Kiara
Cafeteria
Nagmadaling siyang lumakad patungo sa cafeteria habang sumusunod naman sa kaniya si Dominique. Nakakaramdam siya ng panic attack sa ginawa ni Gab.
"He shouldn't have done it!" Nasambit niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan. "People will focus on me and Dominique because they will be curious about our identities!" Pinilit niyang huminga ng malalim. "Hindi niya kasi naiintindihan ang sitwasyon ko. I'm still pregnant and there's a threat in my life because of my association to him!" Agad siyang pumasok sa loob ng cafeteria na animo'y makakatakas siya kapag pumasok siya doon.
"Hey, Kat! Wait for me." She heard Dominique and felt a tap on her shoulder.
Humarap siya kay Dominique at tiningnan ang pintuan ng cafeteria kung saan ito galing. Hindi pa makapasok sina Gab at Vinci dahil hindi makadaan ang mga ito sa dami ng mga fans na nakadumog at nakaharang sa mga ito.
She took it as a chance to release her worry.
"I'm pregnant, Dom." Bulalas niya kay Dominique kahit hindi niya tiyak kung narinig siya nito.
Kitkat felt so good and relieved to utter the truth. Tila gumaan kahit papaano ang kaniyang pakiramdam na sabihin kay Dominique ang kaniyang lihim.
"I'm still pregnant, Dominique." She said to her dumbfounded best friend.
"But... we were told you had a miscarriage..." Dominique looked down to her stomach covered with her closed trench coat.
"I know," she nodded her head, feeling the tears falling from her eyes. "I chose to make all of you believe that I had a miscarriage to stop everything that was happening to me-- the death threat... and stop Gab from following me here in Italy." Nanginginig niyang pag-amin, habang lahat ay nagkakagulo sa labas ng cafeteria, kabilang na ang mga cafeteria staff na mga taga-hanga nina Gab at Vinci.
"But, why stop Gab?" naguluhan na tanong ni Dominique. "Bakit ayaw mo siyang pumunta dito sa Italy para sa'yo?"
She felt her hand tremble, and Dominique noticed it too.
"Hey," Dominique gently said. She reached for her trembling hand and caressed it to calm her down. "It's okay. Relax."
"I had to protect him, too," Kitkat admitted as tears started to fall from her eyes. "Ayoko masira yung career niya..." she sobbed. "But he's still here... Parang nabalewala yung sacrifice ko." She felt helpless.
"Gab's determined to be here for you, Kat." Dominique affirmed. "He's not going anywhere until he gets you back. And he's also making his own sacrifice for you." Naiinis na paliwanag ni Dominique. " Hindi niyo ba nakikita kung gaano kayo ka-swerteng dalawa? And yet pinahihirapan niyo ang sarili niyo! Tingnan mo na lang ang sitwasyon ko, sis." Dominique blurted out and couldn't control her own feelings. Napaluha din ito.
Kitkat pulled Dominique to walk with her. They sat at the farthest table corner where they wouldn't easily be noticed.
"Ano bang kabaliwan ang ginagawa nating dalawa, Dom?" naiiyak siya ngunit napapatawa na din sa kanilang pag-iyak.
"Mahal natin yung dalawang member ng Infin8." Dominique answered as if there was no other choice. "Ang pogi kasi eh..." pabiro na lang nitong sambit.
"Oo nga..." she agreed and they started giggling as they were sobbing. Mababaw man na rason ang kanilang pinaguusapan, tila nagkakaintindihan sila na minahal nila ang mga lalaking ito dahil sa mga katangian at kagalingan ng mga ito na harapin ang mga pagsubok at sa pag-abot ng mga pangarap.
"Ano na ang gagawin mo ngayon? We cannot stop Gab from doing what he wants. And he wants you, girl." Dominique stated. "He did everything just to follow you here."
Pinamulahan siya ng mukha. Kahit nararamdaman kasi niya ang importansyang binibigay sa kaniya ni Gab ay hindi pa din siya makapaniwala na ang kaniyang iniidolo ay gusto siya. Sa dami dami ng mga nagmamahal kay Gab at sa dami-dami ng mga deserving dito, siya pa ang nagkaroon ng pagkakataon. Batid niyang hindi niya dapat sinasayang ang pagkakataon. Ngunit kailangan din niyang isipin ang kaakibat na mga sakripisyo at pasakit na kailangan nilang gawin para sa kung ano man relasyon ang mayroon sila. Hindi siya naging handa para doon.
"I didn't expect him to follow me here." Pagtatapat niya. "Akala ko enough na yung sabihin ko na nagka-miscarriage ako... At sapat ng dahilan na hindi ko na siya kinokontak kaya dapat ay sinyales na iyon na ayoko na. Delikado ang buhay ko dahil sa kaniya, kaya sa tingin ko dapat putulin na namin yung connection namin sa isa't isa. Marami na din kasi ang nadadamay. Hindi tama iyon..." hindi niya sigurado kung si Dominique ba ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya. Basta ang alam lang niya ay kahit mahal niya si Gab... mahal na mahal... ayaw niyang mapahamak si Gab, ang anak niya, at ayaw na niyang may masakatan o maapektuhan dahil sa kagagawan niya.
"Alam mo, girl, kung gusto mo pala putulin yung relasyon niyong dalawa, madali lang yun eh! Sabihin mo sa kaniya kahit man lang sa text message. Pero wala kang sinasabi. Miscommunication iyon. Well, ito na ang pagkakataon mo. Sabihin mo na." Paghamon sa kaniya ni Dominique. "Or kung hindi mo kaya, ako na ang magsasabi sa kaniya." Akma ng tatayo si Dominique ng pigilan niya ito.
Napagtanto niya ang kaniyang ginawa at binitiwan niya si Dominique. She decided to just let Dominique do whatever her best friend would decide to do.
"Gaga!" Naiinis na umupo ulit si Dominique. "Hindi mo talaga ako pipigilan, sis?" she crossed her arms.
Huminga siya ng malalim.
"Naguguluhan ako, Dom. Nakapagsinungaling na ako kay Gab. Sa tingin mo ba mapapatawad niya ako dahil sa mga naging desisyon ko?" napakagat labi siya dahil pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya. "At madami ng apektado sa ginawa ko."
Hindi nakakibo si Dominique at bumuntong hininga. "Hindi ko din alam, sis. Kasi... nakagawa din ako ng pagkakamali kay Vinci at pinapahirapan niya ako ngayon." Malungkot nitong nasabi. "Tapos, mag-bestfriend pa yung dalawang iyon. So malamang, birds of the same feather... are arrogant birds."
"Ano?" napatawa siya sa sinabi ni Dominique. Napatawa na din si Dominique. "Basta, Dom, sasabihin ko pa din kay Gab ang totoo, yan ang pangako ko sa'yo. At saka ipinangako ko iyon sa baby ko." Aniya at hinimas ang kaniyang tiyan. "Pero hindi pa ngayon."
"Yeah, mga bukas, puwede na?" hirit ni Dominique.
"Loka! After two days naman! Char!" Hirit na din niya, habng sinusubukan ibalik ang dating ugali na masiyahin lalo na kapag kasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Dominique. Nagkatawanan na sila
Naisip niya, miss na miss niya si Dominique, at maligaya ang puso niya na makasama ito ngayon. She realized she needed to be with someone she could confide with.
Kit was her best friend but Dominique was different. She could talk to Kit, but sharing how she truly felt towards Gab was not something Kit liked to listen to. Sinabi ni Kit na galit ito kay Gab.
"I'm not interested in Gab. Let's not talk about it. Instead, let's talk about you and this precious baby inside your tummy." Kit tried to smile.
"I don't understand why you don't want to talk about Gab. He's the father of my baby, and you know how much he means to me." She said.
"I don't like Gab for you because he's not a good man. If he respected your best friend, Dominique... and you... he would not have slept with you in your drunken state. And when he knew you were a virgin... meaning, you were inexperienced, he should have been careful and withdrew his p***s out of your ---"
"Oh! Just cut it out!" She felt embarrassed.
Kit laughed and teased her more. "What, now? You're embarrassed to talk about p***s in general or Gab's p***s?"
"No... no that... but yes... I mean, hearing it from you, yes! We used to talk about wholesome stuff... not this..." She admitted while struggling to accept the fact that they were already adults and could already discuss such matters. "And even if we could talk about those things, it feels awkward because you're a guy."
"Tsk! Discrimination..." he acted annoyed. "You know, if you accept my hand in marriage, and we become husband and wife... we won't talk about Gab's penis." He teased more.
"Sira ulo ka talaga, Kit!" Namumula niyang sabi. "Tigilan mo na yan!" Natatawa niyang sambit, bago nakiusap. "Kit naman, alam mo naman ang answer ko diyan, diba?" mahinahon niyang sabi. "I love you so much, but..."
"Brotherly love..." napailing si Kit. " Ang dami mo ng kapatid. You don't need extra one." He commented. "I remember the Tagalog song I heard when we visited Philippines. It's famous in videokes... 'kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa... di ka na kailangan humanap pa ng iba...narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo... kung ako na lang sana..." Kit tried to remember the lyrics of the song he heard when I was a kid.
Kitkat felt touched by what Kit was trying to tell her, but she was more amazed that Kit could remember the Tagalog song even if he just visited the Philippines once and that he was eleven years old at that time. Kit has a photographic memory. He was a genius and could create robots even at the young age of ten years old.
"Here!" Narinig niyang sabi ni Dominique habang kumakaway ito. Napatigil siya ng pag-iisip at sinundan ng tingin kung sino ang kinakawayan ni Dominique.
Sina Gab at Vinci pala iyon. Nakapasok na sila sa loob ng cafeteria.
"Kat," narinig niyang tawag ni Gab sa kaniya. Masaya itong lumapit sa kaniya habang nakasunod naman si Vinci sa likod.
Napatitig siya sa mukha ni Gab at napabuntong hininga. She felt a butterfly flutter inside her stomach. Kinikilig pa din siyang makita si Gab, kahit pa magkahalong hiya at nerbyos ang naramdaman niya sa paglapit nito.
Naupo si Gab sa kaniyang tabi. The warmth of his arm beside her tempted her to move closer to him, just like the old times.
The old times, indeed. She thought as her mind reeled towards those intimate moments where she lusted over his naked body when they would take a bath together or sleep together after making love.
Get a hold of yourself, Kat! She warned herself.
It took much of her strength to stop gravitating toward him.
"Anong gusto mong snack? Ako na ang kukuha."
Why do you have to be so eye-candy, love?
"Ikaw... pagkain?" she mindlessly uttered. Her thoughts couldn't stop wandering to the dangerous and malicious zone.
Ikaw... puwede bang ikaw na lang?
She thought it was a good thing that Gab did not have a third eye and wouldn't see or read her thoughts.
"Kitkat," narinig niyang sabi ni Dominique. "Pagkain daw." Pilya nitong sabi. Kabisado siya ni Dominique sa tagal nilang magkasama bilang mag- bestfriend. Alam niyang alam nito ang nasa isip niya. "Cousin, ako na lang magsasabi." Dominique volunteered. "Abs mo daw, pagkain na."
Pinamulahan siya ng mukha.
"Hindi ah!" Deny niya.
Napatawa naman si Dominique sa kaniya, habang si Gab ay nakangiti at nakatingin lamang siya na tila hindi makapaniwala. Pati din naman si Vinci ay napatawa habang paupo ito sa tabi ni Dominique.
"You're blushing and still look so pretty!" It seemed Vinci found her cute. "I wish I'd met you way before."
Napatigil si Dominique sa pagtawa at napayuko.
"Sit there," utos ni Gab kay Vinci at bumaling sa kaniya. "Pagpasensyahan mo na itong si Vinci. Bolero!"
"It's okay. I found it as a compliment. Thank you, Vinci, but we both know that Dominique is prettier. In fact, your wife is so gorgeous that she's well-known and the fantasy of men in the RPG community, especially here in Italy." She wanted to lift the morale of her best friend.
"Really, Dom?" excited na tanong ni Gab.
"I'm not as famous as Queen Alodia or other royalties in the RPG community." Tanggi ni Dominique.
Si Vinci naman ay nakangiti at may ibinulong kay Dominique. Ni hindi man lang nito tinakpan ang bibig kaya madaling hulaan ang sinabi nito.
She was sure that Vinci said that he would love to see Dominique in her RPG clothes on their honeymoon na ikinamula naman ng mukha ng kaniyang best frirend.
"They have their own world." Ani ni Gab sa kaniya. "I'm starving, love." He said meaningfully. "Anong gusto mo kainin, I'll get them for you."
Naisip niyang sabihin ang mga gusto niyang kainin kahit pa isipin ni Gab na matakaw siya. Perhaps it was her way of testing Gab and wait for him to be turned off by her. "I want chocolate gelato, spaghetti, and truffle pizza slice please."
Pinigilan mapangiti ni Gab ngunit bumakas sa pisngi nito ang dimples na lalong nagpapa-guwapo dito.
"Okay. Coming right up." He said and stood up. But he didn't leave right away. He waited for Vinci who lazily looked at him, and then stood up.
Vinci lazily and almost unwillingly turned to Dominique.
"You want anything..." Vinci asked. "Wife?"
Hindi niya malaman kung malulungkot o kikiligin sa sinabi ni Vinci kay Dominique na namula sa sinabi nito. "Same as Kat." Tipid na lang nitong sagot.
"Okay." Tinatamad na sagot ni Vinci at tumalikod. Tinungo nina Gab at Dominique ang lalagyan ng tray bago tinulungan ang mga ito ng mga cafeteria staff.
"Girl, nakita mo ba kung gaano ka-cold sa akin si Vinci?" Dominique muttered. "Kaya ikaw, babae ka, matauhan ka sana at ma-realize mo kung gaano ka ka-suwerte. Stop trying to prevent Gab from loving you and your baby. You're not only connected my cousin because of your baby. Mahal ka nung tao. Hindi yun papayag na mawala ka na lang na parang bula at tatanggapin na lang niya iyon ng ganoon. Kahit star siya, tao pa din ang pinsan ko. May feelings yun, may pakiramdam." She sadly explained. "Sana huwag mo naman saktan yung pinsan ko. Ang swerte mo nga kasi hinahabol ka niya. Ako pinapahirapan at nire-reject ni Vinci." She could see Dominuque starting to turn red as a tomato with her admission of her situation.
"Sorry, Dom." It was Kitkat's turn to reach for Dominique's hand to comfort her. "I am sad to know that Vinci's is being indifferent to you and hurting your feelings."
"Oo, Kat, masakit ma-reject. Pero mahal ko siya eh kahit magmukha akong tanga dahil sa kaniya." Pag-amin ni Dominique. "Kaya pwede ba, huwag mo naman gawin sa pinsan ko yung ginagawa sa akin ni Vinci? Pakiusap, sis. Unless hindi mo na mahal ang pinsan ko?"
"Mahal ko siya, Dom." Mabilis niyang pag-amin kahit hindi niya ito inaasahan sa sarili. Napabuntong hininga siya at nahiyang ibinaba ang kaniyang mga mata sa singsing na nasa kaniyang daliri. "Mahal na mahal."
"Then, don't let these circumstances stop you from showing it to him, because he's doing his part, Kitkat. He is taking risks for you. Don't let him slip away." Sermon naman ni Dominique sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita dahil naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Dominique. Ayaw nitong sayangin niya ang kung ano man ang nararamdaman nila ni Gab para sa isa't isa.
***
Dinala ni Gab ang kaniyang order sa isang tray. Kasama na din doon ang order nitong burger at orange juice. Gab served the food for her, including her utensils and sparkling water.
"Sparkling water?" nasambit niya. "Puwede naman ako sa simpleng bottled water, love." Sabi niya. Napatingin si Gab sa kaniya na ikinamula niya. Nawala kasi sa isip niya nang masabi niya ang term of endearment niya kay Gab. "I mean..." She tried to manage her slip of the tongue, but failed miserably.
Napangiti si Gab sa kaniya. "Walang bawian yan, love, ah." Mabilis nitong kontra.
Hindi na siya nakakibo at nagsimula na lang kumain, samantalang si Gab ay tahimik na bumungisngis at masaya na din kumain.
Tinuon na lang niya ang kaniyang atensyon kina Vinci at Dominique. Napansin niyang umorder din ng burger at orange juice si Vinci. Si Dominique naman ay napansin niyang inasikaso ang pagkain sa tray na dala ni Vinci. Kinuha nito ang mga pagkain sa tray at inayos sa lamesa habang si Vinci ay abala na naman sa phone nito.
Napatingin siya kay Gab dahil ito pa ang naglapag ng kaniyang pagkain sa lamesa at nag-ayos ng kanilang pagkain. Nakaramdam siya ng hiya na isipin na yung idolo, crush, at ama ng kaniyang magiging anak pa ang nag-asikaso sa kaniya imbis na siya ang mag-asikaso dito.
Ngunit, nahihiya din naman siyang umakto na parang girl friend o fiancee ni Gab lalo pa dahil nako-konsensya siya sa kaniyang maling nagawa kay Gab. Hiyang hiya siya na magpanggang na parang katulad na sila ng dati. Hindi niya kaya. Nakokonsensya siya at nahihiya kay Gab.
Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang pagtusok sa pasta ng kaniyang spaghetti nang mapansin niyang panay ang titig ni Gab sa kaniyang kamay. Saka lamang niya napagtanto na ang pinagmamasdan ni Gab ay ang promise ring na bigay nito sa kaniya. Mas lalo siyang nahiya kaya unti - unti niyang ibinaba ang kaniyang kamay at dapat sana ay aalisin niya ang kaniyang singsing sa daliri na ni minsan ay hindi niya inihiwalay sa katawan.
"Please, love." Pakiusap ni Gab. "Don't." He said which meant he did not want her to remove the ring. "Hindi na ako titingin if it's making you uncomfortable." He promised and looked away to eat his hamburger.
Hindi siya kaagad nakakibo. Nagdalawang isip siya kung pagbibigyan ba niya si Gab o hindi.
Gusto mo ba tanggalin yan? Pag tinanggal mo naman, pareho pa din naman ang dating nito kay Gab dahil mahahalata pa din naman sa daliri mo ang bakas ng pinanggalingan ng singsing mo na hindi mo kahit kailan man na tinanggal.Ngayon lang kung sakali man.
Nahihiya man ay hindi na niya tinanggal ang singsing sa kaniyang kamay. Nagpatuloy na lang siyang kumain habang si Gab naman ay tumupad sa sinabi nitong hindi na ito titingin sa kamay niya na may promise ring.
As she munched on her food, she looked around and remembered the quietness of the cafeteria. Napansin niyang wala ng estudyante sa paligid kungdi sila lamang.
"Nasaan ang mga estudyante?" taka niyang nasambit. Si Dominique naman ay napalingon sa paligid.
"Yeah! What happened?" takang sambit din ni Dominique habang iniikot ang mga mata.
"There are no classes for today," Vinci said as he busied himself with his mobile phone.
"Huh?" taka niyang tanong. Sa pagkakaalala niya ay wala naman okayson upang magdeklara na walang pasok. "It's not holiday today, I'm pretty sure of that."
"The school declared that there are no classes today." Vinci lazily answered her. As she looked at him, she realized she couldn't blame Dominique for taking the chance at entrapping Vinci to marry her.
Napakalakas ng karisma ni Vinci kahit wala man lang itong effort na ayusin ang buhok nito. Napangiti siya ng di niya namamalayan. Kinikilig siya kay Vinci, para kay Dominique.
"Sis, may nag-text sa'yo." Ani Dominique at winagayway ang mobile phone niya sa kanyang mukha.
"Huh?" aniya at kinuha ang mobile phone niya sa kamay ni Dominique. Binuksan niya ito at napansin na may mensahe para kaniya si Kit. Agad niya itong binasa at hinahanap siya. Napansin niyang kanina pa pala siya tinatawagan nito.
Kaagad niyang tinawagan si Kit. Sumagot din ito kaagad.
"Where are you? The school declared there are no classes."
"I'm at the cafeteria." Tugon niya. "Why are there no classes today, by the way?"
"There was an emergency meeting by the faculty because they couldn't manage the students. It turns out almost 98% of the students here are fans of those Infin8 boys that are enrolled here."
Napatingin siya kay Gab na tila hindi maipinta ang mukha ngayon at kay Vinci na abala sa mobile phone nito.
"Well, who is that 2% that are not fans of Infin8?" she was curious because she knew Kit would be one of them.
"Well, that'll be you and me, right? " ani Kit na napansin niyang papasok na sa cafeteria. "Let's go home, Kitkat. I informed your parents that there are no classes for today." Anito at lumapit na sa table nila.
She saw that Gab stood up from their seat and faced Kit.
Without a word, Gab blocked Kit's way towards her. Agad naman na tumayo si Vinci at tumabi kay Gab.
Maingat siyang tumayo sa kaniyang upuan at lumapit sa mga lalaki.
"I can't go home yet, Kit." Aniya. "Magpapasundo na lang ako sa driver ko later kasi may group meeting pa kami for our assignment."
Kit looked at her with worry in his eyes. Lumapit siya kay Kit papalayo kayla Gab at Vinci.
"I'll be fine, Kit." She assured.
"Are you sure? You know your condition, Kat." Paalala nito sa kaniya.
"Dom's here. She knows." Matipid niyang paliwanag. "Don't worry. I'll be fine." She assured. "Mag-ingat ka sa pagda-drive mo ha?" paalala pa nito at saka ito lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi na ikinagulat niya.
"Ikaw ang mag-ingat, Kat." Anito.
Napangiti na siya. "Oo naman." Malumanay niyang tugon.
"I'll see you tomorrow? I'll pick you up." Anito habang papalayo.
Kumaway siya dito at ngumiti.
Pag harap niya ay nasa likod na pala niya si Gab. Masama ang tingin nito sa kaniya.
"Is there a problem, Gab?" tanong niya dito.
Bumugha ng hangin si Gab at umirap sa kaniya. Naglakad ito palabas ng cafeteria. Sinundan niya ito ng tingin at napansin na sumunod din dito si Vinci.
Hindi siya makapaniwala na tila naiinis si Gab. At inirapan siya nito. It wasn't the treatment towards her that shocked her, but the frustration evident on his face. It was her first time seeing her idol react that way.
Cute pa din. Hihi! Naisip niya.
Lumapit na siya kay Dominique upang malaman kung bakit tila inis itong lumabas ng cafeteria.
"May problema ba Dom?" taka niyang tanong.
"Oo, sis." Sagot ni Dom. "Nagseselos ang pinsan ko kay Kit."
Nagulat siya. Hindi niya kaagad naisip na magseselos si Gab kay Kit dahil kapatid ang turing niya kay Kit.
But, of course, Gab doesn't know it. Sa closeness pa naman namin ni Kit, iisipin ng iba na parang kami...
Nanlaki ang mga mata niya sa pag-aalala.
"What does it mean? Aawayin ba niya si Kit kaya siya umalis?" nagalala niyang tanong.
"Tingin ko hindi naman siguro kasi pipigilan iyon ni Vinci." Inabala ni Dominique ang sarili sa pagkain ng ice cream. "Don't worry about them. Marami naman bodyguards yang dalawa. For sure, pipigilan sila ng mga bodyguards nila bago pa sila makagawa ng scene outside na makukuhaan ng pictures ng Paparazzi."
Napasandal siya sa upuan. Napaisip siya kung ano ang mali sa ginawa niya upang magselos si Gab kay Kit, samantalang best friend niya ito.
"Hay, naku, girl! Wag mo na isipin ang mga boys na iyon. Baka ma-istress pa ang pamangkin ko sa bahay niya. " Tinuro ni Dominique ang kaniyang tiyan na halatang malaki. Agad niyang tinago ang kaniyang tiyan sa trench coat. "Tara na nga! Pumunta na tayo sa library. Let's borrow the books that we need, then make those boys carry them all. Doon man lang makaganti tayo sa stress na binibigay nila sa ating dalawa. Char!" Aya ni Dominique sa kaniya.
***
Library
Kahit na wala ng pasok ay pinayagan pa din sila ng librarian na pumasok sa loob ng library. Inilapag nila ang kanilang mga gamit sa isang lamesa malapit sa direksyong CCTV kahit pa wala ng mga estudyante doon. Nagsimula na silang dalawan ni Dominique na maghanap ng mga libro na hihiramin. Habang naghahanap siya ng mga libro ay napansin niya na may nakatayo sa kabialng side ng book shelf. Pamilary ang jacket nito at nasamyo din niya ang pamilyar na pabango nito. Si Gab.
Pinili niyang huwag pansinin si Gab at nagpatuloy na lang siya ng paghahanap ng mga libro hanggang makarating siya sa dulo. Alam niyang sinusundan siya ni Gab sa paglalakad kaya sinubukan na din niyang intayin kung ano ang gagawin nito pagdating sa dulo, kung saan puro libro ang nakapaligid sa kanila. She dared herself to be in that situation where she could possibly talk to Gab and clarify things.
Hindi kaagad sumunod si Gab sa kaniya kaya siya na ang tumawid papunta sa kabilang side ng bookshelf kung nasaan nakatayo lamang si Gab doon. Napansin niyang bahagya itong nakasandal sa book shelf na tila parang pago at nanghihina, habang sinusundan siya ng tingin.
Nagkatitigan silang dalawa na walang kahit sino man ang nagsasalita. Napansin na lang niyang may tumulong luha sa mata ni Gab habang nakatitig sa kaniya. Pati tuloy siya ay parang maiiyak na. Kahit wala silang sinasabi sa isa't isa, pakiramdam niya parang pinipingot ang puso niya.
"Ayaw mo na ba?" he suddenly asked as a tear fell on his cheek.
Hindi siya handa sa tanong na iyon. At hindi rin siya handang makita na ang napaka-kaaya-ayang mukha ng lalaking ito ay nagpapakita ng kalungkutan at pagkadismaya.
"Bakit hindi ka makasagot?" tanong ni Gab. "Ayaw mo na ba sa akin?" halong pabulong nitong tanong.
Hindi niya mawari kung maiiyak ba siya o matatakot na umamin ng totoo niyang nararamdaman. Kaagad niyang naisip ang pangako niya sa kaniyang magulang, ang plano niyang umiwas na kay Gab upang maprotektahan ang sarili at ang kanilang magiging anak, at ang totoo niyang nararamdaman.
God knows... It was all that her mind could utter. Nanatili siyang naninigas sa kaniyang kinatatayuan.
Hindi man siya makatugon, tinahak ni Gab ang pagitan nilang dalawa at binigyan siya ng isang masuyong halik na kaniya namang maalab na tinugunan. Tahimik siyang inalalayan ni Gab pasandal sa pinakadulong book shelf na nakadikit sa pader. Patuloy siyang hinalikan ni Gab habang siya naman ay mainit na tumugon.
Kitkat felt Gab's hand cupped her sensitive bosom, which encouraged her to lift herself towards him more. She immediately recalled how much she wanted to feel him too and reached for his abdomen down to his member covered by his pants. She felt his hard member and wanted to free it, but knew she must not.
They were in a public place, she reminded herself.
She still had to protect herself and Gab.
But Gab was making her forget where they were as he traveled his kisses and tongue down to her earlobe, to her neck and collarbone. She could even feel his hot breath on the skin of her neck.
She was already feeling dizzy with the quick sensation of his hand on her other bosom when she realized that his hand was traveling downwards. He was going to feel her stomach. She panicked and immediately disengaged.
Napahawak siya sa kaniyang bibig. Hindi niya matanggap na bumigay siya ng ganun ganun na lamang.
Agad niyang iniwan si Gab sa sulok na iyon at lumakad patungo sa lamesa kung nasaan ang kaniyang mga gamit. Kinuha niya iyon at nagmadaling lumabas sa library.