop. It was about $50. Great budget find!" She said and turned her back to exit the room, but she bumped into someone that smelled familiar. She looked up to the tall frame of the person she bumped into. "Love," mahina niyang nasambit. Halos ikaluwag niya ng loob na naroon na si Gab at sinusundo na siya. "Gab!" Excited na lumapit si Liz dito. "It's good that you're here. I'm starving. Have you had breakfast already? Can we go have snack together?" Agad na umangkla si Liz kay Gab, at pasupladang tumingin sa kaniya na nasa tapat pa din ni Gab. "Ask your personal assistant outside." He coldly suggested and removed his arm away from Liz. He reached for Kitkat's arm. "Let's go?" he gently asked as he lovingly smiled at Kitkat. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba sa lantarang pagpapakita ni Gab ng pabor sa kaniya kesa kay Liz. Napatingin siya kay Liz at nahalata sa mga mata nito ang inis nito sa kaniya. Sinundan ni Gab ang kaniyang tingin at napatingin din ito kay Liz. "We'll go ahead." Anito kay Liz. Ginabayan siya ni Gab at bahagyang hinila ang kamay upang magsimula na sila maglakad ni Gab papalabas ng kuwarto. "But, Gab!" Liz stomped her foot. " I don't know this place. " She complained. Napalingon si Gab kay Liz at napatingin sa mga kaklase nila na naroon pa din sa loob ng classroom. "Liz needs a volunteer to tour her around the school." Baling ni Gab sa mga kaklase nila. Nagmadali naman ang kalalakihan at ilang mga kababaihan na magboluntaryo upang i-tour si Liz sa eskwela. Napatingin siya kay Gab. "Wow! Ang galing mag-dodge ng Love ko ah!" Papuri niya. Napangiti naman sa kaniya si Gab, habang nalalakad sila sa hallway. "Let's have a snack outside the school?" he asked her as they walked side by side. "Sure. Where do you have in mind?" she asked. "Anywhere you want," he said. "Bakit ako?" "Eh kasi sabi doon sa book na binabasa ko, ang mga pregnant women daw ay may mga kine-crave na food. It helps uplift the mood of pregnant women. It makes them happy. And if happy ang momma, happy din si baby." Sabi nito. She found him adorable for making an effort to research pregnant women. "Ang sweet naman ni Dada..." nasambit niya habang nakangiti kaniyang tiyan na tila mas mabili ang paglaki, simula ng naging maayos na ang relasyon nila ni Gab. *** Gab brought her to her favorite hangout place. It was a small bakeshop called Astro. She especially likes the meatball pasta and croissant sandwich there. As they parked their car and started to walk, Gab held her hand which made her look around for fear that they would be identified. "Don't worry," Gab said and put a cap and black face mask on. "You still look like a celebrity to me. " She said feeling nervous they walked towards the bakeshop. "They probably wouldn't guess who I am if we stay in the second floor of the bakeshop." He said as they walked. "Walang second floor yung bakeshop, Love." Pagsisinungaling niya dahil ayaw na sana niyang magpunta pa doon. "It's a work day and school day today, hindi naman siguro marami ang tao." "Kung sabagay," muli na siyang napangiti habang naglalakad sila na magka-holding hands. Pagpasok nila sa bakeshop ay na-excite siyang makita ang kaniyang paboriting truffle cake. "Wala palang 2nd floor dito ah?" Sabi ni Gab na nakatingin sa sign na nakadikit sa wall malapit sa isang stair case na nagsasabing 'This way to 2nd floor'. "Hehe!" She gave a peace sign to the tall man she looked straight in the eyes. Kahit mata lang ang nakikita niya sa mask na suot ni Gab ay kita niya na nakangiti ang mata nito na ang ibig sabihin ay hindi ito nagagalit sa kaniya. Nag-order sila ng kanilang pagkain. Ginaya ni Gab ang order niya na Meatball pasta, egg croissant, at truffle cake slice. Si Gab ang nagbayad ng kanilang pagkain at tumungo na sa 2nd floor. Inalalayan pa siya nito na umakyat sa 2nd floor na kaniya namang na-appreciate. "Bakit hindi ka umorder ng iba?" tanong niya kay Gab nang makaupo na sila sa lamesa malapit sa bintana kung saan may view ng mga bundok sa second floor. Natuwa siya makinig sa Italian restaurant music at sa tahimik na lugar dahil walang tao kungdi sila lamang dalawa. Tama nga ang obserbasyon ni Gab na wala pang tao noong oras na iyon dahil lahat ay nasa trabaho o eskwela. "I wanted to know your favorites." He simply said as he sipped his black coffee. Napangit siya kay Gab habang pinagmamasdan niya itong uminom ng kape. Para akong nanood ng coffee commercial. Pati pag-inom ng kape, perfect! Napaisip siya. Naputol lamang ang pagtitig niya kay Gab nang tumunog ang mobile phone nito at sinagot nito. Hindi niya napigilan na mapatingin sa screen ng phone ni Gab. Nabasa niya ang pangalan ni Vinci, kaya nakampante ang loob niya. Nagtanong ito kay Gab kung nasaan sila. Dumating ang kanilang pagkain at sinenyasan siya ni Gab na mauna na kumain, habang tinuturo ang kaniyang tiyan. Hindi niya alam kung paano niya naintindihan, ngunit alam niyang concerned si Gab na gutom na sila ng kanilang baby. Kinilig siya sa gesture na iyon ni Gab. Nag-enjoy siyang kumain habang nakikinig kay Gab. "I won't tell you." Tugon ni Gab. "I'm on a date with, Love. Wag kang istorbo." Suplado nitong tugon at inend ang call. "Dada naman," sita niya. "Bakit ang suplado mo naman?" "Pag sinabi ko kung nasaan tayo, baka sumunod sila ni Dominique." Simangot nito na parang bata. "Gusto ko ikaw ma-solo, bago kami umalis bukas." Pag-amin nito. "Bukas na ang flight mo para sa concert tour niyo?" gulat niyang sambit. "Yes," nahihiya nitong tugon. Napatigil siya ng pagkain at nawalan ng gana. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil tila naiiyak siya. "Hay! Hormones!" Pinaypayan niya ang mga mata habang nakatingin sa kisame at pinipigilan maluha. "Love!" Agad na umusod sa kaniyang tabi si Gab. "May nasabi ba ako masama? Gusto mo bang makasama sina Dominique at Vinci?" nalitong tanong ni Gab. "Hindi yun," tugon niya na papahikbi." Nahihiya ako sabihin." "Anong problema?" umakbay si Gab sa kaniya. "Ang bilis kasi..." aniya. "Ano ang mabilis? Nabibilisan ka ba sa relasyon natin? Hindi ba dapat nga tayo magmadali kasi manganganak ka na soon?" may kapilyuhang tanong ni Gab sa kaniya. "Hindi yun!" "Ano nga?" malambing na tanong ni Gab sa kaniya. "Aalis ka na bukas... Parang isang araw pa lang tayo maayos na nagkasama, maghihiwalay tayo kaagad." Nalulungkot niyang tugon. "Tapos, si Liz, makaksama ko sa school." "Sorry, Love. I have to join the concert tour..." "Naiinitindihan ko naman," malungkot niyang pagputol kay Gab. "Hindi naman ako pipigil. Ma-mimiss lang kita ng sobra sobra." Pag-amin niya. "At saka, nagseselos din ako at napa-praning na baka may iba ka pang ka-MU bukod kay Liz." "What MU?" nalilitong tanong ni Gab sa kaniya. "Mutual Understanding. Sabi ni Liz may mutual understanding daw kayo." Tugon niya na napalakas ang tuhog sa pasta sa plate niya. Bahagyang nasindak si Gab bago napangiti. "Naniniwala ka ba?" tanong nito sa kaniya. "Malay ko sa inyong dalawa!" Nainis niyang iwas ng tingin sa nakakakilig at maamong mukha ni Gab. Gab inched closer to her so that their chairs were close together. He pulled her closer to him for an embrace. "I don't like Liz. May iba akong gusto at siya ang Momma ng magiging baby ko." He said as he caressed her back. "Pero may MU ba talaga kayo?" pagklaro niya. Umiling si Gab na nakangiti. "I know what she's up to. She's using me to gain popularity." Anito. "I know she cannot be trusted, so listen to your Dada." She shyly smiled and nodded her head. "Okay, Dada Love." Aniya. "Mami-miss kita. Puwede ba ako mag-overnight sa iyon mamaya?" nahihiya man siya sabihin, pero gusto niyang makapiling si Gab, bago ito umalis para sa 2-weeks tour ng Infin8.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD