Nineteen

4284 Words
Gabriel Fountain, Italian Business School Mabilis niyang sinundan si Kit Ortiz. Naiinis na siya sa lalaking ito kahit ngayon pa lamang niya ito nakilala. May kutob kasi siyang ito ang lalaking tinutukoy ng ama ni Kitkat na nagpropose ng kasal sa babaeng mahal niya. Mahal ko si Kitkat pero hindi na ako sigurado kung mahal pa nga ba niya ako. It feels like she's changed and I don't understand why. Is it because of him? Am I too late? Should I give up and just let them be happy together? If so, I just need to make sure that he'll take care of Kitkat, which I failed to do when she was with me. Pinigilan niya ang sarili na bigwasan ang lalaking nilapitan niya. "Kit Ortiz!" Tawag niya dito. Napalingon si Kit sa kaniya. Batid niya sa matalim na tingin na ipinukol nito sa kaniya na hindi lamang pala siya ang mainit ang ulo ngayon. Tinapunan din niya ng matalim na titig ang lalaking balak umagaw kay Kitkat mula sa kaniya. Halata sa mukha nito na sinusukat siya nito. Kahit man siya ay sinusukat din ang lalaking ngayon ay kaharap na niya. Katulad niya, matangkad din si Kit at batid niyang maliksi din ang pangangatawan nito. Kit wasn't someone that anyone could just budge so easily. But, he was never a bully and would not do that to anyone. Ngunit sa pagkakataon na ito he wanted to intimidate Kit because he was scared. He was scared to lose Kitkat to someone who had potentially been eligible. Tahimik silang magkaharap, habang ang mga kamao nila ay parehong nakasukbit sa kanilang mga bulsa ng kanilang pantalon. Para bagang maitatago nito ang halatang inis nila sa isa't isa. "What?" matigas na tanong ni Kit sa kaniya. Pinapahalata nitong hindi ito uurong sa laban. Hindi siya nagsalita. Wala siyang ibang gustong gawin kungdi tadyakan sa mukha si Kit. "Kung inaakala mong lalayuan ko si Kitkat dahil sa'yo, hindi ko gagawin yon! Hindi ako natatakot sa'yo o sa inyong dalawa!" Anito. Bahagya siyang nagtaka sa sinabi nito na 'dalawa' nang maramdaman niya ang kaniyang sanggang dikit at matalik na kaibigan na si Vinci na nasa may bandang likuran niya. Hindi rin ito nagsasalita ngunit alam niyang nakaabang lang ito upang pumigil sa kaniya o di kaya'y depensahan siya kung madehado man siya. "I was told your Kitkat's childhood friend." Tipid niyang sabi. Hindi nakakibo kaagad si Kit. Marahil ay iniisip nito kung makikipag-bugbugan siya dito. "I was also told you proposed marriage to Kitkat." Dagdag niya. "Yes and she said yes." Maangas na tugon ni Kit. "Hindi ka na niya mahal. Ako na ang mahal niya." Nasaktan siya sa sinabi ni Kit. Sa isip niya, marahil ay totoo nga ang sinasabi ni Kit. Ngunit para pasakitan si Kit, hindi niya napigilan ang sarili na guluhin din ang isip nito. "She's loved me for many years, Kit. You know that if you're truly her best friend. If she really does love you, sa short span ng time na nagkahiwalay kami, mahal ka na niya kaagad, Kit? O baka rebound ka lang niya?" He had doubts with his own statement, but even if he was, he tried to remain poker face to bluff his rival. Ngunit ang totoo ay napanghihinaan na siya ng loob na may magandang kakapuntahan ang lahat ng kaniyang naging sakripisyo para kay Kitkat lalo na sa malamig na pakikitungo nito sa kaniya. "She's not that kind of person!" Depensa ni Kit. Sumugod ito sa kaniya, nguit naiwasan niya ito. "Does it mean she's playing with our hearts, Kit?" aniya habang umiiwas sa pagsugod ni Kit sa kaniya. Minura siya ni Kit. "Sana naririnig ka ni Kitkat ngayon. Pinagdududahan mo siya! You don't deserve her!" Sa pagsabi nito sa kaniya ng huli ay nadaplisan siya nito sa pisngi. Saglit siyang napahawak siya sa kaniyang mukha. "And you deserve her? I won't give her up without a fight!" "She's mine!" Galit na habol ni Kit sa kaniya habang mabilis niyang denepensahan ang bawat pagsugod nito. "She didn't say yes to you!" Aniya. Nahablot ni Kit ang jacket niya at napabagsak sila sa sahig. Inangkla niya ang kaniyang braso sa leeg ni Kit ng mahigpit habang ang isang paa niya ay nakapulupot sa isang hita nito. Siniko naman siya ni Kit. Sa pagsusukatan nilang dalawa ay pareho nilang napagtantong pareho silang sanay at trained sa pagdepensa ng sarili. "How come she's not wearing your ring? Instead, she's still wearing my ring!" He said while they were both struggling in their fight. Palihim niyang hinuhuli si Kit kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ni Kitkat para sa kaniya. Hindi nakasagot si Kit. Tila pati ito ay nagulat at napagtantong ang suot na singsing ni Kitkat ay galing sa kaniya. Tila nga hindi na ito lumaban pa kaya binitawan na niya itop. Walang sabi-sabi ay tumayo si Kit at tumalikod ito sa kaniya. Naglakad ito papalayo. "Sira ulo yon, ah! Hindi talaga niya hihintayin si Kitkat makauwi? Hindi maginoo!" Komento ni Vinci. Napatingin siya kay Vinci. "Ikaw talaga ang magsasabi niyan, ah? Maginoo ka ba sa pinsan ko?" "Oh! Bakit ako ang inaaway mo ngayon?" sagot naman ni Vinci. "Dahil wala akong mapagbalingan! Gusto ko siyang upakan!" Inis niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao. "Ba't di mo ginawa?" pahamon na tanong ni Vinci. "Palibhasa alam mong pag sinaktan mo yang best friend ni Kitkat, siguradong magagalit sa'yo iyon." Anito at inilok ang kamay nito upang tulungan siyang makatayo. Hindi siya nakakibo dahil basang-basa siya ng matalik na kaibigan. "That was really mean, bro." Iling ni Vinci. "Sana sinuntok mo na lang siya kesa sinabi mo na suot pa din ni Kitkat ang singsing na binigay mo sa kaniya." Napabugha siya ng hangin. "He was trying to get Kitkat from me." He tried to defend himself. "Alam mo naman ang totoo. Mahal ka ni Kitkat." Ani Vinci. Umiling siya. "I doubt that now after seeing her." Malungkot niyang nasambit. "Pero hindi ako susuko." "That's the spirit, bro. You've come this far just to be with her." Paalala ni Vinci sa kaniya. Napatigil siya sa pagkilos ng maramdaman na naman niya ng kaniyang chest spasm. "Kalma, bro." Inakbayan siya ni Vinci bilang pag-suporta. Isang luha ang pumatak sa kaniyang mata. Napamura siya. "Ang hirap naman ng ganito, bro! Matapos kong gawin ang lahat, malalaman ko na nagpapaligaw pa siya sa iba?" "I don't think nagpapaligaw si Kitkat. Childhood best friend niya si Kit kaya malamang makakasama niya yun parati dito sa Italy. Isa pa, masasaktan si Kitkat kung mawawala si Kit sa buhay niya dahil best friend niya iyon." "Who said I want him out of her life?" naguluhan siya sa sinabi ni Vinci sa kaniya. "Well, I am just thinking that you might want to send him somewhere he will rest for all eternity." Anito. "You're sick in the head, man! No! I won't resort to that." Mariin niyang tanggi at napahawak na naman sa kaniyang dibdib dahil nagakaka-chest spams na naman siya. Napatawa si Vinci at napamura. "Sa tingin mo kaya kong gawin yon?" Napatawa na din siya. "Malay ko kung ano ang tumatakbo sa utak mo! Huwag na huwag mong gagawin biro yan lalo na sa tungkol sa pinsan ko, kungdi bubugbugin kita kasama ng mga lalake sa pamilya namin." Pabiro niyang banta. "Oo, na!" Sagot ni Vinci at nagsimula na sila maglakad. Pinagpag niya ang sarili. "I need to call Kitkat's Mom." Aniya. Hindi pa man siya nakakapag-pagpag ng sarili sa pagkakahiga sa damuhan ng eskwela ay tinawagan na niya si Dominique upang hingin ang mobile number ng ina ni Kitkat. Ipinadala naman ito ni Dominique kaagad sa kaniya. Kahit kinakabahan ay nagpakilala siya ng sarili. "Iho, napatawag ka. Nasa Italy ka na ba?" tanong ni Katniss sa kaniya. "Yes, Ma'am." Nahiya niyang tugon. "I hope I didn't catch you in a bad time po. Actually, Ma'am, nag-enroll po kami nina Dominique at Vinci sa same business school as Kitkat." He admitted. Tila narinig niyang napatawa si Katniss. "I know, iho." Anito. "It's in the news right after the school declared there's no class in the afternoon to manage security. Nagkagulo daw ang mga estudyante diyan dahil sa iyo at kay Vinci." Nakaramdam siya ng hiya dahil sa disruption sa school na nangyari kanina. "Sorry, Ma'am." "Stop addressing me as Ma'am. Call me na lang as Tita." Anito na tila parang friendly sa kaniya. Noong unang nagkita sila ng ina ni Kitkat ay nagpakita na ito ng kabaitan sa kaniya. "I hope my daughter is okay. I hope you're taking care of her, GP of Infin8." He heard her mention his name. "Baka pinapabayaan mo yung anak ko!" "Hindi po, Tita. I actually called to respectfully seek your permission kung puwede ko po ihatid si Kitkat pauwi?" "That's sweet of you, but I have to ask Utt about it. Just a second, iho." Anito. Makailang segundo lamang ay muli itong sumagot. "Pasensya na, iho, but Kitkat's dad said our family driver will pick her up later." "I understand, Tita." Malungkot niyang tugon. "Tell you what," mabilis na tugon nito. "I'd like to invite you, Dominique and Vinci tonight for dinner. Dito niyo na lang ipagpatuloy ang pagre-research niyo ni Kitkat." Gusto niyang magtatalon sa tuwa. "Thank you for inviting us, Tita. will that be okay with Sir Utt?" "No," Katniss admitted with a laugh. "But he'll be out for dinner, anyway. And, I'd like to get to know my future son-in-law better so..." Napangiti siya. "Salamat po, Ma'am... este Tita." "Naku, iho, wag ka muna magpasalamat sa akin. Kahit naman boto ako sa'yo..." Nakaramdam siya ng saya at pagkahiya sa narinig. "Kailangan mo pa din ma-convince si Kitkat that it's still a good idea to be together despite the odds. We are a low-key and private people, GP of Infin8. My daughter's association with you made my daughter's life complicated..." "I am so sorry, Tita." "Mahal mo ba ang anak ko, GP of Infin8?" "Opo, mahal na mahal ko..." "I can feel it in my heart that you're telling the truth, but the problem is Kitkat. You have to figure out a way to convince her that being with you would not endanger the life she's protecting." "Do you mean the bashers po? Is she still having death threats?" naguluhan siya sa sinabi ng ina ni Kitkat. "Yes." Tipid na sagot ni Katniss. "I am sorry, Tita. I promise I'll to make things right for her po." "I don't know how you're going to prove to her that, but Kitkat is strong-willed. If she sets her mind on something, she's pretty determined. Sinusuway niya kahit kami na magulang niya. And right now, she's very much determined to sacrifice her love for you to protect something valuable to her and to our family, too." "If it's your name, I have expressed my intention to you and Sir Utt that I want to ask Kitkat's hand in marriage...." naguguluhan na siya sa sinasabi ng ina ni Kitkat. Sa pagkakakilala niya kay Kitkat, totoong strong-willed ito at protective sa mga pinahahalagahan nito katulad noong nasa US ito. She was determined to keep their baby even if he didn't know about it or even her parents. She was also protective of him and his career that was why she didn't want anyone to know of her pregnancy. Pero narito na siya. Handa siyang iwan ang lahat para kay Kitkat. Hindi niya maintindihan bakit ngayon ay tila para cold na ito at gustong lumayo sa kaniya. "I better go now and prepare for dinner, iho." Paalam ni Katniss sa kaniya. "S-salamat po, Tita. See you later po. " Pagtapos niya tumawag ay inaya na siya maglakad ni Vinci papunta sa library. Habang naglalakad ay paulit ulit niyang inalala ang mga sinabi ng ina ni Kitkat sa kaniya. ...she's very much determined to sacrifice her love for you to protect something valuable to her and to our family, too. "Handa si Kitkat na isakripisyo ang pagmamahal niya sa akin maprotektahan lang niya ang isang.... bagay o tao?" nasambit niya habang nagi-isip. "What do you mean? Kitkat plans to give you up?" nalitong tanong ni Vinci. "Hindi man niya sabihin, nararamdaman kong she doesn't want to have anything to do with me. It's like she wants me out of her life. Kaya niya akong isakripisyo... para sa isang tao o bagay?" napakunot ang noo niya kakaisip. "We both know it's just your assumption, right, bro? You don't fully believe that, right?" Hindi siya nakakibo. Hindi naman niya maipapaliwanag kay Vinci ang gut feeling niya. "Well, I'll just have to confirm that." Aniya at tinungo na ang library upang harapin ang katotohanan, kahit pa napakasakit nito para sa kaniya. *** Hindi sumagot si Kitkat sa kaniyang tanong. Bakit hindi siya makasagot? Nagi-guilty ba siya? Natatakot? O balak pa rin niya akong paasahin? Hindi niya napigilan ang sarili. He claimed her trembling lips as his. He just wanted to taste her lips and immediately let go of her, but he couldn't stop himself. He reached for her. He wanted to feel her skin and caress her. But the more that he was tempted to push further, the more that he felt like he was falling into an abyss of fathomless wanting for this woman who want to let go of him... reject him... dispose of him. Magkahalong sama ng loob at pangungulila kay Kitkat ang naramdaman niya. He wanted to press her on the shelf and take her right there. But, he settled for the first that he could reach. Surprisingly, her breast became larger than he last remembered. It seemed she became more sensitive in that part of her body, and was responding to his advances. But instead of taking advantage of her, he respected her still. Even if he wanted more than just a deep kiss and gently molding her enlarged bosom, he gave her room to settle down from her shock with how fast he made a move on her and how she was starting to respond to her. Gab allowed her to say no to him. He allowed her space to think even if it mean her walking out on him. Tila parang tuta, sumunod pa rin siya kay Kitkat. Kahit pa sinusungitan siya nito, hindi niya iyon inalintana, basta gusto niya ito makasama hanggat puwede at mayroon pagkakataon. Naisip din niyang kung magkaroon siya muli ng pagkakataon na magkaroon sila ng mga ganitong intimacy ay hindi siya magdadalawang isip na gawin ulit iyon. Ngunit hindi muna ngayon na parang nag-iba ang mood ni Kitkat. Habang naglalakad sila palabas ng building ay napansin niyang bahagyang namilog ang mukha ni Kitkat. Mas lalo itong gumanda sa pangingin niya at palihim siyang napangiti. He took that time to feast on staring at Kitkat at nakaramdam siya ng tuwa sa puso. "Baby, kasama ko na si Mommy mo. I promise I will do my best to make this work, for your sake." Pangako niya. *** Pink Rose Castle Gab felt so worried earlier when he checked on Kitkat through her mother. Nagaalala siya na baka may sakit si Kitkat dahil kaagad daw itong umakyat ng kuwarto at matamlay. He was so thankful to Kitkat's mother when he was able to see Kitkat again, and it seemed to him that she was okay. It felt so good to be beside Kitkat just like in the old times. Sitting right beside her even without them talking was already the best part of his day kahit pa hindi sila naguusap. Gab just felt bothered when he observed the medicines that she was taking. He secretly read the names of the medicines and memorized them. He planned to research them to find out what was making Kitkat ill. Napagplanuhan niyang ipaghahanda niya si Kitkat ng mga pagkain masustansya habang ipinagpapatuloy nila ang reasearch sa kanilang bahay nila Dominique at Vinci. "I also have something to discuss with you..." nahihiyang sambit ni Kitkat. Sa sinabing ito ni Kitkat ay marami ng agam agam ang tumakbo sa kaniya isip. Una ay baka sabihin ni Kitkat na lumayo na siya dito. Pangalawa ay baka sabihin nitong hindi na siya mahal nito. Lahat ay pawang mga negatibo. Bahagya siyang huminga ng malalim dahil naguumpisa na naman ang kaniyang chest spasm. Stop having these anxiety attacks! What will be, will be! Sita niya sa sarili. Kahit kinakabahan siya sa maaring sabihin sa kaniya ay sinubukan niyang huwag ito pahatala. He tried to play it cool. Habang nagbabasa ng mga researches sina Kitkat at Dominique ay nagresearch siya sa kaniyang mobile phone. Si Vinci naman ay sumunod sa kaniya at nag-browse na rin sa internet. Ngunit hindi niya nabasa ang kaniyang nire-research dahil sa sinabi ni Vinci. "Hey, Gab! Look at this." Biglang nabulalas ni Vinci sa kaniya habang nakatingin ito sa sariling mobile phone. Na-curious naman si Dominique at napatingin din sa screen. For that quick moment that Vinci and Dominique shared as they both shared the screen, Gab had a glimpse of the possibility that Vinci and Dominique's marriage will work out. He saw a hint in Vinci's eyes as Dominique came closer to his face to be near the screen of the mobile phone, and he knew that Vinci wanted Dominique. Hindi lamang matanggap ng matalik niyang kaibigan ang pagkakatali ni Dominique dito. He noticed that Dominique quickly glanced at Kitkat with worry in her eyes. He automatically reached for Kitkat's hand. "What?" kinabahan siya kung ano naman unos ang maaring dumagdag sa mga hinaharap nila ni Kitkat. Hindi man namamalayan ni Kitkat ngunit pati ito ay napahigpit ang hawak ng kamay sa kaniya. Vinci quickly showed his phoen to him. Nabasa nilang dalawa ni Kitkat ang nakasulat dito na ang dati niyang leading lady na si Liza Anderson ay mag-aaral din sa Italian Business School. He gulped at the information he received, and slowly looked at his side where Kitkat was red as a tomato. "Ayaw ka talaga niya tigilan, ano?" He watched her cross her arms. She seemed annoyed. "Siya yung nakita mo sa hallway ng Alpah Land hotel suite noon diba, sis?" Dominique pouted. "Alpha Land Suite?" he got curious. He recalled that Lhez informed him that Liza Anderson went to his supposed hotel suite when he first arrived in the Philippines after Infin8 went on hiatus. "You were there in my suite, too? Were you the rich Infin8 soldier who booked and paid for suite just to be allowed inside the premises of that place?" he asked Kitkat. Hindi nakapagsalita si Kitkat. "At ikaw siguro ang 'insider' na nag-squeel ng whereabouts ni Gab kaya nasusundan parati si Gab sa kahit saang location noon, ano?" bintang ni Vinci kay Dominique na hindi naman itinanggi ng pinsan niya. Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae at napakagat labi si Kitkat. Napakagat labi din siya sa pagpipigil na mapangiti. Para sa kaniya, ang hindi pagkibo ni Kitkat ay kumpirmasyon kung anong extent siya pinahalagahan ni Kitkat--- noon. Sa pagka-isip ng huli ay parang sinasaksak ang kaniyang puso kaya bumaling na lamang siya sa kaniyang mobile phone. As he started browsing, he noticed that the medicine he was searching for was pertaining to medicines for pregnant women. Muli niyang sinubukan hanapin ang ibang mga gamot kaniyang nabasa kanina at lahat ito ay mga gamot para sa nagbubuntis. Napatitig siya kay Katniss at napatingin sa bandang tiyan nito na tinatakpan nito ng unan. Doon niya napagtantong ang mga katagang sinabi ng ina ni Kitkat. ..she's very much determined to sacrifice her love for you to protect something valuable to her and to our family, too. Agad siyang napatayo upang pagkakatitigan mabuti si Kitkat. Our baby's gone, but she's pregnant? Could it be that she's having Kit's baby now that's why Kit proposed marriage to her? And that's also the reason why she wants to let go of me? Umagos ang luha sa kaniyang mga mata na ikinagulat ni Kitkat. "Kung mahal mo siya, sabihin mo na. Matatanggap ko." Umpisa niya na may pakiusap. "Gab?" napatayo si Dominique sa sofa at humawak sa kaniyang braso. "What?" naguluhan si Kitkat. "Ako pa ngayon ang babaliktarin mo? Hindi ba pupunta yang si Liza Anderson dito para sundan ka?" mataray na tanong nito. "Sis, makakasama sa'yo itong stress na'to." Paalala ni Dominique at umopo naman sa tabi ni Kitkat para himasin ang likod nito. "Sumunod man siya sa akin sa ends of earth, hindi ako pumatol sa kaniya. Eh ikaw? Lumipas lang ang isang buwan na nawala ang baby natin, nagpabuntis ka na sa iba? Sino ang ama niyan? Si Kit?" mahinahon ngunit sarkastiko niyang sagot. Umagos ang luha sa mga mata ni Kitkat. God, pinagsisihin ko na napaiyak ko siya. Gusto ko bawiin lahat ng mga sinabi ko. "Mali ka ng iniisip, Gab!" Sagot ni Dominique. "Don't!" Iling ni Kitkat kay Dominique. "Why? You're just gonna have a bigger misunderstanding." Naluluha na din si Dominique. "Dominique," matigas niyang tawag dito. "Anong alam mo dito?" Hindi nakapagsalit si Dominique. "Alam mong pinagtataksilan ako ng best friend mo?" hindi siya makapaniwala at nanlumo. "Hindi ako nagtataksil sa'yo!" nanginginig na sigaw ni Kitkat. "Buhay ang baby natin! Sa'yo ang baby na dinadala ko!" Pag-amin nito. Natulala si Gab sa binitawang salita ni Kitkat. Hindi niya mapagtanto ang dahilan kung bakit gagawin ni Kitkat sa kaniya iyon. Wala naman siyang maisip na pagkakasala kay Kitkat. "Why did you lie to me?" mahina niyang sambit. "To protect you and our baby." iyak ni Kitkat. Napailing siya. "Protect me? From effing what? From my career?" napahawak siya sa kaniyang buhok at napahilamos ng mukha sa magkahlong galit, inis, at sakit na malaman na nagsinungaling si Kitkat sa kaniya. "Kung hindi ko pa ginawang i-research ang mga gamot na ininom mo kanina, wala kang plano sabihin sa akin na buhay ang anak ko? Paano mo nagawa sa akin ito Kitkat?" Napakagat labi si Kitkat at nagtakip ng mukha. "I'm sorry," hagulgol niya. "I was going to tell you, but I felt confused and scared. All I want to do is protect you and our baby." "Hindi ka nagtiwala sa akin, Kitkat. Baket? Hindi ko ba kayo kayang protektahan ng baby natin? Dahil ba sa naaksidente ako, ibig sabihin ikaw na ang magdedesisyon para sa ating dalawa at sa baby natin? Na lalayo kayo ng baby natin? Ipagkakait mo sa akin yung karapatan ko na mahalin ka at akuin ko ang responsibilidad ko sa'yo at sa baby natin? Ganun ba?" Irita niyang tanong. "Love, don't you think it was a stupid decision---" he halted and walked back and forth to try to pacify his anger. Napailing si Kitkat at tila magsusumamo sa kaniya. "Please let me explain," pakiusap nito. "Love," tumayo na si Kitkat na hindi namamalayan na nahulog na ang throw pillow na pinantakip nito sa tiyan. Doon niya napagtantong may kalakihan na nga ang tiyan ni Kitkat. Lalo umagos ang luha niya. He wanted to touch Kitkat's stomach and embrace Kitkat because he could not bear see her cry. But he stepped back away from Kitkat. Pakiramdam niya ay kailangan niyang umalis upang makapag-isip at humihanon. Ayaw niyang may masabing masakit na salita kay Kitkat, dahil kahit galit siya dito ay mahal na mahal pa din niya ito. Isang bahagi niya ay gustong magtatalon at iyak sa tuwa dahil buhay ang kaniyang anak. Isang bahagi naman niya ay gustong manuntok ng pader sa galit at sakit na pinaramdam ni Kitkat dahil sa intensyon nitong maglihim at lumayo sa kaniya. "Love..." nagsusumamong sambit ni Kitkat at akmang lalapit sa kaniya. He stepped back. "I'm going to leave now. Pabayaan mo muna ako." Aniya at padabog na binuksan ang pinto ng library. Tinahak niya ang hallway papunta sa main door, nang makasalubong niya sina Utt at Katniss. Agad siyang nag-mano sa mag-asawa. "Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin dito po sa pamamahay niyo. I need to go po." May di sinasadyang luha na pumatak sa kaniyang mata na ikinagulat nina Utt at Katniss. "Babalik na lang po ulit ako, sana po ay tanggapin niyo ulit ako. Maraming salamat po sa pagaalaga niyo kay Kitkat at sa baby namin." Paalam niya at muling nagmano. Hindi na niya hinayaang makapagsalita pa ang mga magulang ni Kitkat. Agad siyang naglakad papalabas ng main door at tinahak ang madilim na kahabaan daan patungo sa main gate. Naglakad siya sa kahabaan ng madilim na daan habang umaagos ang kaniyang mga luha. Tumakbo pa siya ng mabilis habang umiiyak hanggang sa may bumusina na pamilyar na kotse. Sinundan siya nila Vinci at Dominique gamit ang kanilang nirentahan na sasakyan. Tahimik siyang sumakay sa passenger's seat sa likod ng sasakyan at tumitig sa bintana na hindi naman niya nakikita ang tawain dahil sa patuloy na pag-agos ng kaniyang luha. Naririnig niya ang pagtunog ng mobile phone ni Dominique. Tila may ka-text message ito. He assumed it was Kitkat. Kung kilala pa nga niya si Kitkat, it would make sense to him that she was worried. But then, he thought, "would a lying witch care for me after making a fool out of me?" Pag dating nila sa kanilang mansion ay agad siyang tumungo sa bar at doon nagpakalango sa alak. Sinamahan siya ni Vinci uminom habang panay naman ang paalala ni Dominique na may pasok kinabukasan. "Oo, I've already reminded both of them, Sis. Pero umiinom pa din sila..." narinig niyang sabi ni Dominique sa mobile phone nito habang naglalakad palabas ng bar room. Si Vinci naman ay hindi nagsasalita. Tahimik lamang itong nakikipag inuman sa kaniya. Alam niyang dinadamayan siya nito. He gestured for a toast. "To the 2 fools in the house!" Hirit ni Vinci. Inangat niya ang kaniyang wine glass at nilagok ang alak kahit hindi na niya kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD