"Mom, pag gagawin ko po ba ito, mamahalin mo naba ako," inosente kong tanong kay Mommy. Gusto kong bigyan ako nito ng kaunting atensyon at pagmamahal kaya naman gagawin ko ang lahat ng anomang iutos ni Mommy saakin.
"Yes, jimely. Pag napasok mo na ang mundo ng mga Guerrero mamahalin na kita, ipaghiganti mo si Mommy, okay?" aniya ni Mommy bago nito hinawakan ang maliit kong mukha. Sinaktan ng mga Guerrero ang Mommy, lalo na ang asawa nitong si Mrs. Guerrero. Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Mommy dahil Mahal na mahal ko ito kaya kahit mali at musmos pa lamang ako gagawin ko na ang lahat para mahalin lang ako ni Mommy.
"Yes, Mom. Gagawin kopo ang lahat. Ipaghihiganti kita," I said with a smile. Akma ko sanang yayakapin si Mommy ngunit lumayo ito sa akin, tila nandidiri dahilan ng pagkadesmaya ko.
"Dapat mong gawin ang lahat, my Jimely, para ma-impress si Mommy, okay?" Nakangiting saad nito sa akin. Palagi nya akong tinatawag na anak pero hindi ko naman nararamdaman. Pakiramdam ko nga minsan ay nandidiri itong lapitan ako. Ang sakit sa pakiramdam kapag ganon.
Inutusan ako ni Mommy na magpanggap na ulilang lubos para makapasok ako sa bahay ng mga Guerrero at gawin ko daw ang lahat para gulohin ang pamilya nila. Pero paano ko ba gagawin kung bata pa lamang ako? Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga Guerrero kay Mommy kung bakit galit na galit si Mommy sa mga Guerrero. Basta nakita ko na lang itong umiiyak na ayaw na ayaw ko ,dahil pakiramdam ko ay dinudurog yung puso ko kapag nakikita ko si Mommy na umiiyak.
"Amarelle, let's go," saad ng kaibigan ni Mommy na si Tita Laica. Ang totoo, ako lang ang may gusto tawagin itong Tita kahit hindi man gusto ng kaibigan ni Mommy. Mas gusto nya daw tawagin akong maid.
"Sige, pumasok ka na doon," pagtataboy ni Mommy sa akin. Kahit ayaw ko pasanang pumasok dahil gusto kopang makasama si Mommy ng matagal pero ako lang ata ang may gusto.
Madaling sabihin na wag mong ipagtulakan ang sarili sa taong ayaw sayo pero papano Kong Ina mo mismo ang aayaw sayo masama parin bang ipagtulakan ang sarili sa sariling ina ?...si mommy nalang ang nag-iisang Kong pamilya. Kahit yan lang sana wag nang ipagkait sa akin. Wala akong ama, gusto ko mang magtanong kay Mommy, nagagalit lang ito at pinapalo pa ako.
"Bye, Mom. I love you," I said pero walang sagot si Mommy at sumakay lang ito sa sasakyan ng kanyang kaibigan . Minsan, natatanong ko kung mahirap bang banggitin ang katagang iyon dahil kahit ni isang letra man lang hindi nabibigkas ni Mommy sa akin.
Dala-dala ko ang malungkot na mukha habang naglalakad ako patungo sa malaking gate na kulay pula. Maraming bantay roon. Hindi naman nakapagtataka dahil sobrang laki talaga ng bahay ng mga Guerrero, tila mansion.
Bago ako tuloyang pumonta sa hamba ng gate kinuskos ko muna ang aking mata hanggang sa maramdaman Kona ang pamumula nito para magmistula akong umiiyak. Si Mommy na rin ang naglagay ng putik sa katawan ko. Pinasoot rin ako nito ng punit-punit na damit para kapani-paniwala na isa talaga akong batang lansangan.
Nagsimula na ng tumulo ang luha ko sa hapdi dahil sa panay kuskos ko dito.
"Bata, saan ka pupunta?" tanong sa akin ng matandang guard ng makapunta na ako sa kanilang gawi.
"M-manong, p-pwede bang makahingi ng pagkain?" Ginalingan ko talaga ang pag-arte para lang makumbinsi ko si Manong. Kahit ang totoo, panay hinging tawad na ako sa aking kaloob-looban . Ayaw kong magsinungaling dahil alam kong hindi iyon tama pero kailangan kong gawin.
"Bakit, hija? Wala ka bang kain?" tila naaawang tanong sa akin ni Manong.
"O-opo, Manong. Kahapon pa ako walang kain. P-parang awa nyo na, Manong," humihikbing saad ko kay Manong bahagya ko pang hinahawakan ang aking tiyan para kapani-paniwalang nagugutom talaga ako.
"O, siya. Kawawa ka naman, hija. Halika at sasamahan kita sa loob ng mansion." Hindi ko alam kung magdidiriwang ba ako dahil napaniwala ko si Manong. Hindi ko rin masasabi kung nagtagumpay na ba ako dahil hindi kopa alam ang ugali ng mga Guerrero. Baka saktan nila ako o di kaya'y hindi nila ako tanggapin.
Hindi ko mapigilang mamangha at tuluyan kong nakita ang loob ng mansion ng mga Guerrero. Wala pa akong nakitang ganito kalaki sa buong buhay ko.
Sobrang laki at napakaganda , seguradong pag tumira ka rito ay magbubuhay prinsesa ka mayaman kami ngunit hindi ganito kayaman .
Pero bigla na lamang may umusbong na galit sa aking puso dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy na ninakaw daw ni Mrs. Guerrero ang dapat kay Mommy. Ito ba ang tinutukoy ni Mommy? Kung ganon, dapat talagang galingan ko para makuha ko ang loob ng mga Guerrero. Kukunin ko ang dapat kay Mommy.
"What's happening here, Manong?" Biglang tanong ng isang babaeng sobrang ganda. Maging ang kulay nito ay nakakasilaw sa sobrang kaputian. Maliit ang mukha nito at kulot ang buhok. Napatingin naman ako sa mata nitong kakulay ko kulay chocolate
ito ata si Mrs . Guerrero ang asawa ni Mr zavid Vladimir
"ma'am itong bata po Kasi ma'am nag makaawang bigyan raw ng pagkain" Saad ni manong sa isang babae kagaya saakin ang mata
" m-maawa napo kayo" pagkukunwari kopa dahil baka hindi ako nito tanggapin baka inosente lang ang mukha nito ngonit malayo sa ugali
" manang pakidala po ng pagkain dito " Saad agad nito na kinanganga ko akala ko papaalisin ako nito o itataboy ngonit mas nakikita kopa ang awa sa mga mata nito
ngayon kulang napag tanto na Wala napala si manong sa tabi ko seguradong bumalik nayon sa pagbabantay
At ngayon kami na lang ang naiwan ni Mrs. Guerrero. Nagulat naman ako nang bigla ako nitong nilapitan at niyakap. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, basta nalang ako nanigas sa aking kinatatayuan dahil sa pag ka gulat. Hindi ko mapigilang umiyak ang kaninang pagkukunwari kong umiiyak ay naging totoo na ngayon kulang naranasan ang isang yakap ng Ina, napakasarap parang hinahaplos ang puso ko.
"Shhh, asan na ang mga magulang?" mahinang tanong nito naparabang pinapatahan ako na mas lalo kong kinaiyak. Hindi ko rin alam kung nagpapangap ba itong mabait, ngunit napakasarap ng ginagawa nitong pagyakap sa akin. Nahahawakan ako ni Mommy ngunit kailan man hindi ako nito nagawang yakapin.
"W-wala na po sila," mahirap man magsinungaling pero kailangan kong gawin dahil sa kagustuhan ni Mommy.
"Shhh, tahan na. I'm here. Gusto mo ba dito ka na lang tumira sa amin? Pwede mo akong maging Ina," nakangiting usal nito nang nakaharap na ako sa maganda nitong mukha. Kahit siguro tumanda ito, maganda pa rin.
Gusto kong maniwala sa kabaitan nito, ngunit kung mabait ito, paano nito magawang saktan si Mommy? Nakawin ang para sa Ina ko.
"P-pwede po," nauutal kong tanong. Segurado akong namumula na ang pisngi ko ngayon dahil sa kakaiyak.
"Oo naman, maari kitang maging anak... Ano palang pangalan mo?" tanong nanaman nito saakin. Nagkukunwari lang batalaga itong mabait ?,hindi ko maramdaman na nandidiri ito sa akin sa pagkakaalam ko Puno ng mga putik ang aking katawan ngayon.
"Jimely po," sagot ko dito.
"Mama, sino siya?" napatingin naman ako sa babaeng maganda rin na halatang anak ni Mrs. Guerrero dahil medyo kahawig ang kanilang buhok.
"Siya si Jimely, anak. Ang magiging bagong kapatid ninyo," sagot ni Mrs. Guerrero sa batang babae. Pero halata rin namang mas matanda pa ito sa akin dahil matangkad ito.
"Omy God talaga, Mama! So mayroon na akong babaeng kapatid ngayon!" nabigla naman ako dahil sa biglang pagtili ng batang babae. Abot-tinga rin ang tuwa nito habang tumitingin sa akin.
"Yes, anak. Simula ngayon, dito na siya titira," tukoy ni Mrs. Guerrero sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngunit alam kong natutuwa si Mommy dahil nagtagumpay ang plano nitong makapasok ako sa buhay ng mga Guerrero.
"Zyro, anak, halika rito. Kilalanin mo ang bago nyong kapatid," nakangiting aniya ni Mrs. Guerrero. Hindi ko alam kung sinong tinatawag nito Imposible rin naman ang babae nitong anak dahil pang lalaki naman ang pangalan.
Napatingin naman ako sa aking gilid ng may lalaking seryosong nakatingin sa akin sa mata palang nito, halatang hindi na ako gusto ,mag kamuka sila ng babaeng anak ni Mrs. Guerrero ngunit magkaiba ng pustura.
Sobrang lalim ng mata nitong kulay abo marami akong nakasalamuhang mga gwapong lalaki, ngunit wala parin iyon binatbat sa mukha ng ka harap ko ngayon napakagwapo nito, matangos ang ilong, mapula rin ang labi maging ang kilay nito makapal at salubong. Napatingin naman ako sa dalawa nitong hikaw sa tainga. Akala ko pangit kapag nilalagyan ng hikaw ang isang lalaki, ngunit naging kabaliktaran dito dahil mas lalo itong umangas at nagpadagdag ng itsura sa mukha nito.
"Masaya akong makilala kayo," nakangiti kong saad sa kanila, kahit pa kinakabahan ako sa lalaking nag ngangalang Zyro na seryosong nakatingin sa akin na parabang may galit.
"Anak, tawagin mo ang kapatid mong triplets," utos ni Mrs. Guerrero sa anak nitong babae. Ngayon ko lang nalaman na may anak pala itong triplets.
Hindi ko nakita si Zyro dahil umalis na ito sa aming harapan. Mukhang mahihirapan ata ako sa panganay na anak ni Mrs. Guerrero.
Napatingin naman ako sa tatlong bata na nakangiti na sa aking harapan. Puro mga lalaki sila at magkapareho ng mukha. Maging ang damit ay magkapareho rin. Napangiti naman ako dahil sa kacutan nila.
"Jimely, ito ang mga kapatid mong triplets. Si Zaidan," tukoy nito sa triplets na naka-soot ng salamin.
"At ito naman si Zebadia," tukoy nito sa triplets na may nunal sa ilalim ng mata. Sa palagay ko, hindi ako mahihirapan kilalanin sila dahil may mga palatandaan naman ang bawat isa sa kanila.
"At ang panghuli, si Zabdeil," tukoy nito sa isa pang triplets na kulot ang buhok habang nakangising nakatingin sa akin.