Twenty (Part 1)

1848 Words
Kiara Pink Rose Castle "Kitkat, slow down!" Narinig niyang palalal ni Dominique sa kaniya dahil nagmadali siyang sundan si Gabrielle palabas ng library. Ngayon ay nagsisisi siya na inamin pa niya kay Gab ang totoo. Sa tingin niya ay dapat pinanindigan na lang niya at nagpakalayo-layo na lamang siya kay Gab. Dahil sa oras na ito, wala siyang ibang nararamdaman kungdi pagkakonsensya dahil sa pagsisinungaling niya at paglayo sa taong mahal niya. Gusto sana niyang paulit ulit na isigaw kay Gab na para sa kanilang anak ang ginagawa niya. Ngunit sa tingin niya ngayon ay tila balewala na ito kay Gab. Dahil dito, marami na siyang naisip na mali tungkol sa kaniya at sa mga naging desisyon niya. Nakakaramdam na siya ng pagsisisi at pagkalito kung ano na nga ba ang susunod niyang gagawin. Hindi siya handa sa nangyari ngayon, dagdagan pa na inatake siya ng selos sa nalaman na pagpunta ni Liza Anderson sa Italy upang sundan at makasama si Gab. "Susundan namin si Gab. Don't worry." Sabi ni Dominique at sumunod na sa asawa nito habang magalang na nagpaalam sa kaniyang mga magulang. "Are you alright?" maagap naman na lumapit sa kaniya ang kaniyang ama na si Utt. Mahigpit siyang yumakap dito at umiyak. "He thought I'm pregnant with Kit's child. " Hikbi niya. "Isn't it a good opportunity so that he would not bother you anymore?" tanong ng kaniyang ama. Napatingin siya dito at pinilit basahin ang mukha nito. "Is it not what you intend to do? Na lumayo na siya sa inyong mag-ina dahil napapahamak lang kayo dahil sa kaniya?" Napakagat labi siya at huminga ng malalim. "I just wanted to protect our baby even if it means lumayo siya sa akin. Pero hindi ko pala kaya!" Pag-amin niya habang humahagulgol siya. "Mahal mo kasi si Gab." Naiiyak na yumakap ang kaniyang ina sa kanilang dalawa ng kaniyang ama. "Ano pong gagawin ko?" iyak niya. "Ayoko po siya mawala sa akin." Iyak niya habang nagsisisi. "Dad, alam ko pong ayaw niyo sa kaniya... pero mahal ko po siya." Naiiyak niyang hayag sa kaniyang ama. "Lahat naman ng lalaki ay ayaw niya para sa'yo, anak." Pagtama naman ng kaniyang ina. "That's right." Sagot ng kaniyang ama. "But if Gab is the one you love, then who am I to be a hindrance to your happiness, my darling?" alo sa kaniya ng kaniyang ama. Lalo pa siyang napaiyak at mahigpit na humawak sa kaniyang ama. *** Pinayuhan si Kiara ng kaniyang mga magulang na magpahinga na sa kaniyang kuwarto at kausapin na lamang si Gab kinaumagahan. Sinabi ng mga ito na hayaan muna niya si Gab ngayon gabi. Ngunit hindi siya mapakali. Gusto niyang makatiyak na nasundan nila Vinci at Dominique si Gab at makauwi ang mga ito na ligtas. Minabuti niyang tawagan si Dominique. "Dom..." mahina niyang sambit sa mobile phone nang sumagot si Dominique. Tila naiintindihan nito kung ano ang pakay niya. "Kasama na namin siya. Nag-jogging, girl! Ang layo ng narating. Mukhang galit nga." Pabulong na balita ni Dominique. "Nasa likod na siya nakaupo. Suplado siya ngayon kaya hindi ko siya makausap." Sa tingin niya ay sinasadya ni Dominique na iparinig kay Gab ang huling sinabi nito upang malaman ni Gab na kinakamusta niya ito. "Kasalanan ko." Nahihiya niyang sagot. "Pasensya na, Dom. Pati kayo ni Vinci nadadamay at naii-stress dahil sa amin dalawa." "Oo, pero anything for my best friend and cousin-in-law." Malambing na sabi ni Dominique. "Dom! Nakakahiya kay Gab." Nahihiya niyang sita. "Baka iniisip niya ina-assume ko na papakasalan niya ako kahit na naglihim ako sa kaniya." "Bubugbugin ko siya if he thinks he will not, just because of that." Tila nagpaparinig ito kay Dominique. Lalo tuloy siyang nahihiya. Hindi niya mapigilan ang matalik na kaibigan sa pagpaparinig kay Gab, kaya napagdesisyunan na lang niya na tatawagan na lamang muli niya si Dominique kapag nakauwi na ito at hindi na ito maririnig ni Gab. "Dom, I will call you na lang later kapag nasa bahay ka na. Puwede pa ba ako tumawag sa'yo later? Yung hindi ka na maririnig ni Gab?" "Hay naku. Sa totoo lang, naiinis ako sa kaniya kasi imbis na ayusin niya kayong dalawa, nagtampo pa siya." "Dom," pakiusap niya. "Wag mo na paringgan si Gab please? Ako naman talaga ang may kasalanan at naiintindihan ko ang pagtatampo niya sa akin... kung tampo man iyon at hindi pagkagalit sa akin." Nahihiya niyang paliwanag. "Mamaya na lang tayo mag-usap pag hindi na niya naririnig, please? Please kausapin mo pa rin ako later?" "Fine, para hindi ka mag-alala dahil makakasama sa'yo... kasi nga buntis ka sa anak niyo. Kaya hindi ko talaga alam why he'll want to make you worry pa." "Waah, Dominique, wag mo na siya paringgan, please?" pakiusap niya. "Okay, okay! Tatahimik na ako." Ani Dominique. "Salamat, sis. Thank you so much." Aniya. Pagsara niya ng mobile phone ay agad siyang nagtakip ng mukha sa pagkaramdam ng hiya kay Gab at nerbyos na din. Ilang minuto lamang ay muling tumawag si Dominique at sinabi nitong tumungo si Gab sa bar at umiinom mag-isa. Sinabi din nitong nakipag-inuman na lamang si Vinci kay Gab upang damayan ito. "Ewan ko ba kay Gab, best friend! Hindi ba dapat magdiwang siya dahil alam na niya ngayon na buhay ang baby niya?" Hindi siya nakapagsalita dahil para sa kaniya, maraming ibig sabihin ang pag-inom ni Gab. Kung tama ang pagkakakilala niya sa kaniyang idol, pagka nagagalit ito ay mahahalata ito kaagad sa mukha. Bahagya itong tatahimik at iiwas, ngunit hindi pa din nito hahayaang hindi nito ibibigay ang opinyon nito. Pero sa pagkakataon na ito, tahimik si Gab at umiinom. Alam niyang hindi ito nagtatampo sa kaniya. Alam niyang galit ito. Puno siya ng pag-aalala. Hindi siya mapakali. Kung maari nga lamang ay gusto niya itong puntahan. She was feeling desperate, and the only person she could think of that could help her was Kit. *** Suot ang kaniyang trench coat ay tinungo niya ang hallway ng kastilyo at sumakay siya ng elevator pababa ng ground floor. Palabas pa lang siya ng exit ng elevator ay naroon na ang kaniyang ama na si Utt. Naka-pang alis at trench coat din ito. Tila naghihintay sa kaniya. "Kit told me you want to go to Gab's place." Anito. Hindi kaagad siya nakasagot. Una niyang naramdaman ay inis para kay Kit dahil ibinuko siya nito sa kaniyang ama. Pangalawa niyang naisip ay kung paano siya magpapaliwanag sa kaniyang ama. "Yes, Dad." Nahihiya niyang tugon. "Pasensya na po." Napabuntong hininga ang kaniyang ama, at yumakap sa kaniya. "Darling, why don't you just tell us? Ako pa mismo ang maghahatid sa'yo doon." Anito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaniyang ama. "Totoo po, Dad? B-bakit po papayag kayo?" gulat niyang tanong. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla biglang nagbago ang isip nito tungkol kay Gab. " Dahil iyon ang ikaliligaya at ikakapanatag ng loob mo." Tugon ng kaniyang ama. Muli siyang naluha. "Thank you, Dad! Thank you for always supporting me even if I have disappointed you and smirched your name. I'm sorry! Because of me, your name is in the newspaper... for having a daughter who ran after an Infin8 idol and got impregnated..." iyak niya habang humihingi ng tawad. "Hush, my darling. I am and will always be proud of you and support you." Sagot nito at mahigpit na yumaka. "Magkamali ka man, alam mo dapat na narito kami ng Mommy mo. Tutulungan ka namin makabangon." "Thank you, Dad." Mahigpit niyang akap. Pinunasan ng kaniyang ama ang kaniyang mga luha. "Tara na." Aya nito. "Nasa labas na si Richard at naghihintay." *** Ibinigay niya ang address ng mansion na tinitirhan nila Gab, Vinci at Dominique. Mabilis naman itong nahanap ng kanilang family driver na si Richard. Sa buong byahe nila ay hawak ng kaniyang ama ang kaniyang ama katulad noong bata siya. Napatingin siya sa kaniyang ama na nakatingin sa malayo, at may malalim na iniisip. Kahit madilim sa loob ng kanilang sasakyan ay napaghalata niya ang linya sa noo at gilig ng mata ng kaniyang ama na isang sinayales na ito ay may edad na. Napansin din niya ang puting buhok sa gilid ng ulo nito. Kung ikukumpara ang hitsura nito noong bata ito ay ngayon na ito ay may edadd na, mas gumwapo pa ito. Parang si George Clooney na artista. Kung kailan tumanda ito ay saka pa ito mas nagiging guwapo. Napatingin sa kaniya ang amang si Utt at bahagya itong ngumiti. Kahit wala itong sinasabi, ramdam niya na malungkot at alam din niya kung bakit. Dahil ito sa kaniya at sa mga nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit, heto pa din ang kaniyang ama at hindi man lamang siya binulyawan kahit kailan. Mas ipinapakita nito ang tapang sa mga lalaki niyang kapatid. Ramdam niya ang pagka-spoiled niya sa ama, na kahit pa nagkamali siya ay hindi siya nito pinagalitan. Kaya naman hiyang hiya siya ngayon na ito pa ang maghahatid sa kaniya papunta kay Gab. Iniwas niya ang tingin upang kunwari ay pinagmamasdan niya ang mga puno at posteng nadadaanan nila patungo sa bahay nila Gab. Ngunit ang totoy's naiiyak siya. Napakabigat ng loob niya dahil pati ang kaniyang ama ay tumutulong upang maayos niya ang kaniyang komplikadong sitwasyon. Naalala niya pati ang panahon na tinanong siya ng ama kung ano ang plano niya nang makarating siya ng Italy. Kakagaling lamang niya sa kaniyang buwanang check up nang maisipan niyang pumunta sa department store upang tumingin ng puting baby clothes, puting crib, puting stroller, milk bottles, baby tub, at sterilizer. Lahat ng gusto niya ay puti dahil ito ang paborito niya. Matapos niyang mamili ay tinulungan siya ni Richard na dalin lahat iyon sa sasakyan ng may babaeng tumulak sa kaniya habang papasok siya ng pintuan sa passenger's seat. Nagsalita ito ng Italian. "You don't deserve GP!" Anito at tila may ibabato sa kaniyang maliit na bote, ngunit napigilan ito ng mga security guards at ni Richard. Na-detain ito sa kulungan at nalaman niya at ng kaniyang pamilya na ang ibinato pala nito ay muriatic acid. Nang ibato ito ay suwerteng hindi pa pala natanggal ang seal kaya hindi ito tumalsik sa kaniya. Sa imbestigasyon, sinabi din na ang babaeng balak magbuhos ng muriatic acid sa kaniya ay inutusan din pala ng isang babaeng taga Pilipinas upang gawin ito sa kaniya at babayaran daw ito. Napagtanto niya at ng kaniyang pamilya na totoo ang banta dahil nakatanggap din ng bayad ang hired na babae via wire transfer ang babae mula sa nagngangalang Cynthia Flora. Natakot siya para sa sarili, sa anak, kay Gab at para sa kaniyang pamilya kaya nagMay pinlot s Sinabi niya ng may buong determinasyon na lalayo na siya Gab, ngunit heto siya ngayon at pupuntahan niya ito upang humingi ng paumanhin sa kaniyang desisyon. Kasama pa ngayon niya ang kaniyang ama upang puntahan si Gab. Hiyang hiya na siya sa kaniyang mga magulang at ngayon pati na rin kay Gab. Nahihiya na rin siya ngayon na malaman ng magulang at mga kapatid ni Gab ang totoo tungkol sa kalagayan niya at ng kaniyang magiging anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD