"Anak, pumunta ka rito pag di ka busy sa school ah," bilin ni Mrs. Guerrero sa akin. Kakauwi lang nila noong isang araw galing sa Spain; panay bilin sa akin nito ng kung ano-ano dahil lilipat na ako sa condo ni Kuya. Ayaw ko naman sana, at kailanman di ko gugustuhin. Napapaisip rin ako si Kuya kaya gusto nito? Tayka, bakit ko ba iisipin iyon? Kong alam konaman ang sagot , katulad ko alam kong di rin nito nanaisin na makasama ako sa iisang lugar na kami lang dalawa. Mas gugustuhin pa nitong mag-isa. Pero wala kaming nagagawa dahil si Mr. Guerrero na ang nagdeklarang doon muna daw ako pansamantala sa condo ni Kuya dahil bukod sa malapit doon ang paaralan ko, mababantayan daw ako. Kahit naman hindi talaga kailangan dahil kaya ko naman sarili ko. Kung pwede lang sanang sabihin sa kanila na na

