Narito kami sa pinakamalaking mall sa Pilipinas dahil ano pa bang magagawa ko, wala naman akong pagpipilian at hindi pa naman sira ang aking ulo upang piliin ang panghuling sinabi ni Zyro. Ito nga ang pinakamalaking mall sa Pilipinas pero bakit wala akong nakikitang tao na namimili? bukod saamin ni zyro ,diba dapat sa ganito kakilalang mall ay maraming tao . "How can I help you sir?" tanong ng saleslady kay Zyro, kung makangiti ito ay parang mapupunit na ang labi,hindi naman ako tanga para hindi mahalata na interesado ito kay Zyro ,pero tila hindi ata iyon napapansin ni Zyro dahil sobrang seryoso lang itong nakatingin sa saleslady. "Find her a uniform that fits her." tukoy ni Zyro sa akin, ngumiti ang saleslady pero nang tumingin ito sa akin nawala bigla ang matamis nitong ngiti, napali

