Narito na ako ngayon sa bagong unibersidad na pinaglipatan sa akin ni Zyro. Iilan lang ang mga estudyante at puro ito mga babae. Para akong nagsisimula nanaman sa umpisa halos walang makausap at walang lumalapit. Busy lang sila sa kani-kanilang gadget ang iba naman ay nag-aaral lang, pakiramdam ko'y lahat ata na narito mga introvert mas gugustuhin pang mag-isa kaysa makipaghalobelo sa iba, sa postura rin ng mga kapwa ko estudyante halatang mayayaman sabagay presyo pa lang ng uniform nagkakahalaga na nang ilang libo. May parte rin naman sa akin na pabor dahil kung minsan ayaw ko rin makipag-usap sa iba at gusto lamang mag-isa, tinatanong ko pa kahapon si Zyro kung kailangan ba talagang ilipat ako pero wala itong sinagot. Ayaw ko rin magpumilit dahil naiinis ako dito kahapon, pero 'di pa r

