Chapter 19

2187 Words
“Good evening. We are pleased to have you all here at Gareth's Tech Company.” Kitang-kita ko kung gaano ang saya at pagkaproud ni Zenith habang nagsasalita sa harapan ng mga piling makapangyarihang tao na nagtipon-tipon ngayong gabi. “Finally, the time has come everybody. We are now stepping into a new world—a new world without pain, betrayal, loneliness, anxiety, depression, and sickness. My innovation is finally completed. I appreciate all of you who trusted and waited for the process.” Napuno ng sigawan at palakpakan ang buong lugar. Mga hiyawan at halakhakan ng mga taong masasabi kong mga halal ang kaluluwa pero hindi ko rin naman masisisi dahil sa maaaring mga pinagdaanan nilang hirap na marahil ay nagdulot ng malalaking sugat sa kanila. “Out of hundreds, ten prevailed and only those who are worthy can secure one of the highest-quality models standing in front of you. Now, you all have the chance to experience them on hand, all night to make your decisions final for tomorrow night. Shall we begin?” Isa-isang bumaba sina William at sumunod naman ako. Hindi na ako nagulat na dinumog ng mga babae si William. Kahit si Model 45, pansin ko, takaw-tingin rin. Kung ako nga ang tatanungin ay maliban kay William, si 45 isa pang may napakalakas na dating. “Hi.” Napatingin ako sa nagsalita at hindi na ako nagulat na mayamang, mataba ang unang lumapit sa akin. Bwisit! Hindi ako pwedeng mabili nito. “Hello,” sagot ko. “Aba, sumasagot nga,” “Bakit naman hindi,” Nanlaki ang mga mata nito at tumawa. ‘43, anong ginagawa mo? Ayusin mo.’ Napatingin ako nang magsalita si William pero madali ko ring binalik ang tingin rito kay kalbo. “Anong kaya mong gawin?” “Ano bang ipapagawa mo?” “Ikaw ang bahala. Entertain me. Yong hahalaga naman sa fifty million,” Fifty-million? Yon ang halaga ng isa sa amin? Hindi ako nakasagot at tiningnan ito mula paa hanggang ulo. Hindi talaga pwede. Hindi ako pwede mapunta dito. Dapat lubayan na ako nito. “Kaya mo ba talaga ang fifty million?” matabang na sabi ko. “Ano?” Pansin ko ang pamumula nito at inasahan na itong magagalit para lubayan ako pero mali ako. Tumawa ito nang napakalakas dahilan para unti-unting magsilapitan ang ilan pang mga kalalakihan na nasa iba’t-ibang edad. Masama ito. Akala ko ba hindi naman ako kagusto-gusto. “Nakakatawa ang isang ito,” sabi pa nitong kalbo. “Kaya ko ang fifty million o higit pa, basta sulit. I don’t care about money, if it means I’ll be happy.” “Ang lungkot mo pala, bakit di ka humanap ng kalaro?” sagot ko at kita ko ang pagtinginan ng mga nakapalibot sa akin bago sabay-sabay nagtawanan. “Ayos to,” sabi ng mga ito. “Pwede bang ikaw ang kalaro namin?” “Pwede naman. Pero ako ang magdedesisyon kung anong lalaruin.” Sumang-ayon naman ang mga ito at hindi naglaon ay nakatayo kami sa harapan ng isang dartboard. “Ang matalo, isang shot!” sabi ko at nagsigawan ang mga ito. “Sige, game!” pagsang-ayon ng mga ito. At makalipas ang ilang oras ay mga lasing na ang mga ito. “Suko na ba kayo?” tanong ko sa mga ito na hindi na salimbayan na sa pagtira pero wala pa ring nakakatalo sa akin. ‘Mag-ingat ka. Marami ng atensiyon ang nakukuha mo. – William.’ Tumingin ako sa paligid para makita si William at nakita itong nakaupo sa may bar counter at panay ang inom. Hindi ko na lamang ito pinansin. Hindi sigurado matanggap na napipili naman ako kahit paano. “Ok, this time. Ang makakatalo sa akin, can have me. Hindi lang ito ang kaya kong gawin,” sabi ko habang naghihintay na may magstep-up. Pucha! Isa lang. Isa lang ang lumapit, para hindi naman nakakahiya. “I’ll try,” sabi ng isang lalaki na nakasuit ng napakaganda. Humakbang ito palapit sa akin mula sa karamihan ng mga tao, nakapamuklsa at nakatingin nang kakaiba sa akin. Ibinalik ko ang tingin rito at kung tititigan, kamukha nito si Sydney. Pero malabo naman na may kapatid si Sydney, nag-iisang anak lamang yon. ’43! Anong mga pinagsasasabi mo? Itigil mo na yan. Wala ka sa pwesto para magsabi ng ganiyan. Si Mama lamang ang magpapasya kung kanino ka mapupunta. --- William’ “Ok. You try,” sabi ko. “But when you lose, my price triples.” “Even if I lose, I’ll make sure you’ll be mine. No matter how much you’ll get, I’ll have you.” Napataas ang kilay ko at tumingin kay William. Tumayo ito at naglakad palapit sa amin. “I’m sorry, but the time is over,” sabat ni William at nakipagtitigan ng masama dito sa lalaki. Ngumisi ito at inubos ang iniinom na alak, “The night isn’t over yet, so I believe I have enough time to fight for her.” Oh ha! Taray! Noon, kulang na lang ay sumayaw ako sa kung saan-saang santo, ngayon, dalawang matipunong lalaki ang naglalaban sa para sa akin. Charizz! Asa naman ako. Wala namang gugusto sakin nang walang kapalit. “I’ll take care of this,” sabi ko at tumango rito sa lalaki bilang hudyat sa pagsisimula ng aming laban. “Para mabilis lang, paunahan sa bullseye.” “Go ahead. Do it first.” Tumango ako at tumira. “Bullseye.” Sabi ko at yumukod rito. “I’ll be going. Nice game.” “Wait. The game isn’t done yet. Hindi pa naman ako tumitira,” “Bullseye na ako,” Tumira ito at kahit ako ay nagulat dahil sa gitnang-gitna talaga. “Paano ba yan, bullseye. Precise and exact.” Maski ang mga nakapalibot sa amin ay sang-ayon na mas bullseye itong lalaki. “It’s a tie.” Sabi ni William at hinila na ako palayo sa mga ito. Ipwinesto ako nito pabalik sa stage at iniannounce ni Zenith na tapos na ang oras. Pagtapos na pagtapos ay hinila na ako ni William paalis. Sa sobrang bilis ng biyahe ay wala pang isang oras ay nakarating na kami sa tintutuluyan naming bahay. “What was that?” sabi ni William habang niluluwagan ang necktie pagpasok sa bahay. “What?” walang-interes na sabi ko at naglakad patungo sa aking kwarto. “Don’t you dare turn your back on me! I’m still talking,” “I don’t think I have to explain myself. I did my part. I have to atleast do something to prove the effectiveness of the chip inside me. Don’t you think?” Hindi na ito nagsalita at nagtungo na ako sa kwarto. Pagpasok ay kating-kati na ako. “Mahubad ka,” sabi ko na naiinis na habang inaalis sa pagkakazipper ang dress. Natumba na ako sa kama, nagpabali-baliktad, at nagpagulong-gulong pero wala talaga. Ito talaga ang pinakaayaw ko, ang magdress. Kasumpa-sumpa. “Ako na.” Natigilan ako nang marinig ang boses ni William at wala itong pasabing kinuha ang zipper sa aking kamay. Mabilis nitong ibinaba ang zipper at iniwan na rin ako. Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hiya dahil kahit ilang beses na naming nakita ang lahat sa isa’t-isa, hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba para rito. Mabilis akong nagbihis at lumabas para magluto. Kaso nadatnan kong nagluluto na si William. “Halika na, kumain na tayo,” sabi nito. Umupo ako sa upuan sa island bar at pumangalumbaba, “Anong mangyayari kung sakaling may bumili sa akin?” “Hindi ako papayag,” Alam kong wala itong emosyon pero ang dulot ng pagkakasabi nito sa akin ay kakaiba. Parang ako pa ata ang mauunang mainlove bago ito. Hindi. Kaya ko ito. Hindi naman ako marunong ng tamang pagmamahal. “Paano nga lang,” “Kung sakali man kahit malabong mangyari, sisiguraduhin kong malapit ka pa rin sa akin. Kung kinakailangan kong tumira malapit sa tinitirhan ng makakakuha sayo, gagawin ko,” “Pero paano ang mapapangasawa mo?” “Lalapit lang naman ako pag may kailangan ako,” Ok! Atleast, malinaw ang usapan. “Ok.” Pagtapos nitong magluto ay sabay kaming kumain. Tahimik lamang kami habang magkatabi hanggang sa maalala ko iyong lalaki kanina. “Oo nga pala. Kilala mo ba iyong lalaki kanina?” “Oo. Isa siya sa mahigpit na katunggali ng aming kompaniya,” “Ah, kaya siguro ganoon kanina ang kinikilos no’n,” “Kaya nga gagawin ko ang lahat na hindi ka mapunta sa kaniya dahil malamang sa malamang, hahanapan ka nito ng butas para masiraan ang aming kompaniya,” Napatingin ako dito nang tumigil ako sa pagkain. Kung sana naalala niya ang dating siya, baka pati ang ngayong sarili niya ay humanga. Halatang mabuting tao at mapagmahal sa pamilya si William. Buti at hindi nagmana sa ina. May kakaibang paraan ng pagmamahal. “Salamat. Dahil kahit alam mo na ang plano namin ng lola mo, ay hindi mo kami sinusuplong. At kahit nakatakda talaga na patayin mo ako ano mang oras, binibigyan mo pa ako ng palugit,” Tumigil ito sa pagkain at tumingin pabalik sa akin. “Kailanman ay hindi kita papatayin. Poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya.” “Sabi ni Lola Gloria ay nakatakda mo akong patayin,” “Noong una pero marami akong natuklasang mga bagay,” “Ano?” “Bago ka pa dumating sa bahay ni Lola Gloria, may lihim akong pagsasaliksik na ginagawa,” “Hindi kita maunawaan,” “Ako ang lumikha ng mga chip, 43,” “Anong sabi mo? Pero ang sabi ni Lola Gloria…” “Hindi ko rin maalala pa ng sobra pero base sa mga nakalap kong mga records, ako ang unang nakapaggawa ng ideya ng chip. Pero kinuha ni Mama at kung ano na ang ginawa. Sa totoo lamang ay mag-isa kong tinutuklas ang lahat at wala akong kasing saya na pati pala si Lola ay di sang-ayon sa ginagawa ni Mama.” “Ibig bang sabihin, kaya moa ko ako kinukuha dahil kakampi ka,” “Oo, 43. At sa tingin ko ay mapapagkatiwalaan kita. Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo at magliligpit ako.” Parang isang malaking tinik ang nabunot sa akin dahil sa mga nalaman ko. Hindi na ako magaalala na baka bukas-bukas ay matagpuan na lamang na nilalangaw sa loob ng isang drum na lumulutang-lutang sa ilog. “Anong plano mo?” “Kapag naibalik ko na ang mga alaala ko, maaaring maalala ko na rin kung paano masira ang chip. I want things to end silently, para sa ikabubuti ng lahat. Hindi ko maaatim na makita ang Mama ko na tuligsain ng tao gayong lungkot ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Mama,” “Sa totoo lamang, hindi naman ang mama mo ang balak kong barilin noong huling araw natin si Treidon. Kundi ang mga monitors na naroon. Isip ko ay kung gagawa ako ng gulo, magkakaroon ng oras para makatakas sI Charlie. “Charlie?” “Oo, si model 100,” “Charlie pala ang pangalan ng pinakamahalagang lalaki sa buhay mo,” “Oo.” “Buhay si Charlie.” Tumayo ito sa pagkakaupo at naiwan akong tulala. Hindi ko pa maiproseso ang sinabi nito at ang dapat kong sabihin. “T-Teka,” “Tapusin mo na ang pagkain mo.” Minadali ko ang pagkain ko at naglakad palapit kay William sa kabilang parte ng island bar. “Totoo ba?” “Oo, hindi ako sinungaling na tao,” “Gusto ko siyang makita,” “Sa susunod na lamang pag tuluyan na siyang magaling. Sa ngayon ay nagpapagaling pa siya.” “Kahit kaunti lang, pakiusap,”’ Tumigil ito sa paghuhugas at hinigit ako papunta sa kama. Isinara nito lahat ng mga kurtina at binuksan ang mga monitor. Maya-maya pa ay lumabas si Charlie sa screen na nakaupo sa isang kawayang upuan at nakatingin sa malayo. “B-Buhay nga si Charlie,” nanginginig ang boses na sabi ko dahil gaano ko man gustong umiyak, hindi ko magawa. “Nagpasya kami ni Lola na itaas ang shock sa utak mo para icontrol ka noong araw na iyon para hindi lumaki ang gulo. Marami ang maiisa-alang-alang. Nang barilin mo si Charlie, tinakas ko agad ito paalis ng Treidon pagkatapos na irecord na patay na. Isang oras lamang ang tagal ng gamot na ibinigay ni Lola para manatiling nakatigil ang puso ni Charlie…” Hindi ko na pinatapos ito, niyakap ko na ito sa saya. “Maraming salamat.” “Masaya ka?” “Sobra.” “Kung ganon, halikan mo ako,” “Ano?” gulat kong tanong at lumayo rito. “Hindi ba’t sabi mo ay kapag masaya—” Sinapo ko ang magkabila nitong pisngi at hinalikan na ito. Hindi ko na ito pinatapos. Marahan ang mga halik ko pero agad ring bumitaw. “Sige, matutulog na ako.” Pero mabilis na hinigit ni William ang braso ko at hinila palapit sa kaniya, “Masaya rin ako.” Maiksi pero parang ninakaw ni William ang kakayahan kong huminga nang ilapat nito ang mga labi niya sa mga labi ko at hinalikan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD