Chapter 16 : Courage

1354 Words
Katapangan. Hindi alam ni Kenjie kung saan niya hinuhugot ang lakas ng loob. Ngunit binanggit sa kaniya ni Dalisay na ang kaniyang ginawa ay halimbawa ng katapangan. Hindi lahat ng inaabuso ay nagawang magsalita o magbukas ng katotohanan sa iba dahil sa takot. Subalit nagawa niyang malagpasan iyon at humingi ng saklolo. Ewan niya. Hindi niya rin alam kung paano humantong sa ganito ang lahat. Marahil, nagsimulang magbukas ang kaniyang isip nang sinubukan siyang sagipin ni Aya. Nagkasundo sila ng dalagita kanina bago sila magkahiwalay. Kailangan niyang ituloy ang balak na paghingi ng tulong sa kanilang guro, kapalit aayusin ni Aya ang gusot nila ni Mama Mela. Ayaw na niyang maging pasanin kaya hindi siya nagdalawang-isip. Ngunit nangako siya sa dalaga na anuman ang mangyari, magkikita muli sila. Gagawin niya ang lahat upang magkatagpo muli ang landas nila. Nag-iwan sa kaniya ng ngiti si Aya bago ito tuluyang pumunta sa labasan ng paaralan at sumunod kay Mela. At siya naman ay bumalik sa opisina ni Ma'am Dalisay. Nagkahiwalay sila pagkatapos ng pangangako. Dala-dala nila sa mga puso ang pag-asa na sila'y magkikita muli. At sa kasalukuyan nga, kasama niya ang guro at nakasakay sila sa taxi patungo sa Kaadlaman Hospital. Hindi niya alam kung anong pinaplano ng ginang ngunit nakapagdesisyon siyang magtiwala rito kaya hindi siya umangal. "Alam kong natatakot ka pero magtiwala ka sa akin." Ngumiti sa kaniya ang guro at tumango lamang siya bilang pagsang-ayon. "Kailangan natin ng medicol legal, pagkatapos nito didiretso tayo sa pulis." Samantala, pagkatapos ng muling pagtakas ni Kenjie sa kamay ina, mas dumoble ang pagkasira ng utak ni Jovena. Palaboy-laboy ito sa kalsada sa paghahangad na mahanap o makita muli ang anak na hindi na naman umuwi pagkatapos ng malagim na pangyayari. Ngunit malayo na sa reyalidad ang kaisipan ng babae, nagmistulan itong ligaw na kaluluwang naglalakad sa kadiliman ng gabi. Hindi na nito makontrol si Kenjie. Hindi na nito makontrol pa ang bata na dati ay parating um-oo at sumasang-ayon. Isang bagay na kinamumuhian at kinakatakutan nito. Paano humantong sa ganito ang lahat? At sa patuloy na paghahagilap, nadaanan nito ang isang pamilyar na pintuan. Natigilan si Linton sa pagsasalin ng tubig sa baso nang marinig ang pagkatok sa pinto. Nagkatinginan silang mag-asawa. Ang kaniya namang mga anak ay nasa silid-tulugan at nagpapahinga. Silang dalawa lamang ang nasa ibaba. Nagluluto ng hapunan ang kaniyang kabiyak kaya siya na ang tumayo upang asikasuhin ang kumakatok. Nang pagbuksan iyon ang inaasahan niya'y ibang tao, ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang muling masilayan ang mukha ni Jovena. Hindi niya maiwasan na kabahan at mataranta sa pangambang mag-eskandalo ito, lalo pa't nandito ang kaniyang asawa. "A-Anong ginagawa mo rito?" Hindi ito tumugon. Masama lang ang tingin at nagdidilim ang mukha. Napagtanto ni Linton na parang may nag-iba kay Jovena. "Anong kailangan mo?" ulit niya ng tanong. Narinig niya ang boses ni Melita mula sa kusina. "Hon, sino iyan?"" "W-Wala. Kapit-bahay lang, may tinatanong lang," pagsasawalang-bahala niya. Hindi niya napansin ang biglang pagtaas ng sulok ng labi ni Jovena. Napangiti ito nang marinig ang boses ni Melita sa loob ng bahay. Napagtanto nito na kasama niya ang asawa. "Alam kong alam mo kung nasaan si Kenjie, Linton," wika nito. "Anong pinagsasasabi mo, Jovena?" "Bakit hindi mo muna ako papasukin?" Hindi siya umalis mula sa pagkakaharang sa pinto. Wala siyang balak na papasukin doon ang wala-sa-sariling babae. "Jovena, hindi ko maintindihan. Bakit sa akin mo hinahanap ang anak mo? Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam niyon?" "Tinulungan mo ba siya?" "Tinulungan saan?" "Bakit hindi ka na lang umamin sa akin, Linton? Alam kong may alam ka." Napatitig si Linton sa kamay ng babae. Kanina pa ito may tinatago sa loob ng bulsa at ngayon nakapasok na ang isang kamay nito roon. Lalong nangamba si Linton at siya'y napaatras. "Wala akong alam sa sinasabi mo." "Nasaan ang anak ko?" "Sinabi ko na. Hindi ko nga alam." Kinabigla niya nang ilabas ni Jovena mula sa bulsa ang dala nitong sandata. Mabilis ang mga pangyayari at sinunggaban siya nito ng saksak. Nanlalaki ang mga mata ni Linton sa gulat at kaba ngunit nagawa niyang salagin ang kamay ng babae. Ngayon, nakahiga siya sa sahig at nakpatong ito sa kaniya. Pilit niyang nilalabanan ang malakas na puwersa nito. "Nababaliw ka na, Jovena!" sigaw niya sa gitna ng hingal at pagtitimpi. Ito ang eksenang naabutan ng kaniyang asawa nang lumabas ito mula sa kusina sapagkat nagtaka sa ingay na ginawa nila. Napatili si Melita nang makita siyang pinagtatangkaang saksakin ng hindi kilalang tao. Lalong nangamba si Linto ng makita ang asawa. "Bumalik ka sa loob!" Ngunit huli na. Nakita ni Jovena ang kabiyak niya at naisip nitong idamay ang inosente sa gulo. Walang pakundangan nitong inatake si Melita at pinaikot ang braso nito sa leeg ng babae saka tinutukan ng kutsilyo. Lalo namang nahintakutan at napasigaw si Melita. Nagpa-panic na tumayo si Linton. Hinahabol niya ang hininga na nagtangkang lumapit sa dalawa. "Subukan mong lumapit, Linton at lalaslasin ko ang leeg ng babae na ito." Napahinto siya nang magbanta si Jovena. Nakatingin siya sa itsura nitong nakangisi at mukhang nasaniban ng demonyo. "Jovena, wala siyang kinalaman dito." "Sagutin mo ang tanong ko, bibitawan ko siya." Hindi makapaniwala si Linton sa nagaganap. Ang dati niyang kabit ay parang sira-ulo na ginawang hostage ang asawa niya. Anong nangyayari dito? "Napakaputa mo talaga, Jovena!" sigaw niya. Sa loob-loob ay sinusuka din niya ang sarili. Kasalanan niya ito. Ngunit nataranta siya nang marinig ang pagtili ng asawa. Inilapit kasi ng demonyita ang matalas na kutsilyo sa balat nito. Walang laban na nakapulupot ang braso ni Jovena sa leeg ni Melita, nakakunyapit ang babae sa likod ng asawa. At batay sa mata ng baliw, handa nitong saksakin ang bihag. Kailangan niyang magsalita kundi mapapahamak ang kaniyang asawa. Napakagat siya sa labi, nagulo ang sariling buhok dahil sa stress at bigat ng damdamin. Saan naman niya hahagulapin si Kenjie? Wala naman siyang alam sa — Natigilan siya sa pag-iisip nang maalala ang treehouse. Subalit nangako siya sa bata na hindi niya sasabihin kung nasaan ito. "Linton!" Napatingin siya kay Melita na tila maiihi na sa takot. Humihingi ito ng tulong sa kaniya. Patawad, Kenjie. "Sa treehouse," wika niya, "Hindi ko sigurado kung nandoon pa siya pero may treehouse malapit sa bukirin ni Mang Tomas. Bitawan mo ang asawa ko, Jovena!" Sumuko na siya sapagkat mas hindi kakayanin ng kaniyang kunsensya kung mapahamak ang kaniyang pamilya. Nang marinig iyon ay tila huminahon nang kaunti si Jovena. "Wala na akong paki kung anong mayroon sa pagitan nating dalawa," dugtong niya, "Layuan mo ang pamilya ko, Jovena." "Tingin mo may paki ako? Pareho kaming mamamatay ni Kenjie kaya wala rin akong paki kung isumbong mo ako sa pulis." Napatitig siya nang diretso sa babae. Napanganga siya nang makita ang malaking ngisi sa mukha nito. Ano ba talagang binabalak nito? "Papatayin mo ang bata? Baliw ka na talaga! Ipapahuli kita sa pulis bago mo 'yan magawa." "Mauuna ko pang mahanap ang anak ko bago ako mahuli ng mga pulis. Tandaan mo 'yan, Linton!" Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung dahil sa takot o dahil hindi pa naproproseso ng kaniyang utak ang mga nangyayari. "Oo nga pala." Bumaling ito kay Melita. "Kinakant*t ako ng asawa mo kapag wala ka sa bahay." Namilog ang mga mata ni Linton. Kung anong bigla ng kaniyang mukha, ganoon din ang hilakbot sa mukha ng kaniyang asawa. Binitawan ni Jovena ang babae at walang lakas itong napaupo sa sahig. Hindi pa rin makapaniwala ang mukha ni Melita sa mga nangyari at mga narinig. Walang lingon-likod na dire-diretsong naglakad paalis si Jovena. Gulat na gulat pa rin silang dalawa na hindi nakakilos ng ilang minuto na sinundan lamang ito ng tingin. Si Melita ay hindi pa rin makapaniwala sa tumambad na katotohanan. Samantalang si Linton ay nahintakutan sa maaaring gawing kasamaan ni Jovena kay Kenjie. "Mamaya na ako magpapaliwanag, sa ngayon kailangan kong magsumbong sa pulis." Si Linton ang unang nahimasmasan sa kanilang dalawa. Tumayo siya upang kunin ang telepono na nasa side table ng sala. Isasantabi muna niya ang problema nilang mag-asawa dahil may isang buhay na nasa panganib ngayon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD