Isang Higante

332 Words
Ang mga binatilyo ay tumakbo ng mabilis hanggang naabot nila ang paanan ng burol na para bang hinahabol sila ng masamang espirito. Mas lalo pang bumilis ang kanilang takbo ng makarinig sila ng kakaibang tunog. "Isang higante! Isang higante!" habang takot na takot silang sumigaw. Ang higanteng nasa burol ay matagal na nilang kinatatakutan. Ang isang makakita nito ay kamuntikan ng mamatay sa takot. Ayon sa kanila ang higante ay 7 feet ang tangkad, maitim na buhok sa ulo at katawan nito. Malalaking mata, ang bibig na sintulad ng sa kabayo. Hindi naman ito nanakit, pero pinakaayaw nito ang pag-aabalang ginagawa ng mga tao. Pagsapit ng kabilugan ng buwan, gumagawa ito ng kakila-kilabot na tunog na nagpapagising sa buong baranggay sa buong magdamag. Ninais na nilang umalis na ang higante sa kanilang lugar. Dahil sa higante karamihan sa mga naninirahan doon ay umaalis. Ang mga mayayaman ay pumupunta sa lungsod. Ang mga mahihirap ay walang mapupuntahan dahil na rin sa wala silang panggastos, kaya napipilitan silang manatili sa nasabing lugar. Isang gabi matapang silang pumunta sa burol na may dalang tanglaw. Nagpunta sila sa malaking kahoy na pinaniniwalaan nilang doon ang tirahan ng higante. Sabay-sabay nilang sinindihan ang tuyong dayami gamit ang tanglaw na kani-kanilang dala. Makalipas ang ilang sandali lumabas na ang higante. Galit na galit ito sa mga tao, kung ano man ang ginagawa nito. Hindi na nakapalag ang nasabing higante dahil napapalibutan na ito ng mga apoy. Tumalon at sumigaw ang higante. Tumakbo ang mga tao ng tawirin ng higante ang apoy at nagliyab ang buhok nito. Naging masaya ang mga tao, dahil sa wakas nagtagumpay rin sila na paalisin ang higante. Nataranta ang mga tao ng makita nila na tumakbo ang higante sa kanilang pamahayan. Ligalig ang mga tao ng pababa na sila sa burol. Ang kanilang lugar ay may malaking apoy. Sa sumunod na araw nalaman nila na ang karatig barangay naman ang nasunog: kalunos-lunos ang nangyari at natagpuan din doon ang patay na katawan ng higante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD