Nang magising si Sadia kinabukasan ay wala na si Florian sa kanyang tabi. Agad siyang bumangon sa kama at nag hilamos at nag ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto. Alas sais palang naman ng umaga medyo madilim sa labas dahil medyo umaambon. Pababa na siya ng hagdan ng makasalubong niya siya Anisa ang katulong. Ngumiti ito sa kanya at binati siya nito. “Good morning ma'am Sadia.” “Good morning Anisa.” Nilagpasan niya na ito at nag patuloy sa pag baba ng hagdan. Dining room palang siya ay amoy niya na ang mabangong ulam mula sa kitchen. Agad nakaramdam ng gutom si Sadia biglang kumalam ang sikmura niya. Dumeretso siya sa kitchen sa pinto palang natanaw niya na ang malapad na likod ni Florian. Walang itong suot pang itaas kaya naman lantad ang tattoo nito sa likod. Bawat pag kilos ni

