“Florian! Nasaan kana. Galit ka ba sa akin dahil sa mga sinabi ko sa'yo. Bumalik kana pakiusap, miss na miss na kita. Malapit na akong manganak, sana bumalik kana.” Humihikbing sambit ni Sadia. Sa mga sumunod na linggo ay parang lumala ang pag kirot ng dibdib ni Sadia. Nangangayat narin siya dahil sa kakaiisip kay Florian, stress na stress siya maraming nag lalaro sa kanyang isipan. Halo-halo inis at pag aalala para sa lalaki ang laman ng kanyang isipan. Hindi kaya may nangyari na kay Florian kaya hindi ito nag papakita. Kahit ganun ay hindi sumuko si Sadia ilang beses siyang pabalik-balik sa mansion ni Florian. Minsan sa bahay ni Don Robert o di kaya sa mansion ni Diego. Pero bigo siya lagi wala siyang naabutan doon. Tanging mga tauhan lamang ang naroon. Labis niyang pinag tataka kahit

