Alas sais ng umaga nang magising si Quinn, she alarmed her phone at five pero inoff niya lang ito agad kaya naman isang oras pa ang mabilis na lumipas nang magising ito ulit. It was Monday and Emy told her after they're dinner last night that she'll go to work starting today and that will leave her and Kai only at home morning till afternoon for the weekdays. She doesn't like the idea pero wala siyang magawa. Gumising siya ng maaaga para maabutan pa ito bago man lang pumasok. She knock on the door of Emy's room a few times pero walang sumasagot kaya nagdesisyon siya na bumaba na muna at baka naroon na ito, nakapatay ang ilaw sa sala pero may naririinig siyang nagluluto sa kusina, maybe Emy's cooking for breakfast, it was the same sooothing aroma of garlic na naamoy niya rin the first morning she wakes up.
Dali siyang naglakad pakusina, but to her surprise hindi si Emy ang naabutan niya but it was the guy named Kai.
Napatigil siya sa pwesto, the guy is wearing a loose white tee-shirt and a basketball shorts. Nakasideview ito sa pwesto niya kaya malamang ay hindi pa nito siya nakikita.
Busy ito sa pagluluto, fried rice ang niluluto niya, pinagmamasdan niya how the guy perfectly stiriing the pot with a rice in it. It's as if he really knows how to cook.
"Gising ka na pala." nabalik siya sa diwa ng marinig itong magsalita, his eyes still on the pot.
"Sandali na lang maluluto na 'to, if you're hungry just wait for a few minutes." patuloy ng binata.
"Where's Emy?" yun na lang ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
"Umalis na siya, maaga yun pumapasok, she's avoiding the traffic."
Quinn nods, hindi niya na pala naabutan si Emy, at ngayon silang dalawa na lang ng lalaking 'to ang magkasama sa bahay. Hindi naman siya natatakot, Emy trusted this guy even though she didn't, but she knows how to protect herself if unnecessary things happen.
"Ayan luto na kakain ka na ba?" the guy asking him as he put a plate of fried rice into a plate, slices of fried hams and sunny sideup eggs are on the table also. She consciously looks alternately on the food and into the guy for a few times.
"Don't worry I didn't put poison or anything on that if that is what you're thinking." said Kai, kumuha ito ng isang slice ng ham at inilagay sa plato niya.
"No! Maybe later, I just got down seeing if I can still catch Emy before she go to work." her eyes still turning up and down.
"Okay." tipid na sagot ni Kai at nagtuloy ito sa pagkain. Pakiramdam tuloy niya ay iniinggit siya ng binata sa paraan ng pagkain nito.
Before she sees herself sitting and eating with this Kai dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom, she quickly turns back and open the refrigerator with no specific food to get in mind.
Pinagmasdan niya ang laman ng ref, fruits, vegetables some cola's and at the top is frozen foods. Wala siyang makakain dito but she has to act naturally ayaw niyang makita ni Kai na napilitan lang siyang buksan ang ref.
"Diet ka ba?" tanong ng binata nang maisara niya ang ref, tama siya pinagmamasdan siya nito, "Mukhang kailangan mo na nga..." patuloy pa nito, dahilan para magpintig ang tainga niya.
"What?" Inis niyang sagot salubong ang kilay sa tila pang-aasar pa nito, kita niya ang mahinang paghagikgik ng binata na hindi niya na liang pinansin dahil alam niyang ito ang gusto nitong mangyari.
Umakyat siya dala-dala ang isang mansanas at isang basong tubig na hindi niya naman maintindihan kung bakit niya kinuha.
"Emz, I'm leaving tomorrow. Thank you for letting me visit you for a few days." text ni Quinn kay Emy, hindi pa siya bumababa mula kanina, hindi niya na alam kung ilang minuto na siyang mahihiga at tatayo para pagmasdan ang sarili sa salamin. Tumataba ba siya? It doesn't seem like that, she knows she maintains her figure, nagpasideview pa siya and even turned back para kumbinsihin ang sarili na inaasar lang siya ng lalaking yun.
Naiinis siya, naging conscious pa tuloy siya sa katawan niya. At ang isang dahilan pa ay ang pangngisi nito tuwing aasarin siya na talaga namang nakakapang-init ng dugo niya.
Her phone rang, Emy is calling, and she heaves a sigh bago ito sagutin.
"Quinn? What happen?" tanong nito sa kabilang linya, "Si Kai ba? May ginawa ba siya sa'yo?" patuloy ni Emy, her voice sounds concern.
"Yeah it's because of him, though he didn't do anything stupid it’s just that his presence, I can't take it anymore Emz."
Dinig niya ang mahinang pagbulong ni Emy pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, "Ano bang nangyari?"
*****
After an eternity of staring at the wall, Quinn heard a few knocks on her door.
Kung si Kai ulit yun ay magpapanggap na lang siyang natutulog.
Naulit pa ang pagkatok, "Ate Quinn?" napaupo siya ng may nagsalita, that doesn't seem Kai's voice.
"Ate?" tawag muli sa kanya, now she's sure it's from a girl kaya tumayo siya at marahang binuksan ang pinto.
Tama siya, mula ito sa babae, a teenage girl with a curly hair ang bumungad sa kanya, malaki rin ang ngiti nito na tila namamangha sa nakita.
"Ang ganda mo talaga ate! Hi po!" saad pa nito, nakakahawa ang ngiti nito.
"Ay oo nga po pala, ito po almusal, sabi ni kuya Kai baka nahihiya lang daw po kayo magsabi na nagugutom na kayo kaya ito po pinadala niya po ito sa'kin." paliwanag nito at iniaabot sa kanya ang isang maliit na tray na may lamang pagkain.
Kinuha niya na lang ito kahit na may pag-aalinlangan at ipinatong sa maliiit na mesa sa kanyang kwarto.
"Thanks, pero hindi pa naman ako nagugutom, I'll eat it later." dahilan niya na lang kahit kanina pang nagwewelga ang tiyan niya sa gutom. Talagang nag-utos pa ang lalaking yun para lang asarin siya.
"Sige po Ate, baba na po ko hihi" pinakatitigan pa siya nito ng may malaking ngiti sa labi bago bumaba, the curly haired teen seems familiar pero hindi niya maalala kung saan niya ito unang nakita.
Makalipas ang ilang minuto matapos niyang maubos ang pagkaing ihinatid sa kanya ay nagbalak na siyang bumaba. Naiihi na kasi siya at ang tanging comfort room sa bahay na ito ay nasa tabi ng kusina at sa kwarto ni Emy na nahihiya naman siyang gamitin. Hindi niya muna dinala ang pinalagyan ng pinagkainan na inihatid sa kanya para kung sakaling abutan niya si Kai sa kusina o sala ay may maidahilan ito, naubos niya lang naman ang pagkain dahil gutom siya, balewala naman sa kanya ang maayos na pagfried ng kanin at ang ensaladang itlog na perpektong bilog ang pagkakaluto at nakapatong sa ibabaw ng kanin kasama na rin ang iilang ham na ang lambot at ang sarap papakin. Nagugutom lang talaga siya kaya naubos niyang lahat ng iyon, naalala niya ang luto ni Emy noong unang agahan niya, kaparehong-kapareho sa pagkakaluto nito.
Bago bumaba sa ilang baitang na hagdan ay dinig niya ang mahihinang bungisngis na nagmumula sa isang babae, dahan-dahan siyang bumaba, nag-iingat na hindi makagawa ng anumang ingay.
Habang kumakain ay naisip niya ang batang babae na naghatid sa kanya ng pagkain, wala pa ito nang bumaba siya para hanapin si Emy, o di kaya ay hindi niya lang napansin at baka kanina pa ito naruon.
Sa kakaisip niya ay hindi niya namalayan na nasa huling baitang na pala siya, naging mabigat ang huling pag-apak niya dahilan para ma out of balance siya, hahawak sana siya sa gilid ng hagdan pero huli na nang lumagapak ang pwetan niya sa sahig.
"Ouch!" daing niya hawak-hawak ang likurang bahagi ng balakang.
"Ate!"
"Hala Ate!" dinig niya, nang iangat niya ang mukha ay tumambad si Kai, ang teenage girl na nag-akyat ng pagkain niya and a teenage boy na kulot rin ang buhok, para silang pinagbiyak na bunga ng batang babae.
Lumapit sa kanya ang batang babae at inalalayan siya sa pagtayo, ramdam niya ang sakit sa bandang pwetan nang makaupo sa sofa.
"Sabi sa'yo bumibigat ka na." singit ni Kai, tila nawala ang sakit na nararamdaman niya at napalitan na naman ito ng pagkainis. Hindi ba talaga siya titigilan ng lalaking 'to, nasaktan na nga siya sige pa itong pang-aasar.
"Ate ano masakit sa'yo?" tanong ng batang babae, itinuro niya ang bandang balakang, kumilos ang batang babae at hinawakan ang parteng iyon, sa unang pagpisil ay kirot ang naramdaman niya, pipigilan niya pa sana ito pero tumingin lang itong nakangiti sa kanya, sa mga sumunod ay naramdaman niya na ang ginhawa, hinihilot na pala nito ang parteng yun at namamangha siya dahil ramdam niyang marunong ito.
"Ano nga ulit ang name mo?" tanong niya, naalala niya na kung saan niya nakita ang dalawa hindi niya nga lang maalala ang pangalan ng mga ito.
"Micah po Ate." sagot nito, bumaling siya sa kulot rin na batang lalaki na nakaupo sa sahig at may mga kaharap na notebook sa maliit na table, "Si Ezra naman po yan." patuloy nito.
Tumango-tango lang siya, "I'm sorry I forgot your names, you where the twins from yesterday's church service right?"
Sabay na tumango ang dalawa, nagpalitan ng tingin at ngumiti sa kanya.
"Anong ginagawa ninyo?"
"Nagpapatulong kami ng assignments kay kuya Kai sa history and geography ate." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito, hindi siya naniniwala malamang ay nagbibiro lang ito.
"Hahahaha kuya hindi naniniwala si Ate Quinn oh." bulalas ni Ezra, nagtawanan ang kambal kaya napatawa na rin si Quinn, nakakahawa ang good vibes na dala ng kambal na ito.
"Yaan ninyo na ganyan talaga pag tumataba." bitaw ni Kai.
Napa "O" ang kambal, samantalang si Quinn ay hindi na nakapagsalita, naiinis siya na talagang pinagdidiinan nito na tumataba na siya. Hindi kaya! pangungumbinse niya sa sarili!
Nagpaalam siya na pupunta muna ng comfort room, bago pa niya masapak ang mayabang na lalaking iyon.
Pagbalik ay naupo lang ulit siya sa sofa, nakasalampak na sa sahig si Micah at abala sa mga isinusulat nito. Kinuha niya ang phone at nagbrowse na lang sa IG. Busy man sa pagscroll ay nakatuon naman ang tainga niya sa pinag-uusapan ng kambal at ni Kai.
Matapos ang ilang oras na pag-aaral ng mga ito ay napansin niyang nagsisimula nang magligpit ng gamit ang kambal, kailangan niyang makaisip agad ng paraan para hindi muna sila umuwi.
"Pauwi na ba kayo?" singit niyang tanong.
"Opo ate." chorus nilang sagot.
"Mamaya na kayo umuwi, let's lunch together. I'll order foods for us. What do you want?" malawak siyang ngumiti para kumbinsihin ang kambal, kailangan mapapayag niya ang mga ito dahil kung hindi ay magkukulong na naman siyaa sa kwarto.
"Wala pang ginagawa kakain na naman. Kaya nananaba." singit ni Kai dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Quinn at mapalitan ng panggigigil, bumungisngis si Ezra samantalang si Micah ay sinitsitan si Kai at tila pinipigilan ito sa pang-aasar.
"You can't tease me with those words, I'm sexy and I know you know it." Tumayo pa siya para panindigan ang sinabi niya. Kahit naman nakapantulog pa siya ay hapit ang stretchable shirt at pajamas niya sa katawan niya.
Napahalakhak ang kambal, tuwang-tuwa sa ginawa niya.
"Wooh! Baka ate Quinn yan!" pagcheer pa ni Micah na nakipag-apir sa kanya. Kininditan niya pa ito pagkatapos.
Kai smirk hindi niya inaasahan na sasagot at kikilos ng ganoon ang dalaga.
Matapos tanungin ang kambal sa kung anong gusto nila, na ang tanging sagot ay nahihiyang "Ikaw na po bahala Ate." tinanong naman siya ng dalawa kung hindi niya ba tatanungin si Kai. Sandali siyang nag-isip, nag effort din naman ito sa hindi masarap na agahan niya kanina.
"Okay. What do you want?" pilit niyang tanong rito.
"Anong sabi mo?" tila may pagtataka sa mukha nito nang magbingi-bingihan.
Idiot she whispers on her mind.
"Sabi ko, anong gusto mo?"
"Ikaw..."
Nakatitig lang ito sa kanya ng banggitin ang salitang iyon, seryoso ang mukha nito, hindi niya tuloy maalis ang tingin rito.
Then Kai smirk, sabay humagalpak ng tawa.
Sumabay rin ng halakhak si Ezra, "Kuya Kai! Kuya Kai! inaasar niya pa ang kambal niya, nagsayaw pa nga ang dalawa na tila nanalo sa pustahan.
Napatawa na lang din siya sa kakornihan nito. Well, that idiot Kai, she got him there...