Sa pinto ng mansion ay sinalubong ni Layla si Florian.
"Magandang gabi señorito naka handa na po ang pagkain baka gusto mo sumabay sa pa'pa mo." Anang ng babae.
Alam na ni Florian na naririto na ang kanyang ama dahil tinawagan siya kanina ni Layla.
Tumuloy si Florian sa dining room at doon niya na dadatnan ang kanyang ama na kumakain mag isa sa kabisera.
Inikot niya ang kanyang paningin may isang tao siyang hinahanap bakit wala ito sa hapag.
"Where is Sadia? Bakit hindi pa siya kumakain." Tanong ni Florian kay Layla.
"Hindi siya puwede sumabay sa atin sa pagkain. At lalong-lalo na hindi siya puwedeng lumabas ng silid niya. Sino ang may sabi sa'yo na palabasin mo ang babaeng iyon!" Mariing wika ni Diego sa anak at nag punas ng tissue sa kanyang bibig.
"Kargo ko na siya ngayon, ako ang masusunod kung lalabas ba siya o, hindi! Kaya puwede ba pa'pa wag ka ng gumaya kay lolo na didiktahan ako sa lahat ng gagawin ko." Sagot ni Florian sa kanyang pa'pa.
Malakas na hinampas ni Diego ang lamesa.
"Ako parin ang masusunod sa mansion na ito! Kapag sinabi ko na bawal lumabas ang babaeng iyon sa kanyang silid, bawal! Huwag mo akong susubukan Florian! Ama mo ako, ako parin susunduin mo, makikinig ka sa mga iuutos ko sa'yo! Susundin mo ang lahat ng gusto ko!" Bulyaw ng kanyang ama.
"Puwede niyo akong pag sabihan. Pero hindi niyo ako puwedeng diktahan at pangialamanan sa mga bagay na gusto kong gawin! May sarili akong pag iisip, kaya kong mag disisyon para sa sarili ko. Alam mo naman ang pinaka ayaw ko sa lahat pa'pa ang pina-ngingialaman ako!"
Wika ni Florian at tumalikod na. Palabas na sana siya ng pinto ng dining room, ng mag salita si Florian.
"Patayin mo ang babaeng yun! Dahil kung hindi ako mismo ang tatapos sa buhay niya!"
Mariin napa pikit ng mata si Florian dahil sa sinabi ng kanyang ama.
Nanlilisik ang kanyang mga mata ng humarap kay Deigo.
"Utusan mo na akong patayin lahat ng masasamang tao dito sa mundo. Huwag lang ang babaeng mahal ko!" Wika ni Florian.
Mababakasan ng pag kagulat ang mukha ni Diego dahil sa narinig.
"W-what did you just say? Mahal mo siya? No! Hindi ako papayag!" Muling sigaw ni Diego.
"Kung plano mong patayin si Sadia, patayin mo narin ako. Dahil kung hindi mo gagawin yun, ako mismo ang makakalaban mo, pa'pa!"
Napa maang si Diego sa mga sinabi ni Florian. Anak niya pa ba ito? Anong nangyari sa kanyang anak, bakit bigla itong naging pusong mamon. Ang anak niyang malamig pa sa yelo kung makitungo sa mga babae. Ang isang matigas na bakal na katulad ni Florian ay napa-amo at napa-ibig ng isang babaeng inosente.
"What happened to you son? Ilang linggo mo lang na kasama ang babaeng yun, nag kaka-ganiyan kana."
"Because i love her!"
Humakbang na si Florian palabas ng dining area at mabilis nag lakad patungo sa hagdan, pababa ng basement kung nasaan ngayon si Sadia.
Pag kabukas ni Florian ng pinto ay nadatnan niya si Sadia na kumakain.
Bumaling sa kanya si Sadia at matamis na ngumiti.
"Florian!" Bulalas ni Sadia at tumayo mula sa pag kaka-upo.
Patakbong lumapit si Sadia kay Florian at mahigpit na yumakap.
"Buti naman at dumating kana, kanina pa kasi kita hinihintay. Tingnan mo kinadena ng masungit na lalaking iyon ang aking paa." Sumbong ni Sadia at sabay turo sa kaliwang paa niya. Ngumuso ang babae at hinilig ang kanyang ulo sa matigas na dibdib ni Florian.
Napakuyom ang kamao ni Florian at nag tagis ang kanyang bagang.
Bumitaw siya sa pag kakayakap ni Sadia.
"Hintayin mo ako babalik ako rito." Paalam ni Florian, tumango naman ang babae.
Mabigat ang mga yabag ni Florian pabalik sa dining area. Patapos ng kumain si Diego ng madatnan niya ito.
Mula sa kanyang likuran kinuha niya ang naka suksok na baril mula sa kanyang likuran.
Kinasa niya ito at itinututok sa ama.
"Siguraduhin mong kaya mong iputok yan." Diego said habang nag pupunas ng bibig gamit ang table napkin.
Kinalibit ni Florian ang gatilyo ng baril, saktong tumama ang bala sa bote ng wine. Nag angat ng tingin si Diego at nakipag titigan sa anak.
Lahat ng mga tauhan sa labas ng mansion ay nag takbuhan papasok ng dining area. Ganun din ang mga katulong at si nanay Elizabeth.
"Anong nangyayari dito!" Bulalas ng matanda.
Nanlaki ang mata ni nanay Elizabeth ng makita ang hawak-hawak ni Florian.
"Jusko! Bitawan mo iyan iho, baka tamaan mo ang iyong ama!"
"Ang susunod na balang lalabas dito, sisiguraduhin ko na sa dibdib mo babaon, kung hindi mo pakakawalan si Sadia!"
Mariing wika ni Florian madilim ang awra ng mukha ni Florian.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Diego at sininyasan ang tauhan.
"Pakawalan niyo si Sadia." Utos ni Diego sa tauhan.
"No! Ikaw ang nag kadena sa kanya, kaya ikaw ang mag tatanggal!"
Dahil sa pag kairita binagsak ni Diego ang hawak niyang table napkin sa lamesa.
Bakit ba pag dating sa kanyang anak parang napapasunod siya nito. Kilala niya si Florian, kapag nagagalit hindi na ito nag sasalita magugulat kana lang tutumba kana.
Masamang tinitigan niya ang anak bago lagpasan si Florian. Sinundan ni Florian ang kanyang ama.
Pag karating nilang pareho sa kuwarto may kung anong ginuguhit sa papel si Sadia.
Napalingon sa kanila ang dalaga at matamis na ngumiti. Ngiti na matamis pa sa asukal.
Tumayo ito at nag lakad patungo sa puwesto ng dalawa.
Sabay abot kay Dieogo ng yellow paper. Naka guhit doon ang dalawang lalaking tao-tao.
May naka sulat na Tatay at anak. Kinuha ni Diego ang papel at tiningnan ito.
"Ano ito?" Naka kunot noo na tanong ni Diego.
"Tatay atsaka anak po. Diba po anak mo si Florian dapat ay hindi kayo nag aaway na dalawa dapat mahalin niyo ang isa't-isa. Kasi ako wala akong tatay at nanay." Malungkot na wika ni Sadia at yumuko.
Napatitig si Florian kay Sadia at hinawakan ang buhok nito at ginulo.
"Huwag kana malungkot nandito naman ako. Saka puwede mo maging tatay ang tatay ko. Diba Dad?"
Naka ngising wika ni Florian.
Umismid ang labi ni Diego at lumuhod para tanggalin ang pag kaka-kadena sa paa ni Sadia.
"Ayaw ko ng makulit at madaldal dito sa mansion ko! Dahil kung makulit ka iyang bibig mo ang kakadenahan ko."
Anang ni Diego at lumabas ng pinto ng kuwarto.
"Kumain kana ba Florian?"
"No, halika samahan mo ako." Hinawakan ni Florian ang kamay ni Sadia balabas ng kuwarto.
"Masarap ba?" Nakangiting wika ni Sadia. Sinusubuan niya si Florian ng pagkain.
"Yeah!" Sagot ni Florian at titig na titig sa mukha ni Sadia.
"I love you!" Usal ni Florian. Napatitig si Sadia sa binata. "Ano ba ang ibig sabihin ng I love you?"
"Mahal kita!" Sagot ni Florian.
Napangiti si Sadia at pilit itinatago ang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit parang kinikiliti ang puso niya dahil sa binigkas ni Florian.
"Salamat Florian, salamat sa pag giging mabait at pag mamahal mo sa akin!"
Dahan-dahan nilapit ni Sadia ang kanyang mukha kay Florian. Napapikit ng mata si Florian ng dumampi ang malambot na labi ni Sadia sa kanyang kabi.
Domoble ang lakas ng t***k ng puso ni Florian. Napahawak siya sa likod ng ulo ni Sadia at sinalubong ang halik ng babae.
Nasa kalagitnaan sila ng pag hahalikan ng lumabas sa pinto ng kitchen si Layla.
"Naku! Nag tutukaan na, baka langgamin po ang mga pagkain. " Naka ngising wika ni Layla.
Hindi na busog sa pagkain si Florian kundi sa labi ni Sadia.
Ngayon ay naririto sila pavilion nakahiga sa kulay pulang telang naka latag sa bermuda.
Pareho nilang pinag mamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Mula naman sa terrace sa labas ng kuwarto ni Diego, natanaw niya sila Florian at Sadia na masayang nag ke-kwentuhan at nag ngingitian.
Kitang-kita ni Diego sa mga mata ng anak kung gaano ito kasaya kapag kasama si Sadia. Ngayon niya lang ito nakitang ngumiti ng ganito. Oo maraming naging karelasiyon na babae ang anak niya sa amerika, pero kahit isa doon ay walang seneryuso si Florian. Kahit minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti ng ganito. Siguro nga ay mahal na magal talaga ng binata ang babae. Sino nga ba siya para pigilan ang kasayahan ng kanyang anak. Gusto niyang makitang masaya ang anak lalo na sa piling ng babaeng mahal nito. Ayaw niyang matulad si Florian sa kanya, na hanggang ngayon malungkot dahil sa pag kawala ng babaeng nag iisang minahal niya ng totoo noon.
"Ang ganda-ganda talaga ng mga bituin!' Wika ni Sadia habang naka ngiti. Umihip ang malamig na hangin napa pikit ang dalaga at ninam-nam ang hangin na tumama sa kanyang balat at mukha.
"Ang ganda nga! Ang ganda, ganda talaga!" Mahinang wika ni Florian at matamang nakatitig sa mukha ng dalaga.
__
"Saan tayo papunta?" Tanong ni Sadia kay Florian. Sakay sila ngayon sa isang itim na van. Si Raul ang nag mamaneho habang si Dante ay naka upo sa passenger seat.
"Sa mansion ng lolo ko." Sagot ni Florian at tipid na ngumiti kay Sadia. Marahan niya rin pinsil ang pisngi ng dalaga.
"Sa lolo mo na ubod ng sungit at kapag nagalit ay parang dragon." Usal ni Sadia at maluwak na ngumiti.
Hindi sana balak isama ni Florian si Sadia sa mansion ng kanyang lolo. Iniisip niya kasi, gabi na siya makaka-uwi at baka pag initan na naman ng kanyang ama si Sadia.
Hindi niya maintindihan ang kanyang ama. Boring siguro talaga ito sa buhay kaya walang magawa kundi singhalan si Sadia at sungitan.
Si Sadia naman kasi ay napaka kulit, kaninang umaga ng magising ito. Nakita niya kung paano ito mangulit sa kanyang ama. Ito namang si Sadia kahit sinisigawan na ay nagagawa pang ngumiti na parang wala lang sa babae na binubulyawan na siya.
Kaya naman lalong naiinis si Diego kay Sadia dahil parang hindi ito naapektuhan sa pag sisigaw niya.
Pero sa kabilang banda hanga si Florian sa katapangan ng dalaga, dahil kahit sinisigawan na ito ay patuloy parin ito sa pag ngiti, hindi ito nag papa-apekto.
Pag kapasok nila sa malaking gate ng mansion. Ay namangha si Sadia dahil may malaking fountain sa gitna ng pavilion. Pag kababa ng kababa nila sa kotse ay nanakbo si Sadia patungo sa mataas na fountain.
Manghang-mangha si Sadia sa panonood ng mga isdang lumalangoy.
Itong mansion na ito ay pinamana ng ama ng kanyang lolo Robert. Lumipat ang kanyang lolo dito dahil sa isang mansion ng mga Deogracia ay doon muna titira pansamantala si Amber ang tita niya at ang dalawang anak at asawa nito.
Pinag mamasdan ni Florian si Sadia na aliw na aliw sa panonood ng lumalangoy na isda.
Lumabas ang kanyang lolo Robert kasama ang sampung tauhan nito.
"Iho, nasa underground si Mr. Lavino ayaw umamin kung saan nila dinala ang mga drogang ninanakaw nila mula sa laboratory ko. Paaminin mo nga, baka sa'yo kumanta ang animal na iyon." Gigil na wika ni Robert.
Nanatiling nakatingin si Florian kay Sadia. Hindi niya alintanang nasa harapan niya ang kanyang lolo.
"Sige na iho, nauubos ang oras ko marami pa akong gagawin. Ako na muna bahala sa girlfriend mo. Don't worry hindi ko siya sasaktan."
Tinapunan ng tingin ni Florian ang kanyang lolo bago pumasok ng pinto ng mansion.
Nag lakad ang matanda palapit kay Sadia. Nang makalapit si Robert sa dalaga ay marahan niya itong tinapik sa binti nito gamit ang kanyang tungkod.
Bumaling sa kanya ang dalaga, nakaramdam ng kaba ang dibdib ni Sadia. Sa totoo lang ay natatakot siya sa matanda. Mas natatakot siya rito kesa kay Diego.
Napansin ng matanda ang pag kabahala sa mukha ng dalaga kaya bahagya siyang ngumiti.
"Alam mo ba maari kang humiling sa fountain na iyan." Wika ng matanda.
"Humiling? Ano po iyon?"
"Yung mga gusto mong mangyari sa buhay mo, o kaya mga bagay na gusto mong matupad para sa sarili mo."
"Hmmm, paano naman po ako hihiling sa fountain na iyan."
Inabutan ng isang barya si Don Robert ng tauhan niya. Ibinigay naman ito ng matanda kay Sadia.
"Ihagis mo ito riyan tapos humiling ka." Wika ng matanda.
Tinanggap naman ito ni Sadia at bumaling sa fountain.
"Ipikit mo muna ang mga mata mo, bago ka humiling." Dagdag ng matanda.
Hinagis ni Sadia ang piso sa tubig at pumikit at humiling.
Nang matapos humiling si Sadia ay humarap ito sa matanda.
"Ano ang hiniling mo iha?"
"Hmmm, gusto ko po kumain, nagugutom po ako. Puwede po maki-kain? May pagkain po ba kayo riyan?" Nahibhiyang turan ni Sadia.
Malakas na humalakhak si Don Robert dahil sa ka-cute-tan ni Sadia.
"You are so cute iha. Halika naroon sa loob ang pagkain."
"Ituturo mo ba o, hindi! Saan niyo itinago ang mga epektus!"
Gigil na gigil na si Florian sa lakaking kaharap nito. Inayos ni Florian ang ang puting maskarang suot niya. Tinutukan niya ng baril sa sintido ang lalaki.
"Mamili ka, ituturo mo kung nasaan ang epektus o, ipapadala kita sa libingan mo! Huwag mo ubusin ang pasensya ko. Baka hindi kita matansya at makalabit ko ang gatilyo at pumutok bigla, at mag kalat ang mga utak mo rito!"
Diniin ni Florian dulo ng baril sa sintido ng lalaki.
"Wala kayong makukuha sa akin!" Sigaw ng lalaki.
"Ganun! Wala ka naman palang silbi, patayin nalang kaya kita." Nauubos na ang pasensya ni Florian sa lalaki.
Kakalabitin na sana ni Florian ang gatilyo ng tumunog ang cellphone niya.
Matuwid na tumayo si Florian at sinagot ang tawag.
"Yes?"
"Boss, nahanap na namin ang mga epektus dito sa lumang pabrika ng mga Lavino." Boses ng lalaki sa kabilang linya. Pinakilos niya na kanina pa ang mga tauhan niya. Dahil siguradong hindi talaga aamin ang lalaking hawak nila.
Malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng lumang basement sa underground.
Lahat ng mga tauhang naroroon sa loob ay napa singhap sa gulat.
Nag papalitan ng mga tingin ang mga tao roon.
Sa noo ang tama ng lalaki dilat ang mga mata nito.
"Boss! Bakit mo binaril?" Anang ng lalaking tauhan ng lolo niya.
"Isa siyang drug adik, rapist at criminal. Marami na siyang pinatay na inosenteng tao. Kaya wala na siyang karapatan mabuhay sa mundong ito. Sa impyerno na siya nararapat! Itapon niyo na ang lalaking yan." Lumabas na ng basement si Florian ang mga tauhan na naiwan sa loob ay napapailing nalang.
Oo aaminin ni Florian hindi maganda ang imahe ng kanilang pamilya. Hindi perpekto ang kanyang ama at lolo, pero wala pa naman siyang nababalitaang may pinatay ang mga ito na inosenteng tao. Oo pumapatay sila pero masasamang tao na wala ng karapatan mabuhay ang pinapatay nila.
Tinanggal ni Florian ang kanyang maskara at hinagis na lang kung saan.
Pa-akyat na siya sa hagdan ng marinig niya ang malakas na pag halakhak ni Don Robert.
Nag tataka naman siya bakit ito tumatawa, at sa pag kakaalam niya parang ngayon lang niya ito narinig tumawa ng ganito na akala mo aliw na aliw.
Sa malawak na sala nadatnan niya ang kanyang lolo naka upo sa mahabang sofa at katabi nito si Sadia.
Nag babato-bato pick ang dalawa nag tataka lang siya bakit may mga uling ang mukha ni Sadia.
"O, talo na naman ako." Wika ni Don Robert. Mula sa bowl ay kumuha ng durog na uling si Sadia at pinahid sa mukha ni Don Robert. Hindi mapigilan matawa ni Sadia dahil sa hitsura ng matanda puno na kasi ng uling ang mukha ng matanda.
May halong langis pa naman ang uling na inilalagay nila siguradong mahihirapan ang matanda sa pag tanggal nito.
Kinuha ni Sadia ang salaming naka patong sa center table at tinapat sa mukha ni Robert. Humalakhak ng malakas ang matanda ng muling makita ang hitsura sa salamin.
"Daig ko pa nito ang taong lupa!" Humahalakhak na wika ng lalaki.
"Don Robert kulang nalang ng barako na sigarilyo puwede na po kayo maging kapre!" Anang ni Dante at gumagikhik.
Masamang tinitigan ni Don Robert si Dante.
"E, kung barilin kaya kita ngayon para magmukha kang bangkay!" Turan ni Don Robert.
Napalunok si Dante at nag kamot ng batok.
"Ito naman si Don Robert biro lang masyado kang seryuso." Sambit ni Dante.
Napailing si Florian at nag lakad papalapit sa sala.
"Lolo," tawag ni Florian sa matanda.
Bumaling ito sa kanya napahinto ng pag lalakad si Florian ng makita ang mukha ng matanda.
"What the heck!" Bulalas ni Florian.
"What happened to your face?" Tanong ni Florian sa kanyang lolo.
"What nag lalaro kami ni Sadia." Sagot ng kanyang lolo.
Hindi naman yung mukha ni Don Robert ang pinoproblema niya. Yung kilay ng matanda bakit parang wala na.
"What happened to your eyebrows?" Muling tanong niya sa kanyang lolo.
Nag pipigil ng tawa si Florian dahil sa hitsura ngayon ng kanyang lolo.
"Ah, ito ba. Inahit ni Sadia kanina ang sabi kasi niya pulos puti naraw ang kilay ko. Astig naman tingnan di ba?"
Wika ng kanyang lolo. Napasampal si Florian sa sarili n'yang noo.
"Anong astig, mukha kang si Chucky." Bulong ni Florian at muling tinitigan ang mukha ng lolo. Nakagat ni Florian ang pang ibabang labi nito. Gusto niya tumawa kaso baka ma-badtrip ang matanda.
Nang matapos ang mga kalokohan ng dalawa ay nag hilamos ito sa lababo.
Si Don Robert ay hirap sa pag tatanggal ng uling sa mukha kaya tinulungan ito ni Sadia mag punas ng tissue.
"Lolo Robert ako na po," anang ng dalaga ng hindi madala sa tissue ay pinunasan ni Sadia ng basang towel ang mukha ng matanda. Si Don Robert naman ay naka upo lang sa isang silya dito sa kitchen.
Si Florian naman ay naka titig lang kay Sadia habang naka tukod ang siko nito sa iceland counter at naka palumbaba.
Sadyang mabait talaga ang babae, bukod doon ay napaka lambing pa nito.
Ito ang gusto niya sa isang babae, yung mapag mahal, yung kayang mahalin ang pamilya niya.
"Ayan wala na po, guwapo na po ulit kayo lolo Robert." Wika ni Sadia.
"Talaga iha guwapo na ako uli." Sambit ng matanda at nanalmin.
"Opo lalo na po ngayon wala kanang kilay, mukha na po kayong baby."
Hindi na napigilan ni Florian ang matawa kaya humagalpak na ito ng tawa habang hawak ang kanyang tiyan.
Sabay napa lingon si Don Robert at Sadia sa puwesto ni Florian.
Ngayon lang tumawa ng ganito si Florian, kaya laki ang pag kagulat ni Don Robert. Iba nga talaga ang dulot ni Sadia sa kanyang apo, simula ng dumating sa buhay ni Florian si Sadia lagi na ito naka ngiti.
"Anong nakakatawa Florian?" Naka simangot na tanong ni Sadia.
"Nothing, naalala ko lang si Chucky." Wika ni Florian habang tumatawa. Dahil mistiso ang lalaki ay kitang-kita ang pamumula ng tainga nito at pati ang leeg.
"Lolo Robert mukhang pinag tatawanan ka po ni Florian. Paluin niyo nga po ng tungkod mo."
"Hayaan mo iha, ako ang kakastigo diyan sa may topak mong boyfriend." Sagot ng matanda.
Nang matapos ang tanghalian ay nag paalam na si Florian naalis na sila. Balak ipasyal ng lalaki ang dalaga.
Nasa malawak na sila ng garahe at pasakay na si Sadia sa van.
"Iho, sa sabado na ang birthday ko gusto ko mag punta ka rito. At isama mo si Sadia gusto ko naririto kayong dalawa." Wika ng matanda.
"Pupunta kami, pero make sure na tutubo yang buhok sa kilay mo." Sambit ni Florian.
"Paalam po lolo Robert," Lumapit si Sadia sa matanda at niyakap ito ng mahigpit.
Nang kumalas si Sadia sa matanda ay nag mano ito.
"Babalik po kami dito ingat ka po lagi." Sambit ni Sadia at kumaway bago pumasok ng van.
Papasok na sana si Florian sa sasakyan ng mag salita si Don Robert.
"Alagaan mo siya ng mabuti iho, maswerte ka dahil nakilala mo siya. I like her, mas gusto ko na siya ang makatuluyan mo sa huli. She is sweet and caring. Mabait at puno ng pag mamahal ang kanyang puso."
Ngumiti si Florian kan'yang lolo. "I will lolo."
Sumakay na si Florian sa van sumilip muli si Sadia sa bintana at muling kumaway. "Ba-bye po!"
Tumango ang matanda at ngumiti. "Balik kayo iha."
Nasa mall sila ngayon, naririto sila sa loob ng isang boutique na pulos mamahaling alahas.
Abala sa pag pipili ng kuwentas si Florian ng may babaeng lumapit sa kanya.
Pumulupot ang dalawang braso nito sa baywang ni Florian.
Mula sa single couch kung saan naka upo si Sadia ay natanaw niya ang babaeng naka yakap kay Florian.
Bakit parang nakaramdam ng pag kainis sa kanyang kalooban si Sadia.
Agad pumihit si Florian upang makita kung sino ang babaeng mapa ngahas na yumakap sa kanya.
"Jastine!" Usal ni Florian.
"Hey, babe you missed me? Alam mo bang umuwi talaga ako ng pilipinas para makasama ka. I missed you so much babe."
Mag sasalita pa sana si Florian ng halikan na siya ng babae.
Napa kunot ang noo ni Sadia dahil sa nasaksihan.
Umuklo si Dante at mula sa likuran ni Sadia ay bumulong ito.
"Naku, Sadia hinalikan niya si Boss Florian. Wala ka bang gagawin boyfriend mo siya kaya dapat ikaw lang humahalik sa kanya. Ikaw lang dapat ang hinahalikan niya." Pag susulsol ni Dante sa dalaga.
"Dante!" Saway ni Raul kay Dante.
"Ano naman po ang gagawin ko kuya Dante?"
"Puntahan mo si boss Florian at awayin mo yung babae tanongin mo kung bakit niya hinahalikan si boss Florian. Dali na puntahan mo na."
"Dante huwag mo nga tinuturuan ng mga kalokohan si Sadia. Saway ni Raul kay Dante."
"Ito naman si mang Raul, may karapatan si Sadia magalit kasi boyfriend niya si boss Florian. At isa pa si boss Florian nga nag seselos, so dapat si Sadia din."
"Tarantado ka talaga!" Usal ni Raul sa lalaki.
Tumayo sa pag kaka-upo si Sadia at nag lakad patungo sa dereksyon nila Florian at ng babae.
"Florian! Bakit mo hinahalikan ang babaeng iyan?"
Agad tinulak ng lalaki ang babae papalayo sa kanya.
Tumingin siya ka Sadia. Naka simangot ang dalaga. "Ah--"
Hindi alam ng lalaki ang sasabihin.
"Diba girlfriend mo ako, ako lang dapat ang hinahalikan mo. Nagagalit ka nga kapag may humahalik sa akin na iba! Tapos ikaw hinahalikan mo siya!" May hinanakit sa boses ng dalaga.
Nabigla si Florian sa mga sinabi ni Sadia. Lumabas ang dalaga sa boutique.
Dali-dali naman lumabas si Florian sa boutique at sinundan ang dalaga.
"Tingnan mo ang ginawa mo! Mag aaway lang yung dalawa sa ginawa mo." Sambit ni Raul.
"Hey, Sadia! Teka lang hintayin mo ako!" Tawag ni Florian sa dalaga.
Tumigil sa pag lalakad si Sadia at humarap kay Florian.
"Isusumbong kita kay lolo Robert!" Inis na wika ni Sadia.
"Wow! So mag kakampi na kayong dalawa, ganun." Hindi makapaniwalang wika Florian.
"Ano naman ng isusumbong mo sa kanya aber."
"Isusumbong kita, sasambihin ko na may hinahalikan kang ibang babae!"
Napangiti si Florian sa inaasal ng babae nag seselos ba ito?.
"Are you jealous?" Nakangising tanong ni Florian. At dahan-dahan humakbang papalapit kay Sadia.
"Anong pinag sasabi mo atsaka wag kang lalapit sa akin galit ako sa'yo."
Turan ni Sadia at humalukipkip.
"Nag seselos ka ano? Aminin mo." Pangungulit ni Florian sa babae.
"Hindi ako nag seselos, hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi mo."
"Pasensya na hindi na mauulit, hindi na ako mag papahalik sa ibang babae. Wag kanang magalit riyan. I love you, you know that right? Walang babaeng pwedeng pumalit sa'yo dito sa puso ko."
Umismid lang ang labi ng babae. Binilihan nalang ni Florian ng ice cream si Sadia, tig-isa silang dalawa.
"Sobrang sarap talaga ng ice cream na ito." Sambit ni Florian habang kinakain ang isang apa ng ice cream. Iniinggit ni Florian ang dalaga, hindi kasi siya nito pinapansin.
Ayaw kasi tanggapin ni Sadia ang ice cream na kanyang binili.
"Hmmm, ang sarap talaga!"
Pa-simpleng tiningnan ni Sadia si Florian sarap na sarap ito sa kinakain na ice cream.
Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan niya.
"Bahala na nga nauuhaw na ako e," mahinang usal ni Sadia. Nag lakad ito papalapit kay Florian at inagaw sa isang kamay ng lalaki ang apa na hawak nito.
"O, akala ko ba ayaw mo?" Naka ngising wika ni Florian. "Nauuhaw kasi ako!" Iritang sagot ni Sadia at tumalikod na at nag lakad pabalik sa boutique.
"Tsk! Pa-ayaw-ayaw gusto rin naman pala. Haist, mga babae talaga hirap kausap."
Saad ni Florian at napa-haplos nalang sa batok niya.