"Kai? Akala ko ba bibili lang kayo ng para kay Aria?" matinis na tanong ni Emy ng makauwi sila at makita ang dami ng pinamili nila Quinn.
"Tanungin mo diyan sa bisita mo ate." sagot niya na lang.
"Quinn?" baling nito sa dalaga.
"Sorry Emz. I just wanted to help with the expenses. I'm staying here for a month so I think this would help." paliwanag nito.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to. Bisita ka namin kaya dapat kaming bahala sa'yo." paalala sa kanya ni Emy.
"Huwag ka ng magalit, I buy treats and clothes for baby Aria also. How is your check-up? Is everything okay?" nalipat ang tingin ni Emy at Quinn kay baby Aria na kasalukuyang bitbit ni Kai.
Maayos naman ang check-up nila, healthy si baby Aria, isa lang naman ang pinag-aalala niya at ito ay ang kailangang pagsuot ng baby niya ng eyeglasses dahil sa malabong mga mata nito.
Pinagmasdan niya na lang ito ng lapitan ni Quinn at kunin mula kay Kai, masigla itong bumaling at nagpabuhat sa dalaga, ipinakita rin ni Quinn ang mga pasalubong nitong chocolates at mga bagong damit na ikinatuwa ng lubos ng baby niya.
Ayaw man niya sa ideya na si Quinn na ang nagprovide ng halos pang buong buwan na nilang pagkain ay wala na siyang nagawa alam niyang hindi niya rin ito mapipigilan sa mga ganitong bagay, naalala niya pa kung paanong nag-alala si Quinn nang unang beses niyang sabihin dito ang kundisyon ng baby niya. Maging siya ay pinilit na hindi ipakita rito ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi pa man niya ito nakikita ng panahon na iyon ay ramdam niya ang awa sa tono nito.
"Ate kamusta si Aria?" tanong ni Kai, habang tinutulungan niya sa pag-aayos ng mga pinamili si Emy.
"Ganun pa rin, she still has a 120-60 vision kaya kailangan habang bata pa ay masanay na siya na may suot na salamin." maiyak-iyak na saad ni Emy.
"Ganun ba ate." Walang salitang lumalabas sa bibig ni Kai, dapat ay sanay na siya dahil maraming beses niya ng narinig ang kundisyon ni Aria pero hanggang ngayon ay awa pa rin ang nararamdaman niya rito.
"Bukas nga pala ay ililibot natin si Quinn sa lugar na ito, bibisitahin din natin sila Mama at baka duon na tayo maglunch." paalala ni Emy.
"Siya nga pala alam na ba ng barkada mo na si Quinn ang sinundo natin sa airport?" usisa pa ni Emy. Hindi alam ni Quinn na marami sa mga tagarito ay followers niya, una na ang barkada ni Kai na madalas magtanong sa kanya kung kailan bibisita si Quinn dito.
"Kilala mo naman sila ate, may sa aso pang-amoy ng mga yun, hindi ko pa sinasabi pero tingin ko'y alam na rin nila." confident na sagot ni Kai.
"Basta bantayan mo siyang mabuti ah, gala lang yan si Quinn, she looks mature dahil sa environment na kinalakihan niya but still she's a young woman, vulnerable of many things. Ikaw ng bahala kapag may pasok na ko may tiwala ko sa'yo." pagpapaalala ni Emy.
Pagtango na lang ang isinagot sa kanya ni Kai.
Hindi naman na kailangang ulit-ulitin ng Ate niya ang pagbabantay dito dahil gagawin niya ito kahit walang mag-utos.
*****
Matapos makapag-almusal ay nag-ayos na si Quinn, naligo na rin ito at naghanap ng maisusuot, kaunti lang ang dinala niyang mga damit kaya naman kaunti lang din ang pagpipilian niya. Ngayon niya na lang din naalala ang isang goldnecklace na binili niya para ipang birthday gift kay Emy, next week na kasi ang birthday nito. Ipinatong niya na lang ito muna sa maliit na table sa harap ng salamin na nakadikit sa gilid na bahagi ng kwarto niya.
Emy warned her before she go upstairs to not wear revealing clothes in her stay here. Pero dahil sa may pagkapilya ito at gusto niyang makita ang reaksyon ng kaibigan ay kinuha niya at sinuot ang isang daring dress na dala-dala, walang siyang balak suotin ito pero nagandahan lang talaga siya kaya niya binili.
"Quinn? Nakaayos ka na ba?" pagtawag ni Emy mula sa labas.
"Come in Emz, I'm just putting some make-up." saad niya at marahang binuksan ang pinto pigil-pigil ang pagtawa.
"Ay nyeta! Quinn! " matinis na sigaw ni Emy, "Bakit ganyan ang suot mo? Sinabi ko ng huwag kang magsusuot ng ganyan di'ba?" bulyaw pa niya matapos makita si Quinn wearing just a sleeveless chiffon tank top with floral pattern na hanggang sa itaas lang ng pusod niya ang haba, nakalantad ang mapuputi nitong pusod at kutis porselana nitong balat.
"Halika nga rito! Sabi ko sa'yo sa simbahan ang una nating punta, magbabawas ng kasalanan ang mga tao dun at kung ganyan ang makikita nila baka imbes na mapahaba ang buhay nila, umikli ng dahil sa'yo!" dagdag pa ni Emy, hila-hila siya na lumapit sa bagahe nito at naghanap ng ipangpapalit niya.
Bumitaw siya sa pagkakahawak at pabagsak na naupo sa kama, hindi niya na rin napigilan ang pagtawa, napahalakhak siya ng malakas dahilan para lingunin siya ni Emy.
Nakakunot ang noo nito at nakataas ang kilay.
"I'm sorry friend, I'm just teasing you and your face look priceless." nagpatuloy siya sa pagtawa bago kuhain ang isang leopard design flutter sleeve top na nakapatong sa kama niya at pinakita ito kay Emy.
"Huwag mo ng uulitin yan ah!" pabirong pagbabanta ni Emy, hindi niya inaasahan ang ginawa ni Quinn kaya naupo na lang din ito sa kama.
Bago magpalit ay isang beses niya pang tinease si Emy, tumayo ito at umikot na parang nagmomodel. Quinn really looks gorgeous sa ayos niya kahit naka straight cut jeans lang ito pang ibaba ay aaminin niyang bagay na bagay rito ang suot pang-itaas, kung hindi lang sa simbahan ang punta nila ay hindi niya na ito pipiliting magpalit pa, pero dahil andito siya sa lugar nila at sa social media lang nakakakita ng ganito kaganda ang mga kapitbahay niya ay kailangan niyang iayon ang susuotin. Ayaw niya rin naman mabastos ito ng kung sino man lalo pa ay ngayong araw ay makikita na nila siya.
Matapos magpalit ay bumaba na rin sila, nabawasan man ng pagkadaring ang suot nito ay headturner pa rin ito sa kahit na sinong makakakita.
Dumeretso sila sa simbahan na ilang minuto lang naman ang layo mula sa lugar nila, paglabas pa lang ng bahay sa unang tindahan kung saan nakapwesto kada umaga ang mga tagapagbalita sa lugar nila na sila Aling Letlet, Virgie at Kris. Panay puri ang mga ito nang makita nila si Quinn, na todo naman ang ngiti na nakipagkilala sa mga ito.
Naitanong niya na kahapon kay Kai ang mga ito, but the guy refuse to name them, she just said that if she wants to get fresh news ay sila ang una niyang dapat pagtanungan. Alam daw nilang lahat ng nangyayari sa lugar na ito.
Sa simbahan ay nakilala niya naman ang Mama at Papa nila Quiin at Kai, sila ay sina Mama Teresita at Papa Romero, kasama ang apo nilang si Klay na walong taong gulang na.
May nakilala rin siyang kambal na Hope and Faith ang pangalan, magiliw at abot tainga ang ngiti ng mga ito nang makipagkilala sa kanya.
Kasama rin pala nila si Kai pero nagtataka siya na hindi man lang ito nagsasalita mula pa kanina, pagtango lang ang nakita niyang tugon nito ng kausapin ni Emy bago sila umalis. Samantalang kahapon maging nung pagdating niya pa lang ay pang-aasar na ang ibinubungad nito sa kanya, sabagay mas okay na rin iyon dahil ayaw niya rin naman itong kausapin.
It was a Christian church na pinagdalhan sa kanya ni Emy. Her Mom used to bring her to a Christian church also kaya naman pamilyar at hindi siya nanibago sa takbo ng service, though maliit lang ito kung ikukumpara sa church na pinagdadalhan sa kanya nuon ay nakikita niya naman na masaya at magiliw ang mga tao rito.
After the service ay dumeretso sila sa bahay ng parents ni Emy, kung saan sila sabay-sabay na maglalunch. Habang naglalakad kanina ay napansin niya ang pasimpleng pag-uusap ng mga taong nakakakita sa kanila, Emy tap her and smiles as if telling her na wala siyang dapat ikabahala. Napansin din niya ang paglapit ni Kai sa isang grupo ng kalalakihan na tinawag din ang pangalan niya, hindi nga lang niya naintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. It seems like it was about her as she saw them murmuring while looking at them.
It's a two-storey house na naabutan niya, a red gate and a motorbike parked outside. They sat on the sofa and it’s about time also for baby Aria to wake up as she's now playing toys with her brother.
Nagpunta ng kusina si Emy para tulungan ang mommy nito sa paghahanda ng pagkain.
Hapon na ng makauwi sila Quinn. Maraming nalaman si Quinn patungkol sa family ni Emy, naging makwento kasi ang mama nito sa ilang oras na paglagi nila ruon. Isa sa mga tumatak sa kanya ay ang naging alitan ni Emy at nang Mama nito nang ilang buwan palang siyang nagtatrabaho sa Singapore ay nalaman nilang nabuntis si Emy at ang masakit pa ay bigla na lang naglaho at hindi nagpakita ang lalaki. Napakuyom ang palad niya, naaalala niya pa ng malinaw yung oras na tumawag si Emy, she's crying heavily on the phone, panay ang paghikbi nito telling her na kailangan niya ng umuwi agad ng Pilipinas dahil nalaman niyang buntis siya.
It's also the first time she saw Emy not wearing the smiles she always adores in her. Ang dami niyang pangarap na gustong matupad nung makapagtrabaho siya sa Singapore pero sa isang gabi na yun, nasira at nawasak ang lahat.
"Quinn, ang lalim ata ng iniiisip mo. Pasensiya kana sa kadaldalan ni Mama kanina ah. Ganun lang talaga yun pero bati na kami ngayon." Emy explains and smiles at her nang mapansin nito na parang malalim ang iniisip ni Quinn. Nasa loob sila ng kwarto nilang mag-ina, baby Aria sleeping, napagod kakalaro kanina.
"I just remember that day when you tell me your pregnant. I'm sorry Emz, I shouldn't-" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng pigilan siya ni Emy.
"Don't ever think that way Quinn. Hindi mo kasalanan yun, it was I who didn't think of the circumstances of my actions." Emy tried to convince her.
"Saka tapos na yun, it all just part of my past. Bati na rin kami nila Mama ngayon at kung hindi nangyari yun, I wouldn't have this little sleeping beauty today." Emy continued, while her eyes solely admiring her baby Aria sleeping on her lap.
Napangiti na lang din si Quinn na mapagmasdan ang nakakaantig na tagpong iyon ng mag-ina. Tama si Emy hindi niya dapat sisihin ang sarili, but still…