Timothy “Kamukha talaga niya si Dara, ‘di ba?” tanong ko habang nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Eloise na nakatanaw sa dagat. Tinulungan ko siya na mag-edit ng vlog niya para sa shot namin sa lighthouse. Bago pa lang si Eloise sa pag-e-edit ng video kaya inaalalayan ko pa. Her shots were somewhat shaky still and she still needs a lesson in framing her shots, but not bad for the first vlog. Wala lang talaga itong tiyaga sa editing. Nang pahinga ako sa pag-e-edit, naisip ko na naman si Cintha, ang babaeng kahawig ng namayapa kong kaibigang si Dara. Mahigit isang oras na mula nang makaalis siya at ihinatid ni Tito Basilio. “Iniisip mo pa rin ba ‘yung gusgusin na kahawig ni Dara? Please. She’s gone. ‘Di na natin siya makikita, thank God. At makakalimutan na rin siya ni Tita Eleonor,

