Kiara
Italian Business School
First Day of Classes
Nanlamig si Kitkat nang malaman na naka-enroll din sa Italian Business School si Gab. Agad niyang sinapo ang kaniyang bahagyang nakabukol na tiyan, at tinakpan niya ito ng kaniyang suot na trench coat sa pangambang malaman ni Gab ang totoo.
Magkahalong emosyon ang kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon. Masaya siyang malaman na binigyan na ni Gab ng pagpapahalaga ang paga-aral at pagpapatuloy na pagbuti ng kaalaman nito. Isa itong sinyales na maaring sinunod na nito ang kahilingan ng ama nito na magtapos ng pag-aaral. Masaya din siyang malaman na maaring bumubuti na rin ang relasyon nito sa sarili nitong ama. Katulad din sa binalita ni Gab sa kaniya, maaring sumang-ayon at sumusuporta ang talent management agency nito na bigyan nito ng panahon at paglinang ng kaalaman. Sa tingin nga niya ay isa itong strategy ng talent management agency sa pag-promote sa Infin8 bilang role models ng kabataan na nagbibigay halaga sa pag-aaral at pag-improve ng sarili.
Ngunit natatakot at naga-alala siya na dito din sa Italian Business School maga-aaral si Gab. Siguradong pagkakaguluhan ito ng mga estudyante, lalo na ng mga Infin8 Soldiers. At kung hindi didistansya si Gab sa kaniya ay pihadong iinit na naman ang mga mata ng mga bashers at haters sa kaniya.
She could not take the risk of being bashed, hated, and physically hurt for their baby's sake. If she was identified or associated with Gab again, she might need protection from her bodyguards all the time in public places, or worst, her parents might decide to transfer her again to another school, which would also add to the many reasons that her father disliked Gab.
She wouldn't want her family to dislike Gab. Gusto pa din niyang isipin na maaring maranasan ng kaniyang baby na magkaroon ng kumpletong magulang at buong pamilya. Ngunit hindi pa ito maaring mangyari sa ngayon. She felt a tear quickly drop from her eye at the thought of the things that she wanted to give her baby; and what she had to let go of to protect the precious life inside her.
Palihim niyang hinimas ang kaniyang nagu-umpisa nang mag-contract na tiyan.Tumataas na naman kasi ang kaniyang emosyon sa pagiisip sa mga bagay na hindi niya kontrolado. Nai-stress siya sa sitwasyon na ito dahil nadadagdagan ng hiya at pagka-konsensya ang kaniyang nararamdaman sa ginawa niyang pagsisinungaling kay Gab tungkol sa baby nila. Bahagya siyang tumalikod upang iiwas ang kaniyang mukha sa mga kaharap.Pasikreto niyang pinunasan ang kaniyang luha at huminga siya ng malalim upang mapigilan na mag-breakdown sa harap ni Quitos at ng mga kausap nila.
Marahang umakbay si Quitos sa kaniya. "Are you okay?" alalang tanong nito.
"Yeah, I'm... fine." Mahina niyang tugon. "I need to go to the restroom." Pagdadahilan niya. "You just go ahead to your first class sched." Agad siyang tumalikod sa opposite na direksyon upang makaiwas kay Gab. Tinungo niya ang pinakamalapit na restroom at pumasok sa pintuan.
She went inside one of the cubicles and put down the toilet cover before she sat down. She tried to relax and closed her eyes as she inhaled and exhaled a couple of times.
"This is just a dream... this is just a dream..." she repeated and then opened her eyes. Kinurot pa niya ang kaniyang pisngi at napailing. "What am I doing?" nasambit niya habang nakakuyom ang mga kamay. "Hindi ba dapat kang matuwa dahil nandito siya?" naiiyak naman niyang kinausap ang sarili. "Pero paano ang career niya?" nagaalala niyang tanong sa kawalan at napatingala. She instantly closed her eyes and clasped her hands together for a quick prayer. "Lord, what should I do? Please don't let him find me. But, if it is your will for us to meet again, your will be done. I trust in you. Amen."
Napamulat siya ng mata nang marinig niya ang katok sa pintuan ng cubicle.
Kung bakit naman kailangan kumatok dito sa cubicle na'to samantalang may mga vacant cubicles pa naman. Haist! Naisipi niya.
"Occupied..." tugon niya, ngunit tuloy pa din ang katok sa pintuan.
Tumayo na siya mula sa toilet seat cover at binuksan ang pinto upang ipaalam sa kumakatok na matatagalan siya sa pag-gamit ng restroom.
Malungkot niyang tinitigan ang lock ng pintuan at binuksan ito. Wala siyang plano man lang tingnan ang mukha ng babaeng kumakatok sa female restroom.
Bahagya niyang binuksan ang pinto. "I have diarrhea. I will take a while here. I suggest you choose another cubicle." Aniya kahit hindi naman iyon totoo, at kahit pa mandiri ang babaeng kumatok na maisip na nagda-diarrhea siya.
Ngunit napansin niya sa may awang ng pinto ang kasuotan ng kumatok na tao. Kabisado niya iyon bilang isang fan na memoryado ang kasuotan ng kaniyang idol. Fear of God denim shirt jacket, Saint Laurent logo T-shirt, Distressed Selvedge jeans, at Prada combat boots. Hindi siya maaring magkamali. Iisa lang ang may ganitong pormahan lalo na ang sapatos na paborito ng Infin8 member na si GP.
"Kat," malambing na sambit ng pamilyar na boses na iyon. Si Gab. Agad na sumilay ang ngiti nito sa pagkakita sa kaniya "Do you need meds for your diarrhea? I can get you meds." He even offered.
She felt starstruck before she could stop ogling him. He looked so good and so much better as she looked at his face for the first time after she left Manila.
"No, I'm good." Pinamulahan siya ng mukha. "I was lying..." lying about our baby and I'm so sorry! She wanted to say. " I was just lying about ... diarrhea. " Tipid niyang pag-amin kahit madami siyang nais sabihin. Una dito ay ang paghingi ng patawad dahil umalis siya ng panahon na kailangan siya ni Gab dahil sa aksidente. Pangalawa, pinutol niya ang kanilang komunikasyon. All she wanted was to protect him and their baby, but here they were now.
Bakit ganito, Lord? Bakit andito si GP of Infin8? Alam mo naman marupok ako pagdating sa kaniya. Huhu!
Sa tingin pa ng aniya ay tila lalong gumwapo si Gab kesa noong huli niya itong makita ng personal. He was as handsome as she remembered, but he looked more charming and oozing with s*x appeal now with his two-block haircut, his beautiful face, and strong presence that could still easily make her and Infine8 soldiers sigh in adoration for him. He was oddly pretty yet so manly. Gusto tuloy kumawala ng kaniyang puso bilang isang Infin8 soldier.
Hindi niya maalala kung awtomatiko ba niyang inaya si Gab na pumasok sa loob ng cubicle, ngunit pumasok na ito sa loob ng masikip na lugar na iyon na pang isahang tao lamang. Napansin niyang ni-lock pa nito ang pintuan bago humarap sa kaniya. Napa-atras siya sa kaba nang harapin siya ni Gab dahil alam niyang determinado itong makita at makausap siya.
Their proximity to each other left her breatheless. Wala siyang ibang magawa kungdi iangat ang kaniyang mukha sa katangkaran ni GP of Infin8 na gahibla lang ang lapit sa kaniyang harapan. Gusto niya magtititli sa kilig, pero pakiramdam niya ay wala na siyang karapatan matapos niyang pagsinungalingan si Gab. Sa puntong iyon ay tila natuyuan na siya ng labi at umatras ang kaniyang dila habang bumibilis ang t***k ng kaniyang puso.
"I saw you going this way, so I followed you." Bakas sa mukha ni Gab na tila nanabik itong makita siya kaya naman parang piningot ang puso niya. Naawa siya kay Gab at mas lalong nakunsensya na nagdesisyon siyang lumayo at pagsinungalingan ito tungkol sa kanilang anak.
Kitkat noticed the small scar close to his hairline which wasn't there before he left for his video shoot that fateful week that he had an accident. Kitkat instantly assumed that the scar was due to the accident. She wanted to touch the scar on his forehead that could be vaguely seen, but she knew it was there. But she was frozen from where she was standing.
How she wanted to come closer and touch Gab's face. But more than that, she remembered that she had to think of a way to prevent Gab from noticing her round belly. Agad niyang hinarang ang kaniyang mga braso sa kaniyang harapan upang hawakan ng mabuti ang kaniyang trench coat at tumalikod kay Gab. As she did this, she felt Gab encircled his arms around him from behind. Nasalat ni Gab ang kaniyang tiyan. Tiyak niyang nasalat ni Gab ang pagkabukol ng kaniyang tiyan kaya mas lalo siyang kinabahan.
"I missed you so much, Love," Gab said. As he said those words, it felt like time stood still and all she could think of was the love and longingness she had been feeling for him as well as the agony of hiding and pushing her feelings away.
"Where did GP go?" they both heard female voices enter the female restroom.
"Are you sure GP came this way? This is the female toilet!" One of the female students said.
"Yes! I'm absolutely sure he entered this door." Another female voice said. "He might be in one of the cubicles."
Gab immediately sat on the toilet cover and raised his feet up so that the women looking for him would not see his feet inside their shared cubicle, and placed them on the door as if he was making sure that no one would be able to enter the cubicle.
Kahit hindi man siya ang hinahanap ng mga kababaihan na tiyak niyang fans ni Gab ay siya ang kinabahan. Agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan sa takot na baka dumugin si Gab sa cubicle kapag nabuko ng mga babae na nandito nga ito sa kaniyang cubicle.
Napatingin siya kay Gab sa pagbabakasakaling may solusyon ito sa kanilang problema. She wanted to demand he protect her and their child, but she chose to bite her lip and not say a word until she noticed that someone was trying to open their cubicle door.
Muli siyang napatingin kay Gab na hindi rin alam kung ano ang gagawin upang makatago sa mga humahabol na mga estudyanteng fans nito. Napansin niyang sinusubukan sumilip ng mga babae sa ilalim ng cubicle at may isa sa mga babaeng naghahanap kay Gab ang pumasok sa katabing cubicle nila. Narinig niya ang pagpatong ng sapatos sa toilet seat ng katabi nilang cubicle. Nabatid niyang makikita nito si Gab na nasa cubicle niya ito.
She had to think quickly to protect Gab and their baby. All she could think of was to hover at Gab to cover him. But it would not be enough, and she knew it. The girl on the other cubicle searching for Gab would still notice him and identify as him based on the denim jacket he was wearing. Dagdagan pa ng perfume ni GP na kilalang paboriting panbango nito. If those girls outside their cubicle were true Infin8 soldiers, they would know the scent of his favorite perfume.
She immediately acted and pulled Gab's jacket.
"What are you doing?" he naughtily smiled in a low voice that she could only hear. "Not now. Not here." He teased.
Hindi niya pinansin ang hirit ni Gab. "Give me your jacket. Quick!" She pulled his denim jacket and turned around to block his view of her belly. She removed her own trench coat and immediately wore the denim jacket. She then immediately covered her bulging belly, before she turned around to face him again, covered his head with her trench coat, then sat on his lap and bent her face to make it look like they were kissing. She had no other choice but to make it appear that there was a couple making out in their occupied cubicle.
"Just pretend we're making out." She whispered for Gab to hear when she noticed that Gab was gazing at her without blinking.
Nagkakatigan sila ni Gab habang nakatabing ang trench coat niya sa kanilang dalawa. Batid niya sa mata ni Gab na nagulat ito at nagtaka sa ginawa niya, ngunit mabilis din itong umaksyon.
Gab cupped her face and gently kissed her lips. That warm soft feeling of his lips on hers, and that intoxicating perfume he wore sent her into a sudden trance. She felt lured to kiss back and respond. She allowed him to slip his tongue inside her mouth, and slide his arms around her back, as they responded to that moist and warm kiss.
"Gosh! Get a room!" Napatigil siya sa paghalik. Napaghigpit naman ang hawak ni Gab sa kaniya. Pareho nilang narinig ang komento ng babaeng tumungtong sa toilet cover ng kabilang cubicle.
Nakumpirma nila na sumilip nga ito sa may bandang itaas kung sino ang nasa cubicle. Nagdabog pa ang babaeng nakakakita sa kanila at narinig nitong binuksan nito ang sariling cubicle. Sinabi nitong wala ang hinahanap ng mga ito na si GP of Infin8 at may mga estudyanteng walang pera na ginawa na daw motel ang cubicle lang ang nasa isang cubicle. Inaya pa nito ang mga kasama nitong mga babae na lumabas na ng female restroom dahil malamang daw na nasa Male restroom ito pumunta.
"Girls, they spotted Vinci going to his first class! He's really going to attend classes here!" Narinig nila pareho ang kinikilig na mga boses ng mga kababaihan na tila naghahanap din sa labas ng femal restroom.
"GP might be with him!"
"Of course! They're inseparable."
"Let's go to their class, too!" Narinig nilang nag-aya nang lumabas ang isa sa mga babaeng naggagalugad sa restroom ng mga babae.
Nahiya siya sa nagawa niyang pagtugon sa halik na iyon at nataranta kung paano ba niya lalabasan ang sitwayson ito. Agad siyang tumayo sa pagkandong kay Gab at mahigpit na hinawakan ang denim jacket upang matago ang kaniyang tiyan.
"I'm going to check if they left already." Aniya at mabilis na tumalikod. Hinawakan niya ang lock ng pintuan upang lumabas sa cubicle ngunit pinigilan ni Gab ang kaniyang kamay.
"Kat, wait." Kahit ayaw man niya ay pinihit siya paharap nito. "I am so happy to see you. Have you been well?" mag paga-alala sa mukha at boses nito. Tingin pa nga niya ay parang mapapaluha ito. Iniwas niya ang tingin dahil baka mauna pa siyang maiyak dito.
"I'm okay." Tipid niyang sagot habang nakatingin sa sahig ng cubicle. Pinili na lang niyang pagmasdan ang Prada combat shoes na suot nito. "How about you?" hindi niya napigilan magtanong.
This is so wrong, Kitkat! Stop the chitchat and leave now before you become dissuaded by his adorable yet so ridiculously sexy charms. Naisip niya.
"I've been good, if that would make you feel happy." He said with sarcasm. Agad siyang napatingin sa mukha ni Gab dahil ngayon lamang ito sumagot ng ganito sa kaniya. Tila nagpaparamdam ito na may galit ito. Natakot siya na baka alam na nito ang tungkol sa baby nila at sumbatan siya nito.
Napalunok siya habang nakatitig kay Gab na seryosong nakatitig sa kaniya.
"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin." Umiwas na siya ng tingin at pinili na lang titigan ang lock ng cubicle. Gusto na niyang lumabas ng pintuan upang takasan ang paguusap nila ni Gab.
"My scar from the accident may have healed already, but here..." tinuro nito ang sariling dibdib. "Hinde ako okay dahil iniwan mo ako at hindi ka man lang nakipag-communicate sa akin." Anito. "Hindi ko maintindihan anong ginawa kong mali, Love. Dahil ba sa baby natin?"
Hindi siya nakasagot. Mas lalo siyang yumuko upang matakpan ng kaniyang mahabang buhok ang nagbabadyang luha na tumulo.
"What do you know about our baby?" she dared ask while still looking down on the floor to hide her face.
Gab lifted his hand and gently held her chin with his point finger and thumb. He made her look at his face, and look her eye to eye. Nakita niya ang pagluha ni Gab kahit ayaw niya itong makita. Pati siya ay naluha na din.
"You tell it to my face, Love." He hoarsely whispered. "Share that burden with me." He pleaded. "I don't understand bakit ka biglang dumistansya sa akin. Akala ko ba mahal natin ang isa't isa at haharapin natin ang problema na magkasama?"
Napahikbi siya at hindi na makapagsalita. Agad niyang hinawakan ang kaniyang tiyan na nakatago sa denim jacket na suot niya pati sa trench coat na pinantabing niya kanina sa ulo ni Gab, at ngayon ay pinangtatakip niya banda sa kaniyang puson.
Hinihintay ni Gab ang sagot niya ngunit hindi niya alam kung saan maguumpisa magpaliwanag. Mabuti na lamang ay may kumatok sa female restroom. Narinig niyang tinawag siya ni Kit.
"I have to go. I have class." Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng cubicle.
"Don't walk fast." Paalala ni Gab habang humahangos siyang makalabas ng cubicle. Agad siyang napatigil sa paglalakad at nanlamig. Para sa kaniya, ang pagpapaalala ni Gab ay sinyales na tila alam na nito ang kaniyang kondisyon.
Hindi na siya tumugon kay Gab at nag-ingat na lamang siya maglakad sa madulas na tiles ng female restroom. Binuksan niya ang pinto at nasilayan na nakaabang si Kit sa may harap ng female restroom at isang babaeng malapit sa kaniya. Si Dominique.
Agad lumapit sa kaniya si Dominique at nagyakapan sila ng mahigpit.
"Anong ginagawa mo dito?" naiiyak niyang tanong sa matalik na kaibigan.
Ipinakita ni Dominique ang wedding ring na suot nito. "I'm married to Vinci!" Pigil na pagkakilig na sinabi ni Dominique sa kaniya.
"I am so happy for you!" kinikilig ngunit naiiyak na sabi niya dito. "P-pero bakit ka nandito? Nandito din ba si Vinci?" naguguluhan niyang tanong.
"Yes, Sis." Dominique nodded. "Vinci decided that he wants to pursue MBA, so here we are..." napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa pinto ng female restroom. "With Gab."
"Pardon me, ladies, but I think we'll all be late for our first class." Pagsingit ni Kit sa usapan. Saka lamang niya naalala na naroon si Quitos. Ipinakilala niya si Quitos bilang Kit kay Dominique at nagkamayan ang dalawang matalik niyang kaibigan.
"Is Gab... still there?" tinuro ni Dominique ang female restroom.
"Yes." Nahihiya at tipid niyang sagot.
"I'll just tell him that the coast is clear and we can go together sa first-class namin with Vinci. Nasa class na ngayon si Vinci to buy you and Gab time to talk." Dominique said.
Napakagat labi siya at pakiramdam din niyang namula siya sa harap ni Quitos. She was sensitive enough to recall that Quitos had offered her marriage and to take the responsibility of being a father to her baby with Gab.
Dominique went to the door of the female restroom and informed Gab that there were no fans waiting for him because they were all in their classes. Lumabas naman si Gab na may kausap sa mobile phone. Napakinggan niyang kausap nito si Vinci at sinabi nitong kasama na nito si Dominique.
Pagkakita ni Quitos kay Gab ay agad na umakbay si Quitos sa kaniya at inaya na siyang maglakad.
"Bye, Dominique." Paalam niya at sumunod na sa payo ni Quitos. But, she felt someone tugged her hand. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa humawak sa kaniyang kamay.
Si Gab. "Hatid na kita sa class mo." He offered to her with a somewhat sharp look in his eyes. She also noticed the blush that started to creep from his neck to his ears and to his whole face.
"Hindi na. Ako na ang maghahatid sa kaniya sa klase." Quitos tugged her shoulder a little too rough.
"I'm her fiance. Sino ka ba?" Maangas na sabi ni Gab at marahan siyang tiningnan na tila inaaya siyang sumama siya dito.
Nagulat siya sa ginawa ng dalawang importanteng lalake sa buhay niya at tila naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan.
"I don't recall having seen you nor was there any official declaration that Kitkat is already betrothed to you." Pilosopong tugon ni Quitos.
"Stop this boys!" Pumagitan si Dominique, at pinatanggal ang mga kamay ng dalawang lalaking ayaw bumitiw sa kaniya. "Let's go Kitkat. Sabay na tayo pumunta sa elevator and let's catch up a bit shall we?" Dominique smiled at her and gently held her hand to ask her to walk with her. "Gab, let's go. Pero wag mo kami sabayan. Baka dumugin ka na naman ng mga fans mo at magka-bruises pa kami ni Kitkat sa stampede. Kit, you may join us in walking, too." Pag-aya ni Dominique habang nakaholding hands ito sa kaniya.
Nauna silang dalawang babae sa paglalakad habang nakasunod sa magka-bilang side nila sina Gab at Quitos. Habang naglalakad at napatingin siya sa dalawang lalaking nakasunod sa kanila at direcho lamang maglakad ang dalawa ngunit pasimpleng nagkatinginan nang lumingon siya sa mga ito. Bakas sa mukha ni Gab ang pagseselos kahit pa hindi nito aminin sa kaniya. Nakasimangot naman si Quitos na naglakad.
"Ang haba ng hair mo, Sis!" Mahinang sambit sa kaniya ni Dominique, habang siya naman ay nanlalamig kahit na suot niya ang denim jacket ni Gab, at habang mahigpit niyang hawak ang trench coat na nakatakip sa kaniyang harapan.
She felt tense and was wondering of ways she could get away from being with Gab. However, deep inside her, she knew there was no escaping this time. She would soon have to face Gab. She knew she would soon have to let Gab know the truth about her pregnancy. She would soon have to deal with the consequences of her action, no matter how she thinks that it was the right decision to make back then...
She remembered the feeling of blocking herself and turning her back to protect the child inside her womb as the woman tried to attack her. It gave a shrill that traveled to her spine and made her stomach contract.
Huminga siya ng malalim upang pigilan ang kaniyang contraction. Unang araw pa naman ng klase. Ayaw naman niya mag-absent. Ayaw din niyang gawin dahilan na narito si Gab kaya siya ngakakaganito.
Pagpasok nilang lahat sa elevator ay napagitnaan silang dalawa nina Gab at Quitos. Si Quitos ay naunang tumabi sa kaniya. Napansin niya ang panlalaki ng mata ni Gab kay Quitos. The jaw on his handsome face clenched as he looked down and walked beside Dominique.
She noticed Vinci was in front of them, seemingly blocking the view of people coming in the elevator and gushing over the three men in the elevator.
That's when she realized that Dominique and she were with three handsome and tall men that were definitely eye candy for all-female species.
Muli niyang naisip si Gab at napalingon sa direksyon nito. Bahagyang bumaling si Gab sa kaniyang direksyon. Hindi ito nagbibigay ng kahit anong reaksyon. Bagkus ay bumaling ito sa pintuan ng elevator at tahimik na naghintay na makaakyat ito sa floor na kanilang dapat puntahan.
Nakarinig sila ng tumutunog na mobile phone. Kay Gab pala iyon. Sinagot nito ang mobile phone at bahagyang narinig ang boses ng isang babae. Hindi siya napakali.
"Yes, I'm here in the school." Anito. "Yes, with Dominique, Vinci, Love... I mean Kitkat... and her friend Quitos." Anito. "Okay, Ate Milly. I'll check out fountain pens in the mall. I just arrived today. I didn't have time to go. Okay, see you soon. Love you." He said.
Ate Milly daw...Napaisip siya. She tried to recall who was Milly amongst Gab's siblings. She then remembered that Dominique told her that Milly was the twin sister of Gab's older brother whose name was Andrew. She also remembered that Gab's eldest sisters were both twins and their names were Gwen and Bree.
Napangiti siya at napaisip kung ano nga ba ang ipapangalan nila ni Gab sa kanilang baby. Kung babae, gusto niya ipangalan sa stars. Kung lalaki, gusto niya ipangalan sa dagat.
Papayag kaya si Gab? Napakagat labi siya at muling palihim na tumingin sa guwapong mukha ni Gab na tila namamagnet siyang titigan. First things first, Kiara. Ipaalam mo muna kay Gab na ikaw ay buntis pa din, at nagsinungaling ka lang upang tumigil ang lahat ng kaguluhan noon patungkol sa pagha-hunting ng mga paparrazi at bashers kung totoo ngang buntis ka, at para hindi makasuhan si Gab dahil bawal pala sa kontrata nito ang makabuntis.