"Isa lang naman ang patakaran ko, ang akin, ay akin. Walang pwedeng humawak, at ayaw ko ng may kasalo. Maramot ako sa pagkain ko. Bakit ka nag pahalik ka sa lalaking yun Sadia? Simple lang naman akong mag selos handa akong pumatay para sa'yo wag ka lang maagaw sa'kin! Tandaan mo ito, simula ng ibigay mo ang sarili mo sa akin. Akin kana Sadia, walang sino man na demonyo ang puwedeng may mag-ari pa sa'yo Sadia, ako lang!"
Mariing bulong ni Florian sa tainga ni Sadia. Ilang beses na papalunok ng laway si Sadia. Marahan kasing hinahaplos-haplos ni Florian ang kanyang isang hita.
"Pasalamat ka at mahal kita! Dahil kung hindi ipaparanas ko sa'yo ang ikapitong impyerno!" Anang ng lalaki at umalis sa ibabaw ni Sadia.
Nanatili lang naka higa si Sadia habang ang mga kamay ay nasa dibdib niya. Ang lakas kasi ng t***k ng puso niya.
Si Florian naman at pumasok sa loob ng banyo at naligo.
Sa tapat ng lagasgas ng shower, ibinuhos ni Florian ang inis sa kanyang kalooban. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya, pakiramdam niya pinag taksilan siya ni Sadia. Ngayon lang siya nag kaka-ganito sa iisang babae, kay Sadia lang.
Kumukulo talaga ang dugo niya na parang apoy sa bulkan.
Kung wala lang si Sadia kanina sa harapan niya baka napatay niya na ang lalaking iyon. Matagal na siya na pipikon sa lalaking yun, ang angas kasi masyado akala mo kung sino.
Ilang minutong nakatapat si Florian sa shower ng marinig niya ang pag click ng siradura ng pinto.
Rinig niya ang yabag ng taong pumasok. Agad siya nitong niyakap, mula sa kanyang likuran.
Dahan-dahan pumikit ang mata ni Florian at ninamnam ang mainit na yakap ng babae.
Sinandig ni Sadia ang kanyang ulo sa likod ni Florian.
"Wag kanang magalit sa akin, hindi mo naman kasing sinabing bawal pala akong mag pahalik sa iba, kaya kasalanan mo rin." Wika ni Sadia.
Tumaas ang isang kilay ni Florian dahil sa narinig.
He chuckled, bakit parang kasalanan niya pa ngayon.
"Pangako hindi na ako mag papahalik sa iba, sa'yo lang. Kaya puwede ba wag kana magalit." Usal ni Sadia.
Hinaplos ni Sadia ang likod ng lalaki kung saan ang malaking tattoo niya. Tumiim ang bagang ng lalaki dahil sa paraan ng pag haplos ni Sadia sa kanyang likod.
Agad siyang humarap at nag salita nag tatampo talaga siya sa babae. Hindi niya matanggap na may ibang lalaki ang humalik rito at talagang kaaway niya pa.
"Maligo kana at para makapag pahinga ka." Turan ni Florian at umalis sa harapan ni Sadia. Bago tuluyan lumabas ng pinto si Florian ay tinapunan niya muna ng tingin si Sadia, at sabay ngisi.
Napa nguso ng todo si Sadia at naka simangot na lumingon sa kaka-sarado lang na pinto.
Mukhang hindi yata umubra sa lalaki ang pag lalambing niya galit parin ito sa kanya.
Pag katapos maligo ni Sadia ay lumabas na siya ng Cr. Sa kama ay may nakita siyang isang white polo longsleeve at white sickling.
Kinuha niya ang white polo at nag tanggal ng tapis sa katawan.
Sa labas ng terrace ng kuwarto ni Florian ay pinag mamasdan ni Florian ang buong katawan ng dalaga. Pinanood niya ito kung paano mag bihis.
Nilagok niya ang alak sa hawak niyang goblet.
Pag katapos patuyuin ni Sadia ang buhok niya, ay nahiga na siya sa kama.
Alam niya naman na nasa labas ng terrace si Florian. Habang nag bibihis siya kanina ay nakita niya ang pigura ng lalaki sa peripheral vision niya.
Ipinikit ni Sadia ang kanyang mga mata, matutulog nalang siya total pagod din siya.
"Tsk! Lakas talaga ng sumpong. Akala niya susuyuin ko siya, kung ayaw niya sa akin makipag bati, edi wag. Bahala siya ang sungit-sungit niya." Bubulong-bulong na wika ni Sadia. Pero rinig naman ito ng lalaki kaya napa-ngisi nalang ang lalaki at umiling-iling.
kinabukasan ng magising si Florian wala na sa kanyang tabi si Sadia.
Napabalikwas siya ng bangon sa kama. Tumuloy siya sa banyo ng marinig niya ang ragasa ng tubig mula sa gripo.
Pag bukas niya ng pinto nadatnan niya si Sadia naka upo sa takip ng bowl ng inidoro.
Kumunot ang noo niya dahil naka ngiwi ito habang hinihimas ang puson.
"Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong ni Florian at dinaluhan si Sadia.
"Ang sakit ng puson ko, may napkin ka ba diyan?" Usal ng babae.
"Napkin? napkin tissue?" Wika ni Florian.
Napa sapo ng noo si Sadia at naka simangot na tumingin kay Florian.
"Napkin may dalaw kasi ako ngayon." Iritang turan ng babae.
"Aww,, i'm sorry sige bibili lang ako sa labas. Wait me here, huwag kang aalis dito o, lalabas ng kuwarto. Naiintindihan mo ba Sadia!"
"Oo na naiintindihan ko! Sige na umalis kana. Ulit-ulit ka e, ang sakit na nga ng puson ko ang kulit mo pa." Anang ng babae at inirapan si Florian.
Napa-awang ang labi ni Florian, may tinatago din palang kasungitan ang babae.
Lumabas siya ng banyo at nagtungo sa bedside table at kinuha ang walet niya. At pag katapos nag mamadali na siyang lumabas ng unit niya na naka tsenelas lang.
Pag kababa niya lahat ng nakaka- salubong niya empleyado sa lobby ng condo. Nag yuyukuan sa kanya.
Sa isang malapit na market sa condo nila siya nag tungo.
Pag kapasok niya sa store ay pinag titinginan siya ng mga babae. Ang ibang nakakasalubong niya ay napapa kagat labi pa at sabay tingin ng malagkit sa kanya.
Kumunot ang noo ni Florian ganito naba siya ka-gwapo para pag tinginan. Alam niyang guwapo siya, pero bakit ganito maka titig ang mga babae sa kanya.
Napadaan siya sa napkin area hindi niya alam kung anong napkin ba ang ginagamit ni Sadia.
Lahat ng brand ng napkin ay kinuha ni Florian nilagay niya ito sa basket na dala niya. Nag lakad na siya patungo sa counter ng mapadaan siya sa isang salamin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sarili, naka boxer lang pala siya. "What the f**ck!"
Mariin niyang mura, bakit hindi manlang siya sinabihan ng mga nakaka-salubong niyang staff kanina sa condo. Nag lakad siya sa kalsadang naka boxer lang.
Tumuloy na siya sa counter ang babaeng cashier ay hindi alam kung saan tititig kung sa mukha ba ni Florian o, sa ibabang parte ng pagitan ng mga hita ni Florian.
"G-good morning po sir!" Naka yukong bati ng babae. Inilapag ni Florian ang mga napkin sa counter. Napatingin si Florian sa metal shelf kung saan may mga under wear ng pang babaeng naka rolyo doon naka lagay ito sa isang plastic box. Nag tungo siya roon sa shelf at pumili ng under wear. Medium ang pinili ni Florian medyo kasi may kalakihan ang pang upo ni Sadia. Hindi kakasiya ang small sa babae.
Kumuha siya ng isang box ng under wear at nilapag sa counter.
"Sh**t! Ang sexy ng puwet!" Wika ng babaeng nasa likuran ni Florian.
"Ang hot pa ng katawan niya! Pang model damn! bumaba ng kusa ang panty ko." Sigunda ng isang babae.
Nang matapos ilagay ng babae sa isang supot ang pinamili ni Florian. Ay tumingin ito sa kanya. "Sir, one thousand po lahat." Anang ng babae.
Inabot ni Florian ang itim na credit card niya.
Pag katapos i-swipe ng cashier ibinalik ito ng babae. "Thank you sir."
"Yieeee!! Ang guwapo!" Tili ng isang cashier sa kabilang counter.
Nang nasa loobby na siya ay naka salubong niya ang babaeng may edad na. Ang manager ng condo. Nag baba ito ng eye glasses at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa si Florian.
"What!" Iritang wika ni Florian sa ginang.
Hindi sumgot ang babae at yumuko na lamang.
Tumuloy na siya sa elevator nang makarating siya sa palapag ng unit niya ay mabilis siyang nag lakad pabalik sa kuwarto.
Pag kasok niya sa Cr ay naka tapis nalang ng puting tuwalya si Sadia.
"Here!" Abot ni Florian sa supot.
Napatingin si Sadia sa malaking supot bahagyang kumunot ang noo ng dalaga. Kung bakit ang daming binili ni Florian na napkin.
Kinuha niya ang supot at binuklat ito.
"May under wear akong binili, alam kong wala kang gagamitin kaya binilihan na kita." Sambit ng binata.
"Salamat, pero bakit ang daming napkin nito. Isang linggo lang naman akong rereglahin, hindi isang taon." Sabat ni Sadia.
"Tsk! Binilihan kana nag rereklamo kapa, ayaw mo nun may stock kana pang isang tao." Anang ng lalaki at kumabas na ng banyo.
Tumawag si Florian sa sekretarya niya. Pinabibilihan niya ng damit si Sadia.
Lumabas ng banyo si Sadia ng naka tapis parin.
Naka simangot ang lalaki habang naka upo sa isang single sofa. Matamang nakatitig sita sa babae.
Naiinis parin ang kalooban niya sa tuwing maalala yung pag halik ni Phillix kay Sadia.
Ilang minuto ang lumipas ay may nag door bell sa labas ng pinto ng unit ni Florian. Tumayo siya mula sa pag kaka-upo sa sofa. Pag balik niya ay bitbit niya ang isang paper bag.
Hinagis niya ito sa kama. "Isuot mo," saad ni Florian at muling naupo sa sofa.
Kinuha naman ito ng babae. Sa harapan ni Florian nag tanggal ng tapis si Sadia.
Pinatsadahan niya ng tingin ang buong katawan ng babae. Ang mapupupungay na mata ng lalaki ay walang sawang hinahagod ang kabuuan ni Sadia.
"So sexy!" Anas ni Florian.
Nawala ang kanyang atensiyon kay Sadia ng tumunog ang cellphone niya.
"Pare! Ano nangyari sainyo bakit bigla kayo nawala sa birthday party mo. Atsaka bakit mo naman pinuruhan yung pinsan ko." Mula sa kabilang linya.
"Mag pasalamat ka pa nga at napigilan ko ang sarili ko. Dahil kung hindi baka pantay na ang mga paa nun at pinag lalamayan niyo na ang hambog mong pinsan." Wika ni Florian.
"Tsk! Napaka harsh mo talaga. Oo nga pala ng bigla kayong nawala ka gabi. Hindi ko narin nakita pa si Tito Ellie at tita Angelecca." Saad ni Thunder.
Nang matapos mag usap ang dalawa, ay muling tumigin si Florian kay Sadia. Napaka sexy talaga ng babae sa suot nitong off shoulders long dress, na hangang sakong ng babae. Bagay na bagay talaga sa babae ang kulay pula. Litaw na litaw ang maputing balat nito.
Bago sila umuwi sa mansion ay dumaan muna sila sa isang restaurant at nag almusal.
Sa malawak na garahe ay sinalubong sila ni Raul at Dante.
"Boss, nariyan ang lolo mo kanina pa nag aapoy sa galit." Salubong sa kanya ni Dante.
Kahit hindi naman sabihin ni Dante alam niyang naririto ang kanyang lolo. Obvious naman dahil nandito ang magarang sasakyan ng matanda at ang mga tauhan.
Hawak niya ang kamay ni Sadia ng pumasok sila sa mansion.
Mula sa malawak na sala rinig nila ang boses ng matanda. Mababakasan sa boses nito ang galit.
"What are you doing here?!" Matigas na turan ni Florian.
Bumaling ang matanda sa kanila at matalim ang mga matang tumitig sa kanya.
"Nag pa-party ka pala hindi mo man lang ako inimbitahan! Anong klaseng apo ka, kinahihiya mo ba ang angkan natin!" Bulyaw ng matanda.
Hindi pinansin ni Florian ang sinabi ng kanya lolo at tumingin kay Sadia.
"Umakyat kana sa taas Sadia susunod ako." Utos ng binata kay Sadia.
Tumango si Sadia at bumitaw kay Florian pahakbang palang ang babae ng mag salita ang matanda.
"Saan ka pupunta? Huwag kang aalis!" Matigas na wika ni Robert.
Lumingon si Sadia sa matanda at ngumiti ng matamis.
Nag tataka naman ang matanda kung bakit naka ngiti ang babae na sa halip matakot ito sa kanya.
"Anong nginingiti mo riyan!" Sigaw ng matanda kay Sadia.
"Don't f**cking shout at her!" Baritonong boses ni Florian ang nangibabaw sa buong sala.
Si Sadia naman ay hindi na tinag at naka ngiti parin. Nag lakad ito patungo sa harapan ng matanda.
Napa kuyom ng kamao si Florian ng makalapit ang babae sa harapan ng kanyang lolo.
Bakit ba napaka tigas ng ulo ng babae. Sinabihan niya na itong umakyat na pero naririto parin at talagang lumapit sa kanyang lolo.
Kinuha ng dalaga ang isang kamay ng matanda at nag mano rito.
"Huwag na po kayo magalit, at saka yung noo mo po kumukulubot na dahil sa pag kaka-kunot ng noo mo. Ang sabi po kasi ni nanay Elizabeth mabilis tatanda ang isang tao kapag laging galit, at naka kunot ang noo. Sige ka po tatanda ka ng mabailis. Tingnan mo po si Florian laging galit at may sumpong kaya pumapangit."
Parang gustong matawa ng matanda dahil sa tinuran ng babae, pero nanatili itong seryuso. Bakit nga ba siya makikinig sa dalagang ito. Sino ba ito para diktahan siya.
"Pumunta ka sa mansion ko mamaya! Dahil kung hindi alam mo ng mangyayari sa babaeng ito." Turo ni Robert kay Sadia at humakbang na.
Kahit naka tungkod na ang matanda ay mabilis parin ito mag lakad. Nang nasatapat na ito ni Florian ay pinalo niya ang lalaki sa hita gamit ang tungkod niya.
Nakita naman ito ni Sadia. "Sige po paluin niyo po si Florian, napaka sungit po kasi niyan. Lagi po akong inaaway at pinaparusahan." Anang ng babae.
Lumingon ang matanda kay Sadia at simpleng ngumiti sa dalaga. Sinuklian naman ito ng isang matamis na ngiti Sadia. "Ba-bye po! Ingat po kayo!" Paalam ni Sadia at kumaway sa matanda.
Napaikot nalang ni Florian ang kanyang mga mata dahil sa ginagawa ni Sadia.
Akala niya kanina ay sasaktan ng matanda ang babae ng lumapit ito.
Pinaningkitan ni Florian si Sadia ng kanyang mata. Nakagat ni Sadia ang pang ibabang labi nito, at patakbong nag tungo sa hagdan. Paakyat na sana ang dalaga ng dumating ang kanyang guro na si Mrs. Mendez.
Bumalik na lamang si Sadia sa sala at naupo sa mahabang sofa.
Si Florian ay tumabi kay Sadia habang ang ginang na tutor ni Sadia ay naupo sa isang single couch.
"O, Sadia gumuhit ka ng isang masayang buong pamilya." Wika ng babae at tinuro ang yellow pad.
"Buong pamilya? Ano po iyon?" Nag tatakang tanong ni Sadia sa ginang.
"Parang ganito," kinuha ng babae ang yellow pad at gumuhit mga tao-tao roon.
Ipinakita ng matanda ang kanyang ginuhit.
"Ito ang tatay, ito naman ang nanay at ang dalawang anak nila." Isa-isang tinuro ni Mrs. Mendez ang mga tauhang ginuhit niya.
"Ano po ang nanay at tatay? At ang mga anak?" Muling tanong ni Sadia.
Si Florian ay nakikinig lang habang umiinom ng kape sa tasa.
Napa kamot ng ulo si Mrs. Mendez mukhang mahihirapan siyang mag paliwanag kay Sadia.
"Ang nanay at tatay Sadia ay mag asawa. At ang mga anak naman ay bunga ng pag namahalan ng mag asawa." Paliwanag ni Mrs. Mendez.
"Bunga ng pag mamahalan? Ibig po bang sabihin mag kakaroon din kami ng anak ni Florian kasi mahal niya ako." Dahil sa sinabi ni Sadia ay nasamid si Florian. Agad namula ang mag kabilang pisngi ni Florian. Mas lalo pa siyang namula ng mahuli niya ang mapa-nuring mata ni Mrs. Mendez sa kanya naka pako.
"What?!" Iritang wika ni Florian. Hindi niya gusto ang mapanuring tingin ng matanda sa kanya.
"Mahal mo din ba si Florian, Sadia?"
Parang tumigil ang pag pintig ng puso ni Florian, para siyang nabingi sa katahimikan. Kinakabahan siya sa salitang lalabas sa bibig ni Sadia.
"Sadia! Mahal mo din ba si Florian?" Ulit ni Mrs. Mendez.
"Hmmm, h-hindi ko po alam."
Malalim na hininga ang pinakawalan ni Florian bago tumayo mula sa pag kaka-upo.
Lumabas siya ng mansion nakita niyang si Dante na ninigarilyo sa gilid ng poste kung saan malapit sa garahe.
Lumapit siya sa lalaki at humingi ng isang stick ng sigarilyo.
Pinag sindi siya ni Dante ng sigarilyo.
Nakatingala siya habang hinihithit ang sigarilyo at sabay buga ng usok.
Kung may ibang babae lang siguro ang naririto at nakikita kung paano hithitin ni Florian ang sigarilyo at ibuga ang usok sigaradong maakit sa lalaki. Kakaiba kasi ang dating ni Florian ang gwapo nito tingnan. Dagdagan pa ang kumikinang na maliit na hikaw na silver sa mag kabilang tainga ng lalaki.
"Boss, mukhang ang lalim ng iniisip mo." Sambit ni Dante.
Mariin napa pikit si Florian at muling humithit ng sigarilyo.
"Ang sakit pala ng ganito, yung taong mahal mo. Hindi mo alam kung mahal kaba o, matutunan karin kaya niyang mahalin?" Sambit ni Florian at yumuko.
"Boss, ang mga babae kasi mga pakipot yan. Kahit mahal na nila ang isang lalaki idi-deny parin nila. Ganon sila katindi yung tipong gagawin ka nilang mang huhula. Para hulaan ang nararamdaman nila, kung mahal ka rin ba nila." Anang ni Dante.
"Pero boss, iba kasi si Sadia. Iba siya sa lahat ng babbae. Kung totoo mo siyang mahal ay dapat kaya mo siyang intindihin. Darating rin ang panahon malalaman din niya ang ibig sabihin ng pag mamahal. Matalinong bata yan si Sadia, mabilis matuto." Dagdag ni Dante at sabay tapik sa balikat ni Florian.
Natapos ang mag hapon si Florian ay umalis muna kaninang alas kuwatro ng hapon. Nag tungo ito sa mansion ng kanyang lolo, iwan niya ba kung bakit nag punta pa siya roon. Kilala niya ang kanyang lolo may isang salita ito, paano kung saktan nga nito si Sadia. Wala pa naman itong sinasanto lalo na kung nagagalit.
Gabi na ng dumating si Florian sa mansion patay na ang mga ilaw sa sala.
Nag punta na siya sa hagdan pahakbang na sana siya ng may marinig siyang kalanseng mula sa dining room.
Nag lakad siya patungo sa pinto ng dining area. Mula sa malamlam na liwanag na nang-gagaling sa liwanag ng buwan sa labas. Natumatagos sa salamin ng bintana na nag sisilbing liwanag sa dining area. Napatingin siya sa iceland counter nakita niya si Sadia na umiinom ng tubig sa baso.
Sinundan niya ng tingin ang babae dahil binalik nito ang water pitcher sa loob ng refrigerator.
Biglang nag init ang buong pakiramdam ni Florian ng makita ang suot ni Sadia.
Naka suot lang ito ng maiksing dolphin short at spaghetti strap na sando.
Nang humarap si Sadia ay na gulat siya dahil nasa likuran niya si Florian.
"F-florian dumating kana pala." Parang hangin na lumabas sa bibig ng babae ang salitang iyon. Kahit hindi niya masyado maaninag ang mukha ng lalaki dahil madilim, pero alam niyang si Florian ito.
Nang mag kadikit ang balat nila ng lalaki ay may kakaiba siyang naramdman. Nag hahatid ito ng kaba sa dibdib ni Sadia. Ang kakaibang pakiramdam na hindi niya alam kung saan ng gagaling, ang puso niya na sobrang lakas ng t***k nito.
"Florian," muling bigkas ni Sadia sa pangalan ng lalaki.
Sa halip na sumagot ang lalaki ay hinapit niya ang babae sa baywang nito at mapusok na hinalikan sa labi.
Hindi na naka palag ang babae, labis siyang nabigla.
Napakapit nalamang si Sadia sa mag kabilang braso ni Florian.
Tinugunan ito ni Sadia ang bawat halik ni Florian sa labi ni Sadia ay ma mumunting ungol naman na lumalabas sa bibig ng dalaga.
Bumaba ang labi ni Florian sa babae ni Sadia patungo sa leeg ng dalaga.
Binuhat niya ang babae at pinaupo sa iceland counter.
Dahil madilim naman ay dahan- dahan ipinasok ni Florian ang kanyang kamay sa loob ng damit ng babae. Wala na naman itong suot na bra. Mariin niyang piniga ang isang dibdib ni Sadia.
"Uhhg!" Mariing ungol ni Sadia habang minamasahe ng lalaki ang dibdib niya.
"It's nice to hear your every growl, say my name, baby!" Mahinang usal ni Florian habang hinahalikan ang leeg ng babae.
"Damn it! I want to let you in!" Muling saad ni Florian at mariin muling hinalikan si Sadia.
"Halika umakyat na tayo sa taas." Yaya niya sa dalaga at dahan-dahan niya ibinaba ang babae.
Pag kapasok palang nila sa kuwarto ni Florian ay sinungaban muli ng lalaki ng isang masuyong halik si Sadia.
Habang hinahalikan ni Florian si Sadia ang kamay ng lalaki ay kumikilos para hubarin ang damit ng babae.
"F-florian may dalaw ako ngayon diba," sambit ni Sadia habang mag kadikit ang mga labi nila.
Doon na tauhan si Florian oo nga pala may dalaw ang babae ngayon. Hindi niya ito puwedeng galawin. Sh*t! Nag iinit pa naman siya ngayon. Gusto niyang maangkin ang babae.
Huminto sa pag halik si Florian sa babae. "I'm sorry i forgot." Wika ni Florian at inayos ang tumabinging damit ni Sadia.
"Mag pahinga kana." Pag kasabi nun ay umalis na siya sa harapan ng babae. Sinundan lang siya ng tingin ni Sadia. Mukhang may tampo parin ang lalaki sa kanya. Hindi man lang siya nito magawang ngitian.
Napanguso nalang siya at naupo sa kama.
Si Florian naman ay pumasok sa banyo naligo siya upang mamatay ang init sa katawan niya.
Bukas ang unang araw ni Florian upang mag trabaho sa lolo niya. Pag sasabayin niya ang pag aasikaso sa komopaniya ng kanyang ama. Bukas ay makikipag kita siya kay Mr. Montenegro, ang isa sa pinaka kalaban ng kanyang lolo sa negosyo.
Utos sa kanya ng kanyang lolo na kailangan mag kasundo ang Montenegro at mga Deogracia lalo na pag dating sa maduming negosyo.
Ang mga Montenegro ang na ngunguna sa pinaka mayaman na pamilya dito sa buong pilipinas. Pangalawa ang Del Falco, pero ang mga Del Falco ay mayaman sa malinis na pamamaraan hindi katulad ng mga Montenegro at Deogracia. Na may halong maduming pamamaraan.
Pangatlo ang Deogracia sa mayayamang pamilya dito sa pilipinas. Kabilang din ang mga Santimayor, Del vistre, Salvedre at ang Ashford.
Kinabukasan maagang nagsing si Florian, iniwan niyang mahimbing na natutulog si Sadia. Hindi na siya nag abala pang gisingin ang babae, hinalikan niya nalang ito sa pisngi bago siya lumabas ng kuwarto.
"Ate Layla ako na po ang mag didilig ng halaman." Wika ni Sadia.
"Naku Sadia mag hapon ka nangungulit sa akin. Kaya pati si Mrs. Mendez ay sumakit ang kilay sa'yo." Anang ni Layla habang hawak ang hose at nag didilig ng halaman.
Alas singko na ng hapon ngayon at naririto sila sa malawak na pavilion.
Naupo sa bakal na upuan si Sadia at na ngalumbaba. Plano niya sana puntahan si Florian kanina sa opisina nito kaso wala pala ang lalaki roon.
Napatayo siya ng may marinig na bosena ng sasakyan. Dalidali siyang nanakbo patungo sa malawak na garage. Kumunot ang noo niya ng mapansin hindi sasakyan ni Florian ang dumating.
Lumabas mula roon ang isang lalaking matangkad. Naka suot ito ng isang itim na tux. Sa edad ng lalaki halatang nasa mid 40's na ito. Gwapo ang lalaki kahit medyo may edad na at kamukhang-kamukha nito si Florian.
Nakakunot ang noo ng lalaki habang naka titig kay Sadia.
"Who are you?" Malamig na tanong ng lalaki.
"Pasensiya na po kayo pero, hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo." Sagot ni Sadia.
"Sadia! Nasaan kana naman!" Sigaw ni Layla at patakbong nag tungo sa garahe. Nanlaki ang mata ni Layla ng makita ang lalaking nasa harapan ni Sadia.
"S-sir Diego!" Gulat na saad ni Layla.
"Anong pangalan nito?" Turo ni Diego kay Sadia.
"S-siya po si Sadia, yung batang dala mo dito noon na ikinulong mo sa basement." Sagot ni Layla.
Doon niya lang na mukhaan ang babae, kamukha ito ni Angelecca ang ina nito. Dalaga na pala ito ngayon at bakit nga ba nakalimutan niya ang batang ito.
"Bakit naka labas ang babaeng ito! Hindi ba't sinabi ko na sainyo na huwag niyong palalabasin ang batang ito!" Galit na saad ni Diego.
"Ah, si Señorito po ang nag palabas sa kanya." Kabadong sagot ni Layla.
"Sino na ba ang masusunod sa mansion na ito! Ako parin ang masusunod dito!" Sigaw ni Diego.
Nagulat si Layla dahil sa sigaw ni Diego. Pero si Sadia ay nakatingala kay Diego at naka ngiti.
"Ano nginingiti mo riyan!" Galit na wika ng lalaki.
"Para po pala kayo ni lolo Robert at Florian laging naka sigaw. Hindi naman po kami bingi kaya hindi niyo kailangan sigawan kami. Sige po babalik nalang ako sa dati kong kuwarto." Sambit ni Sadia at humakbang na papunta sa pinto ng mansion. Lumingon ito kay Diego at ngumiti.
"Saka nga po pala, lagi po kayo ngumiti at huwag sumimangot para hindi kayo pumangit katulad ni Florian. Sige po kayo, mabilis kayo tatanda at mag kaka-uban." Pahabol ng babae at tumakbo papasok ng pinto. Napataas ng isang kilay si Deigo at tumingin kay Layla. Pigil na humahagikhik ang babae. "Subukan mo lang tumawa sisiguraduhin kong lalayas ka ngayon araw na ito." Anang ni Diego.
Yumuko ang babae at pinipigilan huwag matawa.
"Where's s Elizabeth?" Tanong ni Diego.
"Ah, nasa kitchen po siya sir Diego," sagot ni Layla.
Pumasok na ang lalaki sa pinto si Layla naman ay tumawa ng malakas ng makapasok si Diego sa mansion.
Tumawa narin ang iba pang tauhan sa labas ng garahe.
"Grabe si Sadia ang lakas ng loob sagutin si boss Diego at Don Robert." Anang ng lalaki at umiling-iling.
"Kung sabagay napa amo nga niya si boss Florian na parang si Lucifer kung magalit." Dagdag pa nito.