CHAPTER SEVEN - Make Her Stay

1254 Words
“OH! This place is wonderful,” sabi ni Tita Eleonor habang nakadipa ang mga bisig at nakatayo sa gilid ng cliff sa Malabrigo Lighthouse. “Para ka na rin nag-Udo Island sa Jeju. Right, Dara? Dara?” Nakatayo lang ako ‘di kalayuan sa kanya at kumukuha ng video para ipadala kay Mama at Papa. Nagbilin ang mga ito na magpadala ako ng video. Gusto daw matiyak ng mga ito na nag-e-enjoy siya. Eloise took care of our videos on her vlog pero gusto daw ni Mama na mag-send ako ng video ng pictures na sarili kong kuha, gaya ng dati. Gaya nang kasama ko pa si Dara. “Tita, pupunta daw po siya sa taas para kumuha ng pictures kasama si Eloise,” nanulas sa bibig ko bago pa ako nakapag-isip.  “Oh! Ikaw na lang ang kumuha ng picture ko.” At dumipa ulit ito ng pose pero sa pagkakataong ito ay nakangiti nang nakalingon sa akin.  Nasanay na rin ako na magpanggap sa buong araw na magkakasama kami. Natuto na akong gumawa ng mga excuses kung saan-saan napupunta si Dara kapag hinahanap ni Tita Eleonor.  Mainit ang open area na iyon sa gilid ng bangin na nakaharap sa dagat pero hindi alintana ni Tita Eleonor. Sa likuran namin ay ang historical na Malabrigo Lighthouse. Maaga pa para sa sunset dahil alas tres pa lang noon ng hapon pero kanina pa kami namamasyal doon. Paborito ni Dara ang lighthouse.  Paano ko naman magagawang sabihin dito ang totoo kung  nakikita ko na masaya ito? Matagal na panahon ko na rin siyang ‘di nakitang ngumiti. Mahigit dalawang taon. It somehow comforted me that she was okay. I somehow felt better, in a way.  Naging seryoso si Tita Eleonor matapos kong kuhanan ng picture. “I can’t believe that Dara is in boarding school for two years. Mabilis lumipas ang panahon at ‘di ko man lang napansin.” “Kaya nga po, Tita.” “She wants to be independent but I think she’s still too young and I want to take care of her. Convince her to stay here in the Philippines and join you at the academy. International school din naman ang school ninyo. What’s in Korea that she likes so much.” Yes, that was Dara’s plan had she been done with junior high school. May mga listahan na siya ng lilipatang eskwelahan sa Korea at kaya ito sumama sa international youth camp para ma-meet ang ibang Korean delegates. Iyon ang natanim sa isip ni Tita Eleonor para punan ang dalawang taon sa alaala nito - natuloy sa boarding school sa South Korea si Dara dahil gusto nitong maging independent.  Isinipa ko ang paa sa bato. “She likes the boarding school in Jeju. They focus on arts and performance. Pangarap ni Dara na matuto ng iba’t ibang dance discipline at mahasa ang pagkanta niya.” “Yes, she wants to be an idol. Even Eloise is training here to be an idol. Hindi ko na ba talaga sila mapipigilan? Is this what they really want to do in life?” Sinapo nito ang ulo. “Ikwento mo nga sa akin kung paano ko pinayagan na mag-aral sa Jeju si Dara. I remember arguing with her. H-Hindi ko na maalala.”  Mabilis ko siyang inalalayan para hindi matumba. “Tita, masyado kong mainit dito. Bakit hindi kayo bumalik sa van kung saan mas malamig?”  At sinenyasan ko ang nurse na lumapit. Hindi ko na alam sagutin ang tanong ni Tita Eleonor. “Ma’am, balik na po tayo sa van. May aircon po doon,” ani Nurse Lyn at hinawakan si Tita sa balikat.  “But I want to watch the sunset with Dara.” “Bumalik na lang po kayo mamaya, Tita, kapag mas malamig na,” sabi ko at kinawayan ang driver na  nasa gate ng lighthouse at nakaantabay. Sinalubong nito si Tita Eleonor at Nurse Lyn. Napansin ko na sumunod na rin si Eloise sa mga ito paglabas ng lighthouse.  “Nasaan ang Tita Eleonor mo?” tanong ni Tito Basilio nang lumabas ng lighthouse. Nakipag-kwentuhan pa ito sa caretaker at isa sa mga guest. Mahilig si Tito Basilio sa mga historical places kaya maraming tanong. Nakakalimutan nito ang lahat kapag gano’n ang topic ng kwentuhan.  “Bumalik na po sa van. Sabi niya kumbinsihin ko si Dara na huwag nang bumalik sa Korea para mag-aral tapos bigla niya akong tinanong kung paano daw siya nakumbinsi ni Dara na mag-aral sa Korea.” “Anong sabi mo?” “Sumakit po ang ulo niya. Siguro po iniisip talaga niya kung ano ang nangyari. Kaya pinahatid ko na po siya kay Eloise sa van. Ayaw naman po niyang umuwi dahil gusto daw po niyang mag-sunset watching.” “She’ll be fine.” Humarap si Tito Basilio sa dagat. “Nakaka-miss si Dara. Kung nandito iyon, magpapakuha iyion sa iba’t ibang parte nitong lighthouse. And you have to trail her to get her nice videos. You encouraged her to explore.” Ako talaga ang mahilig sa pagkuha ng videos at photography. Then Dara danced and sang and documented her. Sumunod, siya naman ang nag-document ng football games ko at iba pang activities niya. She became bolder even and wanted to go in an adventure on her own. Kasama ako sa mga plano niya. Ngayong wala na siya, wala na ang lahat ng plano na iyon. Sunod na lang ako sa agos. Wala akong interes sa mga dating pinagkakaabalahan ko - traveling taking videos, music, and football. They were all gone. Hindi na ako kasing passionate gaya ng dati. Himala nga na mataas pa rin ang grades ko dahil pakiramdam ko minsan wala na rin akong gana. Nagkataon lang na matalas ang memorya ko at mabilis akong maka-pick up ng lessons kaya ‘di nag-aalala ang parents ko. “Minsan parang gusto ko na lang din isipin na buhay pa siya. Na nandiyan lang siya sa paligid. May kumupkop sa kanya na taga-liblib na lugar?  Nakapag-aral na kaya siya? Kumakain kaya siya sa oras?” Pinakamasakit sa isang taong nawalan ng mahal sa buhay na ‘di makita ang katawan ng taong iyon. Naroon pa rin ang pag-asam na baka buhay pa ito. Mahirap tanggapin dahil walang tangible evidence na wala na nga si Dara.  Nagulantang kami sa tawag ni Eloise.“Tito! Timothy!” Tumatakbo ito palapit sa amin habang kumakaway. “Tulungan n’yo ako.” “Anong nangyari?” tanong ko at patakbong sinalubong ito. Humihingal ito na tumuro sa gate ng lighthouse. “M-may malaking problema. Pinagkakagulughan po si Tita Eleonor ng mga bata kanina na nagtitinda. I… I accidentally pushed one because they were crowding her and she isn’t feeling well. May babae na ipinagtanggol ‘yung street kid.” “Napaaway ba si Eleonor doon sa babae?” “No. Tita is hugging her and claiming that she’s Dara. Now she’s mad at me for arguing with the girl.” “What?” bulalas ko. This is bad. Pati ibang tao kine-claim na ni Tita Eleonor na si Dara. “Let’s go. Parang di ko na mapapalabas si Eleonor kung ganito. I thought she was getting better,” ani Tito Basilio at malalaki ang hakbang patungo sa parking area.  Naabutan nga namin siya na yakap ang isang dalaga. Nakamata lang dito ang driver at ang ibang  nagtitinda. “Anak, huwag ka nang aalis. Dito ka na kay Mommy.” Napagmasdan ko ang babaeng yakap ni Tita Eleonor at parang namamalik-mata ako. “Dara?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD