chapter two

899 Words
"Anak, okay lang ba sa iyo ang silid mo?" nakangiting tanong sa akin ni Mrs. Guerrero. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko, kapag tinatawag ako nitong anak. Katatapos lang din kasi naming kumain. Napansin ko nga kanina habang kumakain kami, hindi ko man lang nakita sa hapagkainan ang panganay na lalaki ni Mrs Guerrero . Nakasama rin namin ang asawa ni Mrs Guerrero. Hindi maipagkakailang nagmana nga sa ama ang mga anak nila Lalo na ang panganay nilang lalaki simula sa mata at kaseryosohan ng ugali . Kanina pa ako tinatanong nito kung okay lang ba ang silid na magiging kwarto ko. Ang totoo nga ay sobrang napakaganda ng silid na tinotukoy nito kaya hindi ko rin mapigilang matuwa. "O-opo," sagot ko rito. Ibig kong tawagin ito sa pangalan ngunit hindi ko magawa dahil baka maghinala ito kung bakit ko alam ang pangalan nito kahit wala naman itong sinasabi. "Anak, wag kang mahiya na tawagin akong mama," aniya sa akin ni Mrs. Guerrero habang lumuhod para magkapantay kami. Kahit hindi ko man gustuhin na mahiyang tawagin ito na ina. Hindi ko mapigilan dahil niloloko ko lang ito. Dadating din ang araw na masisira ko ang pamilya nila. Magiging masaya ako, ngunit may masisira naman akong pamilya ,ngayon pa lang, nakokonsensya na ako sa mga maaari kong gawin. Pero may pagpipilian ba ako Sana nga mahal nalang ako ni Mommy,di Sana hindi ko gagawin ang panglilinlang ng tao. "S-sige, mama," pilit kong sambit dahil sa buong buhay ko, isa lang naman ang tinatawag at tinoturing kong mama kaya nakakapanibago na tatawagin kong mama si Mrs. Guerrero. "Ganyan nga, matulog ka na, anak," natutuwang Saad ni Mrs. Guerrero sa akin habang naka-ngiti . Maging ang mga ngiti nito ay nakakahawa rin kaya hindi ko magilang mapangiti. Sobrang napaka-inosente ng mukha ni Mrs Guerrero. Kaya paano na nito nagawang saktan si mommy? Tumango naman ako dito at tuluyang pumasok sa loob. "Good night, anak," aniya sa akin ni Mrs. Guerrero o mama bago ito umalis. Kahit isang beses, wala akong narinig na sinabihan ako ng good night ni mommy, sabagay, pagbati na nga lang sa kaarawan ko, hindi nito nagawa. Nag-aaksaya lang daw kasi ito ng laway kung babati pa ito sa akin kaya hindi ko tuloy mapigilang malungkot. Dahan-dahan kong sinira ang pintuan bago nilibot ang aking paningin sa buong silid na magiging kwarto ko. Pang-babae talaga ang dating dahil sa kulay pink na paborito kong kulay, pati mga gamit ay kulay pink rin. Bigla naman akong napatingin sa pintuan ng bigla itong bumokas at iniluwa roon ang seryosong mukha ng lalaking panganay ni Mrs. Guerrero. Sa pagkakatanda ko, Zyro ang pangalan nito Sobrang talim ng tingin nito sa akin, tila ba may nagawa akong mali. Napapatanong rin ako sa aking isip kung bakit hindi ito sumama kanina sa aming hapunan. Masama ba ang pakiramdam nito o sadyang ayaw lang talaga ako nitong kasamang kumain? "K-kuya," nauutal kong tawag dito.Hindi ko malaman kung bakit ako nakaramdam bigla ng takot. Nakakatakot kasi ang talim ng paningin nito sa akin ngayon, kahit wala naman akong nagawang mali. Wala nga ba? "Wag mo akong tatawaging kuya. Hindi kita kapatid," seryosong saad nito sa akin. Pakiramdam ko'y nanonoyo ata ang laway sa aking lalamunan. Tama nga naman, hindi ako nito kapatid at halatang hindi ako nito kayang tanggapin na maging kapatid. Ngunit kailan ko rin konin ang loob nito nang sa ganon ay hindi na nila ako pagdudahan. "P-patawad," nakayuko kong paumanhin, hindi ko alam kung paano ko ito pa-aamuin. Ano bang gagawin ko upang maging magaan ang loob nito sa akin? "Umalis ka sa bahay namin," seryosong saad nito na kinabigla ko. Alam kong ayaw nito sa akin pero hindi ako makapaniwalang gusto ako nitong pa-alisin. "K-kuya, gusto ko lang ng tahanan. Alam kong ayaw mo sa akin pero maniwala ka, wala akong masamang balak," pagsisinungaling kong paliwanag dito, ngunit ang kaba na nararamdaman ko ay hindi pagkukunwari Talagang natatakot ako sa presensya nito. "Kong mabibilog mo ang pamilya ko, hindi ako ,nagpapangap ka lang," asik nito sa akin na kinabigla ko. Paano nito nalaman? Masyado ba akong halata para itago ang totoong pakay ko? "Hindi, kuya," iniling-iling ko pa ang ulo ko. Pero mas lalo pang dumagdag ang talim ng paninitig nito sa akin. Kong nakakamatay ang, matalim na tingin matagal na siguro akong nakahandusay sa sahig. "Sabing wag mo akong tawaging kuya!" bulyaw nito sa akin na kinaigtag ko sa gulat hindi ko alam pero may biglang kumirot sa puso ko ng sinigawan ako nito kaya naman hindi ko mapigilang Umiyak dahil sa takot, bumalik nanaman saakin ang alaalang Kong papaano ako sinegawan ni mommy at kinalagkad paalis sa aking paaralan Mula noon ay hindi kona nagawang suwayin si mommy dahil na trauma ako sa pag sigaw at pananakit nito saakin "wag mo akong iyakan gamit ang piki mong luha alam Kong mag nanakaw ka" hindi man mataas ang boses nito ngayon may diin naman ang pagkakasabe sa mga salitang binitawan nito bago ito lumisan sa silid ko nakakatakot si kuya akala ko madali lang ang lahat ngonit nag kamali lang pala ako gustohin komang umatras siguradong magagalit si mommy saakin at kamumuhian ako nito ayaw kong biguin si mommy dahil mahal ko ito tumotulo parin ang luha ko habang nakahiga ako sa malambot na higaan ,Hanggang sa hindi kona malayang dinadalaw napala ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD