Bangungot

428 Words
Napakaingay naman nitong lumang printer, iinnk...iinnk...iinnk. Maghahatinggabi na at itong napakaingay na printer ay halos hingin na ang pamamahinga nito. Natagalan ang kanyang pag-imprenta. Lahat ay natutulog na at ang ilaw ay nakapatay na din , maliban sa silid na kung saan ang kompyuter na kanyang ginagamit. Naghahanap ito ng sigarilyo. Nakaubos ito ng marami para hindi dalawin ng antok. Kukuha sana ulit ito ng sigarilyo sa sala ng makaramdam ito ng panlalamig. Naramdaman niyang ng dahil sa malakas na ihip ng hingin ay tumindig ang kanyang mga balahibo. Alam niyang ang lahat ng pintuan at bintana ay nakasarado, dahil siya mismo ang nagsarado non. Pagtingin niya sa likuran nakita niya ang kurtinang nagwagayway. Nanginginig ito sa takot, nung pinilit niya maglakad, napatay bigla ang mga ilaw pati na rin ang kompyuter. Nagalit itong bigla, dahil hindi niya pa natatapos ang kanyang proyekto ng dahil sa biglang pagkawala ng kuryente. Nakapagtataka na ang ilaw sa banyo ay bumukas ulit at nakakita ito ng lumulutang na tatlong kandilang may sindi malapit sa kurtina. Gusto man niyang tumakbo, pero parang nakapako na ang kanyang mga paa sa sahig. Kilala niya ang lalaki, ito ay si Carl, ang Mr. Intrams sa kanilang paaralan. Ang imahe ay nagiging hilam at ang hangin ay biglang lumamig. Nakita niya itong sinasaktan at pinapahirapan. Si Carl ay nanlaban pero malalakas ang mga lalaking nakapalibot dito. Ginulpi at pinatay ito. Nakita niya ang lahat sa hangin. Gusto niya sana itong tulungan. May nakita siyang libro, inihagis niya ito sa lalaki, pero lumutang lang ito sa hangin. Ang lahat ay biglang dumilim at tumahimik. Sa kanyang paniniwala ito ay isa lang bangungot. Sa sumunod na araw hinanap niya si Carl para tingnan kung wala bang masamang nangyari dito. Nakita niya itong masayang nag-uusap kasama ang mga kaibigan. Lumapit siya dito at tinapik ito sa braso, para malaman kung totoong buhay pa ito. Buhay pa ito, matikas, gwapo at may matatamis na ngiti sa labi. Nabigyan ng katahimikan ang kanyang pangambang nararamdaman. Iyon ay isa lang masamang bangungot. "Tara na Carl, nag-iintay na sila sa atin." Isang boses ang nakakuha sa kanyang atensiyon. Iyon pa lang ang unang beses na makita niya ito pero ang kanyang presensiya ay pamilyar na sa kanya. Nung papalayo na ang dalawa, saka pa lamang niya ito natatandaan. Tumingin pabalik sa kanya ang lalaki. Na may malademonyong ngiti sa mga labi nito. Sa sumunod na araw malapit ng mag aala-7 sa umaga, nung nakita niya ang kanyang papa na nagbabasa ng diyaryo, na binasa din niya. Nakasulat doon "Isang lalaki ginulpi at pinatay".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD