ELLIE’S POV LUMINGON ako sa pintuan ng makarinig ng mararahang katok mula roon. Mula paggising ko kaninanang umaga hanggang ngayong maghahapon na ay hindi pa ako lumalabas ng kuwarto ko. Ni hindi pa ako kumakain mula pa noong umaga. Nakakapagtakang hindi man lang ako nagugutom kahit walang laman ang sikmura ko. Andito lang ako sa kuwarto ko at maghapong nagkukulong. Umiiyak sa sulok tuwing naaalala ang nangyari. Tila bangungot yon na paulit-ulit kong nakikita sa isip ko. Ang hirap kalimutan. Narinig kong bumukas ang pintuan. Mula roon ay sumungaw ang ulo ni Arra. "Arra?! " bulalas ko nang makita ito. "Puwede ba akong pumasok?" humihingi ng permisong sabi nito. Nagtataka tuloy ako kung bakit narito ito ngayon. "U-uhm yeah," medyo alanganin kong sabi. Gusto ko sanang mapag-isa mun

