Kiara
8:30 PM
Inilalayan si Kitkat ng kaniyang ama sa pagbaba ng kanilang kotse. Hinimas himas nito ang kaniyang magkabilang braso upang mabawasan ang lamig na kaniyang nararamdaman, kasama na din ang pagkahalata nitong nararamdaman niyang kaba.
"Whatever happens, my darling, know that your Mom and I are here for you, and will support you and your child." Her father assured her as he cupped her reddish cheeks due to the cold weather.
"Thanks, Dad." Mahigpit niyang niyakap ang ama.
"Just call us when you need us to pick you up." Anito.
She nodded her head, unsure how long it will take to talk to Gab to patch things up. It could be a few seconds only if Gab would reject her and ask her to leave. It could also take an hour or so. Kung tutuusin, ito ang pangatlong pagkakataon na kakausapin niya si Gab ng masinsinan. During those days, it was like walking on eggshells with Gab as she was torn between being independent and raising their child by herself or swooning over him because she was an ultimate fan. Ngunit sa pagkakataon na ito, wala na siyang ibang inisip kungdi ang itama ang pagkakamaling ginawa niya. Nagsinungaling siya na hindi naman pala niya kaya panindigan. Nakasakit siya ng damdamin at napagbintangan na nagtaksil.
Sa isang banda, wala naman siyang dapat patunayan kay Gab, kung ang gusto lamang niya ay mabuhay ng tahimik at malayo siya at ang kaniyang anak sa kapahamakan. Pero mahal siya Gab. Ngayon niya napagtanto na may pakialam siya sa nararamdaman at opinyon ni Gab. Ngayon din siya nagsisisi na nagdesisyon siya na hindi man lang kinausap si Gab.
Huminga siya ng malalim habang nakatitig sa tapat ng pintuan ng mansion na tinitirhan nina Gab. Narinigi niyang kumaluskos ang sasakyan na lulan ang kaniyang ama habang ito ay papaalis na. Batid niyang nag-alinlangan ang ama na iwan siya doon, ngunit mas gusto na rin niyang huwag maghintay ang kaniyang ama para sa kaniya. Nahihiya na siya sa lahat ng abala na dinulot niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ito kung sakali man na hindi maging maganda ang pag-uusap nila ni Gab. Nagaalala din siya kung galit si Gab at taasan siya ng boses nito. Kung naroon ang kaniyang ama ay pihadong maririnig ito ng ama at lalo magagalit kay Gab. Mas lalo din siyang kakabahan kung naghihintay ang kaniyang ama para sa kaniya.
She closed her eyes for a second before she mustered the courage to press the doorbell. She heard the buzzing sound before she heard the door open. She hoped it was Dominique who would open the door for her. Nagsisisi siya na hindi muna niya tinawagan si Dominique upang ipaalam dito na nasa tapat na siya ng mansion.
She couldn't explain it but she suddenly felt nervous as the door opened, and knew by instinct that it was Gab who would open the door. Sumilay ang guwapo at nakaka-starstruck na mukha ni Gab sa may pintuan. She felt her breath hitched to see him again. Tila pa nga pinamulhan siya ng mukha.
Nakatitingin lamang si Gab sa kaniya. Pinaparamdam nito na hindi ito masaya makita siya.
Napalunok siya at tila nanunuyo ang lalamunan niya. "Gab..." aniya. "Can we talk?"
Hindi pa din nagsalita si Gab, ngunit mas nilaparan na nito ang pagbukas ng pintuan. Sinyales ito na pinapasok siya ni Gab at pumapayag ito na makipag-usap sa kaniya.
Gab waited for her to step inside. She felt like Red Riding Hood in her trench coat and that she was about to go inside the the wolf's den.
Gab closed the door behind her. She didn't dare to look back but she waited for his instruction. To her disappointment, he did not bother to speak. Instead, he walked ahead of her and went to the living room on the left side, where there was a fireplace, grand piano, a long black sofa, and a bar at the corner which was full of fine and expensive liquors. She followed him there, unsure if she should dial Dominique's number to call for help. She felt afraid of Gab since he was drunk. But then, recalling their first time together, they were both drunk which had led to her being in this situation now-- pregnant with the famous GP of Infin8's baby.
Gab went straight to the liquor bar. She watched him gulp the liquor from a gold-colored goblet, while she stood there feeling nervous and unsure how to start the conversation.
"You want some?" he casually offered her which startled her. "Oh, yeah, I forgot. You're pregnant." He said with venom in his last statement.
"Yes, I am... pregnant... with our baby." She nervously stated.
Napatingin si Gab sa kaniyang tiyan bago ito matalim na tumingin sa kaniyang mukha. Tiim-bagang ito umirap sa kaniya at humarap sa bar table.
"Have a seat." He offered with his back on her. She knew he was being rude to her.
Even if she felt offended by that gesture, she would accept it, just so she could talk to him and make peace-- if only he was willing.
Sumunod siya kay Gab at dahan dahan naupo sa sofa.
"Kung papayaga ka na mag-usap tayo, puwede bang maupo ka naman dito sa sofa?" mahinahon niyang pakiusap. Sa isip niya ay halos pasuyo na nga niya itong sinambit sa pagbabakasakaling mahimok niya si Gab na mahinahong makipag-usap sa kaniya.
Muling tumungga si Gab ng alak at padabog na ibinaba ang goblet sa bar, bago ito naglakad patungo sa sofa. Pasalampak itong naupo sa tabi niya at bahagyang humarap sa kaniya.
"What's there to talk about, Kiara Teresa?" tanong nito na may pekeng ngiti sa mukha. Sa tingin niya ay ginagamitin siya nito ng mga facade na reaksyon nito na pang-showbiz.
"Buong pangalan talaga?" napasimangot siya. "Galit ka nga sa akin..." nasambit niya ng palihim.
"Wala ba akong dapat ika-galit?" tugon naman ni Gab sa kaniya.
Napakagat labi siya at hinarap si Gab. "Meron... dahil nagsinungaling ako sa'yo, Gab. Kaya nga ako nandito ngayon, kasi gusto ko na pagusapan natin ito at magkaroon naman tayo ng amicable settlement---"
"Amicable settlement?" napakunot noong tugon ni Gab sa kaniya. "What are you driving at?" may irita sa boses nito.
"Gusto ko naman na bago tayo maghiwalay, magkaibigan pa din tayo..."
"Hiwalay?" nanlisik ang mata ni Gab. "Ano bang pinagsasabi mo?" he raked his fingers through his hair in frustration.
Imbis na matakot siya sa pinapakitang inis ni Gab ay tila napapatulala pa siya sa kaguwapuah nito at dahil naii- starstruck pa din siya. Pinilit niyang kumurap kurap at mag-pokus.
"What's not clear about what I said?" tanong niya.
"Everything is unclear to me!" Inis nitong sagot sa kaniya at umusod papunta sa kaniya.
Bahagya siyang napa-usod palayo at napansin iyon ni Gab. Tila kinokontrol nito ang sarili. Kusa itong umusod papalayo at napahilamos ng mukha.
"Hindi ko maintindihan. Naaksidente ako sa pagmamadali kong makarating sa'yo sa ospital." Anito na nakatingin sa kawalan. "Pag gising ko, wala ka na. Pumunta ako dito sa Italy para bawiin ka... para hingin ang kamay mo sa mga magulang mo kahit na ang pagkakaalam ko ay nawala ang baby natin. Tapos ngayon gabi malalaman ko na buhay ang baby natin?" Tinuro ni Gab ang kaniyang tiyan na natatakpan ng trench coat. "Gusto ko magalit sa'yo!" Anito sa kaniya.
Napaluha siya. "I know." Pag-amin niya. "And I deserve your anger towards me." Hikbi niya. "But as I have said to you earlier, all I wanted to do was to protect you and our baby."
"How?" inis na tanong ni Gab sa kaniya. "How are you going to protect me? Hindi ba dapat ako ang nagpo-protect sa inyo ng magiging anak natin? Dahil ba sa aksidenteng nangyari sa akin, wala ka ng tiwala sa akin na kaya ko kayo protektahan ng anak natin?"
"I saw how you were pulled out from your car before it got burned. Sinugod ako sa ospital ng mga fans mo. Kinausap ako ng agency mo tungkol sa maaring epekto sa'yo kapag nalaman ng mga fans mo globally na may nabuntis ka. Si Cynthia na vice president ng Infin8 PH soldiers' ay nag-hire ng isa sa mga extreme mong fans dito sa Italy para sabuyan ako ng muriactic acid. All I could think of at that time that it was all happening was to protect you and our baby, that was why I decided to leave and tell you that our baby's dead...dahil alam kong susundan mo ako dito kung alam mong buntis pa din ako."
"And that makes you the hero? Yun ba ang gusto mo mangyari? Sa tingin mo dahil nagsa-sacrifice ka para sa amin ng baby natin, it's the martyr thing to do?" binalikan siya ng painsultong tanong ni Gab. "You're self-centered and selfish because you did not even bother to ask me what I think. Iniwan mo ako sa ere. Akala ko we're in this together. Ako lang pala ang desidido sa relasyon na ito, that is kung may relasyon nga tayo." Nagsunod sunod ang patak ng luha ni Gab habang siya ay hindi makasagot. Nagulat siya sa perspektibo ni Gab sa nangyari sa kanilang dalawa.
"Oo na, self-centered ako... selfish... naduwag ako harapin yung sitwasyon nating dalawa!" Pag-amin niya. "Hindi ako handa na ma-expose sa buong mundo na nabuntis ako ni GP of Infin8. Hindi ako handa na iiwan mo yung mga bagay na gusto mo para sa akin. Natakot ako na baka hindi ka sumaya sa akin dahil star ka! Baka pagsisihan mo kung igi-give up mo yung pangarap mo dahil sa nangyari sa atin. Natakot ako na mahalin mo ako at hindi ako enough para sa'yo at ma-disappoint ka... iiwan mo ako..."
"Mababaw na dahilan yang mga sinasabi mo." Sagot ni Gab sa kaniya. "Kahit ako pa si GP of Infin8 o hindi, kapag nagmahal ka ba maraming kondisyon? Sa tingin ko, ikaw ang may standard na ganiyan sa akin. Na kung hindi ako si GP of Infin8, you wouldn't like me. You would not be interested in me. For example na lang si Quitos Ortiz. If I'm not mistaken, he has been in love with you since you were younger. But your eyes was only set on GP of Infin8, kahit pa eligible siya at marami siyang katangian na maari mong magustuhan."
"What do you mean? Are you telling me to look at Quitos Ortiz as more than a best friend?" siya na ang naguluhan.
"Of course not!" Galit nitong sagot. "Subukan niyang kunin ka sa akin---"
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ni Gab. Nagtuloy tuloy siya ng salita. "Bakit? Dahil may Liz Anderson ka na? Ganon?" pataray niyang tanong.
"Definitely!"
"Ah ganon?"
"No! What I mean is if you try to marry him, kikidnapin kita sa araw ng kasal mo! Definitely!"
"Anong sabi mo?" naguluhan siya pero tila positibong sinyales ang narinig niya. "Kikidnapin mo ako pag kinasal ako kay Kit?"
"Oo!" Malakas na tugon ni Gab sa kaniya. "Pero galit pa din ako sa'yo."
Napakagat labi siya. "Pero kikidnapin mo ba ako dahil mahal mo ako?"
"Oo! Sinabi ko ba sa'yo na hindi kita mahal?" Iritang tanong nit Gab ngunit unti unti na itong humihinahon. "Mahal kita. Ikaw lang ang may duda at pagsisingunalin mo pa ako." May pagtatampo sa boses nito.
"Sorry, natakot ako. Pero hindi ibig sabihin non na hindi din kita mahal." Nahihiya niyang pag-amin.
Nanlaki ang mahal ni Gab sa kaniya at napatitig. Naluha ito habang dahan dahan sumilay ang ngiti sa mukha nito.
Pati siya ay naluluha na din. "Paano na? Mapapatawad mo ba ako sa pagsisinungaling ko sa'yo?"
"Can I punish you first?" nakangiting tanong ni Gab kahit na lumuluha pa din ito.
"Punish me?" napakagat labi siya. Hindi niya sigurado kung papayag pa siya o hindi.
"I'm sorry, I can't wait for an answer." Anito.
He went closer to her and brushed his lips on hers. He sealed her lips with a warm and moist kiss that sent an electric current to her spine, to her pelvic, and to her core in an instant. It almost embarrassed her to yearn for him inside her instantly.