Nagising ako na hindi katabi si kuya ngunit pabor na rin sa akin iyon. Ayaw ko itong makita pero alam ko naman na malabo mangyari dahil nasa iisang bahay lang kami. Sa totoo, hindi pa rin ako nakabawi sa inasal ni kuya kagabi, mas lalo na sa huli nitong sinabi. Parang hindi pa rin ma-proseso sa aking isip dahil nga sa salitang iyon ay hindi ako masyadong nakatulog. Magagawa ba talaga ni kuya ang kanyang sinabi? Hindi ko maiilarawan ang aking sarili kung mangyayari ang mga bagay na iyon. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil bukod sa pagyakap at pagdikit ni kuya sa mga katawan namin ay wala na itong ginawa. Basta naramdaman ko lang ang mabibigat nitong pag-hinga, senyales na nakatulog ito. Hindi ko rin alam kung dapat ko ba itong hanggaan dahil nakatulog lang ito nang madali habang magka

