bc

Model 43 is in Love

book_age18+
149
FOLLOW
1.2K
READ
HE
friends to lovers
single mother
sweet
lighthearted
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

“Pero mali ang CPR mo, hinigop mo ang mga labi ko, nadala pati ang puso ko."

Na-stuck sa elevator si Annie kasama si William. Doon, inatake ng hypoglycemia si William at walang nagawa si Annie kundi ang i-cpr ito kaso mali siya ng paraan. Tumatak kay William ang ginawa niya kaya hinanap siya nito. Single mom si Annie maliban sa anak, kay Charlie lamang umiikot ang buhay niya, ang lalaking napakatagal na niyang mahal pero hindi maaari dahil kapatid lamang ang tingin sa kaniya. Sa pagdating ni William, nabago ang lahat. Sa isang higop, mababago ang lahat.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Good morning, Annie!” “Morning lang, walang good, Sydney,” buntong-hininga ko nang makaupo sa swivel chair ng aking cubicle. Tambak ang mga papeles at mga blueprints sa aking mesa. Hindi na makita ang mesa sa daming mga nakalagay sa ibabaw, dahilan para mas lalo lamang ako makaramdam ng lungkot at panghihina. “Ang sabihin mo, dismayado ka kay Richard. Hindi ba?” pangungulit ni Sydney nang maglakad palapit sakin at umupo sa mga hita ko. “Ano ba ang bigat mo, umalis ka,” “Ayaw ko. Ok lang yan, hanap ulit tayo,” “Tumigil ka na. Ayaw ko. Tapos na ako makipag blind date. Tanggap ko na, hindi siguro talaga ako nakatadhana na may makasama sa pagtanda,” “Diba, nangako tayo na pupuntahan natin ang kasal ng isa’t-isa? Para na lang kay Mitch o. Magtatampo yon sa langit, bahala ka, hihilahin non paa mo,” “Sydney naman. Alam kong pangako nating tatlo yan pero ano pa ba ang gagawin ko? Kulang na lang magdasal ako sa lahat ng anito, mag-alay ng ilang itlog sa lahat ng mga templo at mga mongha. Nasubukan ko na rin lahat ng sinabi mo. Halos ilako ko na nga ang sarili ko, bwisit ka.” “Weh? Lahat? Nagawa mo nang magtulug-tulugan sa cinema?” “Pati sa jeep, nasampal na nga ako ng kasintahan,” “Eh bakit kasi may kasintahan ang pinili mo?” “Gaga ka ba, alangan naman magtanong pa ako?” “Annie naman,” “Oh tapos tatawanan mo ako,” “Ano pa ba? Ubos na kasi ang k-drama natin, wala pa ring umeepek para makabingwit ka. Nahulog ka pa sa escalator noong sa mall tayo nag jowa-hunting. Wala namang kikidnap sayo, hindi ka naman magpapakatulong, o magpaparenta bilang pekeng asawa, mas lalong hindi ka na uulit makipag one-night stand,” “Wow, makapagsalita ito kala mo naman meron na,” “Meron na sinabi. Hindi pa lang nga kasi ready ang lahat,” “Tsk! Dapat lang ipakilala mo at nang makilatis. At please, wag ko lang malalaman na si Paolo na naman," "Hindi, promise," "Sige na magtrabaho na tayo,” “Ay teka, kagabi may napanood ako. Natrap sa elevator yong babae at lalaki. Hindi mo pa nasusubukan yon,” “Sira-ulo. Paano kung matrap ako kasama ng isang serial-killer? Ng pulubi? O kaya psycopath?” “Paano kung ceo na may hot abs? O kaya artista na pinapangarap ng lahat? Ang nega mo, kaya ganyan eh,” “Alis na at ngalay na ang mga hita ko,” “Anniee—” “Itigil mo na Sydney yan,” biglang sabat ni Charlie mula sa likuran kaya naitulak ko si Sydney paalis sa pagkakandong sakin. “Charlie,” kabado kong sabi. “Magkape na muna kayo,” seryosong sabi nito at ibinaba ang kape sa mesa ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ni minsan ay hindi ito sumamblay sa pag-alala ng tanging kape na iniinom ko. “Salamat,” sabi ko at sinimsim ang amoy ng bagong gawang kape. “Napakakulit nitong si Sydney. Sinabing ayaw ko na makipagdate.” “Bakit ba kasi pumapayag ka? Alam mo namang hindi mo naman kailangan, andito na ako. Kulang pa ba ako? Hindi mo kailangan ng kasintahan na magpapakilig sayo, ang kailangan mo ay lalaking mananatili sa tabi kahit na anong mangyari. At kaya ko nang punan iyon. Yon ang pangako ko kay Mitch bago siya mawala. Kaya kitang alagaan, kayo ni Leo.” Pagkasabi niyon ay hinigit na ni Charlie si Sydney palayo at naiwan akong parang estatwa sa aking kinatatayuan. Pagtapos ng trabaho ay ako ang huling hinatid ni Charlie. Dinaanan pa namin ang anak ko sa school nito. “Salamat,” sabi ko rito nang bumaba ako sa kotse kalong-kalong ang anak ko. Bumaba rin ito at laking gulat ko nang kuhain si Leo sa akin saka hinawakan kamay ko. “Tara na.” “Tsk! Wag mong sabihin na magpapaluto ka na naman sakin ng libre?” “Gusto lang kitang makausap, kamustahin ka,” “Psh! Kunwari pa ito. Hindi mo ako maloloko. Pag gising si Leo ginagamit mong rason ang anak ko, kesyo makikipaglaro pero ang totoo, manginginain ka lang,” Umirap ito at naglakad papasok ng condo. Ay ibang klase talaga. Napailing na lamang ako at napangiti. Pagpasok ko ng bahay ay nasa kwarto na si Charlie para ihiga sa kama si Leo. Ako, nagsimula na akong magluto. “Anong pwedeng maitulong?” tanong ni Charlie paglabas habang inaayos ang suot na polo. “Ako na,” Hindi naman ito nagpaawat, bagkus ay naghugas na ito ng kamay at nagsimulang maggayat ng mga gulay. “Wag mo nang isipin yong lalaki na yon. Sinabi ko na sayo, hindi siya makakabuti sayo,” “Charlie, sumubok lang naman ako,” “Annie, ang akin lang, hindi ka pa ba talaga nadala dati?” “Ilang taon naman na ang nakakalipas, Charlie. Saka, hindi naman pwedeng lagi akong nakaasa sayo,” “Bakit hindi? Wala naman akong balak na iwan kayo ni Leo,” “Charlie,” “Hindi ako papayag na masaktan ka pa ulit. Andito lang ako, wag ka na maghanap ng iba.” Hindi ko na nagawang sumagot pa. Pakiramdam ko ay kung pipilitin kong magsalita, makakapagsabi ako ng mga bagay na labis kong pagsisisihan. Nang matapos kami magluto ay nanood na lamang kami habang iniintay na magising si Leo. “Mommy?” “Anak, gising ka na pala,” nangungunot ang noo kong sabi nang mapabalikwas sa pagkakahiga sa sofa. “Si Tito Charlie po?” “Andi—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto na patay na ang tv at mag-isa na lamang ako sa sala. Madali akong tumayo at tiningnan ang banyo. Wala si Charlie. Sinilip ko sa labas at wala na ang kotse nito. Malinis na rin ang kusina. “Anak, umuwi na ang tito Charlie. Halika, kain na tayo?” “Sige po,” sagot nito kahit alam kong malungkot ito na wala ang kaniyang tito Charlie. Pagkatapos na kumain ay pinalitan ko lamang ng pantulog si Leo at sinamahan ito sa kwarto. “Mommy, hindi po ako nakapag I love you kay Tito Charlie ngayon,” “Ok lang anak yon. Nauunawaan naman ni Tito yon. Bukas na lang,” “Mommy, lagi po dapat nagsasabi ng I love you, sabi ni Teacher. Pag daw po love natin ang isang tao, dapat wala daw pong araw na lilipas na ipapaalam natin na love natin sila,” Hindi ko nagawang makasagot sa aking anak. Nang makatulog ito ay sakto namang dumating ang tiyahin kong nakatira sa kabilang kanto at inabot ang pinabibigay ni Mama na mga sariwang gulay. “Tita, busy ka?” tanong ko rito habang inililigpit ang mga pagkaing tira namin. “Hindi naman,” sagot nito habang nag-aayos ng mga gulay sa ref. “Di ba may pinapanood kang drama, ok lang ba na dito ka muna manood?” Ngumisi ito, “Sige na. Makipag date na, nahihiya pa ito.” “Tita hindi,” “Psh! Sige na. Tulog naman na pati si Leo, kaya ko na ito.” “Sinabing hindi. Maghahatid lang ako ng mga gulay kay Charlie,” “Maging kayo na,” “Tita!” “Tita! Kala mo naman bata pa. Tampalin kita diyan,” “Ay grabe,” Madali kong kinuha ang isang plastic ng mga gulay at nagbiyahe papunta sa tinutuluyan nitong condo. Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang password ng pinto nito. Pero pagpasok ay laking gulat ko nang makita ko ang kalat ng mga damit sa sala. May panty at bra pa. Hindi ko na nagawang makapagsalita. Nanginginig ang katawan kong naglakad papunta sa kwarto ni Charlie at napabitaw sa plastic na dala ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng condo at nagderetso sa pinakamalapit na convenience store. “Sinaksak mo ng kutsilyo...” umiiyak na bulong ko sa sarili ko habang diretso ang pag-iyak ng malala kasabay ng pagkain ko ng ice cream. “Hindi yan makakalasing, eto oh,” Natigilan ako at napaangat ang tingin sa lalaking kay ganda ng ngiti sakin. Pinahid nito ang dungis ko at naupo sa harapan ko. “Pasensiya na ha. Natutuwa kasi akong marinig na may kumakanta pa sa ganitong mga kanta. Kala ko kasi, ako na lamang ang mahilig sa mga lumang kanta.” Pinahid ko ang mga luha ko at tumawa, “Welcome to the club ng taong mga boring.” Ininom ko ang alok nitong alak at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream habang diretso ito sa pagsasalita. Nang matapos ako sa pagkain ng ice cream at nakailang bote na rin ng alak, nawala na ako sa katinuan. “Ako nga pala si Fred,” sabi nito. “Annie,” sagot ko naman habang nakapasan sa likuran nito. “Sa may bus stop, doon mo na lamang ako ihatid.” “Sige,” sabi nito at dinig ko ang pagtawa nito. Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa aking kwarto at masakit ang ulo. Hirap akong naglakad palabas ng kwarto at laking gulat na makitang nagluluto si Charlie. “Buti gising ka na,” sabi nito. “A-anong ginagawa mo dito? Teka si Leo,” “Naihatid ko na si Leo, wag ka nang mag-alala. Umupo ka dito at humigop ng sabaw,” Gusto kong umiyak at yumakap sa kaniya pero hindi ko magawa dahil sa mga nakita ko kagabi. Ibinaba nito ang mainit na sabaw sa harapan ko at naupo sa tabi ko. “Salamat,” sabi ko rito. “Galing ka ba sa bahay kagabi?” “Oo, naghatid lang ng gulay. Pasensiya na kung hindi na ako nakapagsabi,” “Hindi ko sinasadya na hindi sabihin...” “Ang alin? Bakit parang humihingi ka ng tawad?” putol ko dito dahil hindi pa ako handa makarinig ng paliwanag mula sa kaniya. “Ano?” “Akala mo ba naglasing ako dahil sa nakita ko kagabi? Hindi ko nga nakita kasama mo. tawang-tawa pa nga ako sa hiya noong tumakbo ako palabas. Sorry talaga, sorry,” sabi ko rito at pinilit na matawa. “Bakit ka tumatawa?” “Eh kasi...naglasing ako kasi gusto kong malimutan ang pwet mo! Bwisit ka! Kaso...naaalala ko na naman!!!” Kita ko ang pagngiti nito at nagtawanan na kami. “Palitan mo na ang password mo at kakahiya sa girlfriend mo. Kailan mo ba ako ipapakilala?” “Saka na, pag sigurado na,” “Hoy, baka anakan mo lang yon. Ako ang bubugbog sayo,” “Malabo,” “Anong malabo?” “K-Kagabi kasi,” sabi nito at uminom ng kape. Halos mabulunan pa ito. “Hindi naman natuloy kasi hindi naman ako marunong.” Naibuga ko ang iniinom kong tubig at nagkatawanan kami. “Pisti ka,” “Tsk! Bilisan mo na at sabay na kitang pumasok,” “Hindi na, ako na ang bahala,” “Sige na. Hihintayin kita, Annie,” Maya-maya pa ay natigilan kami nang may doorbell at sinilip kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling nagtago sa kurtina, “Bakit andito yan?” taranta kong bulong. “Sino?” tensiyonadong usisa ni Charlie. “Wala. Ano—” “Annie, andito ang boyfriend mo!” tawag ni Tita mula sa labas at nanlumo ako sa loob ng kurtina. Tumingin sakin si Charlie na nakakunot ang noo. Bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Tita kasama iyong lalaking nakainuman ko kagabi. “Good morning, bihis ka na ba?” tanong nito at tumatawang inalis ako sa kurtina. “Lasing ka pa ba?” Umiling ako at hinigit ito papasok ng kwarto. Pagpasok sa kwarto ay rinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Charlie. Base sa lakas nang pagkakasara nito sa pinto, galit ito. “Yon ba yong Charlie?” “Anong ginagawa mo dito?” “Malamang ihahatid ka? Sabi mo kagabi diba?” “Hindi naman tayo magkakakilala,” Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko, “Gusto kitang makilala.” Napakamot na lamang ako sa ulo at tumakbo sa banyo. Pagtapos ko maligo ay agad kong hinila si Fred palabas ng bahay. Halos di na ako nagpaalam kay Tita. “Magmomotor lang tayo?” sabi ko paglabas namin. Tumawa naman ito at sinuotan ako ng helmet, “Oo. Nabitin ako kagabi eh. Namiss ko agad yakap mo.” “Ano?!—H-Huy!” Laking gulat ko nang buhatin na lamang ako at isinakay sa motor. “Kapit sa maskels ko,” pagyayabang nito at kinuha ang dalawa kong braso para ipulupot sa kaniyang baywang bago pinatakbo ang motor. “Pag ako namatay, sinasabi ko sayo!” palahaw ko sa takot dahil napakabilis ng patakbo nito. “Malabo, papakasal pa tayo. Magiging Papa pa ako ni Leo,” Hindi ako nakasagot sa gulat. Ni minsan ay hindi pa ako nakarinig ng ganito. “Ano, kinilig ka?” tanong nito. Pero hindi pa rin ako nakasagot. Napahigpit ang pagkakayakap ko rito. “Ok lang. Handa naman ako maghintay. Pero kinilig ka ano?” “Hindi,” “Sus. Ok lang mahiya,” “Hindi nga,” bulong ko rito. “Ang cute mo. Pero mas cute ka kapag kinikilig,” “Gago, natatae ako,” sabi ko sa wakas dahil sa sakit ng tiyan ko. “Ano?” “Ibalik mo ako sa bahay, natatae na talaga ako,” Pero imbes na iliko, tumigil ito at mabilis akong binuhat pababa ng motor. Kinuha nito ang kamay ko at kumatok sa pinakamalapit na bahay. “Ay iho, ano raw sainyo?” tanong ng matandang babae pagbukas ng pinto. “Nay, pwede ho bang makibanyo ang asawa ko? Sira po kasi ang tiyan,” “Ay tuloy-tuloy!” Hiyang-hiya at pawisan akong nagtungo sa banyo. Pag-upong pag-upo ko pa lang ay daig pang kulog na nagngangalit ang sunod-sunod na labas ng dumi ko. Mahigit isang oras rin bago ako lumabas ng banyo. Paglabas ay hinawakan agad ni Fred ang mga kamay ko at nagpasalamat sa matanda. “Inumin mo ito habang nasa biyahe. Pupunta tayo ng ospital,” sabi nito nang makasakay kami sa motor at inibot ang isang inumin na pampauli ng lakas. “Hindi na,” “Pupunta tayong ospital,” sabi nito at tuluyan kaming nagtungo sa ospital. Pagkarating sa ospital ay hindi ko lubos maunawaan ang dapat kong maramdaman. Parang mauubos ang hininga sa ginagawa ni Fred sa akin. Maliban kay Charlie, siya pa lang ang tanging tumuring sa akin ng tama. Nang makakuha kami ng kama sa ward ay hindi namin mapigilang magtawanan. “Kakahiya,” sabi ko pa, halos maluha-luha pa ako. “Hindi na ako nagulat. Pamulutan ba naman ang ice cream sa alak,” Napayuko ako at ginulo nito ang buhok ko. “Salamat Fred.” “Hindi, salamat. Binigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka.” At dahil doon, mabilis na lumipas ang panahon. Hindi ko inaakalang makakalagpas ang samahan namin ng isang buwan. Syempre, hindi masaya si Charlie pero si Sydney, kasal na agad ang hinihingi. *** Sabado at nasa bahay si Sydney, inaayusan ako. May plan kaming date ni Fred. Matindi ang kaba ko kasi itong si Sydney, hindi na rin mapalagay. Pakiramdam daw niya, magpopropose na si Fred. "Oh ayos na. Magkunwari kang mabibigla ka, kahit inasahan mo na," sabi pa nito nang papuslitan ako ng pabango. "Papatayin mo pa ata ako sa dami ng pabango," inis kong sabi at nagmaneho na papunta sa usapang restaurant. Pagdating ko ay kita ko agad ang tensiyon sa mukha ni Fred. Kumabog na ang dibdib ko dahil lahat ng sinabi ni Sydney, mukhang totoo. Hindi ko alam kung handa na ba ako pero bahala na. "Hi," bati ko at naupo sa harapan nito. Tahimik ito kaya tiningnan ko agad ang relo ko. Hindi naman ako late. "Ah, nakapag-order ka na," "Oo. Hindi mo naman alam ang mga tawag sa karne kaya, ako na ang gumawa," "Salamat," tugon ko at umamba ng kain dahil hindi ko na alam kung paano itatago ang kaba ko. “Pasensiya na Annie, pero napagdisyunan ko nang itigil ang panliligaw sayo. Ramdam ko kasing hindi ka pa handa na makipagrelasyon ulit.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook