Timothy Gulat ko siyang nilingon. Nang makita ko siya kaninang nag-iinom at parang may mabigat na dinadala, iniisip ko na baka naapektuhan lang si Tito Basilio na makita si Cintha na kamukha ng namayapa nitong anak na si Dara. “Bakit naman po ninyo nasabi, Tito? May nangyari po bang hindi maganda?” nag-aalala kong tanong. “You know how your Tita Eleonor was set to marry me since we were young, right? Our parents are close to each other and it’s definitely good for business.” Tumango ako. “Opo.” Nasa real estate ang kompanya ni Tito Basilio habang ang pamilya naman ni Tita Eleonor ay nasa construction engineering. Nagkaka-tie up ang kompanya ng mga ito sa mga project. It makes sense that their family wants them to be together. “I don’t consider her as my girlfriend even if our marria

