Tila nakahinga ako nang walang ginagawang iba si Kuya Zyro. Pinisil lang nito ang pang-upo sandali pagkatapos dumistansya agad sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa, pero pakiramdam ko'y nagpipigil ito, hindi ko lang alam kung saan. Bumukas na rin ang elevator kaya naman agad kaming lumabas na una pa rin si Kuya sa paglakad, pero ayos lang dahil nasa floor naman kami kung nasaan ang condo niya. Wala akong nakikitang tao bukod sa amin. Naalala ko rin pala kanina may nabasa akong nakatatak sa elevator, kung hindi ako nagkakamali, private ata iyon. May kinuha si Kuya sa kanyang bulsa na sa tingin ko ay isang key card. Ipinadaan ito sa isang device na nakadikit sa pader upang mabuksan ang pinto. Pagkatapos agad na pumasok kaya ganon rin ang aking ginawa. Nang makapasok na ak

