Sixteen

4456 Words
Gabriel Galileo Galilei International Airport in Pisa Hindi mapakali si Gab habang naghihintay sa airport. Panay ang silip niya sa kaniyang relo. Natatagalan siya sa paghihintay ng kaniyang bag habang tuloy-tuloy ang baggage carousel. Ngayon ang unang araw ng pasukan sa Italian International Business School. Nasasabik na siyang makita si Kitkat. Ilang linggo na ang nakalipas at ilang pagsubok na ang kaniyang sinuong at napagtagampuyan para lang makarating sa araw na ito. Finally, I will see you and be with you. He thought. Kasama ng pagkasabik ay kaba at agam-agam sa maaring maging reaksyon sa kaniya ni Kitkat. Kakayanin ko ba kung sakaling i-reject ako ni Kitkat? Matatanggap ko ba kung sabihin niyang ayaw na niya dahil sa klase ng trabaho ko? Napabugha siya ng hangin dahil nakakaramdam din siya ng panghihina ng loob. Ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon niya na makausap si Kitkat. Sa isip niya, kung ano man ang maging desisyon ni Kitkat ay tatanggapin niya. Sana... matanggap ko. "Don't worry. We're gonna make it to our first class for today." Dominique tapped his arm in assurance as she looked for her own luggage. Kasabay niya sa flight mula sa Pilipinas papuntang Italya sina Vinci at Dominique. Napagpasiyahan ng dalawa na mag-aral. "Bro, chill lang. Hindi aalis ang Italian International Business School kung saan iyon nakapuwesto." Pabirong sabi ni Vinci habang naka-face mask. Kasama ito sa kanilang get-up sa tuwing bibiyahe sila lalo na kapag wala silang kasamang bodyguards. Batid niya kung ano ang pinupunto ni Vinci at iyon ay makikita niya si Kitkat sa Italian International Business School ngayon. "I just can't wait any longer. " He admitted. "I want to see and talk to Kitkat already!" "You will, bro. Meantime, gather your thoughts and plan it well, so you won't make a fool of yourself." Biro nito. Gab sighed and gave his best friend a thumbs-up as he was also wearing his face mask. Ngunit, kahit pa pinapalkama siya ni Vinci ay wala itong epekto. Nagmadali pa din niyang kinuha ang kaniyang bag nang mamataan niya ito na palabas na ng baggage carousel. Agad niyang inayos ang kaniyang mga bagahe, nang mapansin niyang kinukuha na rin ni Vinci ang sarili nitong bagahe na hindi man lang nililingon ang kaniyang pinsan na si Dominique. Napansin niyang hindi man lang nito pinansin na nahihirapan si Dominique na buhatin ang sarili nitong luggage. Siniko niya ang kaibigan na malapit lang ang distansya sa kaniya. "Bro, your wife." Paalala niya sa matalik na kaibigan. "It looks like she needs help." Vinci glared at him for a second, but he still obliged. His best friend quietly turned to face Dominique. Without a word, Vinci lifted her heavy luggage from the baggage carousel. "Thanks," nahihiyang tugon ni Dominique kay Vinci, bago ito napabaling ng tingin sa kaniya. Walang face mask si Dominique kaya nabatid niya sa mukha nito na inahihiya ito sa kaniya, dahil kinailangan pa niyang paalalahanan si Vinci upang tumulong. Ayaw sana niyang makialam sa buhay nina Vinci at Dominique ngunit hindi rin niya matiis ang pagtrato ni Vinci sa kaniyang pinsan. However, he could not blame Vinci for being cold to Dominique, because she said a terrible lie to her father to entrap Vinci into marriage. Vinci, on the other hand, was gentleman enough not to embarrass and deny that Dominique was lying. Instead, he agreed to marry Dominique to save her face. Gab walked towards Dominique and put his arm around her to comfort her. "Tara, cousin. Dumirecho na tayo sa school. I'm sure excited ka na makita ang best friend mo." He just cheered Dominique. Sumilay na din ang ngiti sa mukha ni Dominique. "True. Pero hindi muna ba natin iuuwi ang mga gamit natin? Ikaw yata ang excited, eh!" Dominique teased. He smiled behind the facemask, and face-palmed Dominique who was tall but was still a few inches shorter than him. "Yung make-up ko!" Reklamo ni Dominique sa kaniya habang inaalis ang kamay niya sa mukha nito. "Baka may makakilala sa'yo dito." He teased. "I'm the secret wife nga, diba?" tugon sa kaniya ni Dominique. "So, kahit pa wala akong mask, no one will associate me to my famous husband and cousin." She bitterly said. Batid ni Gab na may hinanakit sa boses ng kaniyang pinsan. Naiintindihan niya si Dominique. Gusto nitong makilala asawa ni Vinci lalo pa ngayon na maraming babae ang nalilink dito. Ngunit sa nangyari kay Kitkat noong nasa Pilipinas pa ito, mas pinili ng magulang ni Dominique na ilihim ang pagpapakasal ng mga ito. Pinilit niyang huwang mahalata ni Dominique ang kaniyang pagbuntong hininga. Ayaw niyang maramdaman ni Dominique na naawa siya sa sitwasyon nito. "My darling cousin, you know the reason why it's a secret, right? Para sa kapakanan mo." He reminded. "Which gives Vinci the opportunity to appear and act as though he's still single... kaya all those girls keep flirting with him." Naiinis nitong reklamo. "Dom, alam mo naman ang trabaho namin, diba? Kailangan magiliw kami sa aming mga fans dahil utang namin sa kanila ang aming success." He patiently explained. However, at the back of his mind, he was also wondering if Kitkat was feeling the same way as Dominique. As they continued to exit the airport, he noticed their chauffeur was already waiting for them. Another black car was behind theirs, and he saw the familiar faces of the bodyguards that their uncles provided for them through their Uncle Marcus Pontes' agency. Lumapit sa kanila ang hired driver ng MM Management Agency para sa kanila. Naroon na din sa kabilang sasakyan ang hired bodyguards ng naturang agency kung saan stockholders na ngayon ang mga ama nina Gab at Dominique. Ang pangako ng MM Management Agency ay hindi lalapit ang mga bodyguards nila sa kanila hangga't hindi sila nalalagay sa piligro. Ayaw kasi nilang mailang ang mga tao sa business school dahil sa mga bodyguards nila na palihim na armado. Naipalam na din ng MM Management Agency sa business school ang tungkol sa mga bodyguards na magpapanggap na mga estudyante , ngunit hindi required ang mga ito na mag-engage sa klase. Gab discreetly acknowledged the bodyguards in the other black car as a sign of respect and gratitude for their service, before he assisted Dominique to get in and sit in the middle of the backseat. He sat beside Dominique. Isasara na sana niya ang pintuan ng sasakyan nang mapansin niya si Vinci na nakatayo sa may bandang pintuan nito. Pinauusod siya ng kaniyang bestfriend. "Move, bro. I'm getting in, too." Ani ni Vinci sa kaniya. Napailing siya dahil mas gusto ni Vinci na umusod sila ni Dominique sa loob ng sasakyan, kaysa ang makatabi nito ang asawa. Pinanlakihan niya ng mata ang matalik na kaibigan at bahagyang iginalaw ang kaniyang ulo upang ipahiwatig kay Vinci na lumipat sa kabilang side ng kotse at tabihan ang asawa nito. Bumuntong hininga si Vinci ngunit hindi na din ito kumontra. Tinungo na lamang nito ang kabilang side ng sasakyan at at binuksan ang pinto upang makasakay at makatabi ang asawa nito. Gab was fazed at witnessing the gap between his cousin and best friend. He wanted to help mediate, but he tried to focus on his main purpose for moving mountains just to be here in Italy and that was to see Kitkat. He instructed the chauffeur to drop them off at the Italian Business School and to bring their things to the condominium that the three of them would share. En route to the Italian International Business School, he couldn't help but look to his side where Dominique was sandwiched between him and Vinci. Dominique was quietly scanning through photos of Infin8 boyband in her mobile phone, while Vinci had a headset on and napped. "You okay?" bahagya siyang dumikit kay Dominique. Napatingin si Dominique sa kaniya at sinulyapan ang asawa nitong tulog. "Okay lang ako, Gab. Masaya ako dahil gusto ko ang arrangement na ito." Mahina nitong sabi sa kaniya. "At least," pabulong nitong sambit. "Dito sa Italy, kasama ko si Vinci sa lahat ng klase natin. Hihihi!" Palihim nitong ipinakita sa kaniya ang kilig na nararamdaman nito para kay Vinci. " At parati tayong magkakasama! Most of all, makakasama na din natin si best friend Kitkat! Excited na ako! Ikaw, for sure, excited na rin na makasama mo si 'Love' mo!" Napangiti siya sa sinabi ni Dominique. Kahit ayaw niya ang arrangement nina Vinci at Dominique na tila parang sunud-sunuran ang kaniyang pinsan kay Vinci, nakakampante ang loob niya kahit ano pang mangyari ay mababantayan niya si Vinci at masasaklolohan niya si Dominique. Nang mapagdesisyunan ni Vinci na mag-aral dito sa Italy kasabay niya ay sumama naman si Dominique. Hindi na tumutol si Vinci upang maka-bukod ang mga ito sa poder ng ama ni Dominique. Ayaw man pumayag ng ama ni Dominique noong una ay kinumbinsi ito ni Dominique at sinabing magaaral din ito ng MBA kasama nila Gab at Kitkat. Napangiti siya at namula. "Yes, excited na excited ako! At, kinakabahan din..." pag-amin ni Gab. Nang tumigil ang kanilang sasakyan ay agad niyang nalaman na nasa tapat na sila ng gate ng eskwela. Habang papasok ang kanilang kotse sa gate ay pinagmasdan niya ang mga estudyanteng nagkukuwentuhan at abala sa pagaasikaso ng mga kailangan puntahan na classrooms. Sanay siya sa maraming tao, pero ito ang unang pagkakataon na pumasok siya sa eskwela. Ang huling pasok niya sa isang malaking eskwela ay noong 14 taon gulang siya. After his Second Year High School, he auditioned for Infin8 boyband and went to South Korea for training until their group debuted. While in training, he was homeschooled. Tila naku-culture shock siya ngayon. "Everything's going to be okay, Gab." Dominique held on to his arm. "Let's go?" aya nito na hinihintay siyang lumabas ng sasakyan. "Bigla akong kinabahan. Paano kung mali pala itong ginagawa ko?" he felt his chest tightened. "Wrong or not, we will never know unless we try." Vinci was already awake and waiting for him to be ready to go out of the car. "Paano kung ayaw na pala sa akin ni Kitkat? Paano kung sumama na siya doon sa Quitos Ortiz na iyon?" he ran his fingers through his hair in frustration and worry. "Nagkaka-anxiety attack ka ba, bro?" nagaalalang tanong ni Vinci sa kaniya. "Gusto mo na ba mag-back out?" Matagal ng panahon nang magkaroom siya ng anxiety attack at iyon ay nung unang salang nila bilang boyband. "Brother, breathe in and out. This is not the first time that we were not in our comfort zone. Kaya natin ito." Paalala ni VInci. "At saka wag ka mag-aalala kung ano ang magiging reaksyon ni Kitkat. Kilala ko siya. Pitong taon ka ng mahal ng taong yon. Hindi naman iyon kaagad mawawala just because she's afraid of her haters and bashers. Perhaps, she's just being distant because she's still grieving. Pero dapat samahan natin siya lalo na sa panahon na ito, diba? Kailangan tayo ni Kitkat kahit hindi niya siguro nari-realize iyon." Dominique added. Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng dalawa sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang mga tao. "Tama kayo!" Nagmadali siyang lumabas ng sasakyan. "Kailangan tayo ni Kitkat ngayon. Tara guys!" Aya niya. "Yung mask mo, Gab!" Paalala ni Dominique. "Saka ka na magtanggal ng mask mo kapag nasa classroom na tayo to manage the crowd." Agad niyang tinakpan ang kaniyang mukha ng mask at inalalayan si Dominique na lumabas na ng sasakyan. They walked together in the entrance of the school building and went to the registration office, where they would be welcomed by the School administration. Sumunod sa bandang likod si Vinci na nakasuot na rin ng mask. Ngunit tila kahit naka-mask silang dalawa ay marami pa din ang nakahalatang sila sina GP and Vinci of Infin8 kung kaya't nagtilian at takbuhan ang mga estudyante papunta sa kanila. Agad naman silang pinaligiran ng mga bodyguards na tila human barricade, habang naglalakad sila papunta sa registration office. Pagdating na sila sa may pintuan ng registration office ay inalalayan silang pumasok sa loob ng opisina. Marami na rin mga school officials sa loob ng registration office. They welcomed the famous GP and Vinci of Infin8, habang nasa sideline lamang si Dominique. There were some who asked who Dominique was but she would introduce herself as part of the entourage or team assisting the two members of Infin8. Gab knew it hurt Dominique especially when Vinci seconded her that she was anything but his wife. He knew it hurt Dominique that Vinci was insensitive and disregarded her. Siya na lang mismo ang umaalalay kay Dominique lalo at siksikan ang kanilang dinadaanan. Samantalang si Vinci naman ay panay ang kaway at bati sa kanilang mga fans habang nagsisiksikan sa kanilang daraanan papunta sa pangalawang palapag kung nasaan ang kanilang unang klase. He wondered if Kitkat was amongst the crowd. He hoped she was, but he also hoped she wasn't because he would rather wish her to be in the classroom already sitting comfortably, and would not have a hard time like what they're going through now just to go to the second floor. But then, he saw her from the other side of the corridor. Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Kitkat at ang mabilis na pag-ikot nito patalikod at papalayo sa direksyon nila. "Kitkat!" Tawag niya. "Nasaan?" Napalingon din sina Vinci at Dominique sa direksyon kung saan niya nakita ang petite na babaeng mahaba ang buhok na nakasuot ng trench coat. "Susundan ko siya. Please give me a way..." pakiusap niya sa mga bodyguard na prinoprotektahan sila. Tinulugan siya ng mga ito upang makalaya sa mga nagkukumpulang tao at mabilis niyang tinakbo ang direkyson kung saan niya nakita si Kitkat. Nagpa-picture pa ang mga ito sa kanila bago sila inalalayan ng mga karagdagang guwardiya upang makalabas sila ng opisina at makarating sa hallway papunta sa *** Introduction to Management Class Italian Business School Naunang pumasok sina Dominique at Kitkat sa auditorium, kung saan magaganap ang unang klase sa unang subject nila na Introduction to Management. Pinagkakaguluhan si Vinci ng mga kaklase nilang estudyante. Nagpapa-picture and mga ito kasama ni Vinci. Hindi man lang into pinansin and pagdating ni Dominique at Kitkat. Sumunod naman si Kit sa dalawang babae. Inilalayan pa nito si Kitkat na dumaan sa makipot na espasyo ng mga upuan sa auditorium. Hindi siya kumibo ngunit umiiral na ang pagseselos niya. Hindi man sabihin ni Kit ang buong pangalan niya ay nakatitiyak siya na ang lalaking ito ay si Quitos na nagpropose kay Kitkat ng kasal. Tiim bagang siyang dumistansya dahil baka hindi siya makapagpigil ng sarili. Mula sa pintuan ay pinagmasdan niya ang mga ito, at nakipag-eye contact kay Vinci. Tumango si Vinci sa kaniya habang abala sa mga fans na kumakausap dito. Siya naman ay tahimik na pinanood si Kitkat na makipag-usap kay Kit at Dominique habang kumukuha ito ng notebook at ballpen sa dala nitong bag. Hindi man lang siya nito inaya na maupo na sa hilera ng mga ito. Higit pa sa pagseselos ay nalulungkot siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit tila parang estranghero ang turing ni Kitkat sa kaniya gayon hinalikan niya ito kanina sa banyo at tumugon ito. "What happening to us, love?" he whispered as he heaved a sigh and looked up, silently asking God for a sign and guidance to know if he should still keep pursuing Kitkat, or if he should just let go of Kitkat because the latter option might be what she wanted. Pakiramdam niya ay naga-assume lamang siya na may pag-asa pang maayos nila ni Kitkat ang relasyon nila kahit pa sabihin pa nilang bago pa lang ang kanilang relasyon. Muli siyang bumaling ng tingin kay Vinci. Batid niyang hindi din ito ang inaasahang reaksyon ni Vinci mula kay KitkatTila nagtataka ito kung bakit malayo ang loob ni Kitkat sa kaniya. . Sumenyas sa kaniya si Vinci. Sa tingin pa lang ay nagkakaintindihan na sila na gagawa ito ng paraan upang mapaghiwalay ng upuan si Kit at Kitkat. Alam na niya kaagad kung ano ang plano nitong gawin. Vinci would instruct Dominique to ask Kitkat to adjust seats, so that he could seat beside Kitkat. Napailing na lamang siya kay Vinci at muling tumuon kay Kitkat na suot pa din ang kaniyang denim jacket. He felt a sense of pride and ownership to think Kitkat was comfortably wearing something of his. He also recalled the feeling of her warm body on his palms earlier, especially the roundness of her belly. The last time that he held and touched Kitkat was when they were in the Philippines. He could still recall that her belly was still flat then, but now he thought her belly felt different. He felt excited touching her belly. Hindi niya maintindihan kung ano ang naramdaman niya nang mahawakan ang parteng iyon ni Kitkat. Sa tingin niya, marahil ay natuwa siya dahil ngayon lang ulit niya nahawakan si Kitkat, at ngayon lang niya ulit nahawakan ang lugar kung nasaan dati nakatira ang kaniyang baby niya na ngayon ay nasa heaven na. As he watched her, he observed that Kitkat did not gain much weight and the size of her belly was not proportionate to her possible weight, if ever she gained in the months- time that they were not together. It worried him that her stomach felt bigger on his palms earlier. He had an urge to make sure that Kitkat wasn't sick. Habang paupo na sina Dominique at Kitkat ay napansin niya ang kamay ni Kitkat. Napatitig siya kay Kitkat sa pagkabigla. Suot nito ang pamilyar na diyamanteng singsing. He immediately recognized it as the promise ring that he gave her when they were in Manila. Wala din itong ibang suot na singsing sa maputi at mala-kandila nitong mga daliri kungdi ang singsing na bigay niya dito. Could it be that it means she did not accept Quitos Ortiz's proposal? Gusto niyang magtatatalon sa tuwa. "Thank you, Lord!" Kahit wala pang kompirmasyon galing kay Kitkat ang kaniyang spekulasyon, tiyak niya sa kaniyang sarili na tama siya. Ang singsing sa kamay ni Kitkat ang kaniyang panghahawakan Saglit siyang napapikit at taimtim na nagpasalamat sa Panginoon. Nang magmulat siya ng mata ay nakita niyang nakatingin sa kaniya si Kitkat ngunit mabilis din itong umiwas ng tingin. Napangiti na siya na puno ng pag-asa. "GP!" Narinig niyang tili ng isa sa mga estudyanteng nakakumpol kay Vinci. Ang ibang tapos na magpa-picture kay Vinci ay nagsilipatan naman sa puwesto niya malapit sa entrance ng auditorium at dinumog siya doon upang magpapa-picture, humalik sa pisngi kaniyang pisngi na ikinagulat niya. Agad napunta ang mata niya sa puwesto ni Kitkat. Napanood nito ang pangyayari. Nagbaba ito ng tingin at bumaling na lamang sa pakikipag-usap kay Dominique. He wasn't sure why he felt guilty when Kitkat knew the kind of work he has. He also wondered if it was going to be an issue that they would have to add to the many things they would have to talk about. Naramdaman niya na may lumapit na ang isa sa mga bodyguards na padala ng agency. "The class is starting. Give your classmate space and have the freedom to learn!" Anito at pasimpleng humarang sa mga babaeng gustong lumapit sa kaniya upang magpa-picture at kung ano pang hindi na niya maisip na kayang gawin sa kaniya ng mga ito habang dinudumog siya. The other bodyguards also discreetly blocked the fans and gave way for Gab to pass by. Habang patungo siya sa puwesto nila Kitkat ay nakita naman niya si Vinci na pinausod si Dominique. Inaya naman ni Dominique si Kitkat na lumipat ng upuan. Dapat sana ay susunod si Kit at uupo pa din sa tabi ni Kitkat, ngunit naupo doon si Vinci. Hindi man lang binati ni Vinci si Kit. Bumaling ito kaagad kay Kitkat at nagpakilala kay Kitkat na ito si Vinci. Napangiti naman si Kitkat at namula ng nakipagkamay si Vinci dito. "Haist! Pati ba si Kitkat magkakagusto sa'yo, bro?" nasambit niya na aminadong matindi ang karisma ni Vinci. Napailing na lang siya habang patuloy na naglalakad patungo sa direkyson ng mga ito. Ang mga bodyguards naman nila ay pasimple na din lumayo na parang nakasabay lamang niya ito sa paglalakad. Nang mapansin ni Vinci na parating na siya ay tumayo na ito at binigyan siya ng espasyo upang makapuwesto at umopo na sa tabi ni Kitkat. "Kat," narinig niyang tawag ni Kit kay Kitkat. Napatingin siya sa direksyon ni Kit. He anticipated that Kit would make a move and felt afraid that Kit would ask her to transfer seats away from him. Kapag nangyari iyon at pumayag si Kitkat na lumipat ng puwesto ay masasaktan siya at magseselos. Mabuti na lang at nagpa-alam lang ito kay Kitkat na pupunta na ito sa sarili nitong klase. Gab felt relieved but also jealous to watch Kitkat warmly smiled at Kit. "I'll pick you up later?" Gab heard Kit ask. "Okay." Tipid na sagot ni Kitkat na mabilis na bumaling ng tingin sa kaniya at mabilis din umiwas ng tingin. Pinahalata niya ang kaniyang masamang titig kay Kitkat. Kahit hindi ito nakatingin sa kaniya at inabala nito ang sarili sa paghahahanap ng isang bagay sa loob ng bag nito ay alam niyang ramdam nito ang kaniyang pagtitig dahil namula ito. Gab was close to being tempted to confront Kitkat and ask what the deal was between her and her best friend. However, the professor arrived and introduced himself, then acknowledged his and Vinci's presence, before starting the class. He felt shy and expressed that he was humbled by the reception of his schoolmates and classmates to him and Vinci. He returned to his seat beside Kitkat who busied herself and not looked at him even for a second as he and Vinci were acknowledged in front. He felt a bit hurt that she was showing disinterest in him. Moreso, he was hurt because he felt that being GP was the only thing he knew he could flex on her and Kit, and yet, Kitkat did not seem to be impressed by it. Gusto pa naman niyang makita ni Kitkat na cool siya dahil gusto niyang siya ang piliin ni Kitkat. Mababaw man iyon na dahilan, iyon ang nararamdaman niya habang binibigyan ni Kitkat ng atensyon si Kit. Naputol ang pag-iisip niya nang marinig niya ang boses ni Kitkat. Nagtatanong ito sa kaniya. "W-what?" he absent-mindedly asked. "I said do you have a pen and notebook or tablet and stylus to write the lecture on?" she asked without looking at him. Napatingin siya sa direksyon ng professor na unang araw pa lang ng klase ay nagsimula na mag-lecture. "W-wala, " he was unsure if it was uncool to admit that he came unprepared because he was in a hurry to finish all his obligations, complete his student requirements, get out of legal battle with MM Management Agency just to be here with her. Yep, uncool. He watched as Kitkat's handed him a paper and ballpen. "Takedown notes, unless you have a photographic memory." She said still not looking at him. It made him wonder if she abhorred him because she did not bother to look at him while they were talking. "Yes, Ma'am." Sagot na lang niya habang pinapanood si Kitkat na hindi siya pinansin. Nakatutok ito sa pagsusulat gamit ang tablet at stylus nito. Kitkat ignored his remark. Instead, she removed his jacket and gave it to him. "Here," she just said which he wanted to protest. He wanted her to wear his jacket. "I have my own." She showed her trench coat and carefully wore it, while seemingly protective of her stomach. "Thanks." "You can wear my jacket." He gently said. "I still insist." She politely said as she gave the denim jacket to him. Wala siyang nagawa kungdi kunin ang jacket at suotin iyon. At that moment, he realized giniginaw din pala siya at malaking tulong ang jacket na ibinalik ni Kitkat sa kaniya. He discreetly studied Kitkat and had a slight realization. She was still concerned about him. Or perhaps you are just assuming, Gab. He reminded himself. Lumipas ang halos isang oras at natapos din ang klase. Masaya siyang tumayo sa kaniyang upuan at hinintay si Kitkat na dahan-dahan tumayo ng sarili nitong upuan. "Should we eat first before our next class?" tanong ni Dominique kay Kitkat. "I'm kinda hungry. Vinci, Gab, and I haven't had breakfast yet, because we were running late, and this boy here was so eager-beaver to be here." Tinuro siya ni Dominique. Napatigil si Kitkat sa paga-ayos ng gamit nito. "Kakarating niyo lang dito?" may paga-aalalang tanong nito kay Dominique. "Yes, I'm starving. Where's the canteen here?" tanong ni Dominique. "Let's get some snacks and catch up." Aya nito kay Kitkat at umabrisyete habang naglalakad palabas ng auditorium. Sila naman ni Vinci ay sumunod lang sa likod, habang nanonood at kumukuha ng photos nilang dalawa ang mga estudyante. Sa tuwing may bumabati sa kanila ni Vinci ay panay din ang bati nila sa mga ito, habang ang mga naka-civilian nilang bodyguards ay pasimple naman sumusunod sa kanila. Gab watched as Kitkat secretly glanced at him, then at the students who kept taking photos of them, following them, and declaring how much they loved GP and Vinci of Infin8. Gab observed that Kitkat seemed to be keeping her distance from him and his fans. It reminded him of what Kitkat's father said about her being in danger because of his fans. Because of this, he decided to make an announcement. He went on top of the bench in the hallway. "Soldiers, please listen to me!" Gab said out loud a couple of times before the crown turned quiet. "I would like to request a favor from you." He said out loud. "Can I ask a favor please?" "Yes! Anything for you GP!" Sigawan naman ng mga fans nila ni Vinci. "My favor is for you to stop hurting or bashing anyone that has been linked to me or Vinci, and to respect people that we care about like these two ladies over here." Aniya at tinuro sina Dominique at Kitkat na gulat na gulat sa ginawa niya. Nagsitinginan naman ang lahat sa direksyon ni Dominique at Kitkat. "Who are they in your life, GP?" tanong ng isa sa mga fans. "They're important to me and Vinci because they're part of our family." Paliwanag ni Gab. "Both these ladies mean a lot to me. So, please... give them a break. Please... don't hurt them, say mean things to them, bash them or disrespect them. What you do to them, you are also doing to me. Thank you so much for your love and support, Infin8 Soldiers!" Sabay-sabay na tumugon ang mga fans. "Okay, GP!" "Anything for you GP!" "We love you GP!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD